• Walang Nahanap Na Mga Resulta

#DuterteStandardTime: - Ateneo Journals Online

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Share "#DuterteStandardTime: - Ateneo Journals Online"

Copied!
22
0
0

Buong text

(1)

#DuterteStandardTime:

Pamamahalang Pamanahon

#DuterteStandardTime:

Governing Time

Christian Jil R. Benitez Ateneo de Manila University cbenitez@ateneo.edu

Abstrak

Tinatangka ng pag-aaral ang isang panimulang suri sa kasalukuyang rehimen nang may partikular na tuon sa paggana dito ng panahon. Mula sa pagpapahalaga sa “Filipino time”

bilang isang maaaring paraan ng paggigiit sa kapangyarihan, bumabaling ang pag-aaral sa mga tula na tuwirang ibinibigkis ang Pangulong Rodrigo Duterte sa dalumat ng panahon, upang maipakita kung papaanong sa kabila ng wari pagiging karaniwan niya ay ang kanya ring di-pangkaraniwang kakayanang “haltakin” ang “karaniwang oras.” Nagiging kritikal ang nasabing kapangyarihan, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng pandemya, kung kailan hindi maitatangging “time is of the essence.” Gayunpaman, tulad na rin ng nahihiwatigan mula sa mga maligoy na pag-uulat ng pamahalaan at tangkang “tulang”

kritika hinggil sa administrasyon, nalilirip na wari wala pa rin naman talagang anumang nangyayari, animo nakatigil ang panahon sa Pilipinas, hindi lang dahil sa katotohanan ng kasalukuyang pandemya, kung hindi dahil na rin sa “pare-pareho at hungkag” na pangako ng paparating na pagbabago.

This study attempts a preliminary analysis on the present administration with a particular focus on the mechanics of time. From the understanding of “Filipino time” as a possible tactic for insisting power, the study turns to poems that directly associate the President Rodrigo Duterte to the concept of time, to reveal that despite his seeming ordinariness is his extraordinary capacity to “pull” “ordinary time” itself. This power becomes critical, especially in the present pandemic, when “time is of the essence.” However, as hinted from the meandering government reports and “poetic” attempts to criticize the administration, it can be perceived that nothing seems to really happen, as if Philippine time itself has stopped, not only because of the reality of the present pandemic, but also because of the

“homogeneous and empty” promises of change to come.

Mga Susing-salita

panahon, Filipino time, Rodrigo Duterte, kuwarentina at pandemya, kontemporaneong panulaang Filipino

time, Filipino time, Rodrigo Duterte, quarantine and pandemic, contemporary Philippine poetry

(2)

Tungkol sa May-akda

Si Christian Jil Benitez ay nagtuturo sa Kagawaran ng Filipino, Pamantasang Ateneo de Manila, kung saan niya nakamit ang kanyang AB-MA sa Panitikang Filipino (2016/2018).

Hinirang bilang Makata ng Taon 2018 ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang kanyang mga likhang kritikal at malikhain ay nailathala sa Katipunan, Kritika Kultura, Philippine Studies, at iba pa. Kasalukuyang tuon ng kanyang mga gawaing kritikal ang panahong Filipino, na nalilirip sa pamamagitan ng tropiko, mitolohiko, at materyal. Siya rin ay kasalukuyang bahagi ng Film Desk ng Young Critics Circle.

(3)

I

Punctuality is certainly not the President’s strongest suit.

On late Monday night, March 30 [2020], President Rodrigo Duterte’s pre-recorded address—supposed to air at 4 pm—was broadcast as live much later at around 11 pm, 7 hours past the original schedule.

This drew out frustration from many netizens who were expecting the President to address urgent concerns: the Bayanihan to Heal as One Act that grants Duterte “special” powers, the coronavirus situation in the country, and, essentially what everyone has been waiting for—a concrete plan to address the public health crisis.

Netizens expressed their dismay via memes, taking a jab at Duterte’s growing reputation as the “late” president. The hashtag #DuterteStandardTime trended Monday night, just as his public address aired. (Virtudes)

Hindi lang ito ang pagkakataong nahuli ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang inaasahang pakikipag-usap sa mga mamamayan, sa gitna ng kasalukuyang krisis ng pandemya: mahigit isang linggo lang bago ang nabanggit na pagkahuli, ilang araw bago niya nilagdaan ang Batas Republikang Bayanihan to Heal as One, nangyari ding naiere lang ang nairekord nang talumpati ng Pangulo lampas ala una na ng umaga noong ika-20 ng Marso (Virtudes). Kinalaunang mauulit pa ang ganitong pagkahuli kahit pa napaso na rin ang nasabing Batas Republika: halimbawa, noong ika-7 ng Hulyo, ang inaasahang pagsasalita muli ng Pangulo sa ika-10 n.g. ay naantala nang mahigit tatlong oras, at tuluyang naiere lang ilang minuto bago mag-ala una na ng umaga ng sumunod na araw.

Dahil sa ganitong tila nakasanayan nang pagkahuli ng Pangulo sa kanyang pagbabalita hinggil sa mga isinasagawa ng pamahalaan para kaharapin ang krisis ng pandemya, hindi na rin naiwasan sa huling nabanggit na pagkakataon na mapuna ng mga mamahayag ang gayong pagkahuli ng Pangulo (Malasig). Kaya rin sa paghihintay noon para sa inaasahang pag-ere ng ulat ng Pangulo, sa halip na magpuyat para maghintay, ilan sa mga mamahayag ang minabuting matulog na lang, sapagkat ayon na rin sa isa sa kanila, mahalagang “hindi dapat magpabastos sa mga nambabastos sa oras ng Pilipino” (@paterno_II).

Kung tutuusin, hindi tunay na bago o kamakailan lang ang ganitong pagkahuli ng Pangulong Duterte: sa nakaraang tatlong State of the Nation Address (SONA) pa lang niya, halimbawa, maitatala na ang katulad na gawi—mahigit 20 minutong pagkahuli noong 2017, 30 minuto noong 2018, at may isang oras naman noong 2019 (Altar-Badayos).1 At sa katunayan, bago pa man siya opisyal na nailuklok sa puwesto ng pagkapangulo noong 2016, napansin na rin ang katulad niyang pagkahuli sa iba’t ibang pagtitipon na bahagi ng kanyang pangangampanya noon. Ayon na rin sa kanyang pangunahing katulong noon (na sa kasalukuyan ay isa na ring senador) na si Bong Go, ang gayong pagkahuli ng Pangulo Duterte ay dahil na rin sa “sobrang dami niyang commitment. He has to divide his time…

He made sure na napupuntahan niya lahat. Binibigyan talaga niya ng pansin ang bawat engagements niya.” (Corrales)

Noong 2019, nahuli nang mahigit dalawang oras ang Pangulo para sa seremonya ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa Philippine Military Academy (PMA) (Lapniten at Quitasol).

1 Mahalagang maitalang noong 2018, ang pagkaantala ng SONA ng Pangulo ay dulot ng biglaang pagtawag ng kamara para sa isang sesyon, kung saan ihinirang ang dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo—na noon ay kinatawan na ng lalawigan ng Pampanga—bilang bagong tagapagsalita ng kamara (Lalu).

(4)

Sa nasabing seremonya, nang napansing tila nangangatal ang Pangulo habang nakatayong lulan ng White Carabao, isang dyip pangmilitar, sinabi ng tagapagsalita noon ng pangulo na si Salvador Panelo na “he [the President] didn’t look weak. He looked very sleepy. He was sleepy because the day before he was working. I think he had only less than two hours of sleep.” (Tan; tingnan din kay Kabiling) Dagdag pa ni Panelo:

He was very sleepy, so he wanted to get back to bed to get some power nap since he lacks sleep... As we all know by now, the President is a night person. He sleeps at 6 a.m. The time of the event was supposed to be part of his sleeping time, but he had to force himself to wake up and dress up and attend the event. (Tan)

Ang ganitong paliwanag ni Panelo ay nauna na ring naipahayag ng mismong Pangulong Duterte noon pang 2016, ilang araw bago pa siya opisyal na mailuklok bilang pinuno ng bansa. Sa isang panayam, inilatag niya ang kanyang binabalak na oras ng paggawa sa kanyang panunungkulan bilang pangulo:

10 [n.u.], magising ako, maligo ako, 11, 12 ready na ako. 1 p.m. didiretso na ako. Even if you want, until 12 o’clock, good ako until 12 o’clock, kung importante lang… Wala akong pakialam diyan sa 8-to-5 ninyo, kayo, bahala kayo, basta ako, matulog ako… Basta I’m available 1 [n.h.] to 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12 [n.u.]… (Ranada)

Ayon pa sa Pangulo, ang gayong nakasanayan nang oras ng kanyang katawan ay mula pa sa matagal niyang panunungkulan bilang alkalde ng lungsod ng Davao; aniya, sa mga panahong iyon, “[he] used to patrol at nights, check on the police kung ‘di natutulog sa istasyon—kasi ang ginawa ng mga buang [ang mga pulis], yung mga lamesa, dikit-dikit nila, tapos magdala ng unan, maglatag ng newspaper, matulog” (“Duterte as ‘nocturnal’

president?”).

Sa pagsasaalang-alang sa ganitong kaayusang pamanahon ng Pangulo, wari nabibigyan ng panibagong kahulugan ang pagkahuli ng Pangulo sa nabanggit na seremonya noong 2019:

ito ay tila hindi pawang “pambabastos sa oras ng mga Pilipino,” subalit marahil patunay pa nga ng kanyang maigting na paggugol ng panahon sa mga kinakailangan at inaasahan niyang tupdin bilang pinuno ng bansa. Kaya rin sa isang paraan, napangangatwiranan kung bakit bukod sa nasabing pagkahuli ng Pangulo, kauna-unawa rin lang na hindi na niya nagawang matagalang tumayo sa nasabing serimonya para paisa-isa pa sanang maiabot sa mga nagsipagtapos ang kani-kanilang diploma—isang itinuturing na malaon nang tradisyon sa PMA, na nabali rin lang sa unang pagkakataon sa araw na iyon (Rey;

Santos).2 Kinakailangan nga namang magpahinga ng Pangulong Duterte. At ayon na rin sa tagapagsalita noon ng PMA na si Maj. Reynan Afan, “we are already grateful for the thoughtful presence of our Commander-in-Chief for gracing the occasion” (Gulla)—isang pagpapahalagang tila nagpapahiwatig ding anumang hihigit pa doon mula sa Pangulo ay magiging labis-labis na.

2 Bagaman mahalagang maitalang hindi kagyat na nilinaw sa PMA ang dahilan ng Pangulo sa kanyang hindi pakikilahok sa pag-aabot ng diploma ng mga nagsipagtapos. Ayon na rin sa tagapagsalita ng PMA noon na si Maj. Reynan Afan, “We are not aware of the reason. But as per practice, it is the prerogative of [the] most senior or presider of the ceremony to delegate the task to the next senior, who was at that time the [defense secretary].” (Rey)

(5)

II

Hindi kakaiba ang Pangulong Duterte bilang pinuno ng ating bansa na nangyayaring mahuli sa kanyang mga kinakailangang daluhan. Halimbawa, ang dating Pangulong Elpidio Quirino ay naging kilala rin sa kanyang minsang pagkahuli nang may higit dalawang oras sa isang seremonyang idinaos sa Fordham University sa Estados Unidos, kung saan iginawad sa kanya ang isang honorary degree mula sa nasabing unibersidad. At bagaman sinasabing nagtangkang makapagbigay rin noon ng paliwanag ang partido ng dating Pangulo hinggil sa kanyang labis na pagkahuli—na kesyo mabigat daw ang daloy ng trapiko sa hapong iyon sa lungsod ng New York—hindi ito tunay na pinaniwalaan ng mga tao doon. Sapagkat kung tutuusin, sampu na rin ng eskolta ng dating Pangulo na binubuo ng pitong mahabang limousine at mga nakamotor na pulis, maaari nilang kagyat na malampasan na lang noon din ang anumang trapikong kanilang datnan. Sa gayon, tila wala nang ibang mahihinuha pa kung hindi ang kasadyaan din lang ng kanyang pagkahuli: ayon na rin sa historyador na si Miguel Bernad, maaari lang masabing “the fact was that President Quirino, like many of our countrymen, did not really care much about punctuality” (208).

Ang ganitong nahihiwatigang pananadya sa pagkahuli ay naitala rin sa dating Pangulong Ferdinand Marcos at kanyang asawang si Imelda Marcos:

President Marcos was habitually late for appointments. On one occasion, during a town fiesta in Tacloban, the religious procession was delayed more than an hour waiting for him to appear. They could not start without him as he was the “Hermano Mayo” of the fiesta that year. Members of the Cabinet and other important visitors from Manila (including the American Ambassador) where among those waiting. They stood around, talking desultorily, impatient for things to begin, while the President of the Philippines took his time at his villa in Olot.

The First Lady, Mrs. Imedla Marcos, was a worse offender. She was almost always late, and not by a few minutes only. In one of his visits to Manila the noted American pianist Van Clyburn was to hold a recital. To accommodate the crowds that wanted to hear him, the huge Araneta Coliseum was chosen for the venue. Despite the exorbitant prices of the tickets the big amphitheater was filled to capacity. The concert was scheduled to start at seven o’clock in the evening, but the hours passed: eight, nine, ten. Then, shortly after ten, Mrs. Marcos, with her usual flourish, made a dramatic entrance with Van Clyburn in tow. The concert was brillant. But having been delayed more than three hours, it ended well past midnight… (Bernad 208-9)

Mula sa mga halimbawang ito, higit na natuturol ang kaugnayan ng kumpas ng pagkahuli sa kapangyarihan: ang una ay maituturing bilang isang malinaw na manipestasyon ng huli, kung papaanong ang isang pangyayaring nauna nang napagkasunduan kung kailan dapat idaos ay nasusuheto sa mga kagyat na pagbabago, alang-alang na rin sa pag-angkop sa pag-antalang dulot ng isa sa mga sangkot na partido.

Sa ganitong pag-uugnay sa pagkahuli at kapangyarihan, mahalagang idiin ang paggana ng kasadyaan, sapagkat tanging alinsunod din lang sa intensiyonalidad na ito naaari ang pagiging makapangyarihan ng nasabing kumpas ng pagkahuli. Sa ibang salita, ang pagkahuli ay naaari lang bilang manipestasyon ng kapangyarihan ng isa sa abot ng kanyang pagnanais para sa gayong pagkahuli: hindi ito basta pagkahuling dulot ng pagkakaipit ng isa sa kung anong hindi inaasahang pagkakataon (tulad ng hindi matitiyak na pagpatak ng “alas puno” sa mga sinasakyang pampublikong dyip, ang biglaang pagbuhos ng ulan,

(6)

o iba pang aksidente o maging sakuna), kung hindi ang kanyang pagkahuli sa kabila ng marahil kawalan ng mga katulad na mapag-antalang pagkakataon.3 Ito ang pagkahuling hindi lang dahil may kakayanan ngang mahuli ang isa, kung hindi dahil may kakayanan din siyang makayari ng anumang wangis ng pangangatwiran para sa nasabing pagkahuli.

Samakatwid, ito ang pagkahuling may kapangyarihan ding gumawa ng mga bagay para sa kanyang sarili, kung para din lang mapakahulugan ang kanyang mga kapritsuhang pamanahon: para sa kanya, ang mga kasunduang nauna nang nabuo ay maaaring balewalain, sapagkat maaari naman din niyang sabihin na lang na biglaang bumigat ang daloy ng trapiko, o kaya bumuhos ang ulan, o may nasagasaan sa daan, kahit pa wala ni anuman sa mga ito ang tunay na nangyari.

O, maaari din, ito ang pagkahuling may kapangyarihan ding gumawa ng mga bagay, kung para din lang maipalabas na napakarami pang ibang bagay na katulad ding kinakailangang pagtuunan ng kanyang panahon. Sa gayon, naipalalabas ng isa ang kanyang panahon bilang kurensiyang may napakataas na halaga, at ang kanyang pagkahuli bilang buhat sa kanyang pagiging isang napakahalagang tao, sampu na rin ng kanyang ipinahihiwatig na kaugnayan at kaabalahan sa marami pang mga bagay, bukod pa dito sa napagkasunduang pangyayari. Ito, sa madaling sabi, ang pagkahuling tinatawag ding nakapustura—“fashionably late”—na animo ang mismong pagiging huli ay isa ring kasuotan, isang balabal o marahil baluti pa nga, na nakapagpaparangya lang sa ipinalalabas na pagkatao ng isa (tingnan kay Lasco, at sa “Fashionably Late”). Ito ang pagkahuling, sa sarili nito, nagnanasang maging isang malakas na dating, isang bisa sa pandama ng ibang mga taong pinararatingan ng ipinalalabas na kapangyarihan ng isa: na mabuti na lang at nakarating pa nga siyang nahuhuling napakahalaga at napakaabala.

Ang ganitong pagpapalabas ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagkahuli ay malaon nang naisahalimbawa ni Rizal sa kanyang mga nobela:

Isang babaing kasama ang asawa ay pumasok ng mga sandalîng iyon at lumuklók sa isá ng dalawâng palkong walâng lamán.

Ang galáw ay warì’y reina at tinítingnán nang pawalâng bahalà ang boong salas na warìng ang ibig sabihin ay: “Náhulí pa akó kay sa inyó, talaksán ng mga tiwalî at malalayò sa tunóg ng kampanà, dumatíng akóng hulí pa kay sa inyó.” Tunay ngâ, may mga taong pumaparoon sa mga dulàan na kagaya ng mga burro sa takbuhan: nananalo ang hulíng dumatíng. (Rizal, El filibusterismo 215)

………...

Hindi pa dumarating si Linares, sa pagcá’t palibhasa’y mahalagáng guinoo, dapat na siyá’y magpáhuli sa pagdating cay sa mga ibá: may mga taong nápacatungag, na ang acala’y cung magpáhuli ng isáng oras sa lahát ng bagay, naguiguing malalaking tao na. (Rizal, Noli me tangere 492)

3 Ang mga naunang halimbawa ang ilan sa binabanggit din ni Lasco bilang madalas na pangangatwiran hinggil sa pagkahuli ng isa.

Sa pagtukoy sa kaibhan ng pagkahuling dulot ng hindi inaasahang pagkaantala mula sa pagkahuling wala naman talagang sanhi ng pagkaantala, nagiging higit na masalimuot ang panunuliranin hinggil sa kung papaano mababago ang karaniwang ipinagpapalagay na nakasanayan lang na Filipino time.

Halimbawa, sabihin mang ang isa ay palaging magdadala ng orasan, hindi tatanggap ng anumang dahilan sa sariling pagkahuli, o magkakaroon ng parusa sa sarili tuwing mahuhuli (Sison), hindi tuwirang nalulutas ng mga ito ang higit na malaking suliraning nakapagdudulot ng pagkahuli—ang kawalan ng maayos na pampublikong transportasyon, halimbawa, o ang pagbaha sa maraming lugar sa bansa, lalo na sa mga espasyong urban. Sa gayon, natatayang ang Filipino time ay hindi lamang suliranin ng mamayang Filipino, kung hindi isa ring suliranin ng bansang Pilipinas, sampu ng mga kakawing nitong suliranin sa kaayusang panlipunan.

(7)

“Mabuti na lang at nakarating pa rin,” wari sinasabi nilang sadyang nagpapahuli sa kanilang mismong kumpas ng pagkahuli. Mabuti na lang nga at nakarating, sa dami ng kanilang mga gawain—hindi tulad nilang marahil walang ibang ginagawa, marahil walang mga sariling buhay, kung kaya madali lang at kagyat na nakarating doon sa napagkasunduang pagtitipon.

III

Time and Rodrigo Duterte Of course, if you hate him, Nothing he does will merit Your thumbs-up, no, not even When he looks at his watch,

5 As in this photograph Of him sitting before A table of Coke cans.

Why should he check his watch?

Why should he be like us,

10 Worried about appointments And then fly into cursing When time outpaces us?

But for Rodrigo Duterte There is no time to kill.

15 Time is a fugitive, But not a criminal, Who, like Schrödinger’s cat, At once both lives and dies.

The moments must arrive

20 Whatever the consensus.

How truly undemocratic

Are the clock’s hands, which never Go up for a viva voce.

A dramatist who laughed

25 At Time, George Bernard Shaw, Said that, like cobras loose In a playground or garden, Whose necks we break forthwith Without trial by jury,

30 The criminal who cannot Be reformed must be killed As a necessity.

But has Rodrigo read Shaw and found him apropos?

35 And when he checks his watch Is it to verify

If once again there is Another human gnomon Falling to join his shadow?

40 Or is it just to check, Like any other father,

(8)

If it is time for Kitty, His daughter, to be home.

(Dumdum, Aimless Walks, Faithful River 52-53)

Nagbubukas ang tulang ito ni Simeon Dumdum, Jr. sa isang pagpapalagay: na para sa mga hindi naman talaga gusto (“hate”) ang Pangulong Duterte, wala ni anuman sa mga bagay na ginawa, ginagawa, o gagawin pa lang niya ang makapagdudulot sa kanila upang magbagong-loob at pumanig na rin sa wakas sa Pangulo (tld. 1-7)—kahit pa, ayon na rin sa tula, sabihing madatnan lang ang Pangulo na tumitingin sa kanyang relo (tld. 8). Mula sa huling larawang ito, bumabaling ang tula sa isang pagtatayang alinsunod din daw sa Pangulo: ang panahon ay hindi pawang kinikitil sapagkat hindi naman maituturing na isang kriminal, bagaman sa kabilang banda ay maitutulad din ito sa isang pugante, kung papaanong palagi itong tumatakas, dumarating at lumilipas, anupaman ang napagkasunduan ng mga tao (tld. 13-20). Sa gayon, sa tula, ang panahon ay tinuturol bilang

“truly undemocratic” (tld. 21), sampu na rin ng mga kamay ng orasan nito na pumipihit lang nang pumipihit nang walang anumang pakundangan sa tinig ng nakararami (tld. 22- 23).

Sa gitnang bahagi ng tula, ang sinasabing karahasan ng panahon, sampu ng pagiging hindi nito papipigil, ay itinatabi sa karahasan ng “digmaang” pinasinayaan noon ng Pangulong Duterte kontra droga. Nang unang ipinaskil ni Dumdum ang tulang ito sa kanyang pahina sa Facebook noong 30 Oktubre 2016 (“Time and Rodrigo Duterte”), mahigit apat na buwan pa lang noon mula nang pormal na pinasimulan ng Pangulo ang sinasabing digmaan. Bagaman sa mga panahong ding iyon, mula nang opisyal na naluklok sa puwesto ang Pangulong Duterte, tinatalang mahigit 2,300 tao—bilang na kung tutuusin ay ibinaba na mula sa naunang ulat na 3,600 tao—ang nakitil na kaugnay sa kaliwa’t kanang operasyon ng pulisya at paghihinalang pagiging vigilante (Baldwin at Marshal).

Sa pagsasaalang-alang sa kontekstong ito, higit na nauunawaan kung bakit kritikal para sa tula ni Dumdum na bumaling sa pagtataya ng mandudulang si George Bernard Shaw hinggil sa kahalagahan daw ng pagkakaroon ng parusang kamatayan para sa mga “criminal who cannot / be reformed” (tld. 30-31)4: mahihinuhang isa itong malinaw na paraan ng pangangatwiran sa isinasagawang “digmaan” ng kasalukuyang administrasyon, lalo pa’t noon pa lang ay marami na ang kagyat na tumututol sa pamamaraan ng pamahalaan sa pagsupil nito sa iginigiit din nitong pangunahing problema sa bansa.5

Subalit sa kabilang banda, kahit tinataya ng tula na kinakailangan (“must”) nga ng pamahalaan ang ganitong pakikidigma sa mga itinuturing nitong kriminal, tinatangka ring maiparating sa tula na hindi tuwirang sumasakatawan ang nasabing pandarahas sa mismong pagkatao ng Pangulong Duterte. Dito nagiging mahalaga para sa tula na bumaling sa kumpas ng pagtatanong bilang pamamaraang panretorika upang maidiin ang

4 Ayon kay Shaw, “the problem who can be reformed is not the problem… The real problem is the criminal you cannot reform… The answer is, kill him kindly and apologetically, if possible without consciousness on his part.” Gayunpaman, kritikal na maitalang ang pagtatayang ito ni Shaw ay naisulat noon pang 1948—na maidiriin lang kung bakit sa isang banda, hindi na rin masasabing naaangkop o “apropos” pa ang nasabing pagtataya sa kasalukuyang panahon: napakarami nang nangyari mula noon, at may iba rin namang partikular na pagkakataon ang pinagmumulan ng nasabing pagtataya ni Shaw.

5 Sa katunayan, sa parehong paskil na tula ni Dumdum, ikinumento ng makatang si Gemino Abad kung paanong “Du30 [Duterte] may yet be another Zaccheus on his sycamore (maybe, tamarind) tree? and we, or some of us, who despise him, the same Jewish crowd?”—kung paanong ang Pangulong Duterte, na noon ay binabatikos at hinuhusgahan na sa “digmaang” pinasinayaan niya, ay maaari palang higit na mabuti kaysa ipinagpapalagay, tulad ng mambubuwis na Zaccheus mula Jericho, sa aklat ni Lukas. Tingnan ang kumentong ito ni Abad kay Dumdum, “Time and Rodrigo Duterte.”

(9)

pagiging hindi rin matitiyak ng Pangulo sa isang banda—at mula dito, ang kahalagahan din ng hindi kagyat na panghuhusga sa kanya. Sino nga ba ang makapagsasabi kung nabasa talaga ng Pangulong Duterte si Shaw at sumasang-ayon sa pananaw ng mandudula hinggil sa parusang kamatayan (tld. 33-34)? O sino rin ba ang makapagsasabing ang pagtingin ng Pangulo sa kanyang relo ay kanyang pagtingin nga kung ilan na naman ba ang nakitil sa pinasinayaan niyang “digmaan” kontra droga (tld. 35-39)? Na ang pagtinging ito ay hindi rin kaya ang pawang pagkilos niya bilang isa ring payak na ama, na nais lang naman malaman kung oras na ba para umuwi ang kanyang pinakamamahal na anak na dalagang si Kitty (tld. 40-43)?

Sa huling puntong ipinararating ng tula, tinatangka nitong matugunan samakatwid ang pagpapalagay na inilalatag din nito sa pinakasimula: kung hindi man mababago nitong paraan ng panunungkulan ng Pangulong Duterte ang loob nilang mga hindi naniniwala sa kanya, lalo na hinggil sa usapin ng sinasabing “digmaan” kontra droga, tumataya sa halip ang tula sa pagiging wari simpleng tao rin ng Pangulo, bilang gayon din ngang isang butihin na ama, na nag-aalala rin lang sa kapakanan ng kanyang minamahal na anak. Sa gayon, natuturol ang isang parikala hinggil sa dating ng Pangulo: ang kanyang karisma, o maituturing na kakaibang katangian bilang isang partikular na tao (Weber 295, kay Bello,

“A dangerous liaison?” 11), ay nasa kanya palang pagiging wari karaniwan din.

Ang ganitong pagtingin at pagpapahalaga sa Pangulo ay nahihinuha rin mula sa tugon ni Rebecca Añonuevo sa naunang tula ni Dumdum:

May oras ka rin, Duterte Ganiyan malamang ang isinusumpa Sa hangin ng mga nasusuklam Sa iyo, Rodrigo, probinsiyanong Nakayapak sa Palasyo,

5 At hinatulang berdugo, Kaya’t saan nagmumula, Ngitngit ng hindi makapaniwala, Ang tsunami ng paghanga ng tao?

Naiinip ka, madaling sumulak,

10 Kaya’t pati karaniwang oras Ay hinahaltak, mula sa hapon

Ng di nagpakita pagkat wala sa panahong Sakura, patungo sa niyugyog

Na mga dahon ng nawalang ulirat,

15 Mahabang-mahabang pagkalango, Malaya raw ay di tuluyang makawala Sa posas ng takot na di makatayo, Magdildil ng asin kung tumindig man Sa sarili, matutong mamaluktot

20 Sa maikling kumot, dahil nasanay Ang mga de-kuwelyo, kasama Na ang dating mga prente sa gobyerno O nakasabit sa iyo, nakaupong De-kuwatro at umaastang walang dulo

25 Ang mahabang dulang, nag-uutos Na parang di-matatabig sa puwesto, At malayong-malayo,

Malayong-malayo sa palamura mong

(10)

Nguso, nanginginig, habang ulit-ulit

30 Na sinasambit, hindi ako kapit-tuko

Sa buhay, sa ringal, sa pagkapangulo. (Añonuevo)

Kaiba sa “mga de-kuwelyo” at “mga prente sa gobyerno” na “umaastang walang dulo” ang kanilang pagkakaluklok sa puwesto sa pamahalaan (tld. 21-22), tinataya ni Añonuevo ang Pangulong Duterte sa kanyang tula bilang isang “probinsiyanong” (tld. 3) may “palamura[ng] / Nguso” na “[pa]ulit-ulit na sinasambit [na] hindi [siya] kapit-tuko / Sa buhay, sa ringal, [at maging] sa pagkapangulo” (tld. 28-31). Bilang gayon, higit na naipapalabas ng tula ang pinaniniwalaan nitong payak na katauhan din ng Pangulo: tao rin lang siya, sinasabi ng tula, na pawang “naiinip” at “madali [ring] sumulak” (tld. 9), kung kaya rin sa isang banda, nagagawa ng Pangulo na “[ma]haltak” “pati karaniwang oras”

(tld. 10-11)—maituring man siyang “berdugo” (tld. 5), o mangyari mang “[ma]yugyog” niya maging ang ulirat (tld. 13-14) nilang mga nabanggit na de-kuwelyo at prente, pati na nilang mga “hindi makapaniwala” (tld. 7) sa kanya. Samakatwid, sa gayong mga kagaspangan ng Pangulo na sanhi rin ng pagsumpa sa kanya ng mga “nasusuklam” (tld. 1-3) sa kanya—

sa gayong mga kagaspangan din naipararating ng Pangulo ang kanyang sarili bilang pangkaraniwan, na nakatatanggap sa “tsunami ng paghanga ng tao” (tld. 8).6

Bagaman sa kabilang banda, mula rin sa ganitong pagiging wari pangkaraniwan ng Pangulo nahihiwatigan ang higit na kapangyarihang nakabaluti pa rin sa kanya. Sapagkat kung tutuusin, mula sa ganitong ipinalalabas na katangian ng Pangulo, naaari din niya ang kanyang hindi pangkaraniwang kakayanan sa panahon: na maaari nga niyang basta mahaltak pati ang karaniwang oras, halimbawa, ayon lang sa kanyang pagkainip at pagsulak; o na maaari din niyang makita sa kanyang relo hindi lang ang oras ng pag-uwi ng kanyang anak na si Kitty, kung hindi pati na ang pagbagsak din marahil sa kanyang anino ng isa na namang “kriminal” na sinasabing “nanlaban.” Sa ibang salita, sa ganitong pag- aalinsabay ng wari pagiging karaniwang tao at pagiging pangulo ng Pangulong Duterte, higit pa nga siyang nagiging makapangyarihan sa panahon, na animo palagi siyang may pagkakataon upang maging anupaman—kabilang na ang maging huli sa mga pagkakataong inaasahan niyang taunan.7

Sa gayon, nauunawaang sa pamagat ng tula ni Dumdum, ang pagtatabi sa pangalan ng panahon at ng pangulo ay isang pahiwatig na pagdiriin sa matalik na ugnayan sa pagitan ng dalawa. O maaari pa, sa pamagat naman ng tula ni Añonuevo, ang sumpang sambit ay hindi lang isang payak na pagbabanta sa Pangulo, sa harap ng iginigiit na pagiging karaniwang tao rin lang niya; sa halip, maituturing din ito bilang isang tuwirang paturol hinggil sa lawas nga ng kapangyarihan ng Pangulo: “May oras ka rin, Duterte,” sinasabi sa tula, na nagpapahiwatig kung papaanong ang Pangulo ay wari nagmamay-ari din nga ng isang buong panahon, gaanupaman ito kalaon o kadali. At sa sarili nito, isa na itong kagyat na higit na kapangyarihan sapagkat sa katunayan, hindi naman lahat ay nakakayanang magmay-ari ng anumang bagay—maging ng panahon na kung tutuusin ay nararapat na par sa kanilang sarili.8

6 Tingnan bilang halimbawa ang pagtalakay ni Bello hinggil sa dating ng Pangulong Duterte, lalo na bilang wari kaiba sa uring elit, na sinasabing naghari naman sa panahon ng republikang demokratikong liberal mula matapos ang rehimeng Marcos noong 1986 (“Rodrigo Duterte”).

7 Ganito ang isang paraan ng pagdalumat sa panahon: “panahon para sa kahit anong bagay,” at samakatwid ang kapangyarihan upang maging anupaman. Tingnan ito kay Benitez.

8 Hinggil sa mga uring manggagawa, sinasabi ni Marx na:

The more they wish to earn, the more must they sacrifice their time and carry out slave labour, completely losing all their freedom, in the service of greed. Thereby they shorten their lives. This shortening of their life-span is a favourable circumstance for the working class as a whole, for as a result of it an ever-fresh supply of labour becomes necessary. This class has always to sacrifice a part of itself in order not to be wholly destroyed. (23)

(11)

IV

Sa kabila ng wari pagiging karaniwan ng Pangulong Duterte, hindi rin nga pangkaraniwan ang kanyang kapangyarihang pamanahon: kung tutuusin, ang kanyang relong suot ay maituturing na orasan din para sa buong kapuluan. Tulad na rin sa pahayag ni Senador Risa Hontiveros hinggil sa nabanggit na labis na pagkahuli ng Pangulo Duterte sa inasahang ulat niya noong ika-30 ng Marso, “the President’s late-night talk show last night was the prelude to a night of bad sleep, to the detriment of the Filipino people’s regular sleeping hours and overall health” (“Prelude to Bad Sleep”; sariling diin): sa panariling

“paghaltak” ng Pangulo sa “karaniwang oras,” tuwiran din niyang naaapektuhan maging ang pinakapansariling oras ng mga mamamayang Filipino—oras na mailalaan pa sana nila para sa kanilang pagtulog, at samakatwid para din sa pangangalaga nila sa kanilang kalusugan, lalo na sa gitna ng kasalukuyang pandemya kung kailan nagiging mahalaga ang malakas na pangangatawan. Kung gayon, sa paggigiit ng Pangulong Duterte sa kanyang pansariling oras ng pagtatrabaho sa gabi sampu na rin ng sinasabi niyang kinasanayan na ng kanyang katawan, nagiging litaw higit pa kailanman kung papaanong nasasangkot din dito ang katawan ng daang milyong Filipino na pinamumunuan niya: ang matalik na pagkakawing-kawing ng pamahalaan at taumbayan ay naaaring mapatining sa gayong sandali ng sabay-sabay na pagpupuyat.

Gayunpaman, higit pa sa nasabing pag-aantala sa oras ng pagpapahinga ng mga mamamayang Filipino, kritikal din para kay Senador Hontiveros kung papaanong tila wala rin namang saysay maging ang gayong nahuling ulat ng Pangulo. Ayon na rin sa Senador,

“after almost 8 hours of delay, the public was presented with neither a sound assessment nor a concrete plan to address the novel coronavirus disease or COVID-19 crisis… The usual threats and incoherence do not a report make.” (“Prelude to Bad Sleep”)

Sa gayong pagtukoy ni Senador Hontiveros sa ulat ng Pangulong Duterte bilang

“incoherent,” naaalingawngaw niya ang pangyayari sa naunang panayam ng Pangulo, noong ika-10 ng Marso, kung saan tinanong siya kung mayroon bang sapat na testing kit ang bansa sakaling lumobo dito ang bilang ng mga kaso ng may COVID-19.9 Subalit, sa halip na tuwirang sagutin ang nasabing tanong, ang tanging isinagot ng Pangulo ay ang karaniwan niyang maligoy na tugon, na sa pagkakataong iyon ay nagawa pang lumibot sa kasaysayang pandaigdigan, sa pagbaling na rin niya sa mga halimbawang nakaraang pandemya, hanggang sa malaong pagsusunog sa mga pinaghihinalaang mangkukulam.

Dahil na rin sa gayong pagligoy ng Pangulo, napagkatuwaan ng marami na paglaruan sa social media ang kanyang mga sinabi, sa pagsasaayos dito sa pahina bilang wari isang tula.

Halimbawa nito ang pagsasaayos dito ng manunulat na si Mixkaela Villalon:

The Kit Can be distributed To different health centers, But at this time, kung kulang They can be brought

5 To a testing station, to RITM.

9 “Incoherent ang sinasabi” (sariling diin), ang puna rin sa nasabing panayam ng pangulo ni Tolentino (“Presidente ba ito”). Tingnan din ang paggamit sa salitang “incoherent” kay Gracio, sa susunod na talata.

(12)

Kokonti lang kasi, e.

The kit Is the kit.

Meron namang lumalabas pa.

10 I think that, Sabi ko nga—

In every epoch Maybe meron nang una:

Bubonic plague.

15 Mga gago ang tao no’n—

Tamang tama lang.

Tapos, ‘yung Spanish flu, Right before the wars.

Kawawa ‘yung mga tao—

20 Pero mas kawawa ‘Yung sa Middle East, The so-called Roman Empire.

You have read the inquisition.

Kung may birthmark ka—

25 You are a witch And you are burned

At stake. (Tolentino, “May bago nang mad poet,” kay Malasig)

Ayon na rin kay Rolando Tolentino, aakalaing “may bago nang mad poet in town na biglang nagtrending, tinalo ang beatniks, surrealists at dadaists sa absurdity of thought, logic and language use” (“May bago nang mad poet”). Sa katunayan, mauulit pa ang ganitong pagwawari-makata raw ng Pangulo, sampu na rin ng “incoherent” niyang pag- uulat: mula sa ginabi muling panayam ng Pangulo noong ika-15 ng Hunyo kung saan tinalakay naman niya ang isa raw “miracle pill” na itinulad niya sa isang antibiotic, na makakapuksa raw sa COVID-19, nabuo ng makatang si Jerry Gracio ang “The Pill,” na tinagurian niya bilang isang “poetry of incoherence” (tingnan kay @JerryGracio, kay Madarang, “Screenwriter shares…”).

Gayunpaman, hinggil sa naunang maligoy na pahayag ng Pangulo Duterte tungkol sa bilang ng mga testing kit na handang mayroon ang bansa, sinabi ng tagapagsalita noon ng Pangulo na si Panelo na ang mga reaksiyon daw na nabigo ang pamahalaan sa pagtiyak na kakayanin nga nitong maharap at malimitahan ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nagmumula sa kanilang “[who] were not listening to the President. The President was very clear. We have the money, we have the protocols.” (@cnnphilippines; sariling diin) Subalit, sa kabila ng ganitong paglilinaw ni Panelo, tulad na rin ng sinabi ni Senador Hontiveros dalawampung araw mula noon, maging nang naipasa na rin ang Batas Republikang

(13)

Bayanihan to Heal as One na nagkaloob sa Pangulo ng higit pang kapangyarihan, tila wala pa rin talagang malinaw na sagot mula sa Pangulo, at kongkretong aksiyon mula sa kanyang administrasyon:

With all the funds and special powers at his disposal since last week’s signing of the Bayanihan to Heal as One Act, the President should act with a sense of urgency. What are the steps being taken by the government to enhance our capacity for mass testing? How do we ensure that there are enough personal protective equipment [PPE] in every hospital? How do we get the cash assistance to the most vulnerable as soon as possible? So far, the President provided no clear answers to these questions. It is alarming.

Kailangan na ng taumbayan ang tulong na dapat sa kanila. Time is of the essence. For us to effectively defeat COVID-19, the government must act with a sense of urgency. (“Prelude to Bad Sleep”)

V

Hinggil sa mga nabanggit na pagtatangkang pagsasatula raw sa mga salita ng Pangulong Duterte: kung maituturing man ang mga ito bilang tula—o karapat-dapat bang maituring bilang gayon nga—ay kinakailangan din ng karampatang pagsisinsin. Sapagkat sa higit na ring pagsipat sa mga ito, matatayang kung tutuusin, wala ring malikhaing sandali ang tunay na naaari—walang panibagong panahon ang naigigiit, na maaaring anyo sana ng tinatawag ni Benjamin na “kontrapelong paghagod,” na isang mahalagang tugon para sa isang rehimeng walang pakundangan sa patuloy lang na pamamalakad nito, sa kabila ng “barbarismo” nito (43). Sa paunang pansin na rin ni Adam David sa mga nasabing pagtatangkang pagsasatula, sinasabi niyang:

[K]aya hindi ako tumulong sa pagbigay ng cultural capital sa ginawang poetic arrangement sa statements ni Duterte tungkol sa COVID-19 testkits ay dahil mga salita ito ng isang pasista na binigkas sa isang pagkakataon ng pagpapasista sa taumbayan—saktong ang incoherence ni Duterte ay aktong pagpapasista sa taumbayan dala ng kalabuan nito ay nagbibigay espasyo para sa malikhaing interpretasyon para sa batas (and make no mistake, madalas isinasabatas ang binibigkas ni Duterte, kahit hindi lawful o ligal)—

kaya nakakatuwa at nakakatawa man, nagpapatuloy ang pag-enable natin sa pasismo ang pagreframe nito bilang tula kung saan ang tanging intervention ay linecutting at ang tanging mensahe ay alam naman na ng lahat (na malabo magsalita si Duterte). Kung iwoworkshop ang tula na ito, maaaring sabihing ito ay simplistiko sa anyo, at pudpod na ang nais sabihin. Walang sublime utterance, walang emancipatory revelation, kahit man lang para sa pansariling pagsusuri, wala. Alam na natin yan lahat. Kahit mga Duterte diehard, hindi na nila kinokontest yan. So para kanino ang kritisismo ng tula na ito? (David; sariling diin)

“Ano ba ang kritisismo ng tula bukod sa pag-ulit sa public knowledge na malabo magsalita si Duterte?” ayon na rin kay David. Sa ganitong pagkukuwadro sa mga nabanggit na tangka, nahihinuha mula sa mga ito ang wari pagpapahalaga sa tula bilang anyong pampanitikan na pawang “incoherent,” kung hindi man “puro postura” (David), sa halip na, sabihin, bilang isang bagay na may kapangyarihan ding makalikha ng pagkakataon, kahit man lang sa sandali ng pagbasa o pagbigkas dito. Sa madaling sabi, sa mga “tulang” ito, animo wala rin naman talagang nangyayari—at kung babaling din

(14)

lang sa malimit (kung hindi man gasgas!) nang pagpapahalaga sa panitikan, sa ganitong paraan din mapahahalagahan ang mga nabanggit na “tula” bilang higit ngang matapat na pagsasakatawan o salamin sa panahong kasalukuyan, kung kailan tila ganoon din ngang nakatigil ang lahat sa kawalan, sampu na rin ng nararamdamang wari kawalan ng aksiyon mula sa pamahalaan.10

Mula sa pagtataya ni David hinggil sa mga nasabing “tula” bilang kritikang mahina, kung hindi man ganap na walang bisa, nahihinuhang napawawalang-saysay na rin maging ang pagpapangalan sa mga ito bilang “tula.” Ayon na rin muli kay David, sa gayong kahinaan ng mga katulad na tangkang pagsasa-“tula” sa wika ng Pangulong Duterte, mapagdududahang “mas meme na ba ito kesa sa tula? [O] may pinagkaiba pa ba ang dalawa sa ngayon?” Kritikal ang ganitong pagtatanong sapagkat mula dito ay maitutulak pa ang pagsusuri sa kinabababarang kasalukuyan: may pinagkaiba pa rin ba sa ngayon ang dalawang ito—ang meme, ang tula—sa mismong salita ng Pangulo, na kung tutuusin ay ang pinaghahanguan din ng mga nabanggit na panitik? O maaari pa: may pinagkaiba rin ba ang lahat ng ito sa mga karaniwan ding wika na ipinangtatangka upang mapangusapan ang mga kasalimuotan ng Pilipinong ngayon?

Bagaman sinasabi ni David na ang kanyang pagtatanong ay “tungkol… sa kung paano na ba natin pag-isipan ang pagtutula sa kasalukuyang panahon,” sa isang banda ay nahihiwatigan ito bilang tungkol din sa kung paano na ba natin pinanghahawakan ang panahon, lalo na ang kasalukuyan, sampu ng ating mga wika. Sapagkat kung wala na ngang pinagkaiba ang mga wikang ito, mababasang muli ang naunang pagpapahalaga ni David:

na sa mga gayon ngang tulang-meme, o meme-na-tula, at maging sa mismong pagsasalita ng Pangulo, pati na marahil sa mga wikang isinasangkot bilang tugon sa huli, “ang tanging mensahe ay alam naman na ng lahat—na malabo magsalita si Duterte.” At dahil “alam na rin natin ‘yang lahat,” nangangahulugan din lang na sa kabila ng mga pagsasalita, o mga tangka para dito, marahil kakaunti pa rin lang talaga ang naisasalita.

VI

Bagaman noong Hulyo pa lang ay nahirang na ang lockdown sa Pilipinas bilang ang pinakamatagal sa buong mundo (Olanday at Rigby), pagsapit ng katapusan ng Setyembre ay umabot pa rin sa 300,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa; dagdag pa dito, karaniwan pa rin sa Pilipinas ang mag-ulat ng libong panibagong kaso sa bawat araw (Yee). Sa kabila nito, maitatalang patuloy pa rin ang digmaang pinasinayaan ng pamahalaan mahigit apat na taon na ang nakakaraan—bagaman sa pagkakataong ding ito, higit pa nga itong pinalawig, sampu na rin ng bisa ng Anti-Terrorism Act na kapapasa din lang noong nakaraang Hulyo (tingnan sa “‘My job is to kill’”). Sa ganitong paraan, wari napatotohanan ang mga maagang hinuha hinggil sa nasabing lockdown bilang isa rin palang malaking

“crackdown,” na sumusupil sa kanilang mga natataya ng pamahalaan bilang maaaring panganib (tingnan kay Aspinwall; at kay Castaneda). Kaya rin kung tutuusin, ayon kay

10 Tulad na rin ng sinasabi sa pamagat sana ng antolohiyang binalak buoin ng Likhaan UP Institute of Creative Writing: “The Kit and Other Writings: Literature in the Time of Corona.” Inilabas ang panawagan para sa nasabing antolohiya noon ding Marso sa pahina sa Facebook ng Likhaan, bagaman kaagad din itong inalis matapos kritikal na mapuna sa wari kamanhidan na rin nito sa katotohanan ng kasalimuotan ng pandemya para sa higit na nakararami. Ayon na rin muli kay David,

“Bakit hindi na lang hayaang mangyari ang mangyayari—at definitely tutulaan naman nating lahat ang mga nangyayari ngayon, at dapat lang, ano, paraan natin ito para iproseso at isaalaala ang kasaysayan habang nangyayari ito. Bakit kailangan pa rin ng interbensyon at pag-aprub ng isang institusyon—Big Letter ‘L’ Likhaan for Big Letter ‘L’ Literature—para sa pagaakda?”

(15)

Maria Ressa sa isang panayam noong Agosto, sinasabi niyang “if (this) [‘newly introduced sweeping anti-terror legislation’] happened at a time when we weren’t under quarantine, there would have been mass protests outside… [But] for Filipinos, to do that meant risking not just the virus, but risking arrest. And if the virus doesn’t get you, prison will.” (Wescott at Lagamayo)

Mula dito, napakahuhulugan muli ang wari kaagapan ng Pangulong Duterte sa paglagda niya noong ika-16 ng Setyembre sa Proklamasyon blg. 1021, na nagpapasailalim sa bansa sa State of Calamity hanggang sa ika-12 ng Setyembre, taong 2021: sa wari pagkakapare-pareho rin lang ng mga panahon mula 2016 hanggang sa kasalukuyang pandemya, hindi malayo sa hinagap na maaaring maging gayon din hanggang sa susunod na taon. Kung gayon, sa kabila na rin ng pana-panahong pag-uulat ng pamahalaan hinggil sa mga panibagong pagsasaayos, lalo na sa paglapit nang paglapit sa tinataya nitong “New Normal” para sa sambayanang Pilipino, ang bansa ay wari naroon din lang sa “pare-pareho at hungkag na panahon” (Benjamin 63), anupaman ang pag-iiba-iba sa pangalan ng mga kuwarentinang sinasabing ipinapatupad sa kung saang panig ng kapuluan. Ayon na rin sa isang abogado:

Parang taga-announce na lang sila kung anong klaseng quarantine meron tayo tapos poof wala na hintay na lang ulit tayo 15 days announce ulit then sprinkle a lot of controversy and injustice in between and the cycle goes on 🙂🙃🙂🙃 (@theklmanuel, kay Madarang, “Screenwriter shares…”)

Sa isang paraan, matataya samakatwid na ang sinasabi sa tula ni Añonuevo na

“paghaltak” sa “karaniwang oras” ay wari paghaltak din lang pala sa wala: kung ang panahon, tulad sa mga gasgas na talinghaga, ay wari tubig ng ilog, ang gayong paghaltak ay nangangahulugang paglagos din lang ng pagkakataon sa mga palad. At sa katulad na paraan, sa pagtingin naman sa relos sa tula naman ni Dumdum, maaari palang nakatingin din lang sa orasang marahil malaon nang sira, marahil nakatigil sa salukoy na sa katunayan ay mahigit apat na taon na ang nakakaraan. Sa gayon, marahil din, ano ang nakalipas na apat na taon, at kasabay nito ang libo-libong taong gnomon na nagsibagsakan sa mga anino, kung hindi mga nagdaang tangka sa pagngangatwiran sa matagal na rin talagang pagkahuli?

Hindi kaya matagal-tagal na rin pala talagang tumigil ang panahon sa Pilipinas, bago pa man ito ngayong nararamdaman at iniinda sa panahon ng pandemya? Na ang sinasabing

“kuwarenternidad”11 na ito, sa katunayan, ay walang iba kung hindi ang parehong hungkag na panahong buhat pa sa panahong inaakala nating nagdaan na, subalit panahong narito pa rin pala sa kasalukuyan—kung hindi man maging ng ating hinaharap?

VII

At 7:17 pm on September 23, 1972, President Ferdinand Marcos announced that he had placed the entirety of the Philippines under martial law. This marked the beginning of a 14-year period of one-man rule which would effectively last until Marcos was exiled from the country on February 24, 1986. Even though the formal document proclaiming martial law—

Proclamation No. 1081, which was dated September 21, 1972—was formally

11 Ang “quaranternity” bilang pagpapangalan sa karanasan ng kasalukuyang pandemya ay nagmula sa Argentina, kung saan ang lampas sa dalawang daang araw ng lockdown ay hindi rin kinakikitaan ng anumang mabisang pagpigil sa COVID-19. Tingnan ito kay Makabenta.

(16)

lifted on January 17, 1981, Marcos retained essentially all of his powers as dictator until he was ousted.

When he declared martial law in 1972, Marcos claimed that he had done so in response to the “communist threat” posed by the newly-founded Communist Party of the Philippines (CPP), and the sectarian “rebellion” of the Mindanao Independence Movement (MIM). Opposition figures of the time, such as Lorenzo Tañada, Jose Diokno, and Jovito Salonga, accused Marcos of exaggerating these threats, using them as a convenient excuse to consolidate power and extend his tenure beyond the two presidential terms allowed by the 1935 Constitution.

After Marcos was ousted, government investigators discovered that the declaration of martial law had also allowed the Marcoses to hide secret stashes of unexplained wealth which various courts later determined to be “of criminal origin.”

This 14-year period in Philippine history is remembered for the administration’s record of human rights abuses, particularly targeting political opponents, student activists, journalists, religious workers, farmers, and others who fought against the Marcos dictatorship. Based on the documentation of Amnesty International, Task Force Detainees of the Philippines, and similar human rights monitoring entities, historians believe that the Marcos dictatorship was marked by 3,257 known extrajudicial killings, 35,000 documented tortures, 77 “disappeared,” and 70,000 incarcerations.

(“Martial law under Ferdinand Marcos”)

VIII

Noong 2013, bilang tangka na rin ng pamahalaan upang mabago ang karaniwang pagkakakawing sa mga Filipino sa pagkahuli, nilagdaan ng dating Pangulong Benigno Aquino, Jr. ang Batas Pambansa 10535, o ang Philippine Standard Time (PST) Act of 2013, na nagsusulong sa “Juan Time” na naglalayong mabago ang “Filipino time” bilang

“on time” (tingnan sa “With PST, ‘Filipino time’ is now ‘on time’”). Ito ay sa kabila na rin ng katotohanang ang kapuluan ng Pilipinas, kung tutuusin, ay “concurrently a country of premodern, modern, and postmodern societies[:] our rural areas, small communities, and villages, while we may sweepingly characterize them as premodern, possses at the same time some of the trappings of postmodern cities like Manila, Los Angeles, or Paris”

(Cruz-Lucero 7). Sa gayon, kahit pa man naisabatas nga ang “Juan time” at ang layon nitong mapag-isa ang mga orasan sa kapuluan (tingnan sa “Juan Time to sync time pieces with PST”), hindi ito nangangahulugan ng pagkakalutas din sa sinasabing nakasayanan daw na pagkahuli ng mga Pilipino, sapagkat sa katunayan, hindi nito nalulutas ang iba pang mga salik na nakapagsasanhi rin sa gayong suliranin: hindi pa rin matitiyak ang pagpatak ng “alas puno” sa mga sinasakyang pampublikong jeep; hindi pa rin naaayos ang mga kalsadang binabaha lalo na sa mga biglaang buhos ng ulan; hindi pa rin maayos ang kalungsuran lalo na para sa mga naglalakad at maging namimisikleta. Sa madaling sabi, ang nasabing Batas Pambansa ay wari isa rin lang kumpas ng paghaltak sa karaniwang oras, kung saan ang huli ay wari tubig sa ilog na lumalagos din lang sa mga palad ng isa.

Sa mga katulad na kadahilan, nauunawaan kung bakit noon ding sumunod na eleksiyon, naging kritikal ang pangako noon ng Pangulong Duterte: “Change is coming,”

aniya, na kung tutuusin ay isang pangakong pamanahon, sa paraang sa gayong inaasahang pagbabago nataya ng marami ang pangyayari muli sa wakas ng panahon—at bagong

(17)

panahon—sa bansa. Sa katunayan, sa pagkapanalo niya noong 2016, sinasabi nang nahiwatigan na rin, noon at noon din, na nangyari na nga ang pangakong pagbabago (Po).

Gayunpaman, ayon na rin kay Heydarian, halimbawa, hinggil sa ikaapat na SONA ng Pangulo noong Hulyo 2019, wari “Duterte’s time runs short to make meaningful change”:

“after three years in power, and thousands of suspected extrajudicial killings, including children, the government is yet to catch a single ‘big fish’ drug kingpin.” At pagkalipas ng halos kalahating taon, sa pag-uulat ng Bise-Presidente Leni Robredo base sa pananaliksik ng kanyang opisina hinggil sa digmaan kontra droga, sinasabing “sa kabila ng lahat ng Pilipinong pinatay at lahat ng perang ginasta, hindi lumampas sa 1 percent ang naipit natin sa suplay ng shabu at sa perang kinita mula sa droga” (Jalea).

Mula dito, maaari kayang mabasa rin muli ang paturol na “change is coming”: na sa halip bilang isang pangako na paparating nga ang isang panibagong panahon, ay isa lang pala itong payak na pagsasaad na darating nga ang pagbabago—bagaman kung kailanman, saanman, o paanuman ay hindi rin naman tuwirang nililinaw? Sapagkat kung tutuusin, hindi naman talaga ipinangako ang kabuoan ng loob, na “change will be coming.”

IX

Sa panayam ng Pangulong Duterte noong ika-17 ng Nobyembre, hinarap niya ang mga katanungan hinggil sa napunang wari pagkawala niya sa gitna ng sabay-sabay na krisis sa bansa—bukod pa sa kasalukuyang pandemya, ang pananalasa rin sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan ng malalakas na bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses, na ang kakaibang lakas at pagkakasunod-sunod ay maaari lang maiugat mula sa marahas na katotohanan ng pagbabago ng pandaigdigang klima.12

Bago ang nasabing panayam, nangyari na ring hinanap ang Pangulo ng maraming Pilipino sa social media, na nagsanhi ng pag-trend ng hashtag na #NasaanAngPangulo noong ika-1 ng Nobyembre (tingnan kay Tomacruz). Sa kaso ng huling pananalasa ng bagyong Ulysses, sinasabi ng Pangulo na habang nangyayari ang unos, nagkataon namang kinailangan niyang dumalo nooon sa ASEAN Summit. Dagdag pa ng Pangulo:

Remember kayong mga Pilipino, sinabi ko sa inyo, prankahan sa press conference, that I’m a night person. I work on the state government documents sa gabi.

Ang sinabi ko sa mga tao, tatrabahuin ko ‘yan sa gabi hanggang umaga.

I won’t have to complete it because you cannot just finish it in one hour. Well, pirma lang, okay lang. But if you read, ibang istorya ‘yan. So it would take time. Sometimes I sleep four, five, six, seven, sometimes eight [n.u.] kapag madalian.

Ngayon, sinabi ko sa tao ‘yan that I’m a night person. My day begins at two, two o’clock [n.h.] hanggang sa gabi na walang limit…

Ngayon kung sabihin mo may emergency, natutulog ako sa umaga, hindi ako natulog noon[g nanalanta ang bagyong Ulysses]. Gising ako ng umaga because of the [ASEAN] summit. At same time, I would go and whisper to the military guys in the room of how—how was it developing and what was the reaction of our government people there and the resources. Hindi mo na

12 Sa katunayan, ang bagyong Rolly ay tinataya bilang isa sa tatlong pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan, kasama ang bagyong Ferdie noong 2016 at Yolanda noong 2013. Tingnan ito kay Madarang, “Philippines bore the brunt…”

(18)

kailangan orderin ‘yan sila kasi two days before deployed na ‘yan sila doon po, nasa bodega na ‘yan ng mga sa gobyerno. Naka-deploy na ‘yan.

Iyong mga sundalo pati nga ‘yung sa Davao ‘yung security ko kinuha, half of it, dinala dito in anticipation dito sa typhoon, sunod-sunod kasi eh.

So ‘pag sinabi mong nasaan ako? I can ask the entire government machinery, foreign affairs, nandito ako nagsasalita. (“Talk to the People of the President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)”)

X

Nang magsimula na ring humuhupa sa tanghaling iyon ang bahang dulot ng bagyong Ulysses ilang oras lang ang nakakaraan, sa abot-tuhod pa ring tubig, nadaanan ko ang sapa malapit sa aming bahay. Sa ibabaw nito ay ang ginagawang tulay na magiging bahagi ng kalyeng C-6, na magdurugtong sa NLEX at SLEX, at sinasabing makaiibsan sa malalang suliraning pantrapiko sa mga pangunahing kalsada ng Maynila. Kung tutuusin, mga nagkukrus itong gasgas nang talinghaga para sa panahon: ilog at kalsada, para sa panahong sinasabing “dumadaloy,” “lumilipas,” o ayon na rin sa Griyegong si Heroclitus, hindi matataunan sa dalawang parehong paraan sa dalawa ring magkaibang pagkakataon.

Kaya rin nga gayong pasulong na haraya ang palaging pangako ng pagbabago, sa anyo man ng daang sinasabing matuwid o katuwirang iginigiit sa pinakamararahas na paraan ng “pagdidisiplina.” Sa ganitong pagkakatulad, sa patuloy na pangangarap para sa isang nasyon, ang panahon ay nanatiling hungkag at pare-pareho, sa walang pakundangan nitong pagsulong.13

Subalit noong araw na iyon, sa sapang iyon, kulay-lupa at apaw pa rin, nakita kong maaari din palang umatras ang agos.

Mga Sanggunian

Altar-Badayos, Uela. “Duterte on ‘Filipino time’: Scant reason given for 1-hour SONA delay.” Interaksyon, 24 Hulyo 2019, www.interaksyon.philstar.com/trends- spotlights/2019/07/24/152330/duterte-sona-late/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Anderson, Benedict. Imagined Communities. Ed. binago, Verso, 2006.

Añonuevo, Rebecca. “May oras ka rin, Duterte.” Facebook, 30 Oktubre 2016, https://www.facebook.com/notes/rebecca-t-%20añonuevo/may-oras-ka-rin- duterte/10154621709808431. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Aspinwall, Nick. “The Philippines’ Coronavirus Lockdown Is Becoming a Crackdown.”

The Diplomat, 3 Abril 2020, https://thediplomat.com/2020/04/the-philippines- coronavirus-lockdown-is-becoming-a-crackdown/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Baldwin, Clare, at Andrew R. C. Marshall. “As death toll rises, Duterte deploys dubious data in ‘war on drugs’.” Reuters, 18 Oktubre 2016, www.reuters.com/investigates/

13 Ayon na rin kay Anderson, “ang ideya ng sosyohikal na organismo na kumikilos pasulong sa paraang kalendriko sa pare-pareho at hungkag na panahon ay ang eksaktong kawangis ng ideyang ito ng bansa, na itinuturing din bilang isang buong komunidad na kumikilos pababa (o pataas) ng kasaysayan” (26, isinalin kay Benjamin 65).

(19)

special-report/philippines-duterte-data/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Bello, Walden Flores. “A Dangerous Liaison? Harnessing Weber to Illuminate the Relationship of Democracy and Charisma in the Philippines and India.” International Sociology, Sept. 2020, doi:10.1177/0268580920942721.

___. “Rodrigo Duterte: A fascist original.” Cetri, 9 Pebrero 2017, https://www.cetri.be/

Rodrigo-Duterte-A-Fascist-Original?lang=fr. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Benitez, Christian Jil R. “Panahon and Bagay: Metonymy and the close reading of dictionaries to understand Filipino temporality.” Philippine Studies, 67, 3-4, 2019, 511-42.

Benjamin, Walter. Hinggil sa Konsepto ng Kasaysayan. Salin ni Ramon Guillermo, High Chair, 2013.

Bernad, Miguel, S.J. “Filipino Time.” Budhi, 5/6, 3/1, 2002, 207-13.

Castaneda, Jason. “Why Duterte won’t lift world’s longest lockdown.” Asian Times, 15 Mayo 2020, https://asiatimes.com/2020/05/why-duterte-wont-lift-worlds-longest- lockdown/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

@cnnphilippines. “Panelo on reactions that Duterte’s press conference last night failed to assure public that the gov’t is ready to contain coronavirus: That means they were not listening to the President. The President was very clear. We have the money, we have the protocols.” Twitter, 10 Marso 2020, 12:46 n.h., https://twitter.com/

cnnphilippines/status/1237238280682237952.

Corrales, Nestor. “Duterte’s habitual tardiness due to ‘too many commitments’—aide.”

Inquirer, 16 Abril 2016, www.newsinfo.inquirer.net/779831/dutertes-habitual- tardiness-due-to-too-many-commitments-aide. Binuksan 15 Oktubre 2020.

David, Adam. “Susuutin ko lang muna ulit ang partypooper bogeyman hat ko para magkomento tungkol dito, ha…” Facebook, 15 Marso 2020, 8:11 n.g., https://www.facebook.com/photo?fbid=10157025005242717. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Dumdum, Simeon, Jr. Aimless Walks, Faithful River: Poems. Ateneo de Manila University Press, 2017.

___. “Time and Rodrigo Duterte.” Facebook, 30 Oktubre 2016, 11:54 n.u., https://www.

facebook.com/simeon.dumdum/posts/10210641476897632. Binuksan 15 Oktubre 2020.

“Duterte as ‘nocturnal’ president?” ABS-CBN News, 16 Mayo 2016, www. news.abs-cbn.

com/halalan2016/nation/05/16/16/duterte-as-nocturnal-president. Binuksan 15 Oktubre 2020.

“Fashionably Late.” Urban Dictionary, 2020, www.urbandictionary.com/define.

php?term=Fashionably%20Late. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Gulla, Vivienne. “For the first time, Duterte lets Defense chief hand out diplomas to PMA graduates.” ABS-CBN News, 26 Mayo 2019, www.news.abs-cbn.com/news/05/26/19/

for-the-first-time-duterte-lets-defense-chief-hand-out-diplomas-to-pma-graduates.

(20)

Binuksan 15 Oktubre 2020.

Heydarian, Richard. “Duterte’s time runs short to make meaningful change.” Nikkei Asia, 23 Hulyo 2019, https://asia.nikkei.com/Opinion/Duterte-s-time-runs-short-to- make-meaningful-change. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Jalea, Glee. “Robredo flunks Duterte admin in drug war, says less than 1 percent shabu seized by authorities in the last three years.” CNN Philippines, 6 Enero 2020, https://www.cnnphilippines.com/news/2020/1/6/Robredo-flunks-PH-admin-in- drug-war,-says-less-than-1-percent-shabu-seized-by-authorities-in-the-last-three- years.html. Binuksan 15 Oktubre 2020.

@JerryGracio. “Poetry of incoherence: ‘The Pill.”” Twitter, 16 Hunyo 2020, 10:18 n.u., https://twitter.com/JerryGracio/status/1272715025057107968.

“Juan Time to sync time pieces with PST.” Department of Science nad Technology, 30 Setyembre 2011, https://www.dost.gov.ph/knowledge-resources/news/36-2011- news/253-juan-time-to-sync-time-pieces-with-pst.html. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Kabiling, Genalyn. “Duterte stays up late and works while most people sleep — Palace.”

Manila Bulletin, 28 Mayo 2019, www.mb.com.ph/2019/05/28/duterte-stays-up- late-and-works-while-most-people-sleep-palace/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Lasco, Gideon. “Japanese punctuality, Filipino time.” Inquirer, 10 Agosto 2017, www.

opinion.inquirer.net/106233/japanese-punctuality-filipino-time. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Lalu, Gabriel Pablico. “Sona already delayed by 30 minutes.” Inquirer, 23 Hulyo 2018, www.newsinfo.inquirer.net/1013305/sona-already-delayed-by-30-minutes.

Binuksan 15 Oktubre 2020.

Lapniten, Karlston, at Kimberlie Quitasol. “Duterte arrives two hours late for PMA graduation.” Inquirer, 26 Mayo 2019, www.newsinfo.inquirer.net/1123317/duterte- arrives-two-hours-late-for-pma-graduation. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Lucero, Rosario Cruz-. Ang Bayan sa Labas ng Maynila/The Nation Beyond Manila.

Ateneo de Manila University Press, 2007.

Madarang, Catalina Ricci S. “Philippines bore the brunt of history’s 3 most powerful tropical cyclones at landfall.” Interaksyon, 18 Nobyembre 2020, https://interaksyon.

philstar.com/politics-issues/2020/11/18/180660/3-powerful-tropical-cyclones- history-philippines/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

___. “Screenwriter shares ‘poetry of incoherence’ titled ‘The Pill’ using words from Duterte’s nation address.” Interaksyon, 17 Hunyo 2020, https://interaksyon.

philstar.com/trends-spotlights/2020/06/17/170910/screenwriter-shares-poetry-of- incoherence-titled-the-pill-using-words-from-dutertes-nation-address/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Makabenta, Yen. “For longest lockdown, don’t try to beat Argentina.” The Manila Times, 6 Oktubre 2020, https://www.manilatimes.net/2020/10/06/opinion/columnists/

topanalysis/for-longest-lockdown-dont-try-to-beat-argentina/776905/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

(21)

Malasig, Jeline. “‘The Kit’: Duterte’s ramblings at COVID-19 press conference are now creative poems.” Interaksyon, 10 Marso 2020, https://interaksyon.philstar.com/

politics-issues/2020/03/10/163897/the-kit-duterte-ramblings-at-covid-19-press- conference-are-now-creative-poems/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

“Martial law under Ferdinand Marcos.” Wikipedia, Wikimedia Foundation, 17 Nobyembre 2020, https://en.wikipedia.org/wiki/Martial_law_under_Ferdinand_Marcos.

Marx, Karl. Economic and Philosophical Manuscripts of 1844. Salin ni Martin Milligan, Progress Publishers, 1974.

“‘My job is to kill’: Ongoing human rights violations and impunity in the Philippines.”

Amnesty International, 25 Setyembre 2020, https://www.amnesty.org/en/latest/

news/2020/09/philippines-un-pressure-end-killings/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Olanday, Dan, at Jennifer Rigby. “Inside the world’s longest and strictest coronavirus lockdown in the Philippines.” Telegraph, 11 Hulyo 2020, https://www.telegraph.

co.uk/global-health/science-and-disease/inside-worlds-longest-strictest- coronavirus-lockdown-philippines/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

@paterno_II. “Tutulog na rin ang @rapplerdotcom. Tama, hindi dapat magpabastos sa mga nambabastos sa oras ng Pilipino.” Twitter, 8 Hulyo 2020, 12:53 n.u., https://www.twitter.com/paterno_II/status/1280543822468898816.

Po, Julie L. “‘Change is coming,’ give change a chance.” Inquirer, 23 Mayo 2016, https://

opinion.inquirer.net/94867/change-is-coming-give-change-a-chance. Binuksan 15 Oktubre 2020.

“Prelue to Bad Sleep: Statement of Senator Risa Hontiveros on the President’s Late-Night Address to the Nation re COVID-19.” Senate of the Philippines 18th Congress, 31 Marso 2020, http://legacy.senate.gov.ph/press_release/2020/0331_hontiveros1.

asp. Press release.

Ranada, Pia. “Duterte: My working hours will be from 1 pm to 12 am.” Rappler, 29 Mayo 2016, https://www.rappler.com/nation/duterte-working-hours-president. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Rey, Aika. “Duterte sits out diploma distribution of PMA Class of 2019.” Rappler, 26 Mayo 2019, www.rappler.com/nation/duterte-sits-out-diploma-distribution-pma- class-2019. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Rizal, Jose. El filibusterismo. Salin ni Patricio Mariano, I. R. Morales, 1911.

___. Noli me tangere. Salin ni Pascual H. Poblete, M. Fernandez, 1909.

Santos, David. “Defense chief: Duterte ‘too sleepy’ to distribute PMA diplomas.” CNN Philippines, 26 Mayo 2019, https://www.cnnphilippines.com/news/2019/5/26/

Rody-Duterte-PMA-graduation-Defense-Secretary-Delfin-Lorenzana.html. Binuksan 1 Oktubre 2020.

Shaw, George Bernard. “Capital Punishment.” The Atlantic, Hunyo 1948, https://www.theatlantic.com/past/docs/unbound/flashbks/death/dpenshaw.htm.

(22)

Sison, Shakira. “Can we get rid of ‘Filipino time’?.” Rappler, 23 Abril 2015, https://www.

rappler.com/voices/imho/get-rid-filipino-time. Binuksan 15 Oktubre 2020.

“Talk to the People of the President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).” Presidential Communications Operations Office, 17 Nobyembre 2020, https://pcoo.gov.ph/presidential-speech/talk-to-the-people-of-president-rodrigo- roa-duterte-on-coronavirus-disease-2019-covid-19-32/. Panayam.

Tan, Lara. “Palace explains ‘sleepy’ Duterte’s tardiness at PMA graduation.” CNN Philippines, 27 Mayo 2019, https://www.cnnphilippines.com/news/2019/5/27/

Duterte-PMA-graduation.html. Binuksan 15 Oktubre 2020.

@theklmanuel. “Parang taga-announce na lang sila kung anong klaseng quarantine meron tayo tapos poof wala na hintay na lang ulit tayo 15 days announce ulit then sprinkle a lot of controversy and injustice in between and the cycle goes on 🙂🙃

🙂🙃.” Twitter, 16 Hunyo 2020, 12:10 n.u., https://www.twitter.com/theklmanuel/

status/1272562237912174594.

Tolentino, Rolando B. “May bago nang mad poet in town na biglang nagtrending, tinalo ang beatniks, surrealists at dadaists sa absurbity of thought, logic and language use.”

Facebook, 10 Marso 2020, 10:45 n.u., https://www.facebook.com/rolandobtolentino/

photos/a.294362934279034/1066795873702399/. Binuksan 15 Oktubre 2020.

___. “Presidente ba ito o madman in the attic called Malacanang? National health emergency na nga, incoherent ang sinasabi.” Facebook, 10 Marso 2020, 8:50 n.u., https://www.facebook.com/rolandobtolentino/posts/1066743767040943. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Virtudes, Sofia. “The ‘late’ president? Netizens invent new timezone to adjust with Duterte.”

Rappler, 31 Marso 2020, https://www.rappler.com/nation/memes-duterte-late- coronavirus-press-conference-march-30-2020. Binuksan 1 Oktubre 2020.

Weber, Max. From Max Weber: Essays in Sociology. Pat. H.H. Gerth at C. Wright Mills, Oxford University Press, 1958.

Westcott, Ben, at Anne Lagamayo. “Critics are accusing the Philippines government of using the coronavirus lockdown to crack down on dissent.” CNN, 3 Agosto 2020, https://edition.cnn.com/2020/08/03/asia/philippines-coronavirus-duterte-intl- hnk/index.html. Binuksan 15 Oktubre 2020.

“With PST, ‘Filipino time’ is now ‘on time.’” Department of Science and Technology, 23 Setyembre 2011, https://www.dost.gov.ph/knowledge-resources/news/36-2011- news/254-with-pst-filipino-time-is-now-on-time.html. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Yee, Jovic. “Longest lockdown, lost opportunities: PH COVID-19 cases go past 300,000.”

Inquirer, 27 Setyembre 2020, https://newsinfo.inquirer.net/1340659/longest- lockdown-lost-opportunities-300k-cases#ixzz6edIEhwAZ. Binuksan 15 Oktubre 2020.

Mga Sanggunian

NAUUGNAY NA DOKUMENTO

Sa lahat ng dako; manatili sa lahat ng dako, isang .salita, sa lugal ng isang pagsa: at makipagpaniigan sa lahat ng dako~ samantala'ng napipiringan ng ·pagkabu- Ang lipunang bÓ.rges;

Tayo man ng mga tahanan natin, kundi ang ang lumagay sa kanilang kalaga- pagdudulot din naman ng mga yan, paglid na pag6d ka sa tra- kaluguran sa kabiya.k ng puso baho, kauwi-uwi mo pa,