• Walang Nahanap Na Mga Resulta

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto at ang Pagtaguyod sa Kababaihang Manggagawa'

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Share "Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto at ang Pagtaguyod sa Kababaihang Manggagawa'"

Copied!
23
0
0

Buong text

(1)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto at ang Pagtaguyod sa Kababaihang Manggagawa'

Judy M. Taguiwalo

The paper delves into the relationship between upper class Filipino women and women workers during the American colonial period. The relationship encompasses the struggle for women's suffrage led by upper class Filipino women and their support for workers' struggles. In the early part of colonial rule, possibly because of the shared experience of participation in the revolution against Spain and the resistance to American colonialism, upper class women provided direct support to workers' organizations and struggles. 1n the last two decades of American colonial rule and with the sharpening of class differentiation among Filipinos, the support given by upper class women to the workers was in the form of projects based on "elite responsibility" for the poor.

ng pang-aapi sa kababaihan ay dinaranas ng lahat na babae, anuman ang uring kinabibilangan. Ang babaeng maykaya at babaeng mahirap ay kapwa tumatangan ng pangunahing responsibilidad sa pagmamantene ng pamilya at pamamahay, maaaring maging biktima ng karahasan sa labas at loob ng tahanan, ng limitado o kawalang kontrol sa

* Ang artikulong ilo ay nakabatay sa isang bahagi ng disertasyon ng may-akda na may pamagat na "Babae, Obrera, Unyonista, Ang Kababaihan sa Kilusang Paggawa sa Maynila:1901-1941." Ang pananaliksik at pagsusulat ng disertasyon ay binigyang suporta ng Office of the Vice Chancellor for Research and Development (OVCRD) ng UP Diliman at ng UP Center for Women's Studies.

(2)

CSCD Development Journal 2007

kanilang katawan at mga sagka sa kanilang karapatan bunga ng mga itinatakda ng batas at ng mga makalumang paniniwala ukol sa nararapat na papel ng kababaihan sa lipunan. Ang mga ito, ang mga suliraning komon na tinatangan ng kababaihan anuman ang uri, ang siyang batayan para sa pagkakapatiran ng mga babaeng maykaya at babaeng mahihirap.

Sa Marxistang pagsusuri, may limitasyon ang ganitong pagkakapatiran sa pagitan ng kababaihang maykaya at kababaihang mahihirap. Bagamat may pagkilala ang Marxismo na maaring magkaisa sa mga taktikal na kahilingan ang lahat ng kababaihan, ipinag-iiba ng Marxismo ang makauring interes ng kababaihang burges o maykaya at kababaihang manggagawa sa usapin ng pundamental na pagbabago sa lipunan. Sa kabilang banda, binibigyang diin ng Marxismo ang pagkakaisa ng uring manggagawa, babae't lalaki, sa pagharap sa komon na kaaway, ang kapitalismo .

Nahahati ang daigdig ng kababaihan, tulad ng sa kalalakihan, sa dalawang pangkat; ang mga interes at hangarin ng isang grupo ng kababaihan ay nakapagpapalapit dito sa uring burgesya, habang ang isa pang grupo ay may malapit na ugnayan sa proletariat, at ang mga panawagan nitong huli sa paglaya ay sumasaklaw sa ganap na solusyon sa usaping pangkababaihan. Sa gayo'y kahit sinusundan ng dalawang pangkat ang pangkalahatang islogan na 'paglaya ng kababaihan', magkakaiba ang kanilang mga layunin at interes.

Hindi malay na ginagawang panimulang batayan ng bawat pangkat ang mga interes ng sarili nilang mga uri, na siyang nagbibigay ng makauring kulay sa kanilang mga tayunin at sa mga tungkulin nilang inaangkin...

Gaano man karadikal ang mga panawagan ng mga peminista, hindi dapat mawala sa paningin ang katotohanang hindi nila maaaring maipaglaban, sanhi ng kanilang makauring posisyon, ang pundamental na transpormasyon ng kasalukuyang kaayusang pang-ekonomiya at pampulitika ng lipunan na kinakailangan upang maging ganap ang paglaya ng kababaihan.

2

(3)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto

Kung magkatagpo sa ilang pagkakataon ang mga kagyat na tungkulin ng kababaihan ng lahat ng uri, ang huling layunin naman ng dalawang pangkat, na siyang nagbibigay direksyon sa kilusan sa pangmatagalang panahon at nagtatakda sa mga taktikang gagamitin, ay may malalim na pagkakaiba.

Habang para sa mga peminista, ang pagtamo ng pantay na karapatan sa kalalakihan sa balangkas ng umiiiral na kapitalistang daigdig ay bumubuo na ng sapat na konkretong layunin, ang pagkakapantay ng karapatan sa ngayon, para sa mga kababaihang proletariat, ay isang paraan lamang para sa pagsusulong ng pakikibaka laban sa pang-ekonomiyang pang-aalipin ng uring manggagawa. Tinuturing ng mga peministang kaaway ang mga lalaki dahil inaangkin nila ang lahat ng mga karapatan at pribilehiyo para sa kanilang mga sarili at iniwan lamang ang mga tanikala at tungkulin para sa kababaihan. Para sa kanila'y nakakamit na ng tagumpay kapag natamo na rin ng "fair sex" ang isang pribilehiyong dating tinatamasa lamang ng mga lalaki. Iba ang pananaw ng mga babaeng proletarian. Hindi nila itinuturing na kaaway at mang- aapi ang mga lalaki, taliwas nilo, itinuturing nila ang kalalakihan bilang mga kasama, na nakikisalo sa kanila sa araw-araw na pagkabagot at nakikibaka kasama nila para sa mas magandang kinabukasan. Naaalipin ang babae at ang kanyang kasamang lalaki ng parehong mga panlipunang kondisyon, ang parehong kinamumuhiang tanikala ng kapitalismo ang sumisikil sa kanilang kalooban at nagkakait sa kanila ng mga kaligayahan at kasiyahan ng buhay. Totoong maraming aspekto ng kasalukuyang sistema ay dumadagan nang doble sa kababaihan. Totoo rin na ang mga kondisyon ng sahurang paggawa ay sanhi ng pagiging kakumpetisyon at karibal ng babae ang lalaki. Ngunit, sa ganitong hindi magandang kalagayan, nakikilala ng uring manggagawa kung sino ang may sala. ... (Salin ni Dr. Ramon Guillermo. The women's world is divided, just as is the world of men, into two camps; the interests and aspirations of one group of women bring it close to the bourgeois class, while the other group has close connections with the proletariat, and its claims for liberation encompass a full solution to the woman question.

Thus although both camps follow the general slogan of the

"liberation of women", their aims and interests are different.

Each of the groups unconsciously takes its starting point from the interests of its own class, which gives a specific class colouring to the targets and tasks it sets itself....

(4)

CSCD Development Journal 2007

However apparently radical the demands of the feminists, one must not lose sight of the fact that the feminists cannot, on account of their class position, fight for that fundamental transformation of the contemporary economic and social structure ofsociety without which the liberation of women cannot be complete.

If in certain circumstances the short-term tasks of women of all classes coincide, the final aims of the two camps, which in the long term determine the direction of the movement and the tactics to be used, differ sharply. While for the feminists the achievement of equal rights with men in the framework of the contemporary capitalist world representsasufficiently concrete end in itself, equal rights at the present time are, for the proletarian women, onlya means of advancing the struggle against the economic slavery ofthe working class. The feminists see men as the main enemy, for men have unjustly seized all rights and privileges for themselves, leaving women only chains and duties. For them a victory is won when aprerogative previously enjoyed exclusively by the male sex is conceded to the "fair sex." Proletarian women haveadifferent attitude. They do not see men as the enemy and the oppressor; on the contrary, they think of men as their comrades, who share with them the drudgery of the daily round and fight with them fora better future. The woman and her male comrade are enslaved by the same social conditions; the same hated chains of capitalism oppress their will and deprive them of the joys and charms of life. It is true that several specific aspects of the contemporary system lie with double weight upon women, as it is also true that the conditions of hired labour sometimes turn working women into competitors and rivals to men. But in these unfavourable situations, the working class knows who is guilty.

...Kollontai, 1977)

Layon ng papel na ito na ipakita ang katangian ng ugnayan ng kababaihang maykaya sa kababaihang manggagawa sa Pilipinas sa panahon ng paghaharing kolonyal ng mga Amerikano. Ang ugnayang ito ay makikita sa pakikibaka para sa karapatang bumoto at sa kcngkretong suportang ibinigay ng una sa huli kaugnay ng isyu ng manggagawa. Sa maagang bahagi ng paghaharing kolonyal ng mga Amerikano, direkta ang suportang ipinakita ng kababaihang maykaya

4

(5)

ng Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto

sa pakikibaka ng mga manggagawa. Habang tumagal ang paghaharing kolonyal at nalinaw pa ang hatian ng mgauri,nagbigay-serbisyo ang mga maykayang kababaihan sa pamamagitan ng mga proyektong nakabatay sa tinatawag na "elite responsibility" o ang pananaw na may obligasyong panlipunan ang mga maykaya na tulungan ang mahihirap batay man ito sa Kristiyanong halagahin o humanismo.

ANG PAKIKIBAKA PARA SA KARAPATANG BUMOTO

Marami-rami ang dokumentasyon sa pakikibaka para sa karapatang bumoto ng kababaihang Pilipino mula mismo sa mga naging kalahok sa naturang pakikibaka.1 Sa mga dokumentasyong ito, malinaw na kababaihang nakapag-aral ang may nangunang papel sa pakikibaka para sa karapatang bumoto. Si Dr. Paz Mendoza-Guazon, ang unang babaeng nakapagtapos ng medisina sa Unibersidad ng Pilipinas ang nahalal na unang presidente ng Liga Nacional de Damas Filipinas (National League ofFilipino Women) na itinayo noong 1922. Ang liga ay itinayo sa simula para himukin ang suporta ng kababaihan para sa kalayaan ng Pilipinas at sa kalauna'y para sa karapatang bumoto ng kababaihan. Si Mendoza-

I °

Guazon rin ang nag-inisyatiba sa pagbuo ng Woman Citizen League noong 1928 para mangampanya sa pagpapasa ng batas na magbibigay karapatan sa babae na bumoto (Alzona, 1937 p. 83).

AngPhilippine Association ofUniversity Women (PAU) na itinayo rin noong 1928 ay naging aktibo rin sa pagkampanya para sa karapatang bumoto. Hindi ito nakapagtataka dahil sa ang pangulo at kalihim ng Woman Citizen League ay ang pangulo at kalihim ng asosasyon ng kababaihang nakapagtapos sa unibersidad. Naging masigla ang partisipasyon ng mga kasapi ng asosasyong ito sa pagpapadala ng mga sulat sa mga magasin, pagsasalita sa mga pulong at pagdalo sa mga pulong ng lehislatura para maipalaganap ang kawastuan ng pagkakaroon ng kababaihan ng karapatang bumoto (Alzona, 1937 p. 86).

(6)

CSCD Development Journal 2007

Hindi lamang mga nakaririwasang babae sa Maynila ang aktibong lumahok sa kampanya. Ang plebisito noong 1937 ay kinasangkutan ng mga maykayang kababaihan sa mga probinsiya.

Para sa kampanya sa mga probinsiya, umasa ang konseho sa mga organisasyon ng kababaihan sa mga bayan-bayan na ang mga kasapi ay ang pinakaedukado at pinakaprogresibong kababaihan sa kani-kanilang lokalidad.

Bukod sa kanilang mataas na posisyon sa lipunan. Ang isa pa nilang positibong katangianay ang kanilang karanasan sa mga kampanyang pampulitika. Ang kababaihang nakaririwasa sa probinsya ay mga kilalang personahe sa mga kampanyang pang-eleksyon, kung saan kanilang tinulungan ang kanilang asawa, ama, kapatid o iba pang mga kamag-anak para makalikom ng bolo; at sila ay tinuturing na malalakas at maimpluwensyang mga lider.(Akin ang salin.

For the campaign in the provinces, the council (General Council of Women) relied upon the women's clubs in the towns whose members were the most highly educated and progressive women in their respective localities. In addition to their high social position, their other asset is their experience in political campaigns. Provincial women of the upper class are familiar figures in election campaigns, helping their husbands, fathers, brothers or other relativesloget votes and they are considered to be strong and influential leaders.) (Alzona, 1937 p. 106)

Ang mga Argumento ng Kababaihan Para Makamit ang Karapatang Bumoto

Ang tindig para sa pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan bilang manipestasyon ng tunay na demokrasya, ang paglalantad sa kabalintunaan na ang kalalakihang nangangampanya para sa kalayaan ng bayan ay nagpipigil sa pagkakaroon ng karapatang bumoto ang kababaihan; ilan ito sa mga argumentong iniharap ng kababaihan sa pagdinig sa lehislatura ukol sa karapatang bumoto ng kababaihan noong Setyembre 1931. Habang matingkad ang asersyon sa usapin ng pagkakapantay ng kasarian, demokrasya

6

(7)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto

at kalayaan ng bayan sa mga iniharap na mga dahilan ng maykayang kababaihan para sa karapatang bumoto, nakakabit sa kanilang paliwanag ang usapin ng uri at ang pagtanggap sa papel ng kababaihan bilang ina at maybahay.

Pagkakapantay sa kalalakihan sa ilalim ng isang pamahalaang tunay na kumakatawan sa mamamayan ang paliwanag na inihapag nina Encarnacion Alzona, bahagi ng pakikibaka para sa karapatang bumoto habang estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas at Concepcion Felix, tagapagtatag ng Asociacion Feminista Filipina noong 1905.

Ayon kay Alzona:

Para tunay na kumakatawan sa mamamayan ang pamahalaan, ang kalahati ng populasyon, ang kababaihan ay nararapat na mabigyan ng karapatang bumoto... Ang diskwalipikasyong pampulitika ay hindi dapat nakabatay sa kasarian. (Akin ang salin. In order to make our government truly representative, the other half ofthe population, the women should be enfranchised... Political disqualification should not rest on sex.)(Villanueva-Kalaw, 1952 p. 22)

Para naman kay Felix:

Kung iniisip ng mga kagawad ng Lehislatura na mayroon tayong demokratikong porma ng gobyerno o isang gobyerno ng mamamayan, batay sa mamamayan at para sa mamamayan, sila ay nagkakamali. Ang mamamayan ay hindi lamang binubuo ng mga lalaki kundi pati ng mga babae at paano tayo maging tunay na demokratiko kung tanging kalalakihan lamang ang kumakatawan sa mamamayan?(Akin ang salin. If the members of the Legislature think that we have

a democratic form of government ora government of the people, by the people, and for the people, they are in error.

The people is not composed only of men but also of women, and how can we be truly democratic when only the men represent the people?) {Villanueva-Kalaw, 1952 pp. 23-24)

(8)

CSWCD Development Journal 2007

Iniugnay din ni Pilar Hidalgo Lim, Presidente ng National Federation ofWomen's Clubs, ang pakikibaka ng kababaihan para sa karapatang bumoto sa pakikibaka ng bayan para sa kalayaan mula sa Estados Unidos at kanyang ipinakita ang kabalintunaan ng pagsuporta ng mga lalaki sa huli at pagkontra sa hiling ng kababaihan.

Kung ang mga Pilipino ay nag-aadhika ng kalayaan mula sa United States hanggang sa puntong gumastos ng milyun-milyong piso para sa kampanya at propaganda, hindi ba dapat na bigyan muna ng mga lalaking ito ng kalayaan ang kanilang kababaihan? Napakalaking kabalintunaan ang maghangad na mabigyan ng kalayaan mula sa isang dayuhang kapangyarihan samantalang ipinagkakait ninyo ang kalayaan ng inyong mga kabiyak.(Akin ang salin. Ifthe Filipinos are seeking independence from the United States to such an extent that millions of pesos are being spent for campaign and propaganda, shall not these very men first grant independence to their women? It isa great travesty to wish to be granted independence fromaforeign power when you men are denying independence to your better halves.) (Villanueva-Kalaw, 1952 p. 23)

May argumento ring iniharap para panatagin ang kalalakihan na walang kontradiksyon ang hangad ng kababaihan sa pagkakapantay sa larangan ng pagboto at sa paggampan sa kanilang papel bilang ina at asawa;

manapa'y nakakatulong pa nga. Halimbawa nito ang pahayag ni Josefa Llanes Escoda, tagapagtatag ng Girl Scouts ofthe Philippines:

Ang modemong ina, bukod sa kanyang responsibilidad sa tahanan, ay tumutulong sa kanyang asawa sa maraming mga gawaing hinihingi ng kanilang propesyon at nananatiling matatag na tagasubaybay ng kanyang mga anak. Ang modemong ina ay hindi na asawang mahina, siya ay katuwang ng kanyang asawa. Ang kahilingan ng kababaihan para sa kalayaan ay nagmumula sa kanilang pagnanais na matulungan ang kanilang mga asawa sa usaping pampamahalaan na laging mangangailangan ng hinahon at talino ng kababaihan.(Akin ang salin. The modern mother who, despite her having her home, helps her husband in many activities that their profession demands, still remains the unshaken guardian of her children.

8

(9)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto

The modem mother is no longer the wife that clings; she now helps her husband. The women's demand for independence is motivated by their desire to help their husbands in governmental affairs, which always require the moderation and wisdom of women.) (Villanueva-Kalaw, 1952 p. 24)

Malinaw ang makauring tindig bilang babaeng nakaririwasa sa pahayag ni Dr. Maria Paz Mendoza Guazon, ang unang babaeng nakapagtapos ng medisina sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1914. Para sa kanya kung may karapatang bumoto ang mga lalaking namamasukan sa kanya, nararapat na siya at iba pang kababaihan ay mayroon ding katulad na karapatan. Aniya:

Ang aking tsuper, ang aking kusinero at ang aking mga lalaking katulong na napapailalim sa akin ay makakaboto; bakit hindi mapahintulutan ng gobyerno na ako at ang kababaihang Pilipino sa kalahatan ay makaboto? (Akin ang salin. My chauffeur. my cook and my man servants who are all under me can vote; why can't the government allow me and the Filipino women in general the privilege of going to the polls?) (Villanueva-Kalaw, 1952 p. 25)

Ang Paghimok ng Pakikisangkot ng Kababaihang Manggagawa sa Pakikibaka para sa Karapatang Bumoto

Noong 1918, sa mensahe sa ika-apat na Philippine Legislature, inirekomenda ni Governor GeneralF.B. Harrison ang pagkaroon ng karapatang bumoto ng kababaihang Pilipir3.Bunga nito, inihapag ang mga panukalang batas na magbibigay ng karapatang bumoto sa kababaihan.

Nagpatawagngpublic hearingang Lehislatura para talakayin ang mga panukalang batas na ito (Villanueva-Kalaw, 1952 p. 12).

Bilang paghahanda sapublic hearing,nagdaos ang mga l ider kababaihan ng pulong sa Manila Hotel noong Oktubre 28, 1918.Mga 50 kababaihan ang dumalo kabilang na si Pura Villanueva Kalaw na inatasang

(10)

CSWCD Development Journal 2007

magharap ng resolusyon na ipinasa ng pulong na nag-eendorso sa karapatang bumoto ng kababaihan. Kabilang din sa kababaihan si Rosario Lam na kumatawan sa mga manggagawang kababaihan (Villanueva-Kalaw, 1952 p. 13).

Sasalaysayni EncamacionAlzona, nadumalorinsa naturang pulong bilang isa sa dalawang kinatawan ng mga estudyante mula sa Unibersidad ngPilipinas, binanggit niyaangpresentasyonngkinatawanngmanggagawang kababaihan bagama't hindi niya matandaan ang pangalan nito:

Ang una kong pagdalo sa pulong para sa karapatang bumoto ay naganap saroof gardenng Manila Hotel. Maliit na grupo ng kababaihan ang nasa pulong. Lahat ay nag-endorso sa pangangailangang magkaroon ng karapatang bumoto ang kababaihan. Tandang-tanda ko ang isang makisig na babae na kumatawan sa mga manggagawa. lnumpisahan niya ang kanyang talumpati sa paghingi ng paumanhin sa mga dumalo sa limitasyon ng kanyang pagtalumpati dahil hindi siya sanay na magsalita sa publiko. Tinapos niya ang kanyang talumpati sa pagbigay ng suporta ng kababaihang manggagawa sa kampanya. (Akin ang salin. My debut atasuffrage meeting took place on the roof garden of the Manila Hotel. A small group of women was present and to the end, the gathering remained small. With the main speaker, everybody endorsed the proposal to grant suffrage to women. I remember vividlyagood looking woman whose name I no longer recall who represented the factory workers. She began her speech by asking her audience to excuse thepoverty ofherlanguage forshewasnot accustomed to speak in public and ended it by offering the support of the working women) (Villanueva-Kalaw, 1952 p. 13-14)

Pinansin din ni Alzona na ang mga pagsisikap ngPhilippine Association of University Womenna makapangalap ng suporta para sa karapatang bumoto ay hindi naginglimitado sa mga intelektwal kundi may mulat na pagtatangkang maabot ang masa ng kababaihan. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng mga artikulo na nakasulat sa Filipino na lumabas sa mga magasin at pahayagan na ang pangunahing mambabasa ay ang karaniwang taumbayan (Alzona, 1937p.84).

(11)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto

Tindig ng Manggagawa

Habang ang ilang salaysay ay naghayag ng pagkatig ng mga manggagawa sa pakikibaka para sa karapatang bumoto, ang mga primaryang batis mula sa mga kabilang sa kilusang manggagawa sa panahong ito ay nagpahayag ng pagtutol sa karapatang bumoto para sa kababaihan dahil nakapaloob sa kolonyal na pulitika ang ganitong karapatan at kung gayon ay mas naglilingkod pa sa interes ng kolonyalismongAmerikano.

Binanggit ni Rosario del Rosario na ang Liga ng Kababaihang Filipino (League ofFilipino Women) na itinatag noong 1930ay nakibaka para sa karapatang bumoto ng kababaihan at karapatan ng kababaihang manggagawa batay sa kanyang interbyu sa isang lider manggagawa noong panahong yaon (de! Rosario, 1995 p. 61 ).

Ang Pambansang Liga ng Kababaihan, na itinayo noong Abril 1932 at kinabilangan ni Narcisa Paguibitan at iba pang kababaihang unyonista ay nagpalabas ng"Appeal to Working Women in the Philippine Islands"sa okasyon ng PandaigdigangAraw ng Kababaihan noong Marso 8, 1933. Kabilang sakahilinganng Liga ay ang pagkakaroon ng karapatang bumoto at rnahalal ng kababaihan (Historical Commission, 1996p. 164).

Ang buwanang"Ang Manggagawa", na lumabas mula Nobyembre 30, 1927at nagbandila sa sarili bilang "Tagapagtanggol ng Katuwiran at Karapatan ng mgaAnak Pawis"ay tumutol sa pagkakaroon ng karapatang bumoto ng kababaihan sa balangkas ng kolonyal na paghahari ng Amerikano. Isinaad nito sa editoryal, na may pamagat na "Ang Suprahio,"

noong Oktubre 31, 1931 na:

...kawawang kababaihan-pati kayo'y makakaladkad na lumusong sa napakabahong burak ng puliliko. Ito nga ang nais ng mga Amerikano, na ang mga Pilipino'y malibang sa

I I

(12)

CSCD Development Journal 2007

pag-aagawan ng katungkulan upang lalong maging magaan ang pang-aalipin sa lnang Bayan (Ang Manggagawa, 1931 p. 8).

Naulit ang tindig na ito sa isang artikulo sa naturang isyu ngmagasin:

Hindi kailangan ng bolo ng mga babai habang walang kasarinlanang Pilipinas, dahil ang politika'y gawa lang hanap- buhay ng ilang marunong (Ang Manggagawa, 1931 p. 17).

Para kay LiwAglipay, anak ng Obispong Gregorio Aglipay ng Philippine Independent Church at itinuring na kabahagi ng radikal na seksyon ng Iipunan sa panahong ito sa kanilang posisyon na kagyat na paglaya ng Pilipinas mula sa United States, hindi napapanahon ang pagkakaroon ng karapatang bumoto ng kababaihan. Sa kanyang palitang sulat noong 1937 kay Helen Auerback, asawa ng Amerikanong lider- komunistang si James Allen, nilinaw ni Liw na hindi niya suportado ang isyung ito dahil duda siya sa suporta ng simbahang Katoliko at ni Manuel Quezon at ang umano 'y malawakang dayaan para maipanalo lamang ang plebisito (Allen, 1985 p. 112).

Ang isyu ng karapatang bumoto ng kababaihan sa Pilipinas ay isyung pangunahing dinala ng maykaya at edukadong kababaihan.

Hindi matatawaran ang pagkilos at kampanyang kanilang ginawa para matamo ang ganitong karapatan. Malinaw ang kanilang pagsisikap na makuha ang suporta ng mga kabarong manggagawa at nasa probinsiya para sa karapatang ito. May mga akawnt na nagpapatotoo sa pagyakap ng karapatang bumoto ng kababaihang manggagawa, halimbawa si Rosario Lam at ang Liga ng Kababaihan na nabanggit na sa nakaraang mga talata. Gayunpaman, nakatala rin ang matinding pagtutol ng mga manggagawa at sa mga itinuturing na kabahagi ng organisadong kilusan para sa kagyat na paglaya ng Pilipinas mula sa Estados Unidos sa ganitong karapatan. Ang ganitong pagtutol ay hindi nakabatay sa di pagkilala sa pantay na karapatan ng kasarian kungdi sa pagsusuri na sa balangkas ng kolonyal na katayuan ng Pilipinas,

12

(13)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto

ang ganitong karapatan ng kababaihan ay magsisilbi lamang para patatagin pa ang kolonyal na paghahari at pangunahing makikinabang ang mga lokal naelitelaluna dahil aktibong sinuportahan ng mga opisyal ng pamahalaangAmerikano at ng Komonwelt ang ganitong kampanya.

ANG PAGTATAGUYOD NG MAYKAYANG KABABAIHAN SA KILUSANG PAGGAWA

Itinaguyod ng mga kababaihang maykaya ang mga isyu at kahilingan ng kababaihang manggagawa sa panahon ng paghaharing kolonyal ngAmerika. Ang pagtaguyod na ito ay nagkaanyo ng pagsuporta sa pamamagitan ng pamamahayag, pagtaguyod sa "maternity leave" para sa mga manggagawang ina at pagtaguyod sa pamamagitan ng mga proyekto.

Pagtataguyod sa Pamamagitan ng Pamamahayag

Sa larangan ng pamamahayag ipinakita ng kababaihang maykaya at/o may mataas na edukasyon ang kanilang pakikiisa sa mga isyu ng kababaihang manggagawa. Sa pamamagitan ng mga artikulo sa mga dyaryong pangkababaihan o mga sulat sa mga dyaryo, nagpahayag ang kababaihan ng pagsuporta sa mga pagkilos o usaping sangkot ang kababaihang manggagawa.

Noong 1909, isang mapanlabang pahayag bilang suporta sa welga ng mga 54 na manggagawa, na karamihan ay babae, ng Sanitary Steam Laundry ang inilabas ng lingguhang pahayagang "Filipinas"". Ang lingguhang dyaryo para sa babae at isinulat ng mga babae ay proyekto nina Constancia Poblete, Pura Villanueva, Pilar Lazaro at Felicidad Legaspi.

13

(14)

CSCD Development Journal 2007

Ang bunga ng pagkakaisa: Tagumpay pa rin ng Kababaihan

Sa loob ng linggong ito'y may isang mahalagang bagay na nangyari na saming puso'y naglikha ng di maulatang galak: ito'y ang nagwaging aklasan ng mga manggagawa sa Sanitary Steam Laundry.

Maraming mahahalagang bagay ang matuturol namin ngayon sa tagumpay na iyan ng mga anak-pawis, na halos ang lahat sa kanila'y pawang mga babae at mangisangisa nga lamang ang mga lalaking napabilang.

Kami'y hindi naanib sa alin mang pangkatin at kapisanan ng mga manggagawa na nagsusumakit upang ang kanilang kalagaya'y mapabuti at guminhawa; ngunit kailan ma'y makikipiling kami't tutulong ng naabot ng maralita naming kaya sa lahat ng pagkilos at pagpupunyagi ng kahit sino laban sa isang katampalasanang gawa at pag-inis sa katutubong karapatan ng tao, lalo na nga't higit kung ang mga dumadanas ng kapootpoot na asal na iya'y ang mga maralita't mga kabaro namin.

Ang pagtatagumpay ng mga manggagawa sa Steam Laundry ay nag-uulat ng dalawang bagay na sukat pag-aralan sa hinaharap, una'y ang nagagawa ng pagkakaisang loob at ang ikalawa'y ang taglay na karapatan ng mga babae sa pagtatanggol ng matwid, kung sila'y may mabuting kapisanan at mga namamatnugot na matatalino, masisigla't mga buhay ang loob at di nakakikilala ng panganib sa pakikitunggali.

Ang sanhi ng aklasan ay isang gawang dapat ngang pagtutulan, sapaka't ang sino mang tao'y walang karapatang magbuhat ng kamay sa kanyang kapuwa samantalang siya'y hindi ginagamitan ng ganito. Sa makatuwid, ang pagkakaisa ng mga manggagawa sa Steam Laundry sa pagtatanggol sa isa nilang kasamang pinagbuhatan ng kamay ng mga katiwala sa pagawaan, ay kapuripuri at dapat ikagalak ng mga anak pawis, sapagka't iya'y matimyas na bunga ng kanilang pagsasapisapi.

Ngunit sa kabila ng lahat ng iya'y may isang mabuting paraan na dapat gawin ng sino mang anak pawis, kung ang

14

(15)

ng Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto

kanilang karapatan at pagkatao ay nilapastangan ng isang katiwala, nangangasiwa o cabecilla.

Ang lalong mabuti sana ay ang pagtatanggol sa sarili't katutubong karapatan ng tao, kung ito'y pinapaslang ng iba.

lbig baga naming sabihi'y kung bigas ang ipinukol sa ati'y gantihin ng bigas din, nguni't kung bato'y bato rin, o kaya kung maaari ay gantihin ng bakal. Hindi namin sinabi ito upang ang mga anak pawis ay maging salarin (criminal}, hindi nga:

kundi iniuulat lamang namin ang isang gawang pinagtitibay ng katuwira't karapatang kinilala sa lahat ng bayan, na kung turinga'yderecho de legitima defensa. Sa makatuwid, yaong pinaslang ng isang katiwala sa pagawaan o ng sino pa man kahit na ang tunay na may-ari noon, ay dapat gumanti ng ubos kaya, mangyari na ang mangyari.

Kung ganyan nga ang gagawin, ay hindi mapipinsalan ni ang mga manggagawa at sampung may ari ng pagawaan man, na ang kadalasa'y walang kinaalaman sa pagpapalagay, inuugali at pangangasiwa sa loob ng sangpagawaaan ng kanyang katiwala, tagapangasiwa o cabecil/a.

Nabalitaan namin na ang mga manggagawang nagsipagaklas sa Steam Laundry dahilan sa mabuting pagpapasunod sa kanila ng may ari ng pagawaan na si Mr.

Wolf, sila'y gagawa ng kung ilang oras sa araw araw sa loob ng sanglinggo na higit sa kaugaliaan at hindi sila hihingi ng anomang kabayaran upang matakpan daw ang kapinsalaan na nagyari sa mga gawain sa pagawaan, sa dalawang araw na kanilang itinigil sa paggawa.

Ang pagkukusang loob na ito ng mga manggagawa'y labis naming pinupuri. At dito napagkikilala na sila at ang may- ari ng pagawaan ay nagkakasundo. Datapuwa'y bagaman gayon, kapwa sila dumanas ng kapinsalaan dahil lamang sa isang hamak na katiwalang nagkulang sa kanyang tungkol at namaslang sa karapatan ng anak-pawis.

Ang mga kapinsalaang iya'y maiilagan nga kung ang gagawin ng mga manggagawa ay ang sinasabi naming pagtatanggol sa kanilang katutubong karapatan at karangalan;

alalong baga'y gamitan ng agpang na gawa't anyo ang gawang pamamaslang ng kahit sino. Sa ganang amin nga; ang dapat

(16)

CSCD Development Journal 2007

maging sanhi ng pag-aklas ay yaon lamang mga bagay, na nahihinggil sa halagang ipinasasahod ng mga manggagawa, sa palakad na pinaiiral sa loob ng pagawaan ukol sa oras na igagawa at iba't iba pang nauukol o kaya'y tumutukoy sa mga karapatan at ikagiginhawa ng manggagawa sa loob ng pagawaan;

ngunit ang pagbubuhat ng kamay sa sinomang nagpapauna ng isang katiwala ng may pagawaan o nito kaya ay dapat tugunin-inuulit namin-ng pagbubuhat din ng kamay. Kung sa pagtatanggol ng isang manggagawa sa kanyang karangala'y nangangailangan ito ng saklolo, ay saka dapat magkaisa ang magkakasama sa loob ng isang pagawaan at ibigay sa kanilang kasama ang buo nilang tulong at pagmamalasakit.

Sa ganyang kaparaana'y maiilagan nga, na ang isang maliit na bagay (na sukat mabigayang wakas ng "fintro"

(nota:malabo) ring iyon na pinagbubuhatan ng pamamaslang ni Mr.Hartfield o kaya ng isang "planchang" nagbabaga halos o ng kakapirasong bakal) ay mapinsalaan ang puo puo o daang daang manggagawa't ng may ari ng pagawaang katulad ni Mr.

Wolf, na may magandang kalooban at mabuting magpasunod sa mga taong sa kanya'y nagbibigay ng ginhawa, pananalapi't kayamanan ...

Hindi namin pinupuing ang pagkakaisang ipinamalas ng mga manggagawa sa Steam Laundry kundi bangkus pang pinupuri nami't ikinalulugod; subali't ninanais naming ipabatid sa kanila at sa lahat ng manggagawa, na ang lalong mabisang paraan sa pagsugpo sa isang pamamaslang ay dili iba kundi nga ang pamamaslang din (Muling Pagsilang, 1909, p. 1).

Sa wakas, pinahahatdan namin ng taimtim at puspos na bati ang mga manggagawang yaon dahilan sa kanilang matibay na pagyayakapan, at ninanasa naming sila'y manatili sa gayon, alangalang sa ikabubuti, ikagiginhawa at ikatutubos ng mga anak pawis.

Naturol ng artikulo ang dahilan ng tagumpay ng welga ng mga manggagawa: ang kanilang pagkakaisa at ang kakayahan ng kababaihang maipagtanggol ang kanilang karapatan. Ipinamalas din ng may-akda ang kaalaman nito sa mga isyu ng mga manggagawa na maaring batayan ng

16

(17)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto

kanilang welga: ang usapin ngpasahod, ang kondisyon sa paggawa kabilang na ang orasng paggawa at ang mga karapatan ng mga manggagawva.

Sa kabilang banda, may dalawa ring nilalaman ang artikulo na nagsasalamin ng magkakatunggaling pananaw. Ang isa ay ang pangingibabaw ng kaisipang "pagkakasundo ng kapital ista' t manggagawa,"na isang pangunahing tema ng mga organisasyon ng mga manggagawa sa maagang bahagi ng siglo. Ang pagkakasundong ito ay nasisira dahil sa iresponsibilidad ng mga katiwala 'tcabeci/la.Ang isa pang tema ay ang palabang pahayag na "ang sagot sa pamamaslang ay pamamaslang din," matatapang na pahayag na ipinaliliwanag ng may- akda sa balangkas ng pagtatanggol sa sarili. Maaaring maiugnay ang ganitong tindig sa pagiging sariwa pang diwang palaban at makabayan bunga ng Rebolusyong 1896 at Digmaang Pilipino-Amerikano na nagbigkis sa mga Pilipino, iba't iba man ang uring kinabilangan.

Noong Mayo 1, 1918, lumabas ang unang bilang ng isa pang dyaryo para sa kababaihan, ang Filpina.Pinangasiwaan ito ni Crisanta Soldevilla. lnteresante ang editoryal ng unang bilang na ito sa pagtitibay sa mga pyudal na katangian ng kababaihan bilang mahinhin at matiisin at pagpuna sa mga modemong katangian ng kababaihan na tumal ikod sa mgaito.

Sa paglilinaw sa layon at adhika ng"pahayagang bwanan ng mga babae", sinulat ng patnugot na:

Ang mga babae ay mayroon din namang mahahalagang tungkulin sa PAMAMAYAN na gaya ng mga lalaki. Sa PAMAMAHAY at sa PAGHAHANAP-BUHAY, ang babaeng Filipina ay matiisin sa hirap, may matimtimang loob, at may mahinhing asal. Ngunit samantalang nagbabago ang panahon, ang ugaling itong katutubo ng ating lahi ay untiunting nahahalinhan ng kilos sajonizada, na di umano'y siyang kabihasnan. Sa ganang pagkukuro namin ay wala kaming maipapakli tungkol dito kundi ang "kahinhinan ay siyang

(18)

CSCD Development Journal 2007

sagisag ng babaeng Filipina," at ang sagisag na ito'y isang kapurihan ng ating lahi.

Datapwa't ni hindi ang pumuri ni ang puminlas sa kanino man ang layon at adhika ng pahayagang ilo, kundi ang maglathala ng mga bagaybagay na inaakala naming pakikinabangan ng karamihang mangbabasa lalonglalo na ang mga babae para sa KARANGALAN, KAGINHAWAHAN, KASAYAHAN AT KAPAYAPAAN ng aling bayan (Filipina, 1918 pp. 1-2).

Kinilala ng editoryal ang dalawang papel ng kababaihan bilang mamamayan at bilang maybahay. Bagama't lumawak na ang papel ng kababaihan ng lampas sa loob ng bahay at kinikilala ang kanilang papel sa bayarang gawain, nanatili ang ideyal ng pagiging babae sa panahon ng mga Kastila, matiisin at mahinhin. Kaya't kahit pinili ng patnugutan ang Mayo 1 bilang araw ng paglabas ng "Filipina"dahil sa ito'y araw ng paggawa, nakabalot pa rin ang pananaw sa kababaihan bilang "ulirang ina ng kanyang mga supling:"

Ang unang araw ng Mayo, ang araw na itinatangi ng pamahalaan sa taon-taon, para sa pagpapahingalay ng mga kawal ng paggawa, ay araw na dapat ipagdiriwang ng boong bayan, hindi lamang ng mga manggagawa kundi ng lahat ng mga nabubuhay o nakikinabang sa kanila. Sa araw din ngang ito minarapat naming palabasin ang unang lathala o bilang ng pahayagang "Filipina" upang sa pamamagitan nito'y maparating namin sa lahat ng mga kababayang manggagawa ang aming mataos at sariwang bati (Filipina, 1918 p. 2).

Ang magasing "The Woman's World" ay publikasyon ng Philippine Association of University Women. Ang namamahalang patnugot sa unang bilang nito noong Setyembre 1935 ay si Paz Mendoza- Guazon, isa sa mga lider sa kampanya para maipagtagumpay ang karapatang bumoto. Naging punong patnugot si Paz Policarpio Mendez ng magasin umpisa noong Oktubre 1935. Sa mga sipi ng magasin (Setyembre 1935 - Mayo 1937) na nasa Aklatan ng Unibersidad ng

18

(19)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bum0to

Pilipinas, kapansin-pansin ang aktibong pakikisangkot nito parasuportahan ang pagkakaroon ng karapatang bumoto ng kababaihan. Maraming mga artikulo ukol sa ganitong paksa ang laman ng iba't ibang isyu ng magasin, kabilang na ang pagtalakay sa pandaigdigang alyansa ng kababaihan para sa karapatang bumoto at pagkakapantay-pantay. Di tulad saFilipinas noong 1909, ang "The Woman's World" ay naging tahimik sa isyu ng mga welga ng mga kababaihang manggagawa. Gayunpaman, dalawang isyu ng kababaihang manggagawa ang dinala nito. Ang una ay ang isyu ng compulsory maternity leave without pay ng mga empleyada ng pamahalaanatang ikalawa ay ang kaligtasan ng kababaihang manggagawa.

Sa editoryal na lumabas noong Abril 1936 na may pamagat na

"Penalizing Motherhood," tinuligsa ng magasin ang mga pabigat sa working wives for no reason but that they are married, must work and want to have children.Sa partikular, binatikos nito ang anim na buwang "compulsory maternity leaves without pay" para sa mga manganganak. lbinigay na halimbawa ang patakaran ng "Kawanihan sa Edukasyon " na nagtatakda na ang katapusan ng "leave" ng mga gurong nanganganak ay tumutugma sa umpisa o pagtatapos ng isang semestre.

Mas mabigat pa ang kaso sa mga manganganak na nars. May patakaran ang pamahalaan na hindi mag-eempleyo ng isang nars na may-asawa, may anak man siya o wala.

Tinukoy ng editoryal na pangangailangan ang nagtutulak sa mga babaeng may asawa na magtrabaho:

It is admitted that mothers must rest before and after the arrival of a child but it must also be admitted that wives work not for the fun of it but because mouths must be fed and indigent relatives must be taken care of somehow (The Woman's World, 1936 p. 28).

Sa unang basa sa artikulo, maaaring iugnay ang ginawang pagbatikos sa kawalan ng maternity leave benefits para sa lahat ng

(20)

CSWCD Development Journal 2007

nagtatrabahong babaeng may-asawa. Pero lumilitaw na ang pagbatikos ay kaugnay pa sa mga edukadong ina.

It would be disastrous for the Philippines to force educated mothers to confine themselves strictly to intellectual pursuits and leave child-bearing to the women of the field and the slum (The Woman's World, 1936 p. 37).

Bahay Pahingahan Para sa mga Babaeng Manggagawa

Nagkaroon ng mga kongkretongproyekto ang mganakaririwasang kababaihan para sa mga kabarong empleyada't manggagawa. Mayroong itinayong "Service Center and Rest Roomfor Business Girls" sa T.

Pinpin, Binondo at"Rest RoomforIndustrial Girls"sa Gandara, Binondo.

Pinangasiwaan ang mga ito ng isang Board ofDirectors na kinabilangan nina Mrs. Geronima T. Pecson bilang Presidente, Mrs. John W. Osborn, bilang Bise-Presidente at Mrs. Mary S. Turner, Kalihim. Si Mrs. JosefaJ.

Martinez ang Executive Secretary(Manila Directory 1935-36).

Ang mga sentrong ito ay bukas sa mga kababaihang nagtatrabaho sa paligid ng Binondo at Escolta. Pumupunta ang mga empleyadang nagtatrabaho sa mga opisina sa Escolta o malapit sa Escolta tuwing tanghali para mananghalian o magpahinga.

Sa isang sarbey na ginawa noong 1935 sa 44 na kababaihang gumagamit ngpasilidad ng center, ang 12 ay mgasalesgirls;siyam ay mga stenographers,anim ayclerks,tatlo ay mga"secretaries,tatlo ay mga typists, tatlo ay mgatelephone operators,isa aypharmacistat isa ay bookeeper."Ang karamihan sa kanila ay may edad 30 anyos pababa at may dalawang mas bata sa 20 taong gulang (Graphic, 1935 pp. 34-35).

Ang kanilang sahod ay mula P 15.00 sa pinakamababa at mahigit sa P 100 sa pinakamataas sa isang buwan. Kalahati ay kumikita ng P35.00

20

(21)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bumoto

hanggang P50.00 isang buwan, sang-apat ang kumikita ng mas mababa sa P30.00 at sang-apat din ang kumikita ng mga P90.00. Dadalawa lamang ang kumikita ng P 100.00 o higit pa dito. Ang karaniwang kita ay P40.00 sa isang buwan. Hindi lamang para sa sariIiang pinupuntahan ng sahod ng kababaihan. Tatlumpu't walo sa kanila ay may sinusuportahang isa hanggang sampu katao. Aanim Jang sa kababaihan ang sarili lamang ang sinusuportahan.

Mahaba angoras ng trabaho ng mga kababaihan. May sampu sa kanila na pumapasok mula 7:30 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali at mula 1 :30 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi o kabuuang siyam na oras bawat araw. Ang karamihan ay napilitan pang magtrabaho lampas sa siyam oras ng walang dagdag na bayad at pumapayag naman sila dahil sa takot na mawalan ng trabaho.

Ang center ay nagbibigay espasyo sa kababaihan na makapagpahinga nang hindi umuuwi sa kanilang bahay at gumastos sa pamasahe.

KONKLUSYON

Ang hugpungan ng kababaihang maykaya at kababaihang manggagawa sa panahon ng kolonyalismong Amerikano ay nakita sa pakikibaka para sa karapatang bumoto at sa kongkretong suportang ibinigay ng una sa huli kaugnay ng isyu ng manggagawa. Habang may pagsisikap ang mga nasa unahan ng kampanya para sa karapatang bumoto ng kababaihan na kunin ang suporta ng kababaihang manggagawa para dito, may pagtutol mula sa mga kinatawan ng organisadong manggagawa sa batayang gagamitin lamang ng mga nasa kapangyarihan ang karapatang ito para sa pagpapatulay ng kolonyal na paghahari ng Amerikano sa Pilipinas.

(22)

CS'CD Development Journal 2007

Sa kabilang banda, nagbigay ng kongkretong suporta ang kababaihang maykaya sa mga kabarong manggagawa. Sa maagangbahagi ng pagbaharing kolonyal ngmgaAmerikano, tuwiranang suportang ibinigay ng mga ito sa mga welga ng mga manggagawa sa anyo ng pagdalo sa mga pulong ng mga manggagawa at sa pamamagitan ng pamamahayag. Ang pagiging makabayan ang posibleng nagbigkis sa mga kababaihang magkaiba ng uri bunga ng komon na karanasan sa Rebolusyong 1896 at Digmaang Pilipino-Amerikano kaya't may malinaw na direktang suporta ang maykayang kababaihan sa kilusang paggawa. Sa bandang huli, habang Jalong luminaw ang hatian ng mga uri sa lipunang Pilipino, sa anyo pang kawanggawa tulad ng pagtatag ng bahaypahingahan para sa kababaihang manggagawa ang katangian ng pagsuporta. Walang mga dokumentasyon ng direktang pagsuporta ng kababaihang maykaya sa masisiglang mga welga ng mga manggagawa sa Kamaynilaan noong huling dekada ng paghaharing kolonyal. Pumapasok ang kategorya ng uri sa posibilidad at limitasyon ng pagkakakaisa ng kababaihan mula sa iba't ibang uri.

End Note

' Kabilang sa mga ito ay ang kay Pura Villanueva Kalaw sa How the Filipina Got the Vote (1952). Nariyan rin ang isinulat ni Trinidad Tarrosa Subido (The Feminist Movement in the Philippines 1905-55) at ni Concepcion Felix Rodriguez (Forty Years Ago). lsang mahabang tsapter na may pamagat na

"Woman Suffrage" ang inilaan ni Encarnacion Alzona sa kanyang aklat na The Filipino yoman;_Her Social, Economic and Political Status 1565-1937.

22

(23)

Ang Kababaihang Maykaya, Ang Pakikibaka Para sa Karapatang Bum0to

Sanggunlan

Allen, James. Radical Left on the Eve of War: A Political Memoir. Quezon City:

Foundation for Nationalist Studies, 1985.

Alzona, Encarnacion. A History of Education in the Philippines. 1565-1930.

University of the Philippines Press: Manila, 1932.

Ang Manggagawa. Oktubre 31, 1931.

"Do You Envy Working Girls?" Graphic October 10, 1935.

Filipina. Mayo 1, 1918.

Filipinas. Setyembre 13, 1909 na inilabas sa MulingPagsilang. Setyembre 22, 1909.

Kalaw, Pura Villanueva, Howthe Filipina Got the Vote, Manila: (s.n.), 1952.

Kollontai, Alexandra. "The Social Basis of the Woman Question." Selected Writ- ings ofAlexandra Kollontai. Allison & Busby, 1977. http://www.marxists.org/

archive/kollonta/1909/social-basis.htm.

Historical Commission, Partido Komunista ng Pilipinas. Communism in the Philippines: The PKP, Book 1. Metro Manila Philippines, August 1996.

Manila Directory 1935-36.

Rodriguez, Concepcion Felix. "Forty Years Ago." Ruby_Jubilee Yearbook,_ 192- 1961. Manila: National Federation of Women's Clubs, 1961.

del Rosario, Rosario. "Filipino Working Women." The Filipino Woman in Focus, A Book of Readings. Ed. Amaryllis Torres. Quezon City: Office of Research Coordination, University of the Philippines, Diliman, 1995.

59-71.

The Woman's World. April 1936.

Mga Sanggunian

NAUUGNAY NA DOKUMENTO

MGA HAMON SA HiNAHArAP Ang paglipat ng pagtatanghal ng PETA play mula Dulaang Raha Sulayman patungo sa PETA-PHINMA Theater at sa iba’t ibang espasyo sa mobile theater ay isang malaking