• Walang Nahanap Na Mga Resulta

Ang Nagtutunggaling Interes at Kaunlaran sa Gitnang Luzon: Ugat ng Alyenasyon

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Share "Ang Nagtutunggaling Interes at Kaunlaran sa Gitnang Luzon: Ugat ng Alyenasyon"

Copied!
22
0
0

Buong text

(1)

Ang Mauwak at Lagarian Bilang Lunan ng Alyenasyon sa Nobelang Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador Mirasol

(Mauwak and Lagarian as Spaces of Alienation in Dominador Mirasol's Novel Gold is The Brown Earth)

Claudette M. Ulit

Abstrak

Naiiba ang nobelang Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador Mirasol sa malinaw nitong pagtatampok sa mga paghihirap ng mga magsasaka/ manggagawa sa kanayunan.

Mababakas sa kanila ang pagkatiwalag at kawalang lugar sa lipunan. Inagaw ang kanilang lupa, maging ang kanilang trabaho, at muling nasadlak sa hirap sa pangkabuhayan at panlipunang aspekto. Tatalakayin ng papel na ito ang mga nabanggit mula sa Marxistang pananaw nang may tuon sa ugnayan ng mga tauhan sa kanilang kapaligiran na higit sa ano pa mang salik ay nagtatakda ng kanilang tiwalag na kalagayan at mga karanasan. Ang alyenasyon para kay Marx ay isang makapangyarihang puwersa na nagtutulak sa tao tungo sa mga negatibong udyok ng pagkaawa sa sarili, kahinaan, at karahasan, gayunman maaari ring magbunsod ng mga positibong resulta ng pagsusuri sa sarili at pagtitiwala sa sariling kaalaman. Tulad ng naging resolusyon ni Mirasol sa kanyang nobela na nagtutuon sa naisantabing lakas ng mga biktima nito, sa gayon nagmumungkahi ng landas tungo sa paglaya.

(Dominador Mirasol's Ginto ang Kayumangging Lupa (Gold is The Brown Earth) is

extraordinary in its explicit presentation of the tribulations of the peasants in the countryside.

There is a sense of alienation and rootlessness existing among them. Their land, even their work was snatched away from them and they were thrown back to suffer both economically and socially. This paper tackles this problem from a Marxist perspective with emphasis on the characters' relationship to their surrounding spaces which more than any other factor determines their alienated state and experiences. Alienation for Marx is a powerful force, one that moves humans toward the negative impulses of self-pity, vulnerability, and violence, but that can also lead to positive results of deep introspection and intellectual independence. Same with Mirasol's resolution which highlights the overlooked strengths of its victims thereby suggesting paths toward liberation.)

Mga susing salita: alyenasyon, Gitnang Luzon, piyudalismo, kapitalismo, rebolusyon Keywords: alienation, Central Luzon, feudalism, capitalism, revolution

(2)

Ang Pananaw ni Marx sa Alyenasyon

Nakaugat ang paniniwala ni Marx hinggil sa pagkatiwalag o alyenasyon sa kanyang pilosopiya ng kalikasan ng tao at gayundin ng paggawa.Ang pagiging tao para kay Marx ay nangangahulugan ding panlipunan.Ang tao ay nagiging

“tao” hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang paggawa kundi sa pamamagitan din ng pakikipagkapwa (Schacht 90). Ang panlipunang katangian ng tao ay nakikita sa kanyang pagkakaugnay sa iba. At ang tao ay naiiba mula sa mga hayop dahil ang tao ay may tinatawag na kamalayan o consciousness.

Sa isang kapitalistang lipunan, ang alyenasyon ay yumayabong sa pamamagitan ng, una, ang presensiya ng pribadong pag-aari; ikalawa, ang transpormasyon ng makataong paggawa bilang isang kalakal o komoditi; at ikatlo,sa sistema ng dibisyon o pagkakahati-hating paggawa o trabaho.Dahil sa sistema ng pribadong pag-aari, ang produkto o obhetong nalilikha ng manggagawa ay pag-aaring iba.Wala siyang kontrolsa proseso ng produksyon o sa mismong produkto ng kanyang paggawa. Samakatuwid, hindi niya nabibigyang kaganapan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng produkto ng kanyang paggawa. Ang produkto ay nagiging banyaga sa kanya. Hindi niya mapaunlad ang sarili– ang kanyang mentalat pisikalna lakas.

Sa nasabi ring uri ng lipunan, ang makataong paggawa ay nagiging isa nang kalakal o komoditi. Ang manggagawa ay napipilitang ipagbili ang kanyang lakas kapalit ng salapi (suweldo/sahod). Subalit para kay Marx, ang sahod ay isa ring produkto ng alyenasyon, at maging ito mismo’y nagdudulot ng pagkatiwalag.Sa sistemang kapitalista,ang manggagawa ay ikinukunsidera bilang isang panibagong anyo ng kapital,at dahil dito,ang kanyang halaga ay nagbabago alinsunod sa “supply and demand”.Ang manggagawa ay itinutumbas na lamang sa iba pang anyo ng kalakal(Schacht 110).

Ang ikatlong salik,ayon kay Marx,ay ang dibisyon o pagkakahati-hati ng gawain o trabaho. Ang indibidwal ay napipilitan na maging “one-sided being” upang maisakatuparan ang isang partikular na trabaho o hanapbuhay.

Hindilamang nito ninanakawan ang tao ng iba pang paraan ng pagpapahayag ng sarili kundi itinutulak din siya nito upang maging katulad o kaisa ng iba pang naihulma na sa isang pagkataong basag at watak-watak.

Ipinakita rin ni Marx na dahilan sa nangingibabaw na kondisyon ng kapitalistang lipunan, kung saan ang manggagawa ay kailangang makipagtagisan o makipagkompitensya sa iba, makikitang maitutulad ito sa digmaang ang lahat ay kailangang makipagtunggali upang mabuhay. Ito ang tinutukoy ni Marx na “civil society” kung saan ang lahat ay iginigiya ng mga

(3)

kahingiang “egoistic” at pansariling pangangailangan. Isa itong walang hanggang pagpupunyagi upang mabuhay at ito ay nag-uugat mula sa sistema ng pribadong pag-aari.Sa ganitong pakikibaka,ang tao ay umiiralpara lamang sa kanyang sariliat hindipara sa kanyang lipunang ginagalawan o kapwa-tao.

Ang solusyon para kay Marx ay nasa pagbabalik kung saan muling iniaangkop ng sariliang pag-iralat ang pagbabalik ng sariling kapangyarihan sa ilalim ng kontrolng kamalayan,samakatuwid – kamulatan.

Kung kaya’t ang paggawa/pagkilos tungo sa kalayaan ay nararapat lamang isagawa o isabalikat ng mismong tiwalag.Hindi ito maaaring makuha sa lakas na nagmumula sa labas.Ang mga eksternalna lakas na ito ay lumalakas o yumayabong dahilna rin sa kawalang lakas o kapangyarihan ng tao;hindiito maaaring maging bukalng pagkakabuo ng sarili.

Para kay Marx, ang transpormasyon ay hindi magaganap hangga’t ang mga uring manggagawa ay hindi nakikita o nauunawaan ang kanilang kalagayan na sila’y nagiging tiwalag na obheto ng kanilang sariling paggawa, hangga’t hindi nila nauunawaan ang dehumanisadong kalagayan. Ang ideyolohiya1 ay hindi lamang idinidikta o ipinipilit, kundi ito ay muling nililikha sa mismong naaapi.Kaakibat o likas na sa mga uring manggagawa na makita ang kapitalismo bilang manipestasyon o pagpapakita ng di- mapapasubaliang batas ng kalikasan. Subalit sa sandaling maging malay ang mga naaapi sa kanilang pangunahing interes bilang mga api at dehumanisadong uring tao sa lipunan,sisimulan nilang usisain at tuklasin ang pamamalakad at kalagayan ng lipunan na kanilang kinalalagyan. Ang kakayahan ng tao sa kritikal na pang-unawa ay magiging kamalayan ng isang kolektibong uri, isang mapagpalayang kamalayan na isang pangangailangan sa isang rebolusyon.2

Ito ay maituturing na isang pandaigdigang pagkilos ng mga proletaryo na may layunin tungo sa positibong abolisyon ng pribadong pag-aari, ng pagkatiwalag sa sarili ng tao, at samakatuwid, ang tunay na apropriyasyon ng kalikasan ng tao. Kay Marx, ang tiyak at huling makataong hangarin o tunguhin sa madaling salita ay ang pagbabalik ng tao sa kanyang sarili bilang isang nilikhang nauugnay sa iba,sa lipunan,gaya ng pagiging tunay na “tao”–

kung saan bitbit sa sarili ang lahat ng kasanayan at kaalamang nakuha sa mga nakalipas na karanasan o pag-unlad (development) (Fromm 96).Kasama na rito ang kabuuang pag-aakma, pag-aangkop at pagsakop sa materyalistikong mundo na nawala sa tao sa pamamagitan ng obhetipikasyon ng kanilang paggawa, at samakatuwid, ang pagpapasakamay ng mahahalagang makataong katangian na nawala sa kanya.

(4)

Hindilamang tinutukoy niMarx ang kalayaan o emansipasyon ng iilang tao lamang,kundi ang kalayaan ng sangkatauhan sa kabuuan.3 At kaakibat ng transpormasyon ang kamalayan,ang pangangailangan ng tao sa isang praktikal na pagbabago ng kasalukuyang materyalistikong mundo.

Ang Nagtutunggaling Interes at Kaunlaran sa Gitnang Luzon: Ugat ng Alyenasyon

Hindi nalalayo sa tunay na larawan ng Gitnang Luzon ang mga pangyayaring naganap sa mismong lunan ng nobela na sa isang nayon din sa naturang rehiyon. Kung kaya’t mahalaga rin ang pagtalakay sa mga kaganapan at kondisyon noon na naghulma sa isang lipunang batbat ng alyenasyon; upang maipakita na tunay ngang umiiral ang ganitong kalagayan sa lipunan ng mga magsasaka / manggagawa.4

Ang kaunlaran ang pangunahing itinuturong dahilan sa mabilis na pagbabago ng lugar na ito, partikular ang mabilis na pagdami ng populasyon, kapitalismo, at maging ang pagpapalaki o pagpapalawak ng saklaw at kapangyarihan ng pamahalaan.5 Karamihan sa mga naninirahan dito ay nangangailangan ng lupa upang mabuhay, kaya naman ang mga lupang halos gubat pa at hindi pa nagagalaw ay nilinang at tinaniman upang mapakinabangan. Habang ang mga lupang maaaring mapakinabangan at mataniman ay may hangganan, ang populasyon ay patuloy sa paglaki. Kaya naman taong 1942 pa lamang kung saan kasisimula pa lamang ng pamamalagi rito ng mga Hapones,halos lahat ng mga kaparangan at kakahuyan ay naging bukid o palayan. Sa pagkakataong ito, makikita rin na napipilitang magtanim ang mga magsasaka kahit na hindimaganda ang lokasyon,maging ang lupa ay hindiganoon kataba na dati-ratiay inaayawan ng mga magsasaka.

Taong 1930’s pa lamang,ang lahat ng mga paisano ay desperado na para sa lupa.Dagdag pa rito ang katotohanang habang kakauntiang nagmamay-ari ng lupa,halos lahat naman ay dumedepende sa mga panginoong maylupa para sa kapirasong bahagi ng pag-aari nitong bukid na maaari nilang upahan at pagtaniman.Kadalasan din,ang mga panginoong maylupa ay humihinginang higit pa sa pinag-usapan nila ng kasamá.Naroong pagbantaan ang mga ito na papalitan kung tututol sa nais mangyari ng panginoong maylupa. At habang nangingibabaw ang pagnanais ng mga nagmamay-ari ng lupa na kumita o tumubo, ang kanilang mga itinatakdang kahingian ay mahigpit na ipinatutupad.

(5)

Nakita ng mga panginoong maylupa na maaari pa silang tumubo at kumita mula sa mga naipagbibiling ani. Pinangatwiranan nilang sa pamamagitan ng kanilang mga lupa, ng kanilang kapital, at ng kasanayan sa paggawa ng kanilang mga kasamá,higit na mas maramiang kanilang maaaring maipagbilig ani. Ang kapitalismo na gumagapang at nararamdaman na sa lipunang Pilipino bago pa man dumating ang mga Amerikano, ay lalo pang nag-ibayo pagsapit ng ika-20 siglo. Isa ang mga panginoong maylupa sa nagpakalat at nagpalago ng kapitalismo at gayundin ng isang ekonomiyang nakasalig sa salapisa pamamagitan ng pagtugon sa merkado para sa agrikultura.

Gayundin, higit sa anupamang panahon, ang pag-aari ng lupa sa mga panahong ito ay naging paraan na ng pagkakamalng salapiat kayamanan.Ang nangingibabaw na kaisipan noon ay ang pagbiling lupa sa mababang halaga at ipagbili ito sa mataas na halaga. Ang pagbebenta naman ng mga biyayang nakukuha rito gaya ng pananim ay iba pang usapan.

Ang mayayamang panginoong maylupa ang siyang pangunahing nakinabang sa ganitong kaayusan.Bibihirang mangyarina ang mga maralitang magsasaka ay may sapat na ikinabubuhay kahit na sila pa mismo ang siyang nagtanim, nagpalaki, at nag-ani ng mga palay o pananim. Karaniwan nang tagpo ang panghihiram ng bigas ng mga magsasaka sa iba sa kadahilanang ni wala silang maibentang bigas kahit na isang sako man lamang. Kaya naman kulang na kulang ang kanilang kinikita para sa pangangailangan ng pamilya na dahilan na rin para ang karamihan sa kanila ay hindimapag-aralang mga anak sa mga pampublikong paaralang itinayo ng gobyerno sa mga lalawigan.

Madalas na napag-aaralnila ang mga ito,subalit hanggang ikatlo at ikaapat na grado lamang sa elementarya at pagkaraan ay mapipilitan nang huminto dahil sa kakulangan sa pambayad ng matrikula. Habang ang mga pamilyang nagmamay-ari ng lupa ay nasusunod ang lahat ng luho sa buhay at katawan.

Kadalasang napag-aaralang kanilang mga anak sa mga paaralang matatagpuan sa kabayanan, at matapos ito’y naipadadala pa ang mga anak sa mga kilalang pamantasan o unibersidad sa Maynila o di-kaya’y sa ibang bansa. Ang tunggalian sa pagitan ng mayaman at mahirap ay lalong tumindi at lumalim.

Ikinagalit ng mga paisano o maralitang magsasaka ang katotohanang hindi ibinabahaging mayayamang pamilyang ito ang tinatamasang kaginhawahan sa buhay.Ang pagbabahagiay masasabing tradisyunalna pagpapahalaga lalo na sa mga lalawigang tulad nito subalit hindi ng isang kapitalistang lipunan. Sa kabilang dako, ang pagtatakda ng mga mahihigpit na kahingian, iba pang pautang o pagpapahiram,at paggawa ng iba pang manipulasyon,nagagawa ng mga panginoong maylupa na kunin sa mga magsasaka ang higit pa sa nararapat, ang hindi patas na pagbibigay ng anumang dapat na mapasakamay

(6)

ng mga magsasaka, at gayundin, ipasa sa mga maralitang ito ang anumang pagkalugi o sobrang gastusin na nararanasan nila (Kerkvliet 21). Nariyan din ang hindimakatarungang pamamalakad ng gobyerno sa isang lipunang ruralna tulad nito na nakaapekto nang malakisa mga maralitang magsasaka dahilan na rin sa itinuturing silang “mahina” kumpara sa mga mayayamang asendero.

Kadalasan ay hindi natutugunan ang anumang inilalapit nilang pangangailangan o suliranin, kung nakarating man sa korte ang reklamo o problemang inihahain ng magsasaka, asahang kung hindi iaanunsiyong talo, paghihintayin sa wala ang magsasakang naghabla hanggang sa siya na rin mismo ang sumuko sanhi ng matagal na panahon at sobrang gastusing hindi naman niya matutustusan.

Hindipantay ang pagkalat ng kapitalismo sa bansa.Nagkataon na rin na pinakaapektado ang Gitnang Luzon kumpara sa ibang rehiyon dahil na rin sa kondisyong agrikultural nito kung saan napakainam ng ani, at sa maayos na kalsada at imprastraktura nito.Kasabay nito,ang kabuuang lipunan sa Gitnang Luzon ay nakaranas na ng malawakang pag-unlad kumpara sa ibang rehiyon na nagbunga ng higit na paghihirap sa mga paisano na naninirahan doon. Ang ganitong mga pangyayariay nagkaroon ng implikasyon sa pag-unawa hinggilsa rebelyon ng tinatawag na Hukbalahap.

Ang pagtaas ng populasyon ay nagbunsod din sa mataas na pangangailangan sa lupa,at gayundin ang kapitalismo ay nagdulot ng labis na pangamba at kawalang-seguridad sa halos karamihan ng naninirahan sa Gitnang Luzon.Gayundin ang mga salik na ito ang nagdulot ng pagkawala ng paternalistikong ugnayan at maging ng interes sa pagitan ng mga elitistang nagmamay-aring mga lupain at ng mga nangungupahang magsasaka sa kanila.

Yamang noon ang tao o magsasaka ang siyang pangunahing kailangan ng mga panginoong maylupa,agad itong napalitan ng salapiat labis na pagkagahaman sa pag-aari. Naging “negosyo” ang relasyon sa pagitan ng dalawa – ang mga magsasaka ay mga manggagawa na inuupahan habang sila’y may naibabahagisa pagkakamal ng salapi ng paginoong maylupa, habang kaya pa niyang magbungkal ng lupa. Ang ganitong pag-uugali ay tunay na posible dahilan sa ang mga may-aring ito ay nahiwalay na sa pangkalahatang sistemang panlipunan at kulturalna siyang kinalakihan at kinatandaan ng mga sinaunang nagmamay-ari ng lupain. Higit na maikli ang panahong inilalagi nila sa lalawigan. Karamihan sa kanila ay nakapag-aral na sa Maynila o di-kaya’y sa ibang bansa. Napakaliit lamang ng kanilang karanasan upang maiugnay at mailapit nila ang kanilang mga sarili sa mga magsasakang nagpapala’t naghihirap sa kani-kanilang mga lupain.

(7)

Ang Mauwak at Lagarian: Lunan ng Alyenasyon

Makikita sa nobelang Ginto ang Kayumangging Lupaang kalagayan ng Gitnang Luzon – partikular ang nagtutunggaling interes ng panginoong maylupa at kasamá, gayundin ang mga “pagbabagong” nagbunsod sa pagkakaroon ng destabilisasyon.Sa nobela ay makikita na ang tinatawag na kapitalistang moda ng produksyon na siyang basehan ng lipunang Pilipino bago pa man sumapit ang dekada 60. Ang lipunang inilarawan ay makauri – hati sa iilang mayamang maylupa’t namumuhunan at sa nakararaming mahirap na magsasaka’t manggagawa.

Bagama’t hindi hinanap ni Dominador Mirasol ang ugat ng sistemang ito sa ating bansa,at bagama’t ang kapitalismo ay ipinaliliwanag lamang niya sa isang limitadong pamamaraan na hindi na tumatalakay sa mga eksternal na salik,nagawa pa rin niyang talakayin ang mga puwersa at relasyong pamproduksyon.Sa nobela makikita ito sa pamamagitan ng ilang pangunahing katangian: una, sa institusyon ng pribadong pag-aari, ang transpormasyon ng makataong paggawa bilang isang kalakal o komoditi, at ang sistema ng dibisyon o pagkakahati-hating paggawa o trabaho.

Bagama’t sa una ay pyudal din ang uri ng sistemang panlipunang namamayani sa Mauwak, makikita na ang bakas ng kapitalistang uri ng lipunan. Nariyan ang larawan ng mapagsamantala at pinagsasamantalahan.

Ito’y pinatotohanan ng pagkakaroon ng malaking sakahan o taniman na pag- aari ng tinatawag na panginoong maylupa sa katauhan ni Senyor de Salazar.

Nangungupahan sa kanya ang mga magsasaka. Hindi sa pamamagitan ng pagbabayad ng salapi,kundisa hatian ng ani.Sa pamamaraang ito,kadalasang nakararanas ang mga magsasaka ng hindi pantay na pagtrato sa kamay ng nagmamay-ari ng lupa. Gaya ng paglalarawan ni Mirasol sa hatiang singkuwenta-singkuwenta, gayong ang mga magsasaka pa ang sumasagot sa punla’t pataba.

Naroon sa Mauwak ang imahen ng panginoong maylupa sa katauhan ng Senyor, na inilarawang gahaman at sakim. Hindi naiiba ang kanyang pamamalakad sa larawan ng isang tunay na panginoong maylupa noong mga panahong iyon. Mayroon siyang mga katiwala sa katauhan nina Kulas at Bosyong, mga taong lubos niyang pinagkakatiwalaan. Ang mga ito ang kadalasang nakikisalamuha sa mga magsasaka,hindilamang para maging tulay sa pagitan ng Senyor at mga magsasaka kundi upang maging “mata at tainga”

ng Senyor. Kaya naman pinaplano pa lamang halimbawa ang paghingi ng dagdag na parte o bahagi sa naani sanhi ng lalo pang pagkakalubog ng mga

(8)

magsasaka sa utang ay alam na ito ng Senyor. Madalas na walang kinahahantungang mabuti ang pakikipag-usap ng mga magsasaka sa kanya sa kadahilanang naroon ang paniwala niyang lupa ng kanyang angkan ang bumubuhay sa mga taga-Mauwak at kahit kailan ay walang karapatan ang mga magsasakang ito na magreklamo sa mga napagkasunduan. Madalas na buhay ang kapalit ng sinumang magtatangkang kumalaban sa kanya, gaya na lamang ng matatandang magsasaka na ama-ama ng mga kabataang kilalang kumakalaban sa Senyor, na walang awang pinagpapatay sa salang

“pagnanakaw” ng bigas sa konohan. Sa ganitong sitwasyon, pikit-matang sinusunod ng mga magsasaka ang anumang patakarang mayroon ang Senyor – pabor man sa kanila o hindi. Isang kagawiang nagpasalin-salin hanggang sa mga anak at apo ng mga magsasaka.Gaya na lamang ng nangyarikay Moises.

Naitanim na sa kanyang isipan na ang angkang de Salazar ang nagpala sa kanyang buong pamilya.Kaya naman mula’t sapulgaya ng kanyang ama at ama ng kanyang kanunununuan, ni minsan hindi niya nagawang lumaban, ni magsalita sa harap ng Senyor. Tila sa isang dukhang nasa isang lipunang pyudal,ang utang-na-loob ay isang batas na di-nakasulat o isang uring lambat sa kamalayan.Tutuparin mo ito sapagkat siyang inaasahan o iniaatas sa iyo ng lipunan.Kaya,sa oras ng paniniil,hindikataka-takang higit na piliin niMoises na umalis na lamang, iwanan ang lupang sinasaka kaysa sumama sa ilang kanayong piniling ituwid ang para sa kanila’y maling pamamalakad. Hindi na niya nasaksihan pa ang sumunod na naganap sa Mauwak,ang pagbabago rito – sa pagkamatay ng Senyor,dumating naman ang anak nito mula sa Maynila na may paniwalang naging malambot pa ang kanyang ama sa pamamalakad sa lupain, para sa kanya ito ang pangunahing dahilan ng kamatayan nito. Tulad ng anak ng mga panginoong maylupa sa Gitnang Luzon,iba na ang kanyang paniniwala. Kasabay nito ang paglitaw ng mga upahang magsasaka,ang pag- iralng lalo pang karahasan at ang malawakang pagpapalayas sa mga magsasaka.

Sa Mauwak,namayaniang dahas ng salapi’t armas.

Sa pag-alis niMoises sa Mauwak,kasama ang iba pang “tulad niya”,tila naharap na naman sila sa panibagong anyo ng ekploytasyon. Nagtungo sina Moises sa isang lagarian. Pagsapit dito ay pumaloob sila sa isang sistema o moda ng produksyon.

Pribadong pag-aari ang nasabing kompanya. Ni minsan ay hindi naipakilala sa nobela kung sino nga ba ang nagmamay-ari nito. Malinaw lamang na may nagpapasuweldo sa mga manggagawa– isang tao o lupon ng mga taong kumikita at tumutubo kaya naman may kakayahang umupa ng daan-daang mangggagawa. Impersonal ang ugnayang namamagitan sa mga may-ari at maging sa mga manggagawa. Kahit na ang pagkuha sa mga

(9)

mismong trabahador ay ipinagkakatiwala na lamang sa iba. Patotoo nito ang nangyarisa mga taga-Mauwak na tanging siGoryo lamang na isang kapatas o katiwala ang kanilang kinausap at tumanggap sa kanila upang makapagtrabaho sa lagarian.Maging ang magdedesisyon sa kanilang pamamalagisa pabahay ay may iba ring tagapamahala.

Mababakas dito ang ayon kay Marx ay isa sa pinakamahalaga at mapanirang katangian ng paggawa,ang pagkakahati-hating trabaho.Mismong ang mga trabahador tulad nina Moises,Pastor at Lucas ay may kanya-kanyang gawain.Ang mga trabahador ay nalalagay sa ilalim ng isang katiwala o kapatas na tulad ni Goryo. Kahit kailan ay maaari kang tanggalin kung hindi ka na kailangan sa konstruksyon o kung ayaw mong sumunod sa "patakaran" ng kapatas o manedyer.At upang lalong maipakita ang kahalagahan ng pribadong pag-aari sa ganitong moda ng produksyon,nariyan ang timekeeper na nakaupo sa harap ng mesang yari sa di-katam na tabla na nagtatala ng kanilang mga pangalan sa oras ng paglulan nila sa mala-kahong sasakyan ng tram-line – na kahingian ng disiplinang industriyal.

Kaugnay ng pagkakahati-hati ng trabaho (division of labor) ay ang sistemang pagpapasahod sa mga trabahador o ang tinatawag na wage-labor o sahurang paggawa. Kakaiba ito sa sistemang pyudal na kung saan ang mga magsasaka ay nakikibahagi lamang sa panginoong maylupa ng produktong makukuha mula sa sinasakang lupain. Sa sistemang kapitalista ang mga manggagawa ay binabayaran nang arawan depende sa kakayahan ng mga trabahador at sa mga nakatalang upa o rates. Buhat pa sa sahurang paggawa, nakapaloob diyan ang tinatawag na occupational specialization. May kantero, tubero, karpintero, piyon sa bawat konstruksyon at hindi pare-pareho ang halaga ng sinasahod ng mga ito. Sa pagtungo at pagtatrabaho nina Moises sa konsesyon, makikitang napailalim sila sa ganitong sistema. Ayon na rin kay Goryo, may iba’t ibang puwesto na maaaring pasukan sa kompanya – maaaring sa lagarian, maaaring sa motor pool, kung mayroon sa kanilang mahilig sa opisina, sa kantina, sa klinika, at gayundin, maaari rin sa kapilya (Mirasol 24). Subalit dahil si Goryo ang kanilang kakilala’t naging daan para sila makapasok sa kompanya,lahat sila ay naging atsero sa bundok sa dahilan na ring si Goryo ang siyang namamahala rito.Wala man silang nalalaman, ni karanasan sa ganitong gawain, patunay ang pagsasakitan ng kanilang mga kasukasuan at pagkabanat ng kanilang mga laman at ugat,wala silang magawa kundiang sumabak sa trabahong ito para na rin mabuhay.Hindinagagawa ng tao ang talagang nais niyang gawin.Napipilitan ang indibidwal sa sinasabi ni Marx na maging isang “one-sided being” upang maisakatuparan ang isang trabaho o hanapbuhay. Dito sa pagkakataong ito, natuklasan ni Moises na

(10)

ritwalang pakikitunggali sa buhay at kamatayan na walang kasiguraduhan.Sa loob ng apat na buwan, naging paulit-ulit ang takbo ng buhay ng mga taga- Mauwak:

Madilim-dilim pa tuwing Lunes ng umaga ay maglalakad na sila patungong motor pool, na siyang kinaroroonan ng siks-by-siks na maghahatid sa kanila sa lugar ng tram-line. Bitbit ang tigi-tigisang bayong na kinasisidlan ng pagkain at pangginaw at iba pang gamit sa bundok sa loob ng sanlinggo, padamba silang magsasakayan sa trak, nakikipag-unahan sa iba pang manggagawa’t atsero. Aandar ang makina ng sasakyan, uusad, haharurot at mananalunton sa kalsadang natatambakan ng mapula, matigas na lupa’t mga bato, aahon pagkaraan sa daang inukab lamang sa gilid-gilid ng bundok,palikaw- likaw,hanggang sa sapitin nila ang isang kapatagan.Hihinto roon ang sasakyan at bababa sila at maglalakad ng ilang minuto hanggang sa kinaroroonan ng rolyo-rolyo ng matataba’t mahahabang kable,ng mga traktora’t katerpilar, ng mga trailer at siks-by-siks at ng gabundok na talaksan ng mga troso.Maputik at malangis ang paligid.(Mirasol29) Makikita rin na dahil sa paulit-ulit na takbo ng mga gawain sa araw- araw,nagbubunga ito ng negatibong epekto sa manggagawa.Nakababagot ang ganitong gawain, at gayundin limitado ang pag-unlad ng kasanayan. Dahil sa iisang kasanayan,nahihirapan ang manggagawa na lumipat sa kanyang gawain.

Hindi tuloy nakikita ng manggagawa ang tulong na ibinabahagi niya sa kabuuang produkto. Nawawalan din siya ng pagkakataon na maipakita ang sariling talento o kaya’y nawawalan ng gana o pagkukusa sa trabaho.

Maihahalimbawa rito ang nangyari kay Moises na labis na pagkabagot ang naramdaman sa pagtatrabaho sa lagarian:

Sa sarili’y kinabuwisitan niya ang di-magkamayaw na hugungan ng makinarya, ang hiyawang nagnanasang pumatay sa pagkakabagot ng mga manggagawa,ang lagapakan ng matitistis na mga tabla sa rolyete, ang lagabugan ng mga troso sa kamadahan, ang angilan ng mga lagariang kumakain ng troso’t tabla… Patay,walang buhay mandin sa kanya ang buong paligid ng lagarian. Ngunit kailangan niyang magtrabaho para makaipon ng pera.(Mirasol36)

Lumilitaw rin sa bahaging ito ang kawalang kontrol ng mga manggagawa sa lahat ng aspekto ng produksyon. Kumbaga ang lahat ay may batayang proseso na ipinapataw o idinidikta na lamang sa manggagawa.

Tutungo sa lugar ng paggagawaan,magpapatala,lilikha o magtatrabaho sa loob

(11)

ng itinakdang panahon ng kung anuman ang ninanais ng kapitalista, paglikhang naaayon o alinsunod sa pamantayang lilikha ng sobra-sobrang kita o tubo hindi para sa kanilang mga sarili kundi para sa iba– sa may-ari. Sa ganitong pagkakataon,hindimaipakita o maibigay ng indibidwalang anumang kakayahan na mayroon siya.Minsan nga’y wala naman doon ang kanyang isip, ang kanyang interes.Kailangan lamang niyang gumawa para na rin matugunan ang pansariling pangangailangan. Tulad nina Moises, mula pagsasaka ay napilitang magputolng punongkahoy sa kagubatan.Araw-araw ang layunin sa pagtungo roon ay makarami ng punong mapuputol, mabigyang-kasiyahan ang nagpapasahod sa kanila,upang kumita ito at gayundin tumubo nang husto.Sa ganito ring paraan, nakasisiguro ang mga manggagawa na kahit paano’y susuweldo sila – suweldo na madalas na hindinaman nagkakasya sa kanilang pangangailangan gayong sila itong nagpakahirap at nagpagod. Ni hindi rin naman iyon nadaragdagan halimbawa’t mas marami ang naputol nilang puno noong nakaraang araw kaysa susunod na araw. Malinaw na higit na nakikinabanang ang kapitalistang may-aring kompanya.

Masasabi ring sinususugan din ng ilang bahagi ng sipi ang isang paniniwala ni Marx–na ang paggawa ay nagiging dahilan na lamang upang matugunan ang isang pangangailangan–ang makaipon ng salaping makatutugon sa pangangailangan. Napipilitang ipagbili ng manggagawa ang kanilang lakas kapalit ng sahod, ng salapi. Ang manggagawa ay lumilikha ng kapitalat nakapamumuhay siya sa pamamagitan ng sahod na dahilan din upang patuloy siyang lumikha, kaya naman habang ginagawa niya ito, masasabi na siya na rin, ang manggagawa mismo ang naglalagay sa kanyang sarili sa kondisyong tiwalag, at higit pa rito’y patuloy ring nadedehumanisa ang kanyang pagiging “tao” at maging pagkatao. Sa isang lipunang tulad ng kinapamumuhayan nina Moises, ang lahat ay nakaangkla sa usapin ng salapi. Kung wala nito ang tao,hindisiya mabubuhay nang “marangal” at “makatao”.

Isang bagay rin na pinaiigting ng ganitong sistema ang katotohanang sila mismo,ang mga taong nakapaloob sa ganitong sistema ay nagkakawatak- watak.Ang ganitong proseso ang lalong nagbibigay kalang sa malayong agwat ng kapitalista at ng mismong manggagawa.Maging ang huliay nadidibisyon o nauuri-uririn.Maaaring ang lahat ay manggagawa,subalit dahilna rin sa iba- iba ang kanilang posisyon at gawain, madalas na hindi rin pare-pareho ang kanilang kitang naiuuwisa pamilya.

Idagdag pa na sa ganitong lugar, kadalasan ay wala namang mapaglilibangan. Maliban sa paminsan-minsang pangangaso ng mga usa’t baboy-ramo at pamamansing o pamimingwit ng mga lamang-tubig sa mga sapa,na kalaunan nga’y ipinagbawalna rin sa mga manggagawa ng konsesyon

(12)

dahilna rin sa nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde.

Ang mode of production at relasyong sosyal ang nagpapabago sa mga ideya at saloobin ng tao. Sa nobela, mahalaga ang pakikisama, damayan at utang na loob katulad ng pagtutulungan ng mga taga-Mauwak upang mabuhay o ang pagkakaibigan nina Pastor at Moises. Isa ring pagpapahalaga sa kanila ang pagsasawalang-kibo o passivity at pagpapasailalim sa nakatataas upang hindimawalan ng trabaho.At ang mga pagpapahalagang ito at paraan ng pag- iisip na ito ang nakaimpluwensiya at nakapagpabago sa mga gawain at pagkilos ng tao.

Ang kahalagahan ng edukasyon bilang isang susisa pag-unlad ng tao ay ipinakita niMirasolsa kaso niGoryo na siyang kapatas sa lagarian.SiGoryo ay anak din lamang ng isang dating magsasaka sa Mauwak subalit hindinatagalan ng ama nito ang aping kalagayan sa sinasakang lupa, kaya’t iniwan nito ang pagsasaka at naglakas-loob na magnegosyo sa tulong ng kaunting salaping naimpok. Nang lumaon, nagkaroon ito ng malaki-laking puwesto sa pamilihang-bayan at noon na nga nakalasap ng mabuti-buting buhay ang pamilya nito at napag-aral ang mga anak tulad ni Goryo. Bagamat hindi siya nakapagtapos ng karera ay nakatuntong din sa kolehiyo sa Maynila kaya nga hindi kataka-taka na magkaroon siya ng mataas na posisyon sa naturang kompanya at magkaroon ng mga sariling tauhan kung saan nga napabilang ang mga tulad niMoises.

Sa lahat ng nabanggit ay lumitaw ang kahalagahan ng pera o magandang puwesto upang mabuhay nang marangalsa loob ng namamayaning sistema, kaya’t hindi kataka-takang nasain ng mga magulang tulad ni Moises na makapagtapos ang kanilang mga anak sa paniniwala’t kagustuhang maging maganda ang kinabukasan ng mga ito.

Naging bikig din sa lalamunan ng mga manggagawa ang girian sa pagitan ng mga sundalo at mga ‘Balahap. Nalugi ang kompanya at hindi nga nagtagalay naipasara ito.Naging kalahating araw na lamang ang pasok ng mga manggagawa. Hali-halili pa sila sa pagtatrabaho: nagsisipagtrabaho na rin sa lagarian ang mga manggagawa sa iba’t ibang departamento ng kompanya, kabilang na ang mga atserong taga-Mauwak. Ayon nga kay Marx, nagiging imposible na para sa manggagawa na mabuhay o mamuhay nang hindiumaasa sa kapitalismo; ang gumawa ay nangangahulugang bumaba sa antas ng pagiging isang makina; ang hindi paggawa ay nangangahulugang kamatayan.

Halos pambigas na lamang ang kinikita ng mga manggagawa. Dumating din ang pagkakataong ipinasara na rin ang kantina. Sagad-ulo ang utang ng mga manggagawa.May mga gabipang nagsisipaglasing ang mga sundalo,na kapag

(13)

lasing na’y sapilitan ang panghihingi sa kantina ng kahit na anong maipupulutan. Wala mang makapasok na ‘Balahap ay sigurado namang masasaid ang laman niyon.

Sa pagtatapos ng buwan, wala nang trosong nakaistak at napilitan na ring isara ang lagarian.Tahimik na nga kung gabi,halos wala nang naririnig na putukan,ngunit hindinaman ibinababa ang pasabimula sa kuwartel.Bawalpa ring lumagpas sa lugar o hangganang itinakda ng kautusang-militar.

Nakaligalig sa magkakanayong taga-Mauwak ang pagsasara ng lagarian.Ayon nga kay Marx, kapag walang paggawa at huminto ang kapital, para na ring inililibing ng manggagawa ang kanyang sarilinang buhay.Wala silang magawa kundi maghintay na lamang ng patawag kung kailan sila muling makababalik sa pinagtatrabahuhan. At dahil nga sarado na ang kompanya at wala na ring mapagkukunan ng salapi upang maipambili sa noo’y nagsara na ring kantina, pinayagan silang manguha ng makakain sa paligid ng gusali na kanilang tinitirahan– may hangganan at hindisila maaaring lumagpas doon.Buhay ang kapalit ng sinumang lalabag sa kautusan.

May kasabihan ngang ang lahat ng bagay ay may katapusan, nauubos din kahit na mga bagay na kusang-loob na inihahandog ng kalikasan,tulad na lamang ng mga maaaring makain. Sa pagtatapos ng kaguluhan, may mga nadamay na wala namang kasalanan,halos walang ipinag-iba sa naranasan nila sa Mauwak– may mga kapwa sila magsasaka na nagbuwis ng buhay dahil sa paglabag sa batas, sa kautusan. Lumagpas sila sa hangganang itinakda ng militar upang makakuha ng makakain. Pinagbabaril sila sa pag-aakalang mga

‘Balahap ang mga ito.

Nanumbalik ang sigla at umunlad na muliang lagarian paglipas ng mga taon,subalit hindiang mga manggagawa.Nadagdagan din naman ang suweldo ngunit kakatwang nakasasapat lamang iyon sa pami-pamilya ng mga ito ang kinikita.

Dahil na rin sa ang pribadong pag-aari ay mahalaga bilang batayan ng yaman at dahil kinakailangang magbigay ng kaukulang proteksyon ang pamahalaan dito,nagkakaroon ng mga sistema ng pag-aaring lupa na binubuo ng grant of land titles,cadatral surveys at iba pa. Ito ang naging daan upang palayasin sina Moises sa lupang inangkin niya.Sumampalsa kanyang mukha sa kauna-unahang pagkakataon na wala pa siyang pinanghahawakang anuman na makapagpapatunay na kanya ang lupaing iyon.Wala rin siyang kapangyarihan o impluwensiya upang manalo sa isang hukumang maghuhusga ayon lamang sa isinasaad ng mga tumutugong batas o regulasyon ng nagpapahalaga rin sa pribadong pag-aari.Sa katunayan nga,niang abugadong dapat sana’y magiging

(14)

tagapagtanggol niya ay nakuha pa siyang lokohin sa pamamagitan ng patuloy na pagtanggap ng pera gayong wala namang nakikitang pag-usad sa problemang idinulog niMoises.

Sa ganitong klase ng lipunan, naglipana ang mga taong ang Diyos ay salapi. Ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Halos lahat maaangkin at magagawa lamang sa pagbiliat pagbibilisa pamamagitan ng salapina ayon nga kay Marx ay isang sintomas ng alyenasyon.Nariyan ang alkalde na gagawin ang lahat mapasakamay lamang ang bare-baretang ginto na nakabaon sa mismong kinatatayuan ng homisted nina Moises. Hindi alintana kung may buhay na madamay sa pagkakamit ng ninanasa. Tinatapatan ng salapi maging ang katahimikang tinatamasa ng ibang tao– naroong umupa ng mga maton upang guluhin ang pamilyang namumuhay nang mapayapa sa ninanasang lupain.Mga taong itinuturing na kilala’t makapangyarihan dahil na rin sa taglay nilang kayamanan.

Ang pagkakahatisa mga uriay nilinaw ngayon na nakaugat sa relasyon ng kaparaanan ng produksyon. Ibinunga ng naturang kaparaanan ng pagkakahating lipunan sa dalawang magkatunggaling panig:sa isang panig ng ilang may-aring mga kaparaanan ng produksyon at sa kabila ang nakararaming nagbibili ng lakas pang-isip at pambisig. Impersonal, walang damdamin, di- makatao ang nalilok na ugnayang panlipunan ng paggawa na nakasalalay sa pagsasamantala’t paniniilng puhunan sa paggawa.

Sa ganitong lipunan hindi kataka-takang iniluwal ang mga indibidwal na tulad ni Moises Dimasupil. Ang mga kahingian ng lipunan at sariling pangangailangang pangkabuhayan ay hindi nagpapahintulot sa paglinang ng kakanyahan ng indibidwal. Hindi sila binibigyang-halaga ng lipunang materyalistiko na ang dinidiyos ay salapi. Sa ganitong lipunan nag-uugat ang kalagayang bumibigo sa paglinang sa pagkamakatao ng tao.

Ang mga tulad ni Moises ay kumakatawan sa pangkaraniwang kalagayan ng uring manggagawa, na hinihingan ng pagsusumikap tulad sa isang hayop ng paggawa. Gayundin, binibigyang-pansin ng kalagayan ni Moises ang namamalaging pagkakaiba o pagkakalayo ng aktwal na kalagayan ng tao sa kanyang kakayahang mapabuti ang katayuan, kung bibigyan ng pagkakataon.

Hindi nito isinasaalang-alang ang kakayahan o potensyal man ng tao.

Napipilitan silang kumapit, sabi nga, kahit na sa dulo ng patalim mabuhay lamang. Ngunit ang masakit na katotohanan, sa halip na bumuhay, ay pumapatay sa kanila. Kaayusan at pagtutugma ang sapilitang hinihingi sa gayong sitwasyon sa Mauwak man o sa Konsesyon at siyang bumibigkis sa mga

(15)

magsasaka / manggagawa. Ni hindi sila makatutol sa gayong pagkakatanikala sa isa’t isa.Sila’y napailalim sa mahigpit na kaayusang ito ng mga bagay-bagay sapagkat narito ang kaligtasan. Ang tao’y nagiging tiwalag sa sarili, nagiging mga nilalang na pinamamahalaan ng “kalayaan at katwiran” na siyang namamahala / nag-aayos ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga itinakdang resulta. Tulad sa Mauwak, iisang batas ang dinidiyos: ang magsasaka ay mananatiling magsasaka hanggang sa siya ay mamatay.

Paglupig sa Alyenasyon

Kaakibat ng paglilimi ang pagharap sa katotohanan o sa suliranin–ang pagkilalang ang batas ng buhay ay pakikibaka. Ito ang nagawa ni Moises, sampu ng kanyang mga kasamang taga-Mauwak at magkakaingin.

Pinanghawakan nila ang kanilang lakas at naniwalang kapag pinagsama-sama iyon ay magagawa nilang manaig. Napagkaisahan nilang ang sama-samang kaisipan ang dapat na mamayani. Dapat na maging iisang tindig lamang sila, sama-sama’t buklud-buklod, magkakaugnay sa iisang layunin– na nararapat lamang na ibigay sa kanila ang dapat na mapasakanila, na hindi sila dapat gambalain ng sinumang may makasarili’t sakim na layunin.

Ang pagkamulat at pagkakaisa ng mga magsasaka’t magkakaingin ang panimula tungo sa pagbuwag sa umiiral na ekonomikong kondisyon sa kanyang / kanilang panahon. Higit sa anupaman, kapag nasagkaan na ang pinakamahalagang bahaging buhay–ang pagkatao,kapag nagkasapin-sapin na ang negatibong pangyayari sa buhay, darating at darating ang pagkaunawa.

Tulad ni Moises, ang sapilitang pagpapalayas sa kanya / kanila sa lupain ay dinagdagan pa ng pagluwas sa Maynila ni Francisco upang hanapin doon ang kapalaran na labis niyang dinamdam.Tila para sa kanya isang pagpapamukha iyon ng kawalang-kakayahan niya bilang ama.Hindiniya natupad ang pangako ritong patatapusin niya ito ng kolehiyo sanhi ng sakunang naganap sa kanya.

Ito na ang magtatangkang umabot sa sariling pangarap– hindilamang para sa sarilinito,bagkus ay para sa buo nilang mag-anak.Ang pagsasalita sa kanya sa kauna-unahang pagkakataon ng kanyang asawang si Tinay. Tinalampak siya nito nang muli niyang banggitin ang hinggil sa pag-asang dala ng lupang hinawan at pinagbuhusan ng lakas. Ipinamukha sa kanya ang nangyari sa kanyang mga anak at maging sa kanyang sarili matapos ibigay ang lahat-lahat na sa lupaing iyon.SiTante’y malakina ang itinanda,siMira nama’y hindina ang dating maganda na pinapangarap ni Moises na magrereyna-Elena sa

(16)

maraming pistahan sa mga buwan ng Mayo. At siya naman ay magpipitong- taon nang halos hindi makakilos dala ng pagkaigkis ng buntot ng sawa na inakala niyang ang tanging pumipinsala sa kanyang lupain. Iyon na nga ang hudyat. Dumating na sa kanya ang kakatwang pagkaunawang iyon. Tila nagbukas ang kanyang isip. Sa pagdungaw niya sa bintana’t pagtanaw sa kapaligiran ng lupain, nakita niya na ang lahat ay nilulon, nilamon na ng landas,ang lahat ay inagaw na sa kanila.

Tunay ngang hindi habambuhay na bulag ang mga manggagawa sa katotohanan o realidad ng lipunan. Sila ay nasa naiibang posisyon upang buwagin ang mistipikasyon ng kalagayang pangkabuhayan,sapagkat ito mismo ang nagbubunyag ng tunay nilang papel sa paglikha ng yaman ng lipunan.

Kaalinsabay ng pagpupunyaging ito, ng pagkamulat, ay nangangahulugang hindi na nakikita ng manggagawa ang kanilang sarili bilang nag-iisang indibidwal.Isang pagpapatunay na ang “ako” ay lalang din ng lipunan at dito mismo nagaganap ang kaakuhan sa pakikipag-ugnayan sa iba pang kaakuhan.

Ang mga nabanggit din ang siyang dahilan kung bakit sinasabi rin ng nobela na hindisapat ang pagkakaroon ng edukasyon upang masolusyunan ang suliranin ng alyenasyon. Ipinakita ito ng nobela sa pamamagitan ni Goryo na datiring taga-Mauwak ang magulang at datiring kasamá sa lupa ng Senyor na hindi natagalan ng ama nito ang aping kalagayan sa sinasakang lupa, kaya’t iniwan ang pagsasaka. Nagnegosyo at naging maunlad ang buhay. Nakapag- aralang mga anak– at si Goryo,na dahilnga kahit paano’y nakapagkolehiyo ay naging katiwala o kapatas sa pinaglilingkurang kompanya o lagarian.

Nariyan din siMoises na simula’t sapulay nanghawak na sa paniniwalang ang nakapag-aral kailanman ay hindi maaapi ni maloloko, kaya naman ito ang naging pangarap at palagiang ipinagdiriinan sa mga anak– ang sila’y mangagsipagtapos ng pag-aaral. At ang anak niyang si Francisco na lumuwas pa ng Maynila para lamang matugunan ang pagnanais na makapagtapos ng pag-aaral.

Sa nobela malinaw ang kinahinatnan ng paniniwalang ito– na ito’y hindi sapat upang makaalpas sa pagkahuraging nararanasan at gayundin, maigpawan ang pasakit na dulot ng sistema ng lipunan.Oo nga’t isang katiwala o kapatas si Goryo,maaaring may mas masagana siyang buhay kaysa sa ibang manggagawa,subalit sa huliay ipinakitang namatay siya nang walang kalaban- laban sa kamay ng mga taong nangangamkam ng lupain. Sa pagkakataong hinihingi ang kanyang tulong, ang kanyang pakikiisa sa ipinakikipaglaban ng kapwa-manggagawa, ng “kataling pusod” na magsasaka (sapagkat ayon sa kanya ay iisa lamang naman ang kanilang pinagmulan– sa lupa) naging maramot siya,ipinagkait niya ang kanyang oras at lakas. Pinanindigan niyang

(17)

kapahamakan lamang ang maidudulot nang gayong pakikipaglaban, na ito’y isang malaking kabaliwan. Naniwalang wala naman siyang mapapala kung sakaling siya’y makikiisa.At sa ganitong pagkakataon,maliwanag din ang sagot ng nobela– ang kamatayan.Makaraan ang pakikipag-usap,sa pagtalikod nina Goryo kasama si Lucas na isa ring taga-Mauwak na tumutol sa gagawing pakikipaglaban, makaririnig ng bugso ng nga putok sa dakong tinugpa ng dalawa. Isang pagpapahiwatig na buhay ang kapalit ng sinumang ayaw manindigan sa panahong ito ng pagsasamantala at pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan. Maging si Moises, ang sunud-sunod na pangyayaring nagaganap sa kany– na kahit na ano ang gawin niyang pagsisikap upang kahit paano’y mapagtapos niya ang kanyang mga anak ay walang pinatutunguhan.

Tila ang lahat ay pansamantala lamang. Nariyan nga ang bunga ng kanyang paghihirap,ang biyayang dulot ng hinawang lupain,subalit unti-unti na itong

“kinukuha” sa kanya, sa kanila. Tila isang pagpapahiwatig na hindi niya matutupad ang kanyang nais hanggang hindi niya hinaharap ang higit na malalim na suliraning siyang pinakaugat ng lahat ng mga nangyayarisa kanya.

Para bagang sinasabisa kanya na hindisapat na “takpan at tapalan” na lamang ang mga suliraning ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman upang hindi maloko at apihin. Pinatototohanan lamang nito ang sinasabi ng Senyor na walang karapatang mangarap at mag-aral ang isang hampaslupa dahil ang mga ito’y mamamatay rin lamang na hampaslupa. Isang pagpapahiwatig na kailangan na munang labanan at maigupo ang mga “Senyor” ng lipunan na siyang pumipigilsa kanilang mga pangarap,sa kanilang mga nais maabot.Gaya ng kanyang amang si Moises, nariyan si Francisco na sa kabila ng pagpupunyagi na maisakatuparan ang pangarap sa Maynila– ang makapag- aral ay umuwi ring bigo. At sa kanyang pagbabalik, sa kanyang bibig na rin mismo namutawi ang mga katagang ni minsan ay hindi nito nasabi sa kadahilanang nakatuon ang isip sa ninanasang edukasyon:

Dito ako lumaki’t nagkaisip.Sa isang panahon,matagalna… nilayuan ko ang lugar na ‘to.Nangarap ako’t naghangad na umunlad ang buhay sa Maynila.Nilayuan ko nga’ng lugar na ‘to… ang lupaing narito.Sa Maynila natuklasan ko,kailangan mong magwalangh’ya… kailangang gamitin ang kapwa para umasenso’t magkak’warta. Do’n tulad dito, walang pag-asa ang may malinis na kalooban… ang lahat ay nagiging alipin. A, doon at dito… saanman sa ating bayan, laganap ang kawalanghiyaan– at habambuhay siguro, ang maganda-gandang buhay na inaasam ng kayraming mahihirap ay mananatiling malabong sinag na lang ng pag-asa…

(18)

Agad niyang idinagdag:

Hangga’t hindi dumarating ang tunay na kalayaan. Ang hanap natiy tunay na kalayaan, matatag na sabi ng kabataan. Kaya tayo narito’y para tulungan ang mga aping dimagtatagalat magiging kaisa natin… (Mirasol 196)

Isang pagpapahiwatig na naniniwala ang nobela na mabibigyang solusyon lamang ang alyenasyon sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pagkilos. Narito ang kasarinlan. Sa nobela, naroon na sina Moises sa gayong antas.Sa pamamagitan ng pagmumulat sa sariling kalagayan sa gitna ng hindi magagapgagap na lipunan,maaariniyang maunawaan ang pangangailangan sa pagkilos,sa pakikibaka,hindilamang sa indibidwalna pamamaraan kundihigit pa. Kailangang ang pagmumulat na ito ay maging kolektibong kamalayan na magbubunsod sa isang malawakang paggugupo sa kaaway. Hindi biro ang haharaping panganib. Hindi madaling solusyunan ang problema sa lupa.

Ipinakita ito ng nobela sa katauhan niMando at ng kanyang samahang higit na kilala bilang mga rebeldeng kaaway ng pamahalaan, ng lipunan, sila ang tinaguriang mga Hukbalahap. Ito ang samahang pilit na iniiwasan ni Moises, simula’t sapul pa lamang sa Mauwak. Noo’y pinasisinungalingan niya ang adhikain ng pangkat– na kinakailangan ang pagdanak ng dugo, na silang magsasaka mismo ang kinakailangang gumawa ng pagtutuwid.Nanangan siya na ang pagkakaroon ng tinatawag niyang “lupang pangako” ang solusyon upang maigpawan ang kahirapan.Subalit siya’y nabigo.

Naipakita sa pamamagitan ng karanasan ng mga tauhan ang napakaraming alternatibong solusyon. Nariyang umalis sila sa kanilang dating hinahawan at tinatanimang lupain at hanapin ang kapalaran sa ibang lugar tulad ng mga magsasakang taga-Mauwak na inaakalang higit na makapagbibigay ng maayos na pamamalakad at pamumuhay. May gaya ni Moises na piniling lumipat sa isang lupaing nihindipa nahahawan,nagtayo ng homisted at inaring kanya ang lupain subalit wala namang nangyari,may ilang nagtungo pa sa bayan at mga urbanisadong lugar tulad ng Maynila sa pag- asang naroon ang hinahanap na magandang kinabukasan. Sinusundan pa rin sila ng katotohanang hindi ito masosolusyunan nang ganoon na lamang.

Habang nakikita nilang ang ginagawa nilang alternatibong solusyon upang makasunod o di-kaya’y matakasan ang tinututulang sistema ay hindi naman nagtatagumpay,higit silang naigigiya tungo sa isang kolektibo at malawakang pagkilos. Ipinakikita lamang na may angkop na paraan – kailangan nilang makita na hindi lamang pansarili ang suliranin kundi napakarami nilang may

(19)

gayong karanasan. Bago pa man dumating sa tinatawag na “pagkakaisa”, may pangangailangan munang maunawaan ang katotohanang nabanggit, kailangan ng pagkamulat. Sa kasaysayan ng isang bansa, tila napakahirap na mangyari nito. Ang lipunang maralita o paisano ay kadalasang nadidibisyon o hiwa- hiwalay depende sa kinapamumuhayang bayan, sa relihiyong kanilang inaaniban, at maaari ring sa wikang kinalakihan o ginagamit. Walang makikitang bakas o pagmumulan ng dahilan upang ang mga mamamayan ay magsama-sama, kumilos, o hindi kaya’y mag-angkin ng kamalayan na maaaring mauwio magresulta sa sama-samang pakikipaglaban.Subalit habang nasisira at nabubulok ang sistema,unti-unting nagkakatulad ang kanilang mga karanasan. Nawala na ang paternalistikong pamamalakad at ang mga kasunduan ay pinagtitibay ng bawat paglagda sa mga kasulatan.At ang lahat ng ito ay naging malinaw sa mga maralitang magbubukid at manggagawa, kaya’t ang pagsasagawa ng rebolusyon ay nabibigyang-katwiran.

(20)

Mga Tala

1.Hango sa teoryang kulturalat pang-ekonomiya nina KarlMarx at Friedrich Engels,ito ay kalipunan ng mga paniniwala,pagpapahalaga,paraan ng pag-iisip,at pagdama na gumagabay sa miyembro ng isang kolektibo kung paano bubuo ng persepsyon at paliwanag sa mga bagay na itinuturing na bahaging kanyang realidad.Mula sa M.H.Abrams,A Glossary ofLiterary Terms, Hardcourt Brace College Publishers,1993,p.241.

2.Mababasa ang kabuuang paliwanag nito sa aklat nina Marx at Engels na German Ideology.

3.Mainam na basahin ang KarlMarx,Early Writings.Penguin,1975.

4.Ipinaliwanag sa aklat niBenedict Kerkvliet,!e Huk Rebellion:A Study ofPeasant Revolt in the Philippines.New Day Publishers,1979,pp.1-25 ang pinagmulan ng kaguluhan o

destabilisasyon sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng mga panayam sa mismong mga magsasaka o kasamá na naninirahan sa naturang lugar.Inilaan niya ang isang buong kabanata (partikular ang unang kabanata) sa pagbabahagiat pagpapaliwanag ng naturang usapin.

5.Para sa masinsing talakayan hinggilsa mga kadahilanan ng pagbabago sa Gitnang Luzon,mainam na basahin ang John A.Larkin,!e Pampangans,University of California Press, 1972,kabanata 4,7,at 8.

(21)

Mga Akdang Pinagsanggunian

Abrams,M.H.A Glossary ofLiterary Terms.Hardcourt Brace College Publishers,1993.Limbag.

Abueg, Efren. “Panitikang Pilipino: Pakikilahok, 1946-1968.Philippine Studies, vol. 17, no. 2, 1969,pp.220-248.Limbag.

Bottomore,T.B.KarlMarx:Early Writings.McGraw-Hill,1964.Limbag.

Eagleton,Terry.Literary !eory:An Introduction,2nded.,U Minnesota P,1996.Limbag.

_____________.Marx.Phoenix,1997.Limbag.

Engels,Friedrich,at KarlMarx.!e German Ideology.InternationalPublishers,1974.Limbag.

Fromm,Erich.Marx’s Concept ofMan.Frederick Ungar Publishing Co.,1961.Limbag.

Josephson, Eric at Mary Josephson, editors. Man Alone: Alienation in Modern Society. Dell Publishing Co.,Inc.,1962.Limbag.

Kerkvliet, Benedict. !e Huk Rebellion: A Study of Peasant Revolt in the Philippines. New Day Publishers,1979.Limbag.

Lachica, Eduardo. !e Huks:Philippine Agrarian Society in Revolt. Praeger Publishers, Inc., 1971.

Limbag.

Larkin,John A.!e Pampangans.U of California P,1972.Limbag.

Lee, Ricardo. “Ang Lipunan Bilang Isang Bilangguang Putik (Pahapyaw na Sulyap sa Tatlong Nobelang Pilipino).Katipunan: Dyornal ng Panlipunang Sining at Agham, vol. 3 at 4, 1971,pp.96-106.Limbag.

Lichtman, Richard. “Marx’s Leory of Ideology.Socialist Revolution, vol. 23, 1975, pp. 45-47.

Limbag.

Marx,Karl.Early Writings.Penguin,1975.Limbag.

McLellan,David,editor.KarlMarx:Selected Writings.Oxford U P,2nded.,2000.Limbag.

Meszaros,Istvan.Marx’s!eory ofAlienation.Merlin P,1986.Limbag.

Mirasol,Dominador.Ginto ang Kayumangging Lupa.U of the Philippines P,1998.Limbag.

Ofreneo, Rene E. Capitalism in Philippine Agriculture. Foundation for Nationalist Studies, 1980.

Limbag.

Quito, Gil. “Dominador Mirasol: Kusot at Kwatro Kantos.Diliman Review, 1973, pp. 53-55.

Limbag.

Reyes,Soledad S. Ang Pagbasa ng Panitikan at Panitikang Popular.Ateneo de Manila U P,1997.

Limbag.

(22)

______________. Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong Pagtuturo ng Panitikan. AnvilPublishing,1992.Limbag.

______________.Nobelang Tagalog,1905-1975:Tradisyon at Modernismo.Ateneo de Manila U P, 1982.Limbag.

Schacht,Richard.Alienation.Doubleday Anchor Book,1971.Limbag.

______________.Alienation and Class.Schenkman Books,1983.Limbag.

______________.Alienation and Freedom.Westview,2003.Limbag.

Mga Sanggunian

NAUUGNAY NA DOKUMENTO

Ang takot kong humiwalay sa literal na tabi ng aking magulang, lalo na ng aking ina, sa pagtulog, ay manipestasyon ng pagpapalaki sa akin bilang isang batang may matinding pagdududa at

Sa lahat ng dako; manatili sa lahat ng dako, isang .salita, sa lugal ng isang pagsa: at makipagpaniigan sa lahat ng dako~ samantala'ng napipiringan ng ·pagkabu- Ang lipunang bÓ.rges;