• Walang Nahanap Na Mga Resulta

Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa Antas Tersyarya ng Palawan State University.

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Share "Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa Antas Tersyarya ng Palawan State University."

Copied!
142
0
0

Buong text

(1)

BIBLIOGRAPIYA

NADAYAO, LILIBETH E. April, 2007. Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa Antas Tersyarya ng Palawan State University. Palawan State University, Tiniguiban Heights, Puerto Princesa City, Palawan.

Tagapayo: Maribel Z. Palazo, Ph. D.

ABSTRAK

Tinangkang matukoy at masuri sa pag-aaral na ito ang mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University. Layunin ng pag-aaral na ito na: 1)

matukoy ang estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University; 2). masuri ang estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ayon sa mga salik na antas ng edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral; 3) masuri ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University.

Sa pananaliksik, itrinanskrayb ang nakateyp na pagkaklase ng mga guro ng Filipino sa antas tersyarya upang madaling matukoy at masuri ang mga estratehiyang ginagamit nila. Pinagbatayan ang

(2)

modelo ni Mitchell (1988) sa pagsusuri ng mga estratehiyang ginagamit ng mga guro. Gumamit ng talatanungan ang mananalaiksik upang kunin ang ilang impormasyon tungkol sa mga guro gaya ng antas ng edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan. Gumamit din ng hiwalay na talatanungan para sa mga mag-aaral upang makuha ang kanilang persepsyon ukol sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo. Ang mga datos na nalikom ay itinala at inilarawan sa pamamagitan ng mean, frequency counts at ranking.

Ginamit naman ang analysis of variance sa paghahambing ng lawak ng pagkakagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino ayon sa antas ng edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral. Sa pagkuha ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro ay ginamit naman ang Kolmogorov-Smirnov Z-test.

Sa pagsusuri ng mga datos, natuklasan ang mahahalagang impormasyon hinggil sa pag-aaral na ito. Narito ang mga sumusunod:

1. Gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ang mga guro tulad ng pag-uulit , pagpapaliwanag,

pagbibigay-clue, substitusyon, paglilipat-wika at pagpapakahulugan tungo sa matagumpay na pagkatuto ng mga mag-aaral.

2. Sa anim na estratehiya, nanguna sa ranggo ang pag-uulit na may mean na 43.38, sumunod ang pagpapaliwanag 23.25, pagbibigay-clue 20.00,

(3)

substitusyon 15.50, paglilipat-wika 10.25 at pagpapakahulugan sa mean na 9.38 .

3. Ginamit ng mga guro ang estratehiyang pag-uulit nang may iba’t ibang tukoy gaya ng pagbibigay-diin sa ilang bahagi ng paksang-aralin,pagbibigay- linaw sa alinlangan ng mga mag-aaral, pagkuha ng atensyon ng mga mag-aaral upang makuha ang angkop na kasagutan at bilang pagbibigay puna sa naging maling kasagutan ng mag-aaral.

4. Gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ang mga guro batay sa mga salik na antas ng edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral nang walang kabuluhang pagkakaiba.

5. Batay sa persepsyon ng mga mag-aaral, ang pag-uulit (A1) ay malimit gamitin ng mga guro ayon sa 36.6% na bilang ng mga mag-aaral; ang pagpapaliwanag (A2) ay 54.3% at pagpapakahulugan (A6) naman ay palaging ginagamit ng mga guro ayon sa 38.7% na mga mag-aaral samantala, ang substitusyon (A3) ay 41.7%, paglilipat-wika (A4) ay 32.3% at pagbibigay-clue (A5) ay minsan lamang ginamit ng mga guro ayon sa

37.0% ng mga mag-aaral.

6. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University.

(4)

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Bibliograpiya . . . i

Abstrak . . . i

Talaan ng Nilalaman . . . iv

INTRODUKSYON Sanligan ng Pag-aaral . . . 1

Paglalahad ng Suliranin . . . 8

Layunin ng Pag-aaral . . . 9

Kahalagahan ng Pag-aaral . . . 9

Saklaw at Delimitasyon . . . . . . 11

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL Teorya sa Pagtatamo ng Wika . . . 13

Linggwistika . . . 17

Sosyolinggwistika . . . 26

Ang Guro at mga Mag-aaral . . . 31

Mga Lokal na Pananaliksik . . . 42

Balangkas na Konsepto . . . 47

Katuturan ng mga Katawagang ginamit . . . 51

Haypotesis ng Pag-aaral . . . 56

(5)

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Kinaganapan ng Pag-aaral . . . 57

Mga Respondente . . . 57

Paraan ng Pananaliksik . . . 59

Pangungulekta ng mga Datos . . . 59

Estadistikong Pagsusuri . . . 60

PAGTALAKAY SA MGA RESULTA Mga estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga guro . . . 61

Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga guro ayon sa antas ng Edukasyong Natapos . . . . . . . . . 79

Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga guro ayon sa Unang Wika . . . 83

Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga guro ayon sa Kolehiyong Kinabibilangan ng mga Mag-aaral . . . 87

Paghahambing sa Persepsyon ng mga Mag-aaral Sa mga Estratehiyang Pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro . . . .. . . 95

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Paglalagom . . . .. . . . 108

Konklusyon . . . 112

Rekomendasyon . . . 113

TALASANGGUNIAN . . . 116

(6)

APENDIKS

A. Liham Paghingi ng Pahintulot sa Dekana

Ng Palawan State University . . . 126 B. Liham Paghingi ng Pahintulot sa mga

Sabjek na Guro . . . 127 C. Listahan ng mga Estratehiyang Pangkomu-

nikasyong Ginagamit ng mga Guro . . . 128 D. Talatanungan Para sa mga Guro hinggil

Sa mga Salik na Antas ng Edukasyong Natapos, Unang Wika at Kolehiyong

Kinabibilangan ng mga Mag-aaral . . . . . 129 E. Talatanungan Para sa mga Mag-aaral Hinggil sa

salik na Kolehiyong kinanabilangan at Persepsyon ng mga Mag-aaral sa mga Estratehiyang Ginagamit

ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino . . . 130 F. Sagutang Papel para sa talatanungan . . . 132 TALAMBUHAY . . . 133

(7)

INTRODUKSYON

Sanligan ng Pag-aaral

Walang taong nabubuhay nang mag-isa. Ang pahayag na ito ay palasak na sapagkat nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ngunit patuloy na tinatanggap sapagkat totoo at walang sinumang makapagkakaila nito.

Nangangahulugan lamang na ang tao ay nabubuhay hindi lamang sa pagtamo ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan at kasuotan kung di gayundin ng makakasama. Sapagkat ang tao ay likas na matanong at mausisa, kinakailangan niya ng makakausap upang matugunan ang kaniyang pangangailangang pang-intelektwal sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa buhay ng tao dahil ito ang tulay na ginagamit para maipahayag ang anumang mga pangangailangan at mithiin. Sumasang-ayon ito sa sinabi ni Jocson (2004), na ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi at lipunan ay ang wika. Ibig sabihin lamang na ang tanging paraan upang maisalin sa iba ang kaalaman, karanasan at alaala ng isang lahi o lipi at lipunan ay nasa wika.

Sa paggamit ng wika hindi na kailangang magsalita sapagkat maaari naman tayong magpabatid ng kahulugan sa pamamagitan ng pagsulat at mga senyas. Gayunpaman, ang pagsasalita pa rin ang

(8)

2

pangunahing paraan ng paghahatid ng wika kung saan ang mga tunog na ginagamit sa pagsasalita ang pinakasangkap ng wika para ipahayag ang saloobin. Bawat wika ay may mga sariling tunog na may partikular na patern ng pagsasaayos para ipahayag ang iniisip. Sa katunayan, ginagamit ng tao ang wika sa pagmumuni-muni, pag-iisip o pakikipag- usap sa sarili na tinatawag nating intrapersonal gayundin sa pakikipag- ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao na tinatawag nating interpersonal.

Sa madaling salita, ang wika ang siyang behikulo ng ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.

Ayon kay Pineda (2004), umiiral sa dalawang kaantasan ang wika;

istandard at di-istandard. Bagama’t sa kalikasan ay walang salitang higit na mataas o lalong mababa kaysa sa isang salita na pinatutunayan din ni Paz (2003) na walang katotohanan ang isang koment na nagsasabing mababa ang grammar ng ibang wika. Hangga’t naipahahayag ng mga ispiker ng isang wika ang anumang gusto nilang ipahayag hindi pwedeng sabihing mababa o primitiv ang gramar ng wika nila. Maaari lamang na may mga kulturang sinasabing primitiv dahil degri ng kabihasnan o istandard ng isang kultura ang pinagbabatayan pero hindi ito nangangahulugang primitiv din ang gramar ng kanilang wika.

Ang wika ng kapinuhan ay karaniwang ginagamit, maituturing na pangunahing bahagi ng pamayanan at nauunawaan ng lalong marami sa

(9)

3

lipunan. Ito ay may mataas na prestihiyo at ipinalalagay na mataas ang kapantayan. Sa kabilang dako, ang wikang limitado, lokal o di-kultong gamit ay di-istandard at itinuturing na mas mababa sa pamantayan.

Kaugnay ng nabanggit na mga kaantasan, mayroon ding pagkakaiba ang wika sa sukatan ng istilo: una, istilong pormal na siyang angkop sa lahat ng pagpapahayag na publiko at may kaselanan, pangalawa, ang istilong di-pormal na malimit na ginagamit ng mga tao sa pagsasalita at pagsulat.

Tugma ito sa antas ng wika ni Tumangan (2000) na nahahati sa dalawang kategorya, ang pormal at impormal. Ang pormal na wika ay mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. Saklaw nito ang antas pambansa kung saan ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila na kadalasang ginagamit at itinuturo sa mga paaralan at pamahalaan at antas pampanitikan na karaniwang ginagamitan ng mga matatayog, malalalim, makukulay at masisining na pagpapahayag ng mga manunulat sa kanilang mga akda.

Ang kategoryang impormal naman ng wika ay yaong karaniwan at palasak na ginagamit sa araw - araw na pakikipag-usap. Saklaw nito ay antas lalawiganin na ginagamitan ng bokabularyong pandyalekto; kolokyal na ginagamitan ng mga salitang magagaspang; at balbal na kinabibilangan ng pinakamababang uri ng antas ng wika.

(10)

4

Ang pagkamalikhain ng wika o pamamaraan ng ekspresyon ang sinasabing pinakamahalagang katangian nito. Ayon kay Chomsky (1957) sa pagbanggit ni Paz (2003), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang. Naipahahayag ng tao sa wikang kinagisnan at natutuhan ang kabuuan ng kanyang karanasan, damdamin at pag-iisip batay sa hinihingi ng iba’t ibang pagkakataon at mga pangangailangan, maliwanag na dahilan para sabihing ang wika ay isang katangian na yunik sa tao lamang.Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi ito matatawag na wika.

Umaayon ang pahayag na ito ni Paz (2003) sa paliwanag ni Lachica (1998), na ang hayop ay may kakayahan ding makipagkomunikasyon sapagkat ginagamit ng mga insekto ang kanilang pandama sa pakikipag-unawaan. Ang mga langgam ay nakapaghahatid ng balita na may pagkain sa isang lugar sa pamamagitan ng pagkiskis ng isang bahagi ng kanilang katawan sa katawan ng ibang langgam. Ang mga lamok ay nakapagsasagawa naman ng kakaibang ingay kung may dugo silang nasisipsip. Nagsasagawa naman ng kakaibang indayog na kilos ang mga pukyutan o nagpapalabas ng kakaibang amoy upang mapakilos ang ibang pukyutan sa paghahakot ng pagkain. Kakatwang ingay naman ang ginagawa ng mga unggoy kapag nakadarama ng panganib, saya,galit o tuwa.

(11)

5

Sa lahat ng ito, tanging ang mga kabilang lamang sa lipunan ng tao ang may kakayahang makipagtalastasan sa paraang pasalita, pasulat at maging sa pamamagitan ng mga simbolo at senyas.

Ayon sa mga dalubwika, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na gingamit ng tao sa komunikasyon upang maintindihan ang sarili, karanasan, kapwa tao, ibang tao, paligid, mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, pulitikal, ekonomikal at kultural. Ang pagsasalita ng tao ang tinutukoy na sistema ng tunog at paraan naman ng ating pagsulat at iba pang anyo ng sagisag o hudyat na ginagamit sa komunikasyon. Ang mga sagisag ay pasenyas na wika. Tinutukoy na ang wika ay para sa tao.

Samakatuwid, ang wikang tinutukoy ay ang ginagamit ng tao sa palaisipang ugnayan sa kanyang kapwa tao na gaya ng ginagawa ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum.

Ang karanasan ng guro ay bukas na aklat sa ating bansa. Siya ang ulirang propesyunal na kadalasang ulila at limot na lingkod ng bayan.

Ngunit sa kabila nito, siya ay matiyaga at taimtim na tumutupad sa tungkulin bilang katuwang ng mga magulang at buong komunidad sa pagmumulat ng mga mag-aaral.

May tatlong salik sa pilosopiya ng edukasyon, ito ay ang mga mag- aaral, kurikulum at guro. Sa tatlong ito, ang may pinakamahalagang tungkulin sa edukasyon ng mga bata ay ang guro dahil walang guro kung

(12)

6

walang mag-aaral na tuturuan. At dahil ang mga mag-aaral ang sentro ng teaching-learning process, ang paglilimi at kawilihan sa pag-aaral ay natutuon sa mga mag-aaral kaya hindi dapat sumentro lamang ang guro sa sabjek na kanyang itinuturo kundi sa tinuturuan nito at sa paraan din ng pagtuturo. Kaya kailangan niyang mag-isip ng masisiglang gawain sa paglalahad ng aralin para makuha niya ang loob ng mga mag-aaral.

Umaayon dito ang paliwanag ni Hatch at Long (1980) na sa interaksyon at interpersonal na pakikipag-usap ay dapat na may kooperasyon ang bawat isa; may tuntuning sinusunod sa pag-akit sa atensyon ng kausap.

Ang epektibong pag-aaral ay nakabase sa epektibong ugnayan ng mag-aaral at ng guro. Ayon naman kay Badayos (1999) sa pagbanggit ni Tomas (2004), ang pagtuturo ay isa sa mga pinakakomplikadong gawain o propesyon. Sa larangan ng pagtuturo ng wika, ang usapan ay palagi nang nakasentro sa guro ng wika at kung paano sila nagtuturo. Ang isang epektibong guro ay hindi lang nakasalalay sa kahusayan sa pagtuturo kundi ang kakayahang umunawa at makipag-ugnayan sa mga mag-aaral.

Sa loob ng klase, hindi lamang tagapagsalita ang guro kundi tagapangasiwa rin. Dahil dito, nararapat lamang na mulat sa mga estratehiyang pangkomunikatibo ang bawat guro. Kapag hindi magiging maalam at magaling sa mga estratehiyang pangkomunikatibo ang guro,

(13)

7

malamang na hindi niya maituturo nang maayos ang mga aralin.

Umaayon ito sa binanggit ni Fernandez (2004) na ang tunguhin ng guro sa diskurso ay napakahalaga lalo na ang paggamit niya ng iba’t ibang kalakaran at estratehiya upang magampanan nang ganap ang kanyang layunin.

May kaugnayan ito sa teorya nina Good at Brophy (1987) ayon sa pag-aaral ni Lartec (2001) na maraming edukador ang nakakaalam sa kahalagahan ng interaksyong pangklase. Ang mabuting interaksyon ng mga guro at mag-aaral ay malaking salik sa pagkakaroon ng kalidad na edukasyon. Sa interaksyong ito, ang kadalasan ng pagsasalita ng guro at ng mga mag-aaral ay kalimitang ginagamit bilang sukatan.

Anupa’t hindi biro ang responsibilidad na nakaatang sa mga guro kaya kailangan niya ng mga kaalamang hindi lamang sa sariling larangan kung di gayundin sa sikolohiya upang higit na maging magaan para sa kanya ang unawain at tanggapin ang indibidwal na pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral gaya ng kanilang mga kahinaan at kalakasan, tunguhin at aspirasyon tungo sa pagkamit ng pagkatuto.

Malamang na ang pagsasagawa ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon ay magbibigay ng bagong direksyon sa paggawa ng malaking pagbabago sa loob ng klasrum. Ang pinakamalawak na pagbabago sa klasrum ay magbubukas ng lalong pinaigting na gawaing

(14)

8

intelektwal at pang-akademiko. Tulad halimbawa, kung gagamitan ng guro ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikatibo ang mga mag-aaral sa pagtatanong at hayaang mag-isip ang mga ito ng mga kasagutan o tugon ay mahahasa niyang palawakin ang kanilang pag-iisip at kasabay nito ang kanilang pagkatuto.

Talagang kinakailangang magkaroon ng mga karampatang karunungan at estratehiya upang lalong mapahusay ang pamamaraan sa pagtuturo at mapaganda ang karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Totoong nasa guro ang madali at mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Bukod sa paksa at pamamaraang dapat niyang matutuhan, may mga katangian siyang dapat na laging isaisip upang maging lalo siyang magtagumpay (Villanueva, 1991).

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng mananaliksik na suriin ang estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University. Sasagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro sa antas tersyarya ng Palawan State University?

2. Ano ang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang ginagamit ng mga guro ayon sa:

(15)

9

a. antas ng edukasyong natapos b. unang wika

c. kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral

3. Ano ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro sa antas tersyarya ng Palawan State University?

Layunin

Nilalayon ng pag-aaral na:

1. Matukoy ang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro sa antas tersyarya ng Palawan State University.

2. Masuri ang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang ginagamit ng mga guro ayon sa:

a. antas ng edukasyong natapos b. unang wika

c. kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral

3. Masuri ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro sa antas tersyarya ng Palawan State University.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta sa pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong sa

(16)

10

pagpapaunlad ng estratehiyang pangkomunikasyon na bubuo ng isang makabuluhan at mabungang pang-akademikong gawain.

Sa tagapagtaguyod ng edukasyon, makatutulong ito bilang mapagkukunan ng impormasyon sa kanilang pagsasagawa ng plano at pagpapatupad ng kanilang kurikulum ayon sa pangangailangan, upang maiagapay sa pamantayang pandaigdig ang pagpapataas ng uri ng ating edukasyon sa Pilipinas.

Sa mga administrador, superintendente at superbisor na tagapangasiwa ng mga guro, makatutulong ito sa kanilang paggawa ng mga makabuluhang programa para sa pagpapainam ng mga guro tungo sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa mga guro, magiging gabay nila ito sa pagpapahalaga ng mga napapanahong estratehiya sa pagtuturo ng wika upang makasabay sa modernisasyon at globalisasyon upang maiangat ang pamantayang pangwika. Magsisilbi rin itong paalaala sa kanila na huwag nilang payagang mapalitan ang kanilang papel bilang guro sa klasrum ng mga makabagong teknolohiya at multimediang kagamitan na bagama’t mahalaga sa pagkatuto ay kailangan pa ring maipakita ng mga guro na moderno, makabago at pangglobal ang kanilang estratehiya upang makasabay sa mga napapanahong makabagong teknolohiya.

Sa mga mag-aaral, ito ay magbibigay ng kabatiran sa kanila

(17)

11

tungkol sa mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng mga guro upang kanilang mapabuti at mapahusay pang lalo ang pagiging malikhain at mapanuring pag-iisip na nagdudulot ng higit na tagumpay sa kanilang propesyon sa hinaharap.

Sa mga mananaliksik, magiging instrumento ito sa pagsasagawa ng kahalintulad o anumang kaugnay na pag-aaral gaya nito. At upang magkaroon din ng kaalaman sa mga makabagong estratehiya at gawain sa edukasyon.

Sadyang napakahalagang matalakay ang relasyon ng estratehiyang ginagamit at pagkakagamit ng wika upang masuri ang papel na ginagampanan ng estratehiyang pangkomunikasyon sa pagpapanatili ng usapan sa klasrum.

Saklaw at Delimitasyon

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagtukoy sa mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro sa antas tersyarya ng Palawan State University, Puerto Princesa City, Palawan.

Sinuri rin sa pag-aaral na ito ang estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng mga guro ayon sa antas ng edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral at antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino.

(18)

12

Ginamit ng mananaliksik ang modelo ni Tarone (1997) upang pagbasehan sa pagtukoy at pagsuri ng mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng guro sa pagtuturo.

Ang sabjek ay mga guro ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University at ang mga respondente ay kanilang mga mag-aaral.

Sa pagkuha ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon, ginamit ang Kolmogorov-Smirnov-Z test at 5 point scale. Ang 4.50-5.00- palagi, nangangahulugang ang estratehiyang pangkomunikasyon ay ginamit ng guro sa halos lahat ng pagkakataon sa kanyang pagtuturo; 3.50-4.49-malimit, nangangahulugang ang estratehiyang pangkomunikasyon ay ginamit ng guro nang madalas sa kanyang pagtuturo ngunit hindi kasindalas ng palagi; 2.50-3.49-minsan, ito naman ay nangangahulugang ang estratehiyang pangkomunikasyon ay ginamit lamang ng guro nang pana- panahon. Ibig sabihin may pagkakataong nagagamit ito ngunit may pagkakataon ding hindi; 1.50-2.49- bihira, ito ay nangangahulugang ang paggamit ng guro ng mga estratehiyang pangkomunikasyon ay madalang sapagkat nabibilang lamang ang pagkakataong iyon at 1.00-1.49-hindi, ibig sabihin ay hindi nagamit ang mga estratehiyang pangkomunikasyong

nabanggit.

(19)

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Kaugnay sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, sinikap ng mananaliksik na makabasa ng mga literatura at kaugnay na pag-aaral na magsisilbing giya sa pagtahak sa pagtuklas ng mga kasagutan sa kanyang mga suliranin. Sa kabanatang ito ay malalaman kung ano ang wika at ang mga gamit nito sa pang-araw-araw na realidad. Malalaman ding hindi lang kung paano nabubuo ang wika kundi kung ano pa ang ginagawa ng nagsasalita sa paraan ng wikang gamit niya para epektibo siya sa kanyang pakikipagtalastasan.

Teorya sa Pagtatamo ng Wika

Ayon kay Paz (2003), natural lamang sa tao ang pagkatuto, pagkakaroon at tuluyang paggamit ng kanyang wika mula pagkabata. Ito ay kung wala siyang naging kapansanan para hindi matuto ng wika o kaya’y para matigil ang kanyang paggamit ng wikang kinagisnan. Mariin itong sinang-ayunan ni Sauco ,Atienza at Papa (1998) sapagkat ayon sa kanila, ang wika at pagsasalita ay bahagi at gawain ng tao sa pang-araw- araw na buhay kaya ipinalalagay na likas, katutubo at payak. Ito ang dahilan kung bakit bihira itong mapag-ukulan ng pansin sapagkat natural lamang ito na gaya ng ating paghinga at paglakad. Ayon pa sa kanila, dapat nating pakaisipin na ang pagkalikas ng ating pagsasalita ay may

(20)

14

kaibahan sa paraan ng ating pagkatutong humakbang. Ang kultura o kalinangan ay hindi lubhang kailangan sa ating pagsisimulang lumakad.

Bawat bata ay nasasangkapan ng mga salik o bahaging tinatawag nating mga minanang pambiyolohiya, kaya kusa itong tumatagilid, tumatakbo, gumagapang, umuupo, tumatayo at humahakbang. Ang kanilang organismo, mga ugat at kalamnan sapul pa sa pagiging tao ay handa sa napipintong paglakad. Samantala, sa wika at pagsasalita ay iba, mariin mang sinang-ayunan ni Sauco (1998) ang unang pahayag ni Paz (2003), binigyang linaw niya naman na totoong ang isang tao ay natatalagang makapagsalita subalit hindi lamang sa dahilang ipinanganak siyang may sangkap para dito kundi sa dahilang siya ay nasa gitna ng lipunan o ng mga taong katututuhan niya ng pagsasalita. Alisin ang lahat ng tao sa kanyang paligid; matututo siyang lumakad ngunit hindi siya makapagsasalita.

Kung susuriin ang paliwanag ng dalawang grupo ng dalubwika, mauuring sumang-ayon sa paniniwala ng mga innativist ang paliwanag ni

Paz (2003) sapagkat nakasaad sa teoryang innative na ang pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak

na may “likas na salik” sa pagkatuto ng wika kaya hindi na kailangang suportahan ang bata sa pagtamo ng wika dahil likas na niya itong matututunan.

(21)

15

Umaayon ito sa pahayag ni Daniels sa kanyang Siyam na Ideya sa Wika sa pagbanggit ni Austero (1999), na natututuhan ng mga bata ang kanilang wika nang mabilis at episyente kahit walang nagtuturo. Sinang- ayunan pa ito nina Skinner (1957) at Corder (1983) sa pagbanggit ni Abad (1996), na binibigyang-diin sa pinalatuntunang pagtuturo ang simulaing bawat isang indibidwal ay may sariling bilis ng pagkatuto at maaaring matuto kahit walang gurong magtuturo.

Samantala, ang paliwanag naman nina Sauco (1998) ay nakabatay sa teoryang behaviorist na nagsasaad na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang kapaligiran.

Ayon pa rin sa mga behaviorist sa pagbanggit ni Lartec (2001), ang tao ay ipinanganak na may “tabula rasa” o “blank sheet”. Ibig sabihin walang laman ang utak at walang kaalaman sa wika, magkakalaman lamang ito habang nakikisalamuha sa kapwa sa kanyang paglaki.

Maaaring matuto ang isang nilalang sa tamang pagtugon sa stimulus na nadarama at nakikita sa paligid.

Naaayon ito sa paniniwala ni Chomsky (1957,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkapanganak ng tao at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.

(22)

16

Inilarawan ni Chomsky ang prosesong ito sa pamamagitan ng analohiya ng isang likhang-isip na “aparato” na taglay ng mga bata, tinawag niya itong Language Acquisition Device (LAD). Ang LAD ay tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika.

Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig, bubuuin na sa isipan ang mga tuntunin ay inilalapat habang nakikipag-usap ang mga bata. Ang LAD ay patuloy na ginagamit ng mga bata bilang sistema ng pagbuo ng mga tuntunin hanggang sa marating nila ang kaganapan ng kanilang edad (maturation).

Sa madaling salita, ayon sa LAD, ang tao’y marunong kumilala ng tunog na naririnig at nakabubuo ng kalagayang panlinggwistika sa iba’t ibang anyo na maaring maiwasto sa pagdaan ng panahon. Batid din niyang magkakaiba ang wika sa kalikasan, kasaysayan at istruktura.

Makakaya rin niyang bumuo ng mga pamantayang panlinggwistika na kailangan sa pagkatuto ng wika sa ibang tao.

Sang-ayon ito sa paniniwala nina Abad at Ruedas (1995) na ang mga bata ay natututo ng wika sa pamamagitan ng pagmamasid at panggagaya sa mga taong nakakasalamuha nila kaya sa paaralan ay madali silang natututo sa pakitang-turong pamamaraan ng guro. Nagiging konkreto at tumatagal ang natututuhan nila dahil namamasdan at nagagaya nila ang mga itinuturo ng guro (Ngamoy,2002).

(23)

17

Linggwistika

Napakatagal nang panahon na pinag-aaralan ng tao ang mga wika ng tao. Sa pagtatapos ng ikalabinsiyam na sentyuri itinakda ang pagsisimula ng mga unang linggwistiks na pag-aaral ng mga wika. Iba’t iba ang depinisyon ng linggwistika, kalimitan ay ayon sa oryentasyon at pinaniniwalaang disiplina ng linggwistang nagbibigay ng depinisyon.

Subalit mapapansin na lahat sila ay nagkakaisa kabilang na si Santiago (1979) sa pagsasabing ang linggwistika ay ang maagham na paraan ng pag-aaral sa wika. Manapa, higit na angkop sabihin na ang linggwistika ay isang maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman tungkol sa wika. Ang pinakasanligan ng lahat ng maagham na pagsusuri ay nagdaraan sa proseso ng pagmamasid sa wika at sa epekto ng wika sa tao kung saan ang pagtitipon ng obhektibo at walang kinikilalang mga datos at mga obserbasyon ang hindi nakukulayan ng emosyon ng isang linggwista.

Ayon kay William G. Moulton sa pagbanggit ni Tayao sa kanyang modyul, ang linggwistika ay sangay ng pakakatuto ng wika ng tao at ng buong lipunan: kung paanong nabuo ang wika; paano nagkakaiba-iba sa mga lugar at nagbabago sa paglipas ng panahon; ano ang kaugnayan sa iba pang wika; at kung paano ginagamit ng mga spikers.

May dalawang pangunahing sangay ang linggwistika, ang

(24)

18

theoritical (teoretiko) at applied (nilapat). Ang teoretikong linggwistika ay nauukol sa kalikasan ng wika at sangkap nito. Samantala, ang nilapat naman ay nauukol sa paggamit ng wika, paano ito natamo at natutunan at kung paano ito ituturo. Patunay ito sa pahayag ni Hemphill (1962), sapagkat ayon sa kanya, ang applied (nilapat) na linggwistika ay yaong uri ng linggwistikang maaaring pakinabangan ng mga guro sa pagtuturo ng wika. Kabilang dito ang iba’t ibang dulog sa pagtuturo ng wika, paglalapat ng mga metodolohiya at pamamaraan sa pagtuturo ng unang wika, pagtuturo ng metodolohiya sa pagtuturo ng wikang banyaga at ikalawang wika. At bilang karagdagan, saklaw nito ang materyal produksyon na may diin sa mga alituntuning pinagbabatayan ng mga materyal na disenyo, pagpapatupad at ebalwasyon. Dalawang uri ang kinakailangan, ang mga ito ay ang mga kagamitang pampagtuturo o mga kagamitan at ebalwasyon sa pagkatuto ng wika o mga kagamitan sa pagsubok ng wika.

Ang mga dalubwika namang nag-aaral ng mga mahahalagang yunit ng wika at mga disenyo ng pag-ayos nito ay maaaring mauri sa teoretikong linggwistika, sapagkat sinubok nilang gumawa ng panuntunan ukol sa tamang gamit ng wikang kanilang pinag-aaralan at itinatala ang mga natuklasan.

Ayon naman sa isang artikulo ng wikipedia sa internet, ang pag- aaral ng linggwistika ay maaaring isadiwa sa tatlong malalaking aksis; 1).

(25)

19

synchronic at diachronic kung saan ay binabahala ng synchronic na pag- aaral ng wika ang anyo nito sa isang bigay na sandali samantala, sinasakop naman ng diachronic na pag-aaral ang kasaysayan ng isang (grupo ng) wika at ang pagbabago ng kayarian sa paglipas ng panahon.

2). Teoretiko at nilapat kung saan binabahala ng linggwistikang teoretiko ang mga framework para ilarawan ang kanya-kanyang wika at teorya tungkol sa unibersal na aspekto ng wika samantala, nilalapat naman ng linggwistikang nilapat ang mga teoryang ito sa ibang larangan. 3).

Kontekstwal at malaya kung saan ay binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung paano iaangkop ang wika sa mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at namataan.

Binabahala naman ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang sariling kapakinabangan maliban sa panlabas na kaugnay na wika. Bilang karagdagang paliwanag hango sa modyul ni Tayao, ang mga pag-aaral sa teoretikong linggwistika ay nakatuon sa sangkap ng wika sa isang takdang panahon, ito ang tinatawag na synchronic na linggwistika. Ang synchronic na pag-aaral ay nakatuon sa paglalarawan ng isang tanging wika. Ang mga paglalarawang ito ay binubuo ng corpus of descriptive linguistics. Sa kabilang banda, sa synchronic ay maari ring maghambing ng dalawa o higit pang wika gamit ang contrastive analysis para malaman ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ito. Ito ang tinatawag na

(26)

20

comparative linguistics. Ang heograpiyang pagkakaiba-iba sa wika ng mga dayalekto ang halimbawa nito.

Taliwas sa snychronic na pag-aaral kung saan ay pag-iimbestiga ng mga wikain sa isang itinakdang panahon, may mga pag-aaral naman sa teoretikong linggwistika na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa wika sa paglipas ng panahon. Ito ang tinatawag na diachronic na pag-aaral. Isa sa mga pag-aaral dito ay ang historikal na linggwistika. Ayon kay Santiago (1979), ang tinuturing na kauna- unahang disiplina sa linggwistika ay ang linggwistikang historikal na naglalayong magpatotoo na ang wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t ibang angkan. Ang ganitong simulain ay pinatunayan sa pamamagitan ng pag-alam sa pagkakatulad-tulad at pagkakaiba-iba ng iba’t ibang wika.

Ang isang pinakakaraniwang paraan ay ang pag-alam sa mga salitang magkakaugat (cognates) sa mga wika. Sa payak na pagpapakahulugan, ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami ng mga salitang magkakaugat, bukod sa malaking pagkakahawig sa palatunugan, palabuuan, at palaugnayan, ay pinapangkat sa isang angkan. Para sa lubos na pag-unawa ng linggwistika, tunghayan ang kabuuang paglalarawan nito sa figyur 1.

Sa descriptive linguistics ay inaalam ang sangkap ng wika sa itinak- dang panahon. Kasama rito ang tunog o palatunugang sangkap, ang ma-

(27)

Linguistics

Psycholinguistic

Neurolinguistics

Sociolinguistics

Theoretical linguistics

Applied linguistics

Synchronic Diachronic

Descriptive linguistics

Comparative linguistics

Historical linguistics

Phonology Morphology Syntax Discourse

Articulatory Phonetics

Free morphemes

Structural grammar

* IC

* TG

* Case

Text analysis

Acoustic Phonetics

Bound morphemes

Semantic grammar

Padagogical grammar

Genre analysis

Language Teaching

Materials Production

Native language

Instructional

Foreign language

Evaluation

Second language

(28)

22

kabuluhang yunit ng tunog, ang balarila at retorikang ayos ng wika. Ang pag-aaral ng palatunugang sangkap ng wika ay tinatawag na ponolohiya.

Ang sangay ng ponolohiya na tumatalakay sa pagbuo ng mga tunog ay tinatawag na articulatory phonetics samantala, ang tumatalakay sa pagtanggap ng mga tunog ay tinatawag na acoustic phonetics.

Morpolohiya naman ang tawag sa makahulugang yunit ng wika.

Saklaw nito ang malayang anyo ng salita o mga salitang nagbibigay ng kahulugan at ang pinalawak na kinakabitan ng mga panlapi upang matukoy at magkaroon ng karagdagang kahulugan ang salita. Ang una ay tinatawag na free morphemes samantala ang huli ay bound morphemes.

Ang pag-aaral naman ng grammatical pattern ng wika ay may kinalaman sa ayos ng mga salita. Tinatawag ito bilang sintaksis samantala ang linggwistikang nauukol sa pagsusuri ng buong teksto at genre ay tinatawag namang diskurso.

Tunghayan ang figyur 2 upang lalong maunawaan ang sangay na ito ng linggwistika pati ang saklaw nito.

Ang pag-aral at pag-alam ng mga ito ay nagsimula sa structural Grammar tulad ng kay Bloomfield (1917) immediate constituents o IC grammar patungo sa transformational-generative o TG ni Chomsky (1962) Patungo sa case grammar ni Fillmore (1987), ang dalawang huling

(29)

Phonetics

Articulatory phonetics The study of the

production of speech sounds

Acoustics phonetics the study of the transmission and

the physical properties of speech sounds

Auditory Phonetics The study of the

perception of speech sounds.

Phonology

(30)

24

nabanggit ay patungo sa semantic o communicative grammar at ang pinakahuli ay ang kasalukuyang pedagogical grammar.

Ayon pa rin kay Santiago (1979) sa Pilipinas, masasabing ang modelong istruktural pa rin ang pinakapalasak. Bukambibig man ang modelong transformational-generative ni Chomsky (1962) at ng kanyang mga kasamahan ngunit waring ang modelong ito ay hindi makapasok sa larangan ng pagtuturo ng wika sa mga paaralan. Panahon na lamang ang makapagsasabi kung aling modelo ang sa dakong huli ay totohanang papalit sa modelong istruktural.

Sa kasalukuyan ay marami pang lumilitaw na modelo sa linggwistika. Ang pinakahuli at malamang na siyang maging pinakamalaganap at gamitin sa darating na mga araw ay tinatawag na mathematical linguistics o linggwistikang matematikal. Kung minsan ay tinatawag itong computational linguistics. Bagama’t ang disiplinang ito ay hindi pa gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak nang ito ay magiging palasak sa malapit na hinaharap dahil sa pagdatal ng computer sa halos lahat ng larangan ng pag-unlad. Makikita sa figyur 3 ang paglalarawan ng sakop ng pag-aaral na ito.

Sa kabuuan, ang pagmamasid sa wika ay maaring tungkol sa mga katangian ng wika mismo o maaari rin namang sa nagiging epekto ng wika sa tao – sa ating mga gawi at paniniwala; at ang ating pagbibigay-ka-

(31)

Linguistics

Theoretical (nature and component of

language)

Applied (how language is

taught and learned)

Theoretical (nature and component of

lan

Diachronic (across time) guage)

Phonology Morphology Syntax Discourse

Articulatory phonetics

Structural Grammar

Text analysis

Acoustic phonetics

Semantic (communicative

Grammar)

Genre Analysis

Pedagogical grammar free

morphemes

bound morphemes

Descriptive linguistics (one language)

Comparative Linguistics (two or more

languages

Historical linguistics

(32)

26

hulugan sa mga bagay-bagay at pangyayari sa ating paligid ay masasalamin sa wika (Santiago, 1979). Nangangahulugan lamang na ang linggwistika ay ang pagsasaalang-alang at paggamit ng mga maagham na paraan sa pag-aaral at pagsusuri ng wika.

Sang-ayon din ito sa ideya ni Hockett (1947) dahil ayon sa kanya, sa tradisyunal na pag-aaral ng wika, di tinututukan ang istruktura ng salita.

Pinagsama-sama lamang ang mga salita sa listahan at tinawag na bokabularyo. Nakita lang muli ang importansya ng ganitong pag-aaral noong nagkaroon ng emfasis sa mga pag-aaral na singkronik at nabigyang pansin ang istruktura ng salita (Nida, 1957).

Ayon kay Paz (2003), ang palaging isyu sa linggwistika ay ang paghahanap ng relasyon sa pagitan ng eksternal na mga tunog at internal na mga kahulugan kaya nga para kay Chomsky (1957), may sistema na nagrereleyt ng kahulugan sa mga tunog sa isipan ng tao. Para madeskrayb ang isang pangungusap, kailangang may paraan ang gramatika para madeskrayb ang aktwal na mga tunog, para marepresent ang kahulugan, at para madeskrayb ang sintaktik-straktyur na nag-uugnay sa dalawa.

Sosyolinggwistika

Ayon kay Hufana (1994) sa pagbanggit ni Lartec (2001), ang kalikasan ng wika ay hindi lamang estatikong paglalarawan ng tuntunin at

(33)

27

sistema kundi pati sa proseso at estratehiyang ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan at pakikipag-interaksyon. May kaugnayan ito sa sinabi ni Paz (2003) na ang wika ay isang sistema ng mga simbolo at senyales na binibigyan ng kahulugan ng mga miyembro ng grupo. Ang simbolo ang nagbibigay ng identidad o pagkakakilanlan sa mga tao at mga bagay sa lipunan.

Tumutugma ang ideya ni Gleason (1998) sa mga naunang pahayag sapagkat ayon sa kanya, ang wika ay isang eksklusibong pag- aari ng tao dahil tangan niya ito at instrumento sa pakikipagtalastasan kaya kapangyarihang taglay niya ito kung paano niya ito gagamitin, kailan at kanino.

Umaayon ito kay Daniel sa pagbanggit ni Austero (1999) na nagsasabing iniaakma ng tao ang kanyang wika sa kanyang mga kakilala at di-kilala, sa kanyang “boss” o pinuno, sa bata o matanda. Iba rin ang wika natin sa loob ng tahanan at paaralan kaysa sa loob ng husgado.

Mahalaga kung gayon hindi lamang ang pagsasalita kundi papaano, kailan at kanino sasabihin.

Sa kabilang banda, ang katangin o baryabol gaya ng yaman, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa ay nagdudulot ng katangian ng varayti ng wikang dala ng relasyong sosyal ng mga miyembro nito. Kaya nga may sosyal-dayalek na gamit lang ng

(34)

28

nakaaangat sa buhay na kaiba sa mga varayti ng wika ng mga mahihirap kung paanong may pagkakaiba rin sa varayti ng mga nakapag-aral sa mga hindi nakapag-aral.

Bilang karagdagan, sa pamamagitan ng wika, ang isang bata ay nahahanda sa haharaping papel niya sa kinabukasan. Ayon kay Stratus at Denzin, sa pagbanggit nina Aguilar atbp. (1995), ang isang bata ay nagiging sosyal sa sandaling nagkakaroon na siya ng kakayahang makipag-usap sa iba at makaimpluwensiya o maimpluwensiyahan ng iba sa pamamagitan ng salita. Ito ay sa dahilang natututuhan niya ang pamantayan ng pagkilos at pag-uugali na siyang umaayos ng mga relasyong panlipunan.

Ayon kay Finocchiaro (1974), social roles ang kalimitang tumutukoy sa linguistic roles (katulad halimbawa ng pag-uusap sa pagitan ng guro sa estudyante, doktor sa pasyente) at varayti ng wika na magagamit sa speech act. Bawat isa sa atin ay naiiba ang paraan ng pakikipag-usap sa maraming pagkakataon depende sa ating sosyal na kalagayan – ang sosyal o propesyunal na sitwasyon na ating ginagampanan; ang kinakailangang antas—pormal o impormal; ang paksa ng pinag-uusapan at iba pang salik na nakaaapekto sa ating verbal behavior.

Sang-ayon ito sa pahayag ni Lachica (1998), na bawat pakikipag- usap ng tao ay maaaring maganap sa isang lugar at panahon. Ayon na

(35)

29

rin sa unibersal na kasabihan, ang mga naroroong bagong pangyayari, sitwasyon at panahon ang bumubuo sa konteksto ng pakikipagtalastasan.

Na maaaring makaimpluwensya sa mga taong nag-uugnayan. Ang masayang usapan ng dalawa o higit pang tao ay maaaring biglang magbago kapag may dumating na estranghero—nagbabago ang konteksto ng kanilang komunikasyon. Nagbabago rin ang takbo ng kanilang isipan kung ang pag-uusap ay paksang nakalulungkot o taong kinamumuhian, ganun din ang pag-uusap sa loob ng isang tahimik o sagradong lugar kaysa sa magulo at maingay na lugar, ganoon din sa pag-uusap kung may namumuong galit at masakit na paghihinala at iba naman kung naroon ang tiwala at katapatan sa isa’t isa.

Idinagdag pa ni Tumangan (2000) na ang antas ng wika ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas- panlipunan siya nabibilang. Katanggap-tanggap ang pahayag na ito ni Tumangan sapagkat kung nauunawaan nga naman natin ang antas ng wika, magiging madali para sa atin ang pag-agpang ng paggamit ng wika sa katayuan ng buhay, hinihingi ng pagkakataon, lugar o maging sa anumang okasyong dinadaluhan.

Akma rin ito sa Limang Istilo sa Wika ni Joas (1957) sa pagbanggit ni Austero (1999), na ang wika ay may relasyon sa mga lipunan at indibidwal na ginagamit nito. Nangangahulugan lamang na ang wika ay

(36)

30

nahuhulma o lumilitaw dala ng pangangailangan ng lipunang nagsasalita.

Sa kabuuang tanaw, nagiging makabuluhan ang mga varyant kung nagkakaroon ito ng halagang sosyal o importansya sa interaksyong sosyal.

Ang mga dalubwika ay nagkakaisa sa pagsasabing ang wika ay may kalikasan, kakayahan at katangian sa iba’t ibang panig ng mundo. At sapagkat ang lahat ng wika ay may kanya-kanyang gamit sa loob ng lipunang ginagalawan, ito ang nagiging kasangkapan ng mga tao para sa materyal na pag-unlad, maging sa pagsulong ng kultura, edukasyon, agham, sining at humanidades.

Tumutugma ito sa pahayag ni Fanon (1977), ayon sa pagbanggit ni Almario (1996), na ang pagsasalita ng isang wika ay pagpasok sa isang daigdig at isang kultura—na ang wika ay hindi maihihiwalay sa “daigdig” at sa ‘kultura” na pinag-ugatan nito at nagbibigay-buhay dito.

May kaugnayan din ito sa pahayag ni Aguilar (1995) na ang edukasyon ay isang pamamaraan ng sosyalisasyon at pagpapalitan ng kultura. Ito raw ay isang anyo ng interaksyong pangkatauhan, isang gawaing panlipunang nagaganap sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa sa kanyang tungkulin sa lipunan.

Ipinahihiwatig lamang dito na ang edukasyon ay lumilinang ng isang tunay na tao – pangkatawan, pangkaisipan, panlipunan, kabutihang-

(37)

31

asal at pangkaluluwa. Gayundin, ito ay ang paglinang ng tao upang siya ay magkaroon ng sapat na kaalaman, kasanayan at mga pagpapahalaga o mga valyu sa buhay; bagay na lubhang kailangan upang maging maayos at matiwasay ang pakikipamuhay ng tao sa kanyang lipunang ginagalawan.

Ang pakikipagkontak sa kultura at wika ng ibang grupo ang isa pang bagay na nagbabago sa envayronment at ito ay nagkakaroon ng impak sa isang wika. Dala ng mga bagong aytem sa kulturang pisikal tulad ng pang-araw-araw na gamit o arkitektyur, o ng mga gawi, mga ritwal o di kaya relihiyon, hindi maiiwasang magbago ang wika.

Maraming dalubwika ang nagpatunay na ang wika ay buhay o dinamiko sa pagdaan ng panahon. Ito ang masasabing permanenteng katangian ng wika. Ang pagbabago ay maaring tungo sa pag-unlad o pagkawala mismo ng wika.

Ang pagsasaalang-alang ng sosyolinggwistika ay di gaanong makabuluhan subalit nakapagbibigay diin sa katotohanan ang mga mag- aaral at ang komunidad na kanyang kinabibilangan, kinagisnan at pinamalagian ang siyang sentro sa proseso ng pagkatuto.

Ang Guro at mga Mag-aaral

Ayon kay Lachica (1998), masasabing ang komunikasyon ay intensyonal na naglalayong maimpluwensyahan ang isipan, galaw at kilos

(38)

32

ng kausap o kaharap sa pamamagitan ng mga epektibong tekniko sa pakikipagtalastasan.

Ayon sa mga dalubwika at ilang tagamasid, malaon nang napagtanto ng mga pantas sa pagtuturo na ang dapat pag-ukulan ng paglilimi ay hindi ang guro o ang paksang aralin kundi ang mga mag- aaral. Ito ay walang iba kundi ang mga layunin ng pagtuturo ay para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay dapat na lubos na maunawaan ng guro sapagkat sila ang sukat ng lahat ng bagay sa pagtuturo.

Sinang-ayunan din ito ni Villanueva (1991), na dapat isaalang- alang ng guro ang mga mag-aaral at ang paksa sa pagpili ng pamamaraan ng pagtuturo.

Dahil magkakaiba ang mag-aaral, kailangang pag-iba-ibahin din ng guro ang kanyang pamamaraan. Binigyang diin ni Villanueva (1991) na dapat ay higit na alamin at unawain ng guro ang bawat mag-aaral sapagkat dapat niyang ibagay ang mga paksa at pamamaraan ng pagtuturo sa tunuturuan. Subalit nilinaw ni Mariano (1991) na hindi ang paksa ang ibabagay kundi ang pamaraan ang ibabagay sa likas na paksa.

Gayunpaman, kailangan ding ang guro ay may sariling paniniwala tungkol sa kalikasan ng mga mag-aaral at kung paano niya ito mapapanuto. Mahalaga ang kabatiran sa mga teorya dahil ang mga ito

(39)

33

ang magsasabi ng mga tamang gawain sa pagtuturo.

Makatutulong nang malaki sa guro kung malalaman niya ang iba’t ibang pamamaraan sa paglalahad ng mga aralin. At upang maging matagumpay ang pagtuturo, ang guro ay dapat na pumiling mabuti ng pamamaraang gagamitin. Ngunit gamitin lamang sa pagtuturo ang pinakaangkop na estratehiya upang maging epektibo (Finocchiaro, 1974).

Ayon kay Pineda (2004), ang ikalawang bagay na dapat isaalang- alang sa pagtuturo ay ang mga uri at katangian ng mga mag-aaral sa bawat uri, mapagbubukod-bukod din ang mga estudyante ng tulad sa mga kategoryang pag-uri-uri ng mga guro. Sa bawat kategorya ay iba-ibang klase ng estudyante ang makikita. Nagkakaisa sila ni Villanueva (1991) dahil ayon sa kanya ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral ay makabuluhan sa pagtuturo at tungkulin ng gurong kilalanin at gamitin ang mga naturang kaibahan.

Dagdag pa ni Santiago (1979), ang edad, kakayahan, mithiin, pangangailangan, unang wika at karanasan sa wika ay makatutulong sa paghahanda ng aralin sa pagsasagawa at pag-iipon ng nararapat ng gamit sa pagtuturo. Ang mga ito ay ilan lamang sa magiging gabay para pumili ng metodolohiya at kagamitan sa pagtuturo tungo sa ikapapanuto ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng mga guro tungo sa pagkakaroon ng mag-aaral

(40)

34

ng agarang pagkatuto ng mag-aaral.

Ang pagtatanong ay ang pinakapuso ng metodolohiya ng pagtuturo. Ang maayos na pananalita at maingat na paghahanda ng mga tanong ang nagdadala sa pagpapatuloy ng aralin. Ang di maayos na pahayag at di makatotohanang katanungan ay nakapagpapahinto o nakapagpapaantala ng talakayan.

Ayon pa kay Barayuga(1992) sa pagbanggit ni Ngamoy (2002), ang pagsasalita ng guro ay may malaking impluwensiya sa mga mag- aaral dahil maaari itong makaganyak o makabawas ng kanilang sigla sa pakikinig at pakikiisa kaya nararapat lamang ng mag-ingat siya sa mga binibitiwang salita upang magsilbi siyang inspirasyon at hindi depresyon sa mga tinuturuan. Kaya nga dapat na iwasan ng guro ang paggamit ng mga estratehiyang nagbubunga sa pagiging pasibo ng mga mag-aaral at marapat lamang na gamitin ang mga estratehiyang makalilinang sa aktibong paggamit ng wika.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Lartec, (2001) nabanggit niya ang sinabi nina Bloomfield (1966) na ang pagkatuto at pag-unawa ng mga bata ay nakasalalay sa iba’t ibang estratehiyang pinagsama-sama at hindi sa isang paraan lamang. Madaling makaunawa ang mga mag-aaral kung iiba-ibahin ng guro ang kanyang estratehiya sa pag-aangkop sa kanilang kalagayan.

(41)

35

Ayon pa rin sa kanya, nahahati sa tatlong aspekto ang pagsasalita ng guro; pisikal, interpersonal at pedagogikal. Ang aspektong pisikal ay tumutukoy sa tinig at estratehiyang pangkomunikasyon ng guro. Saklaw nito ang lakas, linaw at hindi maligoy na pagsasalita sa klase at ang paggamit ng mapangganyak na estratehiyang pangkomunikasyon na kailangan para sa kawili-wiling pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang aspektong interpersonal ay kinasasalaminan ng hangarin at pag- uugali ng guro na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Samantala, ang padagogikal na aspekto at kumakatawan naman sa layunin ng guro sa pagsasalita.

Tumutugma itong kanyang pag-aaral sa ideya ni Garmston (1996), na ang guro ay may dalawang paraan ng pagsasalita-personal at pampagtuturo. Kung ang pokus ng guro ay sa pagpapadama ng simpatiya, pag-unawa at pagtanggap sa mga mag-aaral, ang ginagamit niya ay personal na pamamaraan. Ngunit kung ang pokus ay para gumabay at tulungang matuto sa klase ang mag-aaral, pampagtuturong pamamaraan naman ang kanyang gamit.

Sinang-ayunan ito ni Espiritu (2004), sapagkat ayon sa kanya, kung ang guro ang susi sa may kalidad na pagkatuto ng mga mag-aaral, marapat lamang na pagsikapan niyang mapaunlad ang kanyang propesyunal at pedagogikal na kasanayan sa pagtuturo. May pananagu-

(42)

36

tan siya sa edukasyon ng mga mag-aaral at ng bayan.

May kaugnayan din ito sa pahayag ni Badayos (2004), na ang isang epektib na programa sa pagtuturo ng Filipino ay hindi dapat nakabatay lamang sa mga batayang aklat at mga pagsusulit, kailangang ito’y nakapokus sa mga mag-aaral at binabalangkas ayon sa pinanaligang mga prinsipyo o sa pagkatuto at mga teoryang pangwika at pagtatamo ng literasi.

Maraming depinisyon ng estratehiyang pangkomunikasyon ang iminungkahi simula nang ipakilala ni Selinker (1972) ang konseptong ito.

Isa sa mga depinisyong malimit tukuyin ay ang ibinigay ni Tarone (1980), na siyang kumilala ng estratehiyang pangkomunikasyon bilang di pangkaraniwang interaksyonal.

Ayon kay Finocchiaro (1974) ang mga sumusunod ay ilan sa mga estratehiyang ginagamit ng guro, gaya ng substitusyon, pagpapalit-coda, pagpapares ng pangungusap, pagbabaliktad, pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalawak, pagsasalin at tanong-sagot.

Sa substitusyon ay gumagamit ang guro ng iba pang salitang kauri o kahalintulad bilang panghalili sa isang salitang ginagamit sa loob ng pangungusap upang maipaunawang maigi ang aralin sa mga mag-aaral.

Ang pagpapalit-wika o code switching ang karaniwang tawag sa halinhinang paggamit ng dalawa o higit pang wika. Isa ito sa mahahala-

(43)

37

gang tunguhin ng sosyolinggwistika sa paglikha at pagbuo ng mga alituntunin sa pagsasalita (Hymes, 1977)

Sa papapares naman ng pangungusap, ang guro ay nagbibigay ng pangungusap at pagkatapos ay magtatanong. Halimbawa, Kung ang bata sa kwento ay nakakaawa, ano naman ang ama nito?

Sa pagbabaliktad ay nagbibigay ang guro ng modelong pangungusap. Halimbawa ay pasalaysay, pagkatapos ay hihilingin sa mag-aaral na gawin itong patanong.

Sa pagdaragdag ay gumagamit ang guro ng pagdurugtong sa ideya ng mag-aaral upang palawakin ang kaisipang tinatalakay.

Sa pagbabawas ay gumagamit ang guro ng mga bitin o hindi tapos na pangungusap o kaisipan at pinadudugtungan na lamang ito sa mga mag-aaral.

Kung ang layunin naman ng guro ay makipag-interak ang lahat niyang mag-aaral ay napakainam na gamitin ang estratehiyang tanong- sagot. Dito ay magtatanong ang guro sa mag-aaral 1. Sasagot ang mag- aaral 1 at pagkatapos ay magtatanong sa mag-aaral 2. Sasagot ang mag-aaral 2 at pagkatapos ay magtatanong sa mag-aaral 3 hanggang makapagsalita ang lahat.

Kaugnay pa rin nito, tinukoy ni Mitchell (1988) ang ilang mga estratehiyang pangkomunikasyon na ginagamit ng guro para pagtibayin

(44)

38

ang pang-unawa ng mga mag-aaral sa ilang hindi kilalang aytem. Hinati niya ito sa dalawa bilang L2 medium at L1 based medium. Sa L2 medium, kasama dito ang mga sumusunod na estratehiya: pag-uulit, inuulit ng guro ang isang aytem; paghahalili, nagbibigay ang guro ng salitang panghalili sa isang aytem; pagpapaliwanag, ipinaliliwanag ng guro ang kahulugan ng isang aytem; pag-iiba, nagbibigay ang guro ng ibang aytem na maaaring kapangkat din ng aytem; at pagbibigay tanda, nagbibigay ang guro ng mga aytem na may kaugnayan sa nabanggit na aytem. Sa L1 based medium naman, kasama dito ang pagpapakahulugan kung saan nagbibigay ang guro ng pagpapakahulugan o pagsasalin sa isang aytem at pagpapalit-wika, nagsasalita ang guro sa paraang bilinggwal. Inuulit niya ang mensahe sa unang wika na naunang nasabi sa pangalawang wika.

Naitala nang pabuod ni Scotton (1979), ang mga dahilan ng pagpapalit-wika. 1). kakulangan ng kaalaman sa isang wika o kahirapang magsalita sa isang wikang iyon ukol sa natatanging paksa. Ang kakulangang ito ang nagbubunsod sa tagapagsalitang magpalit-wika sa ilang bahagi ng kumbersasyon; 2). Eksklusibong pakikipag-usap sa taong nakakaalam ng wika. Nangyayari ito kung may paksang nais ipaalam sa kaibigan o kausap nang hindi nauunawaan ng iba pang kasama sa grupo;

3). Mala-estilong hudyat—pagbabago sa daloy ng pakikipag-usap, mula

(45)

39

sa pagiging pormal tungo sa pagiging impormal o bise-bersa; 4).

pagpapakitang-husay sa maraming wika o sa kilalang wika.

Nagbigay naman si Hatch (1979) ng tatlong estratehiyang pangkomunikasyon na nakatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Una, paggamit ng ilustrasyon, dibuho at krokis; Pangalawa, paggamit ng maraming halimbawa sa pagpapakita ng konsepto o ideya; at pangatlo, muling pagpapahayag sa katanungan sa ibang paraan (Espique, 2005).

Ang mga estratehiyang pangkomunikasyon ayon kay Tarone (!980) ay lumalabas kung hindi naihahatid ng tagapagsalita ang kanyang nais ipahayag sa paraang nauunawaan ng mga tagapakinig. Dahil dito, gumagamit siya ng iba’t ibang estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.

Sa taksonomiya ni Tarone (1980), limang pangunahing kategorya ang kinilala: Pag-iiwas o paglilihis, pagbibigay hiwatig/clue, paglilipat-wika, pagtatama at paggagagad. Sa estratehiyang pangkomunikasyon na paglihis o pag-iwas, minamabuti na lamang ng tagapagsalita na huwag nang magsalita para maiwasan ang suliraning pangkomunikasyon.

Dalawa ang dahilan nito, 1). Pag-iwas sa paksa o tapik upang maiwasan ang suliranin at 2). Pag-iwan sa mensahe kung saan ang mag-aaral ay nagsisimulang magtukoy ng bagay o salita ngunit sumsusuko dahil sadyang napakahirap nito. Sa pagbibigay hiwatig/clue, ayon kay Tarone (1980), dito ay binabago ang mga salita ng mensahe sa paghalili,

(46)

40

katanggap-tanggap na pagbuo ng target na wika, sa mga sitwasyong kung saan ang angkop na anyo o palabuuan ay hindi kilala o hindi pa matatag. Ang pagbibigay hiwatig/clue ay nahahati sa pagtatantiya, paglikha ng salita at circumlocution. Paglilipat-wika, pagsasalin ng salita sa salita mula sa unang wika, literal na pagsasalin o paggamit ng unang wika sa termino at pagpapalit-coda. Sa pagtatama naman, ang mga mag- aaral ay hinihingian ng tamang termino samantalang sa paggagad ay ginagamitan ng di-berbal na estratehiya.

Inilalagay ni Faerch at Kasper (1983) ang estratehiyang pangkomunikasyon sa modelo ng paglikha ng pananalita. May dalawang anyo ang modelong ito, ang anyo ng paghahanda kung saan ang mga balakin ay binuo at ang anyo ng pagsasakatuparan kung saan ang binalak ay isasagawa. Kapag nagkaroon ng problema o hadlang upang di maisakatuparan ang balakin, ang mag-aaral ay umiiwas sa problema na maaaring magdulot ng pagbabago sa komunikatibong tunguhin na tinatawag na reduction strategies o pagharap sa problema at nakadedebelop ng alternatibong balakin/plano na tintawag na achievement strategies.

Sa formal reduction, ang mag-aaral ay nakikipagtalastasan sa pa- magitan ng masistemang pagbawas fonolojikal, morfolojikal, sentaktikal o leksikal, samantalang sa fuctional reduction ay sangkot ang pagbawas sa

(47)

41

komunikatibong tunguhin. Kabilang dito ang kay Tarone (1980), ang pag- iwas sa tapik/paksa at pag-iwan o pagbalewala sa mensahe. Isinama rin ni Faerch at Kasper (1983) ang paghalili ng kahulugan bilang pagbabawas na fanksyunal. Ang gamit ng estratehiyang meaning replacement ay nagpapahiwatig ng lalong pangkalahatang tukoy sa sabjek. Ang achievement strategies ay maaaring paglutas ng problema sa anyong

pabalak na tinatawag na compensatory strategies o kaya naman ay ang paghagilap, pagbawi o pagpapanatili ng nawawalang termino at katawagan na tinatawag na retrieval strategies. Ang bahagi ng estratehiyang kompensatori ay batay sa iba’t ibang kowd (code switching at interlingual transfer), ang naiibang kowd at ang interlingual code lamang (generalization, paraphrase,word coinage at restructuring), diskursong di pangkaraniwan o di-berbal na komunikasyon (mime, gestures atbp.) Paglalahat, pagbibigay hiwatig at paglikha ng salita lamang ang tumutugma sa pagtatantiya, paglikha ng salita at circumlocution ni Tarone (1980).

Tinukoy ni Kellerman (1991) na ang ibang mga estratehiyang nagpapakita ng pagkakapareho ay saklaw ng prosesong kognitib kaya hindi dapat uriing ibang estratehiya kahit pa ang mga ito ay may pagkakaiba sa pag-unawaang pangwika. Pinagtalunan din na ang mga estratehiya ay hindi nilahat sa ilalim ng tungkulin, wika at mag-aaral. ang

(48)

42

Pinakakaraniwang suliranin na may kinalaman sa depinisyon ng estratehiya minsan ay masyadong malabo o hindi malinaw ang paliwanag at ang pagpili ng pamantayan, halimbawa: Ang pagbuo ng bagong salita bilang isang depinisyon para sa isang likhang salita ay binabalewalang lahat ang mga salitang nilikha ng mag-aaral kahit na ito ay dati nang wikang ginagamit.

Ayon kay Cohen (1990), walang estratehiyang likas na mabuti o masama dahil mayroon silang kanya-kanyang kakayahan sa paggamit nito nang epektibo. Ayon pa sa kanya, ang kabuuang bilang sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya at ang kadalasan ng paggamit ng mga ito ay hindi indikasyon ng tagumpay sa mga gawaing pagtuturo ng wika. May ilang baryabol na nakaiimpluwensya sa paggamit ng mga ito. Maaaring ito ay may kaugnayan sa demograpiko ng mga mag-aaral gaya ng gulang, kaligirang pangkultura, kasarian at mga isyu tulad ng katatasan sa wika, istilo ng pag-aaral, konteksto, pangangailangan ng gawain at pakikitungo ng mga mag-aaral. Alinman sa mga ito ang dahilan, ang paggamit ng mga estratehiyang pangkomunikasyon ay may malaking tulong para sa matagumpay na interaksyon sa klase.

Mga Lokal na Pananaliksik

Sa pananaliksik ni Ngamoy (2002) ng Mga Estratehiyang Pangkomunikatibo sa Pagtuturo ng Filipino sa Kumbinasyong klase sa

(49)

43

Distrito ng Bagulin, La Union, tinukoy niya ang mga estratehiyang pangkomunikatibong ginamit ng mga guro sa pagtuturo tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng paksang aralin. Naging batayan ng pagsusuri sa pag-aaral na ito ang inirekord na pangkaklase at dito ay natuklasang ang mga guro sa kumbinasyong klase ay gumagamit ng mga estratehiyang pangkomunikatibo gaya ng pag-uulit, pagbibigay ng clue, substitusyon, pagpapalit-coda, pagpapaliwanag at pagbibigay- interpretasyon sa pagtuturo sa Filipino.

May mga estratehiyang pangkomunikatibong madalas gamitin ng mga guro sa pagtuturo upang maging malinaw ang paglalahad ng aralin sa mga mag-aaral.

Natuklasan ding may kabuluhang pagkakaiba ang mga pinakagamiting estratehiyang pangkomunikatibo ng ga guro sa pagtuturo ng Filipino sa mga kumbinasyong klase ayon sa edad, baitang na tinuturuan at bilang ng taon sa pagututro.

Ang pag-aaral ng Interaksyong Pangklase sa Filipino sa Antas Tersyarya ng Benguet State University ay isinagawa naman ni Lartec, (2001). Sinuri sa pag-aaral ang nakarekod na pangkaklase ng mga guro sa iba’t ibang kolehiyo at kasama rito ang talatanungang pinasagot sa mga mag-aaral upang matukoy at masuri ang kanilang guro. At dito’y natuklasan na ang mga guro sa Filipino sa antas tersyarya ng BSU ay

(50)

44

gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyong gaya ng pag-uulit, pagbibigay ng clue, pagpapalit – coda pagpapaliwanag at substitusyon upang maging malinaw at madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang paksang itinuturo.

Napatunayan ding positibo ang persepyon ng mga estudyante sa paggamit ng guro ng wika sa pakikipag-ugnayan sa kanila.

Nabatid naman sa pag-aaral ni Carias (2000) na gumagamit ang mga guro ng mababang paaralan ng Baguio Colleges Foundation, ng mga teknik o estratehiya sa pagtatanong upang masagot at maganyak na makipag-interaksyon ang mga mag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na ang pinakaepektibo at madalas gamitin ng mga guro ay ang paggamit ng likas, kawili-wili at may himig na pananalita sa pagtatanong. Hindi rin tinatanggap ng mga guro ang sabayang pagsagot. Natuklasan din na walang pagkakaiba ang mga teknik ayon sa mga asignatura ng mga mag- aaral.

Sinuri naman si Valerio (1999) ng interaksyong pangklase sa Ingles, Agham at Matematika sa hayskul sa ilan sa mga paaralan sa La Trinidad, Benguet. Inobserbahan at inirekord niya ang interaksyong pangklase ng 12 guro bilang respondente upang masuri ang interaksyong pangklase. Ginamit niya ang modelo ni Mitchell at scale ng modelo ni Brophy at Good at nina Johnson, Chan at Shek..

(51)

45

Natuklasan sa pag-aaral na gumagamit ng iba’t ibang estratehiya ang mga guro sa pakikipagkomunikasyon sa mga mag-aaral. Ang mga ito ay pagpapalit-coda, pagpapaliwanag, pag-uulit, pagbibigay ng clue at pagbibigay interpretasyon. May kabuluhang pagkakaiba ang dalas ng paggamit ng pag-uulit at pagpapalit-coda sa Ingles at Agham ngunit hindi sa Matematika.

Napag-alaman din na ang mga guro ay gumagamit ng panlabas at panloob na pagganyak sa pagtuturo. Kabilang dito ang pagtatanong at pagpapasagot sa mga tinuturuan, pagpupuri, pag-oorganisa, pagpapaikli at paggamit ng feedback.

Sa pag-aaral ni Dumo (1992) tungkol sa interaksyong pangklase ng mga mag-aaral sa Science at Mathematics sa Unang Taon sa Hayskul ng Saint Louis University, Baguio City, napatunayan na ang mga guro ay gumagamit ng mga estratehiyang pangkomunikasyon. Ginagamit nila ang pagpapaikli, pagdidiin sa mahalagang salita, matagal na paghinto, pag- aantala, intonasyon at pagbigkas sa estratehiyang ponolojikal; pagpapalit- coda, repetisyon ng salita o parirala, pagbabago sa kahulugan ng mga salita, pagsisiguro, paggamit ng contextual clues at ilustrasyon naman ang ginagamit sa estratehiyang leksikal. Samantala, sa estratehiyang sintaktika naman ay pagwawasto sa gramatika, pag-uulit, restatement, pagpapalit-coda, pagbubuod ng konsepto at sagot ng mga mag-aaral ang

(52)

46

ginagamit ng mga guro.

Ang ibang estratehiya gaya ng pag-uulit, pagkakaroon ng malinaw, at madalas na pagpapaliwanag, pagtatanong, pagpapahalaga, pagtataya, pagwawasto at pagpapadali sa mga katanungan ay nabibilang sa estratehiyang pandiskurso.

Tatlong modelo ang ginamit sa pagsusuri ng datos; ang modelo nina Sinclair at Coulthard (1978) para sa pagsusuring pandiskurso; ang aspekto ng input sa pag-unawa ni Krashen (1981); at ang modelo sa pagwawasto ng mali ni Chaudron (1985).

Natuklasan sa pag-aaral na ang mga guro ay gumagamit ng mga estratehiyang pag-unawa tulad ng fonolojikal, leksikal, sintaktikal at pandiskurso. Ang kabilang sa estratehiyang fonolojikal ay pagpapaikli, pagdidiin sa mahabang salita, mas matagal na paghinto, pag-aantala, intonasyon at pagbigkas. Saklaw naman ng estratehiyang leksikal ang pagbabago ng kahulugan ng salita, paggamit ng context clues at ilustrasyon, pagsisiguro, code-switching at pag-uulit ng salita o parirala.

Samantala, sakop naman ng estratehiyang sentaktik ang pag-uulit, restatement, pagbubuod ng konsepto, pagbubuod ng sagot ng mag-aaral, code switching at pagwawasto sa maling gramatika. At nabibilang naman sa estratehiyang pandiskurso ang pag-uulit, pagkakaroon ng malinaw at madalas na pagpapaliwanag, pagtatanong, pagpapahalaga, pagtataya,

(53)

47

pagwawasto at pagpapadali ng mga katanungan.

Samantala, sa pag-aaral naman na isinagawa ni Bailon (1998), isinama niya ang mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Mathematics upang makuha ang berbal o di- berbal na pagtugon. Talatanungan ang ginamit na instrumento upang makuha ang persepsyon ng mga mag-aaral sa pangkalahatang pattern ng pagsasalita at mga mag-aaral at ang atityud ng guro ayon sa aspektong pisyolohikal, interpersonal at pedagogikal.

Sinuri rin ni Casingal (2000) ang interaksyong pangklase sa kursong Engineering at Architecture sa Pangasinan State University at batay sa nai-videong pagkaklase ng siyam na guro, natuklasan niyang ang pinakagamiting communication adjustments ng mga guro ay pagpapalit-coda, pag-uulit at paggamit ng guhit o sketches.

Balangkas ng Konsepto

Sa pag-aaral na ito, ang mga estratehiyang pangkomunikasyon ay ibinatay sa mga teoryang pangwika na nag-uugnay ng mga aktwal na sitwasyon upang magbigay linaw at makapagpaliwanag ng paraan sa pagkatuto ng wika. Ang mga ito ay ang teoryang pangwika, linggwistiks at sosyolinggwistiks.

Ang pag-aaral ng wika ay nakatuon sa mga konseptong

(54)

48

nagpapatibay sa malaking papel na ginagampanan ng wika sa isang indibidwal at bansa.

Sa paraan ng linggwistiks, binigyang diin ang malaking gampanin sa pagkatuto at pagtuturo sa pag-aaral ng wika gamit ang maagham na paraan at pagsusuri nito.

Batay naman sa sosyolinggwistiks, nakafokus ito sa paggamit ng wika na siyang namamagitan upang maintindihan ang sarili, karanasan, kapwa-tao, ibang tao, paligid, mundo, obhetibong realidad, pulitikal, ekonomiks at kultural.

Binigyang pansin din sa pag-aaral na ito ang pagkakaroon ng mga guro ng mga kaalaman sa teorya, pananaw at simulain sa pagtuturo, sa mga estratehiya at paraan ng pagtuturo na siyang gagabay sa kanila sa pagtuturo upang palaging mabisa ang pagtuturo tungo sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Makikita sa Figyur 4 ang paradim ng pag-aaral na batay sa teoryang linggwistiks at sosyolinggwistiks na makaaapekto sa pagtatamo ng pagkatuto.Idaragdag ang mga nakateyp na pagtuturo ng mga guro sa Filipino upang masuri ang ginagamit na estratehiyang pangkomunikasyon.

Kinuha rin ang kanilang profile.

Nakuha ang persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro sa pamamagitan

(55)

49

ng talatanungan.

Sa proseso sinuri ang mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng guro sa antas tersyarya na siyang pinakapangunahing proseso sa pananaliksik na ito. Sinuri rin ang lawak ng pagkakagamit ng mga estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng guro ayon sa antas ng edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng nakateyp na pangklase at antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng mga guro. Talatanungan din ang ginamit sa pagtukoy ng antas ng edukasyong natapos at unang wika ng guro bilang mga sabjek ng pag-aaral na ito, gayundin ang pagtukoy ng kolehiyong kinabibilangan ng mga tinuturuang mag-aaral bilang mga respondente ng pag-aaral na ito.

Makikita sa output ang mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na ginagamit ng mga guro, lawak ng mga estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng mga guro ayon sa kanilang profile at antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro sa antas tersyarya.

Pigura

Talahanayan 1. Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon ng mga Guro sa        Pagtuturo ng Filipino (N-8)
Talahanayan 2. Mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang                   ginagamit ng mga guro ayon sa antas ng edukasyong natapos.
Talahanayan 4. Estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang ginagamit            ng mga guro ayon sa kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral
Talahanayan 4. Estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang ginagamit            ng mga guro ayon sa kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral

Mga Sanggunian

NAUUGNAY NA DOKUMENTO

Nasa grupo ang lakas ng mga pagtatanghal kaya’t kung kaunti lamang ang mga aktor tulad ng sa Salaming Nahihibang l979 nagagawang magmukhang marami ng mga ito sa pamamgitan ng pag-arte

Konklusyon Mapapansin na kumikiling sa antroposentrikong pananaw, o ang pagbibigay ng mas mataas na pribilehiyo o karapatan sa mga tao kumpara sa mga hayop at iba pang bahagi ng