• Walang Nahanap Na Mga Resulta

Mami - up cswcd - University of the Philippines Diliman

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Share "Mami - up cswcd - University of the Philippines Diliman"

Copied!
24
0
0

Buong text

(1)

CSWCD Development Journal 2002

Abstract

Mami

Story of a Wife, Worker and Mother

The paper traces the life of Zenaida Lava Chavez, "Marni" to au- thor Alwin Aguirre who is her grandson.

Pregnant at the age of 14, Mami had to marry her 17 year old jobless boyfriend in 1950. Unable to hold on toastable job, her husband would turn to drinking. Marni became the breadwinner of the family, work- ing asa "cigarrera" at the US Tobacco Corporation for 17 years. There were over 4,000 workers in the factory. Women predominated as the work there, according to Marni, was "women's work; men were few and were drivers or kargador". Her regular salary of Php30 per week for working from seven in the morning to four in the afternoon from Mondays to Satur- days was supplemented by overtime work which would oftentimes last until nine or ten in the evening.

Marni did not join the union at the US Tobacco and did not participate in the strike to demand for higher wages and better work- ing conditions. Her anxiety over the fate of children and her family if she did not bring home any money was stronger than the harass- ment she had to face from the striking workers as she continued to work inside the factory during the strike. She recounts the insults hurled at her and around 1000 others who continued to work by strik- ing workers who were also mostly women. She bore all the insults because, according to her, "if I didn't work, my family would not be able to eat. Perhaps the striking women workers had husbands who worked."

Mami's story while unique also echoes the stories ofother working class women who had to assume the double responsibility of oppressive and exploitative paid work and the nurturing work in the domestic sphere.

(2)

Mami

Kuwento ng Isang Asawa, Manggagawa at Ina

Alwin C. Aguirre

'[a4

tinatanong ako ng mga tao kung bakit ako peminista(0,pro- feminist),ang laging sagot ko ay dahil sa aking Iola. Tuwing sinasabi ko na ako'y peminista, maraming nagtatanong kung pupuwede ba iyon. Kaya'! bigla rin akong napapatanong sa sarili ko kung puwede nga ba iyon. Lagi'tlagi, bumabalik ang tanong ko sa karanasan ng aking Iola, at tinuturo ang paninindigang lama, puwede nga, dapat nga akong maging isang peminista.

Mami' ang tawag ko sa aking Iola sa ina. Ginugol ko ang unang pitong taon ng aking pagiging tao sa piling niya. Maging noong hanggang mag-hayskul ay nagbabakasyon pa rin ako sa kanya tuwing tag-init.Lola's boynga ang tukso sa akin. Mabuti na lang at nagkagayon nga.

Kung tatanungin ako kung ano ang pinakamalaking impluwensiya Ko sa aking buhay at pagkatao, babalik pa rin ang sago!

ko kay Marni. Kaya nga sa tuwing nagkukuwento ako tungkol sa aking sarili, hindi maaaring hindi ito maging kuwento ng isang Iola at ng kanyang apo. Kaya nga kahit na ang ikuwento ko na ay tungkol sa Iola, hindi ko maiiwasang isingit ang kuwento ko. Ito ay kuwento namin. Pinaghabing salaysay ng mga karanasang nagbigay-wangis sa pagkatao.

Maramot ako dahil inaangkin ko ang kuwento niya. Sa tuwing ibabahagi ko sa iba ang kasaysayan ni Mami, di ko maalis ang himig ng pagmamalaki. Taas-noo, ubod-ngiti habang linatahi ang mga pangyayari na aking mga naging karanasan kasama ang aking Iola, at ang mga karanasan niya ayon sa mga kuwento sa akin ng aking sariling ina at ng kanyang mga kapatid. Mga kuwento na di na namalas ng sarili kong mga mata. Mga nakaraang kailangan kong habulin. Mga kasaysayang kailangan kong pagkawing-kawingin.

(3)

Hindi na ako nagtataka kung bakit di ko malubayan ang kasaysayan ni Marni. Kung bakit ang kuwento niya ay nagpasibol ng rnararning kuwento sa aking diwa. Kung paanong ang kuwento niya ay siya mismong nagbungkal at nagpayarnan sa aking isipan. Kung bakit ang kuwento niya'y siya pa ring nagdilig sa mga punla ng murnunting salaysayin sa aking haraya. Kung bakit ang kuwento niya'y di lamang ang nagpapalago sa aking imahinasyon, kundi, lalo sa totoo kong buhay-buhay. Tunay namang di nakapagtataka kung bakit di ko maiwan-iwanan itong kuwentong ito.

Bukod sa ito'y kuwento ng aking pamilya. lto'y kuwentong rnagbubuo sa kuwento ng aking sarili.

Si Marni, Asawa

Ang buhay ni Marni, tila pelikula mula umpisa hanggang sa katapusan lnabutan ang panahon ng lkalawang Digmaang Pandaigdig kung saan tinakasan nila ang mga sumusugod na Hapon sa parnarnagitan ng pagtakbo sa gubat noong sila'y nakatira pa sa Pagsanjan. Naaalala ko pa ang mga kuwento naman ni Nanay noong panahon ng Hapon kung paanong rnarami sa mga tao ang nagtatago sa ilalim ng lupa. Si Nanay ang ina ni Marni, naabutan ko pa siya. llang Pasko rin ang aming napagsaluhan. Malabo na ang maluha-luhang mga rnata, mahina na ang tainga, ngunit di pa rin mapigil ang mga kuwento at payong iniluluwal ng gasgas nang tinig. Di ko makakalimutan si Nanay. Di ko malilimutan ang payo niyang paulit-ulit na sinaliwan pa ng mga kuwento ng paghihirap at pagsusumikap bilang patibay sa mga katotohanang kanyang isinasalaysay.

Ang pag-aaral nang rnabuti, ang pagtitiyaga upang maiangat ang buhay, ang pagtulong sa mga magulang at kapatid. Di ko siya maaaring di alintanain bagamat sa kanyang katandaa'y bibihira na ang tunay na nakikinig sa kanya.

Sa palagay ko nga'y malaki ang pagkakahawig sa diwa nina Nanay at Marni. May pinagmanahan ang aking Iola.

Ngunit bago pa man dumating ang mga Hapon, kinailangan na nilang lumuwas ng Maynila sapagkat sa probinsiya aywalang pagkakakitaan. Napilitan lamang silang bumalik sa Laguna nang mapasailalim ang bansa sa mga Hapon.

Kuwento pa ni Marni na noong bumalik na sila ng Maynila upang pamahalaan ang isang bakery(lnsularangnaging pangalan) sa San Andres Bukid, na nakuha nila sa pamamagitan ng pagsanla ng bahay at lupa sa Pagsanjan sa halagang limang libong piso, ay saka niya nakilala si Lalo.

Ito ay yaong mga panahong ang pandesal ay dalawa-singko pa.

(4)

Pelikula nga. Tila pinilas mula sa isang eksena ang kuwento nina Mami at Lolo. Kilalang-kilala na natin ang pantasyang ito ng wagas at inosenteng pag-big. Bingi na nga tayo sa kawikaang "O,pag-ibig, kung nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang".Ito ang hulma ng "pag-iibigan" nila. Kung iiimahe natin, makakikita tayo marahil ng black and whitena pelikula (o,sepia). Mga beteranang artista (na di ko na nga kilala). Mga eksenang kung madalas ay nauuwi pa sa kantahan at sayawan.

Ganoon din ang kasaysayan nilang dalawa. Matamis kung matamis. Sa ulap kung sa ulap.

Ah mura Jang, ang pandesa/ noon, dalawa-singko. Noon, ten centavos, makakarating ka na ng Quiapo. Totoo yon, kung meron ka na 20 centavo, back and forth, mula San Andres Bukid hanggang Quiapo, nakarating ka na. Ganun lang ang pamasahe noon. Mura Jang.

Dito (Maynila) na ako nag-Grade5,Grade 6. Tapos nung Grade 4, sa province yun, sa Pagsanjan, Laguna. Tapos nung bumalik naman ako nung Grade5ako at Grade 6, International College. Nung first year to second year, Southern College.

Wala na (ang Hapon noon), Amerikano naman. Hanggang matapos na ako sa high school. Hanggang high school fang ako e, sa Southeastern College ako nung high school ako. Tapos nag-asawa na ako, 14 ako nag- asawa.

E, di (nakilala ko Lolo mo) sa bakery namin, di ba nakatao ako?

Dun nya ako nakita. Three years (niya akong niligawan). Tapos yun nga sa bakery na yon, nakita nya ako noon A. di pala kami three years, one year lang pala.

Sabay kami sa school, kapag papasok kami. Yung school nya iniwanan nya yon, at /umipat sya sa pinapasukan ko. Iniwanan nya yung school nya kase para magkasama kami parati na pumapasok. Tapos di ba kapag ganyan, nagkakatuksuhan kayong dalawa, Kaya tuloy nagkaasawahan kaming dalawa. Ang aga pa. 14 lang ako, 1950.

Next year nagpakasal na kami. Tapos ganon, ikinasal na kami.

Kase pregnant noon ako. (14 ako), 17 (siya). Tapos wa/a siyang trabaho.

Pareho kaming tamad, nakatira kami sa amin. Doon nga kami nakatira sa amin, doon sa bakery. Pa-transfer-transfer kami. Minsan nandoon

(5)

kami (sa kanilang bahay), two months kami doon. Malapit lang, kanto lang Kase, e.

Minsan wala ngang work kase nga bata pa. Kaya parents ang nagpapakain. Tapos nun ngang anak ko ay tatlo na, nag-work na sya. Si Mama mo, si Kuya Boy saka si Tito Ric. Nag-work na sya ngayon, sa bangko. Pero hindi sya sa bangko, naggagawa sya ng ....yung /ibro...bookbind. Hawak nya yung isang bangko. Pakyawan yun, e.

Nung nag-work kase ako, apat na anak ko, nandito na si Tita Nerie mo. Nung four na yung anak ko, nag-work na ako noon.

Si Lolo mo kase ano, e, Si Lolo mo kase e, hindi stable job yun kanya e. Iniipon nya ang mga libro. Taga-bind ng /ibro....iniipon nya yung libro na yon. Yung libro ng bangko kung ilan yon, binu-book bind nya yon, kino-cover nya, pinapaganda nya. Kung minsan umaabot ng two thousand pesos. Yun ang trabaho nya. Twiceayear. Iniipon kase nila yun e, bago nila pagandahin.

Kaya magwo-work kailangan ako di ba?

Tapos kapag naubos yon, ang parents na naman ang sasagot.

Pero nung panahon na yon, malaking ha/aga na yon. Pero hindi rin puwedeng magkasya lalo na kung may pinapaaral na ako. Siyempre ang mama mo noon, maano na sya noon.

Alam mo ba saan ako nag-work? Sa US Tobacco.

Tulad ng marami pang kuwento na akin nang narinig sa mga ka- edad nina Marni at Lola, karaniwan ang maagang pag-aasawa sa panahon nila, at, karaniwan din ang maraming anak. Kaya nga, ang kuwento ng pag-ibig na nagsisimulang matamis at nakalutang sa mga ulap, ay tila pelikula pa rin, na nauuwi sa kasawian. Kung pelikula nga lamang ba, maaari nang ulitin ang lahat ng eksena upang ituwid ang mga pagkakamali at makabawi sa susunod na kuha. Kaya Jang, tila mas malupit ang totoong buhay. Ang nakakikilig na pag-ibig sa simula ng kabanata ay maglalagos din sa halos di matakas-takasang kasawimpalaran.

Tuwing naaalala ko si Lalo, ang naaalala ko ay alak. lyon ang pinakamatingkad na larawan niya sa aking isip. Di ko siya nakitang

(6)

nagtrabaho upang itaguyod ang pamilya. Ang batid ko'y mahilig siyang magtanim at magkutingting at tumugtog ng piano (kaya nga't maylive music kami tuwing may okasyon). Kaya lamang ay natatabunan ang kakapiranggot na masasayang sandaling iyon sa mga hapon na uuwi siyang Iango at nagwawala. Naghahahagis ngkasangkapan, pinagmumumura ang mga tao sa di malaman na dahilan.

E, di mag-inom nang mag-inom. Minsan gusto naming ma/ibang o kaya mapasok sa trabaho, sasabihin nilolo(Pedro)?, opaano ka dun ka sa PGH, meron kaming kamag-anak dun. Yung lahat ng mga sapatos at alahas, lilinisin nya. Isa-shine din nya para meron syang kita. Kapag una okey Jang sa kanya, pero kapag matagal na, sinasawaan nya. Di mo nga sya maasahan, e. Ganun Jang yon.

Nung ang anak ko ay dalawa (na saka siya nagsimulang uminom).

Pero nung nanligaw sya sa akin saka nung ano, mabait yan. Wala syang bisyo, kase disenteng pamilya yan saka ano ...mga kilala sila. SaAteneo nga sya pinapaaral, e, sumunod Jang talaga sa akin. Maykaya. Kaya sa akin ga/it ang mother nya. Kase nung makila/a nya ako, nasira na. Sumunod nang sumunod sa akin. Ayaw na nyang makinig sa kanila. Pati ang school na maganda ng Ateneo, iniwanan nya. At doon pumunta sa school ko.

Ni di ko nga maisip na noong nagsusuyuan pa sina Marni ay

"mabait" si Lolo. Tulad ng isang Romeo sa pelikulang pag-ibig-tatalikuran ang karangyaan at pamilya para sa minamahal. At kagaya rin sa maraming pantaslikong kasaysayan ng pag-iibigan, hindi na nalin inaalintana pa ang kinahinatnan ng kuwento ng babae at lalaking nabihag ng pagmamahalan.

Happily ever after. lyon na lamang ang ilusyon na ating pinanghahawakan.

Palagi naman syang ganun, e. Nung una kase ay mild fang, habang tumataga/ gumagrabe na, nang-aaway na. Ano, siguro ano, basta kapag nakakainom nang sobra, nang-aaway na sya. Matagal din, angmama monoon, mga may isip na siya, e. May isip na sila noon e, nag-aaral na sila noon e.

Nung maliliit pa sila (mga anak namin), nung nasa e/ementarya sila, umiinom na yon. Hanggang lumala na, naging dalaga at binata na sila.

Lalong lumala na, di na sya nakatrabaho, ang ginawa na fang nya ay uminom nang uminom at mang-away. Pero mabait naman yon kapag di nakainom.

Di ba nakikita mo naman, kasama nga kita sa bahay, e. Kapag di nakakainom, okey naman, gawa nang gava sa bahay. Mabait.

(7)

Di ba sa Novaliches? Di ba kasama natin? E, ganun naman yun. Minsan mabait sya, kapag marami na ang nainom nya, magulo na sya. Parating ganun nang ganun, hanggang nung mamatay sya, ganun nang ganun, di na nagbago, puro ganun. Ako naman nag-stop ako nung work ko after 17 years, kase nga nag-close yung US Tobacco. Wala na akong work.

Yung /olo motalaga, drinker talaga yon. Nung si Mama mopa Jang, di sya ganun. Nung two na or three na (ang aming anak), nabarkada na sya sa masama. At siguro naaburido sya sa buhay nya dahil nga sa wala syang trabaho. Siguro parang disappointed sya. Tapos nabarkada pa sya sa marunong uminom kaya natuto na syang uminom. Kaya ang buhay nya noon, nalo/oko na. Yung parang napabayaan na nga kami, yung ganon. O, kaya ang ginagawa ni Nanay, kinukuha na Jang sila. Kaya malaking tulong yon doon kila Tatay doon. Di ko sila halos kasama noon, doon sila lumaki.

Si Marni, Cigarrera

Matingkad na matingkad sa kuwentong-buhay ni Marni ang karanasan niya bilang isang manggagawa sa pabrika. Kailan ko lamang ito nalaman. Noong bata ako at nakatira pa sa kanila, ang batid ko lamang ay siya ang nagsumikap upang maitaguyod ang buong pamilya. Alam ko rin na matagal na panahong hindi niya nakapiling ang mga anak dahilan sa kailangan niyang kumita ng panustos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Sa puntong ito ng kanyang buhay naging napakalaking tulong ang mga kapatid at magulang na siyang tumayong tagapag-alaga ng mga anak.

Naging stamper si Marni sa isang pabrika ng sigarilyo, ang US Tobacco.Sa katunayan, sa dalawang pabrika ng sigarilyo naging manggagawa si Marni, sa US Tobacco nga at saLa Suerte nang magsara ang nauna. Kung tutuusin, isang napakahalagang bahagi sa kasaysayan ng kababaihang Pilipino ang kanilang pagpasok sa sistemang pabrika na sinimulan ng mga establisimyento ng monopolyo sa tabako noong 1782. Sa kauna- unahang pagkakataon, nagkaroon ng regular na oras sa paggawa ang mga kababaihang Pilipino, napasailalim sa superbisyon at patakarang pandisiplina, at nagkaroon ng sick at maternity leave benefits (Camagay, 1995: 3).

(8)

Cigarrera ang katawagan sa mga babaeng nagtatrabaho sa pabrika ng tabako noong mga panahon ng Kastila at sa pagkakalarawan nga ni Ma. Luisa Camagay sa kanyang pag-aaral ay ganito ang kanilang ayos sa paggawa:

How were the cigarreras organized in the factory? The operariaswere grouped around a working table, number- ing 10 to 13 per table...work was divided among 1 O work- ers in the following manner: two were tasked to moisten, stretch and remove the stem, seven rolled the cigars while one counted, bundled and weighed the cigars. Those who were assigned the task of rolling cigars were each pro- vided with a stone as large as a lemon with which to beat the tobacco leaf. Once the leaf was rendered pliable, the cigarrerawould put a small quantity of chopped tobacco at the center of the leaf, a little gum ononeedge and then would roll it to its desired form. Each working table was under the supervision of a cabecil/a(section leader) who was in turn supervised by amaestra celadora(custodian).

(1995: 6)

Di man makabago ang paraan ng paggawa noon, makikita na tila makina na rin ang mga babaeng nakasaayos upang makalikha ng isang produkto sa loob ng maikling panahon. Sa mga tala pa nga, makikitang ang mga banyagang bisita sa mga pabrika ay nagkakaroon ng lubos na paghanga sa kakayahan ng mga babaeng manggagawa, halimbawa na ang isang Ruso na dumalaw sa isang pabrika sa Binondo ang nagbigay ng obserbasyon na ang lahat (ngoperarias)ay tahimik at wala ni isa man ang umuusal ng salita ngunit ang kanilang mga mata'y epektibong gumagana, lalo na ang kanilang mga kamay (Camagay, 1995, 7). Samantala, isang Pranses naman ang nakapansin sa galing ng mga babae sa pagrolyo ng sigarilyo:

I noticed the celerity with which the women rolled each cigar and pasted both ends. However, their work was not considered done until after both ends of the cigar were cut following a given model and afterwards strictly inspected by themaestraof the section. Only then was the cigar allowed to be part of a pack of 32; a thousand packs made up a chest and 500, a half chest. (Camagay, 1995: 8)

(9)

Hindi naman nalalayo ang karanasan ni Marni bilangstampernang magsimula siyang magtrabaho sa kalagitnaan ng 1950s. Nakakatawa nga dahilan sa nang sinabi niya sa akin kung ano ang trabaho niya sa pabrika ay nagulat at nagtakaaka-stamper?Mayroon palang ganoon. Hindi mo akalain na ang isang bahaging pakete ng isang produkto na hindi na nga pinapansin ay nangangailangan din pala ng lakas-paggawa at labis na pasensiya sa mahabang oras sa pag-upo at paulit-ulit na gawain. At bagamat naging mas moderno na nga ang makinaryang gamit sa pagbuo ng produkto, tulad pa rin ng mgacigarreranoong una, tila bahagi na rin ng makina ang mga mata at kamay ng mga manggagawang nakatutok sa partikular nilang trabaho.

Stamper. ang dali lang noon, hinahawakan mo yung stamp tapos igaganun mo fang yon sa gitna. Paghawak mo ng stamp, babasain mo fang nang kaunti, yung sigarifyo lalakad sa harap mo yon-conveyor yun, e. Yung sabanda dun e, may ginagawa doon e, irerepak nila yun. Hinahawakan nila tapos mamo-molde. Tapos aandar yung ano...tapos mag/a/agay ng stamp.

"Old Gold...Pure Gold" (ang pangalan ng sigari/yo). Noong araw ang lakas no'n. Tapos nahuli ang may-ari noon. Kaya na-c/ose agad.

Marami kami, 4, 000 kami na tauhan ng US Tobacco noon. Ang laki ng pabrika noon sa port area. Malakas kase ang sigarilyo noon, e.

Seventeen years ako doon, yun ang bumuhay sa amin kahit ganun-ganun yon. Kung hindi yon, saan ako papasok, di naman ako nag-college. Siyempre dun ako papasok sa mga ganun. Sa pabrika, yun Jang naman ang kaya ko.

Di ba ganun?

Oo, si/a (dalawang kapatid na babae ni Marni) naman wrapper.

Kung minsan naman pagdating sa dulo, i-ra-wrap mo na yon. Para malagyan na sya ng wrapper. Tapos yun na. Hanggang malagay sa malaking kahon. May tagalagay doon. At conveyor yun e, umaandar doon. Ang una doon yung ipa-pack mo muna, tapos aandar yon /a/agyan mo na ng stamp. Pagdating sa banda doon, ilalagay mo sa kahon na ganyan. Hanggang dumating sa kadulu-duluhan, ilalagay mo na sya syempre sa ma/aking box. Hayun. Grupo-grupo yun, e.

Mula sa mga kuwento ni Marni sa kanilang karanasan at sa kuwento rin ng iba pang manggagawa sa pabrika, lantad ang katotohanang may partikular na mga trabaho na mas kinukuha ang serbisyo ng mga babae dahilan sa tinuturing na mga "pambabaeng katangian" na mas magiging

(10)

kapaki-pakinabang sa paggawa. Mula pa noong panahon ng mgacigarrera, malinaw na ang pagkiling sa babae upang kuhanin bilangoperariasa mga pabrika ng tabako dahilan sa mga inaakalang taglay nilang katangian na tanging babae lamang ang may angkin, at hindi napipinid lamang sa pagkilos o galaw, kundi maski na sa pagpapahalaga at pag-uugali:

The Spaniards believed that women were more adept and more patient for this particular task, and that they were less prone to commit frauds. It should be noted that based upon documents found at the Philippine National Archives, reports of smuggling usually involved thecigari/leros(male cigarette makers) and thefaginantes(porters) rather than thecigarreras. It was probably the acknowledged skill of women for rolling cigars and their observed honesty which made four out of five factories hire exclusively women employees. Only the factory in Arroceros became an ex- ception to the practice as the government experimented on the hiring of men in the manufacture of cigarettes.

(Camagay, 1995:5)

Sinabi pa nga ni Marni na sa pabrika ay talagang mas nakalalamang sa bilang ang mgababae-babae, kasi nga trabaho ng mga babae yun, e.

Yung mga /alaki kaunti fang, mga kargador, driver.Tunay na namamayani sa kamalayan ang paghahati sa gawain at kakayahan ayon sa tanggap na paniniwala ukol sa katangian na mahigpit na kakabit ng kasarian. At sa rnaraming pagkakataon ay ito ang nagiging ugat ng diskrirninasyon. Ang rnga naghaharing esensiyalistang konsepto ukol sa pagkababae at pagkalalaki na nagbibigay ng di rnakatarungang hangganan sa mga rnaaaring rnagawa ng bawat isa, at tuloy nagbibigay ng lirnitasyon sa pag- unlad ng kakayahan at pagkatao ng isang indibidwal, lalaki man o babae, ang dahilan sa mga sinagkaang oportunidad.

Di nga mawaglit sa isip ko ang pagrnuwestra ni Marni ng paglalagay niya ng selyo sa mga pakete ng sigarilyo habang isinasalaysay niya ang trabaho niya sa pabrika.Ang dalilang-iyon ang paglalarawan niya sa kanyang responsibilidad bilangstamper.Ang hinlalaki at hintuturo larnang ang mga nakaumang na daliri habang kunwang dinadampot ang isang selyong kunwari'y babasain nang bahagya at matapos ay ilalapat sa pakete ng sigarilyong naglalakbay sa iniimaheng conveyor. Waring tiyane ang dalawang daliring may sinusungkit na barya sa alkansya. Tila munting Iuka ng ibong paslit na rnabilis na bumubuka-buka.

(11)

Masarap pagmasdan ang pagmuwestra ng kanyang mga daliri.

Tila isang sayaw sa isang mapagbunying ritwal. Ngunit, batid naman natin na hindi ganoon kaligaya ang karanasang iyon sa tunay na buhay. Ang paggawa sa isang pabrika ay di kailanman magiging isang anyo ng pagdiriwang, kundi "trabaho" na dapat, pilit, sapilitang gagampanan dahilan sa kakaunli ang bukas na pintuan para sa mas kaiga-igayang pagkakakitaan lalo sa mga babae, at sa mga babae na hindi ganoon kataas ang antas ng edukasyong nakamit katulad ni Marni.

Sa panahon ngayon, hindi na lamang ang pagawaan ng tabako ang mas pinipili ang kababaihang manggagawa dahilan sa kanilang mga katangian--femininidad.Maging sa paggawa ng bumbilya ay mas magiging kapaki-pakinabang daw ang mga babae dahilan sa liksi ng kanilang mga daliri. Tulad ng pilantik ng daliri ni Marni sa pagseselyo ng sigarilyo, sila naman ay kinakailangang bunuin ang pagkutingting sa maninipis na alambre:

Most of the women make up the production section, where their nimble fingers are put to use. Nimbleness is a require- ment to be able to perform tedious tasks in an efficient and quick manner, where a fraction of a second could cause an accident. For instance, for stem and mount machines, women have to insert the lead wire and filament into the tube-like glasses, which are directly under a flame. Agility and con- centration are needed to avoid getting burned ... Deftness of fingers and stamina are valuable qualities to be able to perform the tasks, giving females an edge over males.

{Paguntalan, 2000: 49)

Sa unang tingin ay tila nagbubukas ang ganitong pagbibigay- preperensiya sa maraming oportunidad sa pagtatrabaho para sa mga kababaihan. Ang ganitong pagpapahalaga sa katangiang pambabae ay waring palatandaan na ng pagkilala sa kakayahan ng kababaihan sa larangan ng lakas-paggawa. Na ang ganitong kultura ng pagtangi sa

"pagkababae" ay isang hakbang tungo sa mas malawak na partisipasyon ng babae sa gawaing panlipunan.

Special. Specialized.Tila sa tunog ay may gawad ng karampatang pagpapahalaga. ltinatangi. Binibigyang-importansiya. lnaalintana. Tila ba kakaibang katangiang bibihirang matagpuan kung kaya't kinakailangang pagkaingatan at pagkapahalagahan. Ngunit, kung iisipin, hindi naman ito

(12)

lubos na nagpapalaya sa kababaihan na makilahok sa produksiyong panlipunan, o nagbibigay man lamang ng sapat na oportunidad para sa pagpapaunlad ng kanilang sarili at buhay, bagkus ay maaaring nagiging limitasyon pa ito at hadlang sa pagtalunton ng babae, at kahit na sino, sa kanyang mga posibilidad (na maaaring labas sa itinakda sa kanya ng kostumbre):

It might be expected thatspecialisation by customwould give the individual worker more scope, but in fact it does not. In the cogent case of women's work, even in set- tings which do not legislate against women in politics, banking or engineering, or forbid bydecreetheir han- dling cattle, ploughing fields or slaughtering animals, social (or socio-biological?) forces designate categories of "women's work" and assume it specialised to women whatever the empirical evidence to the contrary. By a similar logic, when work which falls outside the custom- ary frame of women's work is done by women either the work or the sex of the worker can be conceptually or politically invisible. (Wallman, 1979: 7 )

Ang mga uri pa nga ng trabahong ito na mas ibinibigay sa mga kababaihan ay karaniwang may masamang dulot sa kanilang katauhang moral, emosyonal at pisikal. Kung tutuusin, ang hirap at panganib na inihahain ng trabaho na iniaatang sa mga babae sa pabrika ay sapat nang dahilan upang maghanap sila ng ibang larangang mas magpapaunlad sa kanilang buhay at sarili. Ngunit, isang napakamapaniil na puwersa ng kahirapan na pinapasan ng marami kung kaya't sa kaunting halagang maidaragdag sa kita ay susuungin at tatanggapin ang karagdagang pagdurusa. Sa salaysay pa nga ng maraming kababaihan, labis na inimikal ang dulot ng trabaho sa pabrika sa kanilang kalusugan.

Kanilang inilalarawan kung paanong napakadalas na sila'y labis nang pagod upang tapusin pa ang pagkain. Babagsak na lamang sila sa kama matapos mag-overtime. Nawawalan sila ng ganang kumain, nagiging anemik at iregular ang regla dahilan sa iregular na tulog. Lantutayna matapos ang mahabang oras ng pagtatrabaho para sa maliit na sahod (Paguntalan, 2002, 57-58).

Sa one week, kumikita ako ng Php 50, Php 60. Fifty pesos. Ang laking halaga na noon, nung panahon na yaon. Nag-oovertime ako hanggang eight or nine.

(13)

Seven to four (ang pasok ko). Pagdating ng five o'clock, bilangin monga ... five six, seven, eight, nine. E, kung gustomo hanggang ten. Sa bawat oras...ay nakalimutan ko na, pero bawat oras yon meron din yon (dagdag), e. Ma/aki din yon kapag napadagdag sa salarymo. Kaya yung salary ko, imbes na thirty fang yon, nagiging fifty yon. Kase nga napapadagdagsaovertime.

Minsan forty. Kung ano ang mapadagdag. Pero kung di ka mag- overtime, ano fang yon, four pesos a day fang kami noon, e. Yun fang, kapag wa/ang overtime. Yun fang. Ang Saturday may pasok. E, magkano fang yon kung four pesosaday.

Wala sweldo fang. Ang benefits fang na inaasahan ko at tinatamasa ko ay yungSS. Oo,noong unang pasok ko, doon din ang umpisa ang SSS. Ten centavos fang (contribution ko). Weekly. Weekly kase ang swe/do namin, e. Ang hina ng kabig ng SSS noon, e. Kase four pesos a day, e.

Angoras ng breaktime ay 9 o'clock. Di ako kumakain, ang iba pumupuntasa canteen. E, di nagtratrabaho pa rin ako. Minsan naman nakatigil lang ako, inaantay kong maging ano, quarter fang naman yun, e.

15 minutes fang naman ang breaktime ng umaga, e. Fifteen minutes fang.

Ang mataga! na break time ay yung 12 o'clock. Pagdating ng 12 o'clock, lunch time na yon. Ang ulit noon ay 1

clock na.

Sila nagka-canteen, ako may baon ako. Ang always na baon ko noon ay galunggong. Kase yun naman ang mura noon. Kaya di ako nagpupunta sa canteen, kase ayaw kong tumabi sa mga kumakain doon.

Siyempre kahit ano, nakakaano. Minsan siyempre kapag bibili silasacan- teen, ang sarap ng menu. Doon sila bumibili, ako naman pumupunta ako doonsamalapit sa CR kase malinis naman yung CR. Pero di namanmismo saCR, yung bago ka makarating sa CR, di ba may pasilyo yun? Minsan marami kami doon, kung ayaw naming pumuntasacanteen dahil di naman kami bibili. Kung minsan naman pupunta ako sa canteen, kase minsan bawal yung ginagawa naming ganon.

Naging mas mahirap naman ang kinailangang pagdaanan ni Marni sa pagtatrabaho sa La Suerte nang magsara na ang US Tobacco. Sa panahong ito, mas matindi ang puyat at paged na dapat indahin ng isang manggagawa upang magkaroon lamang ng kita. Kinailangang sanayin ang sarili sa isang sistemang mas masalimuot. Kinailangang ihanda ang katawan sa mas mabigat na kahingian sa paggawa.

(14)

La Suerte. Di koalamkung nandidiyan pa sya ngayon. Nakalimutan ko na ang pangalan ng mga sigarilyo pero hindisikat. Doon ginagawa yung Alhambra ...hayun, dun ginagawa yung maitim na yon.

Kasealamnaman nila na may experience ka, e. Pero ibang k/ase doon, ano yon, may panggabi at pang-araw doon. Pag sinabing panggabi ka, sasabihin sa 'yo na mag-umpisa ka ng 2 o' clock hanggang 12 ng gabi ka doon. Ganun yon, at kung gusto mong mag-overtime, aabutin ka ngayon ng umaga. May overtime din yon. Ako, noon ay 2 shift na ako e, mag- uumpisa ako ng alas dos.

E, di mag-uumpisa ng morning. Siguro 7hanggang six silaofive.

Siguro yung mga datihan sila ang morning (shift). Kaya hayun, Kung gusto mung mag-overtime hanggang morning ka na. Kaya ako minsan umuuwi ako mga 6 na ng morning. Kase kung gusto kong madagdagaan ang kita ko, ang hi/ig ko noon sa overtime, kase naghahabol ako sa kita ko.

Ganun din. Kung ano ang ginagawa ko sa US Tobacco, yun din ang gagawin ko dahil yun din naman angalamko kase. Pero one year fang ako doon.

Kase nga niyaya na ako ng kaibigan ko. Papasok sya sa Triumph.

Overtime.Tila isang mantra na paulil-ulit na sinasabi sa sarili upang magkamal ng kung anong kapangyarihan. At tunay nga, na gagawin lahat ng isang tagapagtaguyod ng pamilya ang mga paraan upang maitawid ang mag-anak sa pang-araw-araw na buhay. Lalo kung iisipin na hindi naman malaki ang kumpensasyon na iginagawad sa maliliit na manggagawa bagamat napakahalaga nilang bahagi ng isang buong sistema ng paglikha. llangkap pa natin ang katotohanang ang karanasang kanilang pinagdaraanan ay hindi naman nakapag-aambag sa ikaaangat ng kanilang estadosa lipunan na maaaring makapagbukas ng mas maraming pintuan, tila nga sila ay napipiit pa sa isang maliit na kahon ng halaga at kakayahan- yun din ang gagawin ko dahil yun din naman angalamko kase.

Sa ganitong kalunos-lunos na kondisyon sa pamumuhay at sa trabaho, mahalaga ang pagbubuo ng isang kilusan upang igiit at makamtan ang mga mas makatarungang patakaran sa paggawa. Sa mga pag-aaral, malaking tulong ang unyon sa mga manggagawa upang magkaroon ng lakas at makamtan ang kapangyarihang maisakatuparan ang mga hiling na pagbabago sa kondisyon ng pagtatrabaho. Subalit, sa kasalukuyan,

(15)

ang kondisyon ng krisis sa ekonomiya, mas mahirap na organisahin ang mga manggagawa dahilan sa marami na ang tinatanggal na di naman napipigilan ng mga unyon. Ang ganitong mga insidente ay karaniwang binibigyang-katuwiran ng kapitalista sa pamamagitan ngauthorized cause provisionsa Labor Code (Aganon: 119 nasa lllo at freneo, 2002).

Hindi ko nga malilimutan ang ipinagkaloob na tulong ng unyon nang yumao ang aking ama. Ang unyon na, sa wari ko, ang naging barkada niya sa buong buhay niya sa pagtatrabaho. Di ko rin malilimutan ang mga pagkakataon na ikinukuwento ni Papa noong nabubuhay pa siya ang mga panahon ng kawalang-kasiguruhan dahilan sanilalakad pa ng unyon ang mga kaso.

May kahalagahan naman ang pagbubuo ng samahan sa paggawa na tangi sa mga kababaihang manggagawa. Ang mga samahang binubuo, pinapamunuan o kinapapalooban ng kababaihan ay hindi lamang nagbibigay-tuon sa mga usaping karaniwang pinagkakaabalahan ng mga mas maka-la/aking unyon; pinagtutuunan din nila ng pansin ang mga isyu na may direktang kinalaman sa kababaihan (Jaggar, 1983: 327). Bukod sa mga namamayaning usaping ipinaglalaban ng mga unyon tulad ng dagdag na benepisyo, pagtaas sa sahod at seguridad, sa panahon ngayon ay mas mulat na ang mga manggagawa sa kondisyon ng mga kababaihang kasamahan at sa mga adhikaing kailangang isulong tulad ng pagbaka laban sa diskriminasyon sa pagtanggap sa trabaho, sexual harassment at mas mababang pasahod.

Batid din naman ni Marni ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang igiit ang karapatan ng mga manggagawa, ngunit sa panahong kinailangan ang kanyang pakikilahok ay mas pinili niyang hindi sumapi.3 Marahil, ito rin ang dahilan ng maraming kababaihan na siyang bumubuhay sa pamilya. Marahil, ito rin ang mahirap na panig na kanilang pinili sa kabila ng matinding pangangailangan sa pakikiisa. Ang kawalang- pagpipilian sa kanilang pananaw ang nagiging sagka sa pakikilahok. Higit sa takot, ay ang pangamba sa kalagayan ng mga anak at pamilya ang nakikita bilang mas pangunahing pangangailangang dapat matugunan sa bawat araw ng buhay. At, kinakailangangpumiling panig-ang kung ano ang nakikita at nasusuri bilang pinakamahalaga at pangunahin sa kasalukuyang mga kondisyong nakahain at dapat na harapin.

Alam mo ang meron doon (sa US Tobacco) ay ang union. Di ako naki-member noon. Ga/it ngasaakin ang union. Kase natatakot ako. Kase

(16)

kapag nag-member doon di ka papasoksatrabaho. Kase ako nag-try ako, di papayagan ng union, kapag sumapi ka, kapag sumapi ka sa kanila, nandoon ka sa kalye.

Siyempre nakabantay ka doon. Ako kumampi ako sa management.

Oo, tamaang patakaran nila (ng unyon) at paninindigan nila. Pero, maraming magugutom, e. Marami akong anak. Kung palagi kamisakalye, di kami magtratrabaho. So, maghihingi kami sa kafye.

ltaas daw ang sweldo, mga ganyan, hinihingi nifa ang ganyan. Saka ang mga patakaran naayaw nifa na ang over time, masyadong gabi kung minsan. Dagdagan dapat ang sahod ng overtime. Saka yung mga ginagawa minsan sa tao na malupit sila-maraming bawal-bawal na ano. Pero ang ano doon ay itaas ang sweldo, pero di raw talaga makakaya.

Ako wala naman akong kinakampihan sa kanila, e. Gusto ko lang talaga na magtrabaho. E, kung sa union ka, ano ang kakainin ng mga anak mo.

Malinaw nga sa imahinasyon ko ang eksena ng pagtutunggalian ng mga unyonista at mga piniling ipagpatuloy ang trabaho. Sa pagsasalaysay ni Marni, madarama pa rin ang takot, at kalungkutan na kanyang naranasan noong mga panahong kinailangan niyang pumili, at ang mga sentimiyento ng mga unyonistang kapwa manggagawa na kinailangan niyang bakahin at tanggapin.

Kami ngang pumapasok ang ta wag nga saamin...ay minumura kami. Tinatanggap ko yon. Kami daw mga traydor, balimbing, nakalimutan ko na ang iba. Okey fang kung anung sasabihin nila. Kase kapag di ako pumasok, di kakain ang pamilya ko, e di patay kami. Kaya siguro yung mga asawa nila ay may trabaho na iba. E, ako wala e. Kaya ako kahit na nagpapatayan na sila, kami pumapasok pa rin.

Sinusundo kami ng sasakyan kase nakaabang sila sa may pintuan.

Meron kaming tagpuan. Para kaming baboy na nakasakay sa trak.

Susunduin kami sa isang fugar. Bago kami makapasok sa pinto, napakatagaf bago mapaalis ang mga nakaharang doon. Pagdating namin sa pinto, magfufundagan na kami at hilong-hilo ako. Ang init-init at pawisan kami.

Babae (ang mas marami). Kase nga trabaho ng mga babae yun, e. Yung mga lalake konti fang mga kargador, driver. Puro babae. Kapag nasa labas ka nga, e, puro babae. Kapag uwian nga sasakay na naman

(17)

kami dun sa trak. Hahampasin nila (kami) kase nga ayaw kaming papasukin, minumura kami, mga traydor kami.

Tapos yung management naman, nakikiusap na pumasok ang gustong pumasok. Para di matigil ang pagbenta ng sigarilyo. Para di Jang ma-stop, kase marami ang nasa /abas. Para di ma-stop ang benta, kase papaano kikita ang kompanya? Kase kung kayung lahat ay lumabas, magiging paralyzed ang ano. Kaya nga nagagalit sila kapag pumapasok kami. Konti Jang ang pumapasok, mga 1,000. Lahat ay sumasali na para maibigay daw. Kapag uwian na ihahatid na naman kami sa malayo.

At bagamat sa diwa ay malinaw na nauunawaan ni at nakikiisa si Marni sa ipinaglalaban ng mga kasamahan, sa pagiging wasto ng kanilang mga kahilingan, sa katarungang nararapat lamang naman na ipaglaban at sa pakikisangkot para sa katuparan ng ikabubuti ng nakararami, mas nanaig pa rin ang pag-aalala niya sa kalalagyan ng pamilya, sa kakapusan ng ibang pintuan ng alternatibong pagpipilian, sa kawalan ng ibang maaasahan, bukod sa sarili.

Ang mas aktibo at positibong partisipasyon sa pagkilos para sa pagbabago sa larangan ng paggawa ng mga babaeng manggagawa katulad ni Marni at ng iba pang kagaya niya ay mas maisasakatuparan kung ang kanilang mga kabiyak ay tunay na magiging katuwang sa pagtaguyod nila sa pang-araw-araw na pag-usad ng buhay-pamilya. Sa ganitong kalagayan, inaasahan na ang isa ay ang aako ng responsibilidad sa tahanan habang ang isa ay kumikilos para sa mas ikaiigi ng kondisyong paggawa para sa sarili, sa mga kasamahan at sa pamilya rin. Sa kuwento nga ni Marni, mas nakatulong sana sa kanyang pagpapasya ukol sa partisipasyon sa pagkilos ng unyon ang pagkakaroon ng mas maaasahang kabiyak at katuwang sa buhay.

Oo, sinasabihan ako na, Zen, 'wag ka nang pumasok. Kaming lahat pinapakiusapan nila. Sabi nila konting tiis Jang yon. Pangutang ko muna raw. Sabi ko, kanino ako uutang? Saka, saan ako kukuha ng pambayad sa bahay?

Si Marni, Ina

Nakakatawa. Habang nagkukuwentuhan kami ni Marni ukol sa buhay niya, sumingit si Tita Ner, pang-apat sa anim na magkakapatid, sa

(18)

punto na isasalaysay na ni Marni ang mga sandali ng pagtatangka niyang makakuha ng trabaho sa US Tobacco-ayan,sige Ma, ikuwento mo iyan, 'yan ang nakakaiyak!

Tila pelikula, mula simula hanggang wakas. Mula unang pag-ibig hanggang sa masalimuot buhay may-asawa. Mula pagiging manggagawa hanggang sa pagiging ina. Hindi na matatawaran ang "kahusayan" ni Marni sa pagiging nanay, kung kakayahan nga ba nating maituturing ang "pagiging ina".

Tila pelikula nga. Melodrama.

Kase nandun (US Tobacco) na ang mga kapatid ko e, nauna na sila ...kase nga nag-aplay sila doon. Ako ang wala noon kase nga may mga anak ako. Siyempre sila matatanggap agad kase mga dalaga ang mga yon, e. Ako iniisip ko kanino ko kaya iiwanan ang tatlong ito, ay apat na palasila.PatisiTita Nermonoon, kanino ko iiwan. Pagkatapos, ayaw nila akong ipasok, ng mga kapatid ko.

Kase nga marami na raw akong anaksobakit pa aka papasok?

Sino raw mag-aalaga,soayaw nila akong tulungan. So ang ginawa ko na lang, akomismoang nag-aplay. Akong mag-isa ang nagpunta noon. Mahirap doon ang mag-aplay, bawal. Siyempre, aantayin ko yung boss dun, dahil alam ko na papasok nang maaga Kaya aantayin ko sya-si Mr. Brooks.

Tinitingnan ko nga kung saan sya nagpa-park. Tapos kapag nag- park nasya,hahabulin ko ngayonsya,talagang hihingi ako ng tulong talaga.

Kasehindi talaga ako tatanggapin talaga dahil marami ang aking mga anak.

Siyempre ang kailangan nila dapat single Kung puwede. Pag nakita ako nung guwardya hahabulin nya ako noon, magagalitsaakin. Pero nung makita ako ni Mr. Brooks na ano, pero matagal akong nag-antay ng tiyempo.

Di mo kase puedeng lapitan yon. Kapag nagpa-park, maraming guard doon.

Kaya noon, araw-araw nakabantay ako, maaga ako, titingnan ko sya kung ano, Kung darating ang kotse nya, susundan ko na agad sya. Di nga ako makatiyempo kase nga marami ang guard, e. Yung time na yon, talagang inaraw-araw ko sya. Nung time na yon, medyo malayo, kaya pagbaba nya sakotse, tumakbo na akosakanya, nagulat nga ako, yung isang guard hinihila ako. Tapos sabi niya (Mr. Brooks) pabayaan daw, pabayaan daw ako nung guard. Kaya nung kinausap ako nung guard ... ano daw yung kailangan ko? Tapos sabi ko kailangan ko nga ng trabaho dahil sa mga

(19)

anak ko. Ini-explain kosakanya, English yon pero ano nakakaintindi ng Tagalog, saka nung time na yon di naman ako fluent na mag-ingles. Di paano-ano, may konti Ingles, ganun. Tapos, ang galit nung guwardiya, nakatingin. Tapos pinapaalis ako nung guwardiya. Nasa kalye lang kami.

Basta, madali fang ang salita ko sakanya, walang makain ang mga anak ko, kaya kailangang magtrabaho ako. Tapos pinasunod na ako.

Tapos nakatingin nga yung mga sekretarya nya. Kase bawal na lalapitan mosya. Kase kung gusto mong mag-aplay, mag-aplay kasa ano, di sa kanya. Siguro talagang naawa ang Diyossaakin, pinakinggan ako noon.

Tapos kinausap nya ako, tapos yun nga sabi ko na walang makain ang mga anak ko. Alam mo sabi nya, "Proceed for employment". Di ko talaga makakalimutan yon, gumawa agad ng sulat, proceed for employment. Yun daw ibigay kosapagbaba ko, ibigay kosamanager na yon. Tapos binigyan din ako ng pera.

Binigyan nya ako ng forty pesos, malaki na yon. lbili mo ng milk ng mga anak, saka ibili mosi/ang pagkain. Ang bait! Aka/a mo nung panahon na yon, 10 centavos fang ang transportation, ang laki na ng 40 pesos.

Tapos kunin mo na din yung pamasahe mo. Pagbaba ko, galit na galit yung guwardya. Tapos pumunta na ako dun mismosafactory, binigay ko dunsa guwardya. Nakatingin nga sa akin. Tapos yung manager tinanong ako,

"Ano'ng ginawa mo?" Sabi ko, wala, nakiusap ako, nagtataka ako. "O,sige mag-umpisa ka na dyan, pero kailangan namin ang check up bukas, ha.

Kase kailangan naminsalungs, pero puede ka nang mag-start".

So kinabukasan, pumunta ako ng city hall. Tapos may tama ako, nagkaroon ako ng minimal, ang lakas naman ng katawan ko. Minimalsa lungs. Hindi ko naman alam, "kailangang magpagaling ka, at least kung magaling ka na puede ka nang bumalik". Tapos noon, wa/a kaming makain.

Ano kaya ang gagawin ko ngayon? So, binantayan ko si Mr. Brooks, wala din syang magawa. Sabi nya saakin na magpaga/ing muna ako, kase baka lumala pa, yun ang advice nyasaakin. Tapos, binigyan nya uli ako ng forty pesos.

Tapos may kakila/a kamisa city hall, kumpare ng Lolo mo at kaibigan. Pina/itaw na wa/a akong sakit. Kaya pagbalik kosapabrika, kinuha na nila ulit ako. Nagtatrabaho ulit ako.

Naikintal sa aking isipan ang sinabi ng isang kinatawan ng MAKALAYA (Manggagawang Kababaihan Mithi ay Lumaya) sa aming

(20)

klase•-tahat ng kababahihan ay manggagawa. Hindi lamang ito sa produktibong aspeto, kundi maging sa mas personal, reproduktibong gawain na sa lipunan ay karaniwang iniaatang sa kababaihan.5

Sa kuwento ni Marni ay mababanaag pa rin ang guiltna nadama niya noong panahong kinailangan niyang maghanap-buhay at piliing huwag makapiling ang mga anak. Sa kabila ng mabigat na responsibilidad sa pagkakaroon ng kita upang may ipanustos sa mga pang araw-araw na pangangailangan, nasa balikat pa rin niya ang pag-aaruga sa pamilya, ang pag-aalala sa pang-araw-araw na kondisyon ng mga anak, ang pagtitiis sa pakikisama sa isang asawang di naman alintana ang kanilang kapakanan.

Kase minsan fang tayo nag-mi-meat at kapag araw ng Linggo.

Yun ang patakarankoe, kase yun fang ang kaya ko, e. Kase ang sweldo ko ngang yun ay paaabutin ko ng one week. Andun na ang /ahat. Mura pa noon. Noon hindi kinikilo ang bigas, 80 centavos Jang. Nung araw noon, sinasa/op.

Ay, ang mura! Magkano nga ba ang baboy noon? Ang isang kilo noon ay seven pesos. Kase nung ako bumibili, 3.50 kalahati, e. Minsan kapag wa/a akong pera, one fourth. Yung maliit na yon, titipakin ko nang maliit yon para magkasya. Pero kung meron naman akong pera ... kapag bagong sweldo ako, makakabili ako ng one half kilo. So 3. 50 na yon, ang binibili ko talaga ay rice. Kahit ano fang ang meron ka. Kase baka agad maubos ang hawak kong pera kaya bumibili na ako ng tatlong salop na rice. Kasealamko hanggang one week namin yon.

Tapos, heto ang 25 centavos, bumili na kayo ng galunggong.

Hindi kinikilo, nakatumpok fang. Ang isang tumpok 50 centavos.

Tapos sasabihan ko na sila (mga anak) na kapag wa/a na akong pera, na kalahati na fang.

Siguro mga pitong piraso yun. Tinutumpok yun dati, hindi kinikilo.

Ngayon Jang nauso ang kilo-kilo na yan. Tapos hindi ako bibili ng isang tumpok, hindi kami makakabili non. Kaya nga sabi ko ngasamga batang (apo) yan, kayo ang susuwerte ninyo.

Alam mo nung araw, nagdaan kamisaganyan. Kapag dumating na akosahapon, ang Joto mo lasing na. Nag-oovertime ako. Kaya sinasabi kosakanila na kayo na ang bahala dyan. Kaya iiwanan ko na sa kanila

(21)

agad na bibili na kayosahapon ng ganyan, ganito. Pero kung alam kong wala akong naiwan, di ako mag-oovertime kasealamko na walang kakainin, e. Kaya a/am ko na yon, kapag biglaan na may overtime. Di ako mag- oovertime, pero pagalam kong mayroon akong naiwan, mag-oovertime ako hanggang 9 o' clockoten o'clock para madagdagan ang sweldo.

Aalis ako nang maaga at iiwan ko silasa /o/o mo. Minsan kapag dumarating ako, ang dumi-dumi ng bahay. Kasi ang Jolo mo, nagdidrink-drink.

Double burden.lsang matingkad na bahagi sa danas ni Mami ang binubuno rin ng maraming kababaihang manggagawa. Samantalang sila na ang nagpapasan ng paggawa ng paraan upang kumita, sila pa rin ang inaasahan na umintindi sa pamilya bilang "ina". Sa ganitong kalagayan ay naging malaki ang papel ng ka-pamilya (mga magulang at kapatid) sa pag-aaruga ng mga anak. Sa kuwento pa nga ni Marni ay napakalaki ng pasasalamat niya kina Nanay at Lalo Pedro na silang nagpa-aral kina Mama at tumayong tagapag-alaga habang siya'y naghahanap-buhay, at wala ang ama upang gampanan ang responsibilidad.

Marahil ang kahirapang kanilang pinagdaanan ang nagbunsod sa paglikha ng mga katotohanang tinatangkang ipasa ni Marni sa amin.

Lagi iyan. Mula sa dalawang bibig ko naririnig ang mga payo ukol sa kahalagahan ng edukasyon at pagsusumikap. Mula kina Marni at Nanay.

Tuwing may okasyon at nagkakasama-sama kami, ito ang idinidiin nila sa akin.

Mahirap mabuhay nang walanga/am. Mabuti nga nakatapos ang Jahat ng mga anak ko. Di Jang yung pababayaan mo ang pag- aaral mo. Tatanda ka nang walang a/am. Ano ka? Basurero ka lang? Ano'ng gagawinmo sabuhay mo? Kaya nga ang dami diyan na wa/ang a/am dahil di sila nag-aral ...Ano'ng mahihita nilang kaginhawahan. Isipin mo naman yun, di ka nag-aral, ano'ng gagawin mo? Paano ka kakain? Wala kang hanap-buhay tapos isang kahig-isang tuka. Kaya ang pag-aaral, number one yan. Yan ang stepping stone sa kaginhawahan. At kapag marunong ka, gaganda ang buhaymo.

Tama naman sila. Ang tingin ko rin sa sarili ko ay hubogng edukasyon.

Kaya nga sa palagay ko'y iyon ang dahilan kung bakit sila natutuwa sa akin noong bata akomagaling daw kasi ako sa libro.

(22)

lyon din ang di ko malilimutan sa mga salita ni Nanay. Pili! ko iyong pinakikinggan dahilan sa mahina na talaga ang linig ng isang 98 na taong gulang na lolasa tuhod. Sa bawatpagkakataon na magkita kami, sinisikap ko pa ring pakinggan ang bawat salita niya, kahit na alam ko na ang kanyang sasabihin. Masarap lamang madama ang pag-aalala at pagpapa-alala ng mga mas malalalim ang karanasan.

Ngayon nga, kung babasahin ko ang kuwentong-buhay ni Marni, tunay na suson-susong pakikipagtunggali ang kanyang binaka, at pinagtagumpayan. Siya'y asawa, manggagawa, at ina. Siya'y isang manggagawa na tiniis ang maliit na pasahod at piniling huwag sumapi sa pagkilos sa unyon upang maitaguyod ang pamilya, mapakain at mapaaral ang mga anak, isang responsibilidad na hindi nagampanan ng asawa.6

Si Marni, sa paglipas ng panahon, ay naging Mamang na sa ibang henerasyon ng kanyang mga apo. Pero, ako Mami pa rin ang tawag sa kanya. Ang nag-aruga sa akin mula noong bata hanggang ngayon sa tuwing kami'y magkikita. Ang nagbigay sa akin ng paulit-ulit na payo. Ang sa ngayo'y nagpapaalalang lagi sa bagongbatchng mga apo. Ukol sa buhay, sa kinabukasan, at sa kapalarang ang tao lamang mismo ang may kakayahang makapanghawak.

Di totoo yung minama/as at sinusuwerte. Ako di naniniwala dyan, kase nasa tao yon. At saka yungmgaswerte-swerte, nasa sa'yo yon. Ikaw ang nagdada/a noon, e. Kailangan na kumilos ka. Ganyan ang buhay, hindi natin sisisihin kung kanino-kanino. Kung noon na wala kaming nakain, at saka di ko napag-aral angmgaanak ko, halimbawa ang mga anak ko, pinabayaankoat di ko sila pinag-aral, e, ganun, hanggang ngayon siguro ganyan ka pa rin. O, isipin mo nga yon kung di ka nag-aral. Paano ka aasenso nyan? Bale, nasa tao lahat ang mga 'yan.

Hindi mawaglit sa isip ko ang tanong na kung masaya na nga ba ngayon si Marni. Sumasaglit lagi sa akin kung ano kaya talaga ang nais pa niyang maranasan, mangyari sa kanyang buhay. lniisip ko nga, kung tunay ba siyang maligaya sa kalagayan ng buhay niya, namin, ngayon.

Ako, okey na mamatay ako. Mababait naman ang mga anak ko, ang mga apo ko ma/alaki na at nakita ko na /ahat. Masaya na ako, wala na akong mahihiling. Gusto ko tang ang magkasundo-sundo lahat, masaya /ahat. Makaraos sila sa araw-araw na mga pangangailangan. Yun fang, tama na sa akin ang ganito. Okey na sa akin. 'Wag magkakasakit. Mabuhay araw-araw na tahimik at masaya ka. Pag namatay ka di mo naman

(23)

madadala ang kayamanan mo. Basta ba maligaya ka at healthy ka, makaraos nang araw-araw. Basta ba nabibilimoang mga kailangan mo.

Ayaw ko ng sobra-sobra. Nakakaloka yon, aanhin ko yon. Ang iba kamkam nang kamkam, ang yayaman na, ayaw pang tumigil. Aanhin nila yon kapag namatay sila? Kahit singko di naman nila madadala. Diyos ko, nagtataka Jang ako sa iba.

Tunay nga, ang !aha! ng kababaihan ay manggagawa. Ngunit hindi ito nagtatapos dito. 'Pagkat sa kuwento ni Marni, ang babae aytunay ding mandirigma.

Ang pagtugon sa pang-araw-araw na pagdaloy ng buhay ay pakikibaka ng babae laban sa sapin-saping opresyon at kahirapan. Mula sa pagiging asawang pinapasan ang dobleng responsibilidad, sa pagiging manggagawang kailangang tisin ang di-makatarungang kondisyon sa paghahanap-buhay, hanggang sa pagiging ina na inaasahan ng lipunang mag-iilaw sa tahanan, ang pagiging babae ay ang walang humpay na pagpili at pagpapasya ng sanili, ngunit higit para sa sarili, sa mga taong nakapaligid at umaasa sa kanya.

Akala ko matatapos ko ang pagkukuwento tungkol kay Marni.

Akala ko nga matutuwa ako at sa wakas ay mabubuo Ko na rin ang kasaysayang ito ng aking Iola. Nagkamali ako. Hindi pala madaling buuin ang mahabang panahon ng paglaban sa kawalang-pagpipilian at kawalang-pag-asa. Hindi naipipinid ang salaysay ng malalim at masalimuot na karanasan ng isang babae sa pakikiharap niya sa mga pagkakamali at pagbangon upang akayin ang sarili patungo sa mas maliwanag na kalagayan. Hindi kailanman maaaring magwakas ang ligayang nadarama sa pakikinig, at paghubog ng kuwento ng paglikha, paggawa at pagkatuto.

Totoo namang hindi nagtatapos ang mga kuwento. Gasgas man ang linyang ito, di pa rin mapapasubalian ang katotohanang walang kuwentong may tiyak na katapusan. At kahit gaano man katalas ang pagsusuri, ang pagtingin at pag-ako lamang ng nagmamay-ari ng kuwento ang siyang tunay na may gagap dito.

Nagwakas ang kuwentuhan namin ni Marni, hindi parang pagtatapos ng isang pelikula. Wala pa ang kredits. Hindi pa nalulubos ang pagkilalang ibinibigay sa humubog ng aming salaysay. Sabi ko sa kanya, itutuloy pa namin ang kuwentuhan kapag nagkaroon muling pagkakataong bumisita.

Marami pang masasabi. Mahaba pa ang kuwento.

(24)

Talaan:

'Zenaida Lava Chavez ang tunay na pangalan ng aking lola. "Mami" na ang nakasanayang itawag ko sa kanya.Mommy,na sa Filipino ay nanay. Sabi nila masyado pa raw bata si Mami noong magkaapo para tawaging lola.

Si Lolo Pedro ayang ama ni Mami. Ang lolo ko na asawa ni Mami ay si Lolo Teddy (Teodoro) na nakagawian na ring tawaging Lolo Miming.

Bagamat, angunyonismo ay kinakalangan din ng matinding pag-aaral at pagbabago sa mga patakarang lalong nagpapairal at nagtataguyod ng kulturangpatriyarkal. Ang unyon na "nakasanayan"nang tingnan bilang larangan ng lalaki ay kailangang basagin upang bumuo ng panibagong dalumat na may pagtugon sa partikular na 1katataguyod ng kapakanan ng kababaihang manggagawa at ikalalansag ngkamalayang makalalaki pa rin.

4Ang naturang klase ay sa omen and Development 2IO (Feminist Movements and Theories) sa College ofSocial Work and Community Development, sa ilalim ni Dr. Sylvia Estarada-Claudio, ikalawang semestre 2002-2003.

Sa Maristang pananaw, nahahati sa dalawang larangan ang paggawa sa lipunanang produktibo at reproduktibo. Sa kasalukuyang sistema ng lipunan, hindi nga ba't mas mabigat ang pagpapahalagang iginagawad sa produktibong aspekto na karaniwan ay pinamamayanihan ng kalalakihan. Dahilan din dito ay mababa naman ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng kababaihan sa paggawa, bagamat kung tutuusin ay kadalasang doble ang responsibilidad na kailangan nilang pasanin kung sila ang kumikita at namamahala sa tahanan.

Kung tutuusmn, ang pagpasok sa trabaho na katulad ngkay Mami ay hindi rin maituturing na "mainam"

kung may 1bang pagpipilian. Ang pagpapailalim sa sistema ng kapitalista ay pagpapailalim sa isang opresibong kondisyon ng paggawa kahit pa sa marami ay huling pag-asa na ito. Sa mga salita nga ni Eviota ukol naman sa pamamasukan ng kababaihan sa mgapabnrka sa kasalukuyan,the recent absorp- tion ofparticular groups ofwomen in the labour-intensive operations ofmulti-nationalfirms is a capi- talist strategy to cut down on labor costs, taking advantage ofa reserve pool oflow-paid labour with particular 'feminine attributes'(1992, 89). Bagamat sa unang tingin ay ang ganitong uri ng "trabaho"

ang pag-asa at sagot sa kahirapan at kawalan, hindi naman talaga ang maliliit na manggagawa ang nakikinabang--sila ang pinakikinabangan.

Sanggunlan

Camagay, Ma. Luisa. 1995. Working Women of Manila in the 19th Century QC: UP Press.

Eviota, Elizabeth Uy. 1992. The Political Economy of Gender. London: Zed Books.

Jaggar, Alison M. 1983. Feminist Politics and Human Nature. NJ: Rowman and Allanheld Publishers.

lllo, Jean Frances at Rosalinda Pineda Ofreneo. 1999. Carrying the Burden of the World.

QC: UP CIDS.

Kolbenschlag, Madonna. 1979. Kiss Sleeping Beauty Goodbye. NY: Bantam Books.

Paguntalan, Aileen May C. 2002. Nimble Fingers, Clenched Fists: Dynamics ofStructure Agency and Women's Spaces in a Manufacturing Company. QC: UniversityCenter for Women's Studies, University of the Philippines, Diliman.

Wallman, Sandra. 1979. Social Anthropologyof Work. Bristol: Academic Press.

Mga Sanggunian

NAUUGNAY NA DOKUMENTO

Kung magpapatuloy ang ganitong kinagawian ng mga kabataan, ayon na rin sa kanya, ay lalong darami ang problema sa desempleo THE REPUBLIC Isang Bansa, Isang Diwa Board of Editors

Ang lahat ay nakasalalay sa dami ng mga mambabasa.21 Lalong mapapatingkad ang pagkatigang ng maikling kuwentong Pilipino dahil sa mga panahong iyon hindi na maikakaila ang luklukan ng