• Walang Nahanap Na Mga Resulta

The Pastoral Teachings of the Diocese of Imus, Cavite on Social Issues (1993–2010):

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Share "The Pastoral Teachings of the Diocese of Imus, Cavite on Social Issues (1993–2010): "

Copied!
27
0
0

Buong text

(1)

The Pastoral Teachings of the Diocese of Imus, Cavite on Social Issues (1993–2010):

A Historico-Theological Analysis

Bernardo Noceda Sepeda

AbSTrACT

This study is a theological discourse about the pastoral teachings of the Diocese of Imus found in the printed homilies, letters, pastoral statements, and circulars of its Bishops from 1993, immediately after the Second Plenary Council of the Philippines, until 2010. The said teachings served as guides for the Christian community of the Diocese to get involved and respond to the challenges of the social realities that they faced. The dialectical relationship of the challenges in society and the responses made by a person, community or nation shapes the history of a person or nation. Using this theory, we will describe the pastoral teachings about the social issues that served as challenges to which the Diocese responded to as a People of God. According to its Diocesan Pastoral Priorities for Evangelization, to be a “People of God”

means to be people-oriented, pro-life, to become stewards of creation, and nationalistic. We will analyze the said teachings using a historico- theological method to unearth the underlying Christian values that cut across the said teachings. In the last part, we will present some possible areas that may be explored by future researchers.

KeyworDS: Pastoral teachings, Luis Antonio Tagle, Manuel Sobreviñas, Diocese of Imus, Diocesan Pastoral Plan for evangelization

PANIMULA

“Isang buhay na ganap at kasiya-siya” ang pangarap ng sambayanang Kristiyano sa Kabite sa pamamagitan ng Diocesan Pastoral Priorities for Evan-

(2)

gelization (DPPE). Ito ang planong pastoral na kasalukuyang ipinapatupad sa buong Diyosesis ng Imus. Sa pamamagitan ng planong ito, ninanais na mahubog ang buong sambayanan na maging maka-Diyos, na ibig sabihin ay makatao, makabuhay, makakalikasan at makabayan (DPPE).

Ang DPPE ay isang tukoy na pagsasakatuparan ng pangarap ng Ikalawang Konsehong Plenaryo sa Pilipinas (KPP II) na tayo ay maging isang sam- bayanan ng mga alagad na tumutugon sa mga “tanda ng panahon.” Ang paghuhubog tungo sa pagiging sambayanan ng mga alagad ay pinamu- nuan ng mga naging Pastol ng Diyosesis. Si Obispo Manuel Sobreviñas ang maituturing na naghasik ng binhi at nagsimulang mag-alaga ng tanim ng DPPE. Siya ang namuno mula 1993 noong ipinatupad dito ang mga dekreto ng KPP II na naging mahalagang saligan ng pinakaunang Diocesan Pastoral Assembly (1999) kung saan binuo ang kasalukuyang “Pangarap at Atas na Gawain” ng Diyosesis ng Imus. Mula 2001, si Obispo Luis Antonio Tagle naman ang patuloy na nag-alaga at nagpabunga sa itinanim na binhi na tuluyang lumago bilang DPPE. Sila ang mga Pastol na gumabay sa Di- yosesis ng Imus mula noong sinimulan hanggang sa maisakatuparan ang kasalukuyang planong pastoral na gumagabay sa pagiging simbahan ng buong Diyosesis. Mahalaga kung gayon na mapanatiling buhay sa alaala ng mga susunod na henerasyon ng mananampalatayang Kabitenyo ang mga katuruang panlipunan na ipinahayag ng kanilang mga naging pastol, sa katauhan nina Sobreviñas at Tagle. Ayon nga sa Diyosesis ng Imus:

Ang alaala ang bumubuo sa ating pagkatao. Ang walang alaala, parang walang kasaysayan. Ang walang alaala at kasaysayan, parang walang sarili. Sa alaala, makikita natin kung sino tayo; matutuklasan natin ang nagbibigay hugis sa ating kultura, sa ating mga simbulo at tradisyon, mga gawi at paraan ng pamumuhay. (Pahayag Taon II 8)

Layunin ng ating pag-aaral na isaayos ang artikulasyon ng mga “alaala at kasaysayan” ng mga katuruang pastoral ng Diyosesis ng Imus upang mapanatiling buhay ang mga ito sa kanilang kamalayan nang sa gayon ay makatulong na “makita kung sino sila” bilang isang sambayanan ng Diyos. Ito ang pinakaunang pagtatangka na habiin ang mga hibla ng mga maka-Kristiyanong pagpapahalaga na maaaring himayin mula sa mga katuruang pastoral na nakalimbag sa mga homilya, sulat, pastoral na pahayag, at sirkular ng Diyosesis sa pamumuno nina Sobreviñas at Tagle.

Subalit sa ating pagtalakay ay malimit na gagamitin ang mga pagninilay ni Tagle dahil higit na malawak at marami siyang naisulat at naipahayag kaysa kay Sobreviñas. Ang mga nasabing pagpapahalaga ang nagsilbing gabay ng sambayanan upang makisangkot at makatugon sa pagsubok

(3)

ng mga usaping panlipunan na kanilang hinarap. Ayon nga kay Emerita Quito, ang dialektikal na ugnayan ng iba’t ibang pagsubok sa lipunan at ng mga pagtugon na ginawa dito ng isang tao, komunidad o bayan ang siyang humuhubog sa kasaysayan ng isang tao o bayan (Critique 71).

Samakatuwid, sa paglalahad sa ibaba, ating ilalarawan ang mga katu- ruang pastoral ng Diyosesis tungkol sa mga usaping panlipunan ayon sa mga pagpapahalaga na dapat taglayin ng isang sambayanang maka- Diyos—ang pagiging makatao, makabuhay, makakalikasan, at makabayan.

Sa pagsusuri naman ay ating ipaliliwanag ang mga maka-Kristiyanong pagpapahalaga na nananalaytay sa mga katuruang nabanggit. Bilang pangwakas ay maghahain tayo ng ilang mga tunguhin na maaaring tahakin ng iba pang mananaliksik sa paksang ating tatalakayin.

PAGbAbALIK-TANAw SA MGA SULATIN

Katuruan ng Simbahang Katoliko

Ang unang gumawa ng isang sistematikong pag-aaral sa panlipunang pakikisangkot ng simbahang Katoliko ay si Wilfredo Fabros, sa kanyang The Church and Its Social Involvement in the Philippines, na nagbigay-pagsusuri sa panlipunang pakikisangkot ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas mula 1930 hanggang 1972. Ang kanyang historikal na paglalarawan ng paki- kisangkot na ito lalo na sa sosyo-ekonomikong larangan ay kinakitaan ng mga puwersang tumutulong o pumipigil sa pakikisangkot na nabanggit.

Pinanindigan niya na ang Basic Christian Communities ang siyang pag-asa ng bayan upang makamit ang tunay at ganap na kalayaan.

Ang pag-aaral naman ni Renato Mabunga ay isang pagsusuri sa mga Sulat Pastoral ng CBCP mula 1994–1996 upang: “1) tingnan ang mga konsepto ng demokrasya at citizenship na lumilitaw sa mga ito; 2) ilarawan ang mga relihiyosong simbulo at ekspresyong ginamit gayon din ang mga mensahe nila; 3) alamin ang antas ng kaalaman at pagka-unawa ng mga layko sa mga nabanggit na sulat at konsepto” (“Church Witnessing”

176). Mapanghamong sinabi ni Mabunga na ang Simbahan, bagama’t ginampanan ang tungkuling ipalaganap ang mga pagpapahalagang Kris- tiyano sa lipunan sa pamamagitan ng mga Sulat Pastoral, ay hindi naman naging saksi ng kanyang mismong itinuturo, ayon sa mga layko. Kaya naman malaking hamon sa Simbahan ang patuloy na tumugon sa mga

“tanda ng panahon” (“Church Witnessing” 188). Ang obserbasyong ito ay hawig sa tinuran ni Jonathan V. Gochuico sa “The Economic Power

(4)

of Clerical Language” kung saan sinuri niya ang ilang Sulat Pastoral ng CBCP mula 1945 hanggang 2007 na tumatalakay sa ekonomiya gamit ang tinaguriang critical linguistic analysis. Ipinapahiwatig ng pag-aaral ni Gochuico na magkasalungat ang mga nakasulat sa mga pahayag at ang mga ginagawa ng pamunuan ng Simbahang Katoliko o ng Catholic Bish- ops’ Conference of the Philippines (CBCP). Ito ay isang hamon na laging hinaharap ng buong Simbahang Katoliko sa Pilipinas lalo na sa hanay ng kanyang pamunuan. Ang karanasan ng Diyosesis ng Imus ay isang magandang halimbawa ng pagsusumikap na ito sa hanay ng mga Obispo katuwang ng sambayanang kanilang pinaglilingkuran.

Batay sa isang pag-aaral na ating natapos, nagawa ni Obispo Perez, ang Obispo ng Imus mula 1969–1992, na hubugin ang buong Diyosesis upang maging isang alagad ni Hesus sa pagkiling sa mga mahihirap, sa paglilingkod, sa pagmamahal, sa pagtataguyod ng katarungan, sa panana- langin at sa pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama tulad ni Maria (Sepeda,

“Panlipunang Pagpapakatao” 320). Ang kasalukuyang paglalahad ay isang patuloy na pagsusumikap upang unawain at ilarawan sa pamamagitan ng DPPE kung papaano isinasakatuparan ng Diyosesis ang kanyang pan- garap na maging isang sambayanang maka-Diyos na nagtataglay ng mga pagpapahalagang makatao, makabuhay, makakalikasan at makabayan.

Ito ang daang tinatahak ngayon ng sambayanan ng Diyosesis ng Imus, isang landas ng pagpapanibago ng buhay pananampalataya (Sepeda,

“Panlipunang Praxis” 112–113).

Katuruan ng Simbahang Protestante

Sa hanay naman ng Tradisyong Protestante sa Pilipinas, isang kon- septwal na balangkas ang ginamit ni Melanio L. Aoanan sa kanyang akdang Pagkakaisa at Pagbabago, nang inilarawan niya ang makapropeta at ekumenikal na patotoo ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) tungo sa pagkakaisa at pagbabago ng lipunang Pilipino. Muli niyang ginamit ang modelong ito upang isulong ang isang teolohiya ng bituka at pagkain tungo sa teolohiyang pumipiglas (Aoanan, “Teolohiya ng Bituka”). Si Oscar S. Suarez naman, sa kanyang Protestantism and Au- thoritarian Politics, ang nagsuri sa pakikisangkot ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) sa usaping pampolitika (authoritarian politics) noong panahon ng diktadurang rehimen ni Marcos. Gamit ang theory of transformation ni Manfred Halpern, binalikan niya ang kasaysayan ng tila baga pananahimik o pag-iwas ng mga Simbahang Protestante sa Pilipinas na makisangkot sa mga usaping pampulitika (Suarez, Protes- tantism 116). Ang NCCP-Research and Documentation Office naman ay

(5)

nagsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa pakikisangkot ng mga Simbahan sa usapin ng kapayapaan hanggang 1990. Ito ay bunsod ng pagdedeklara ng pamahalaang Aquino ng “total war” laban sa mga rebolusyonaryong puwersa (makakaliwa man o makakanan) noong mga huling taon ng dekada 80. Nakita nila sa pananaliksik na may dalawang “uri ng simba- han” ang naghahangad ng kapayapaan: ang elitistang simbahan at ang simbahan ng mga dukha. Kaya dalawa ring kapayapaan ang hinahangad.

Una, ang kapayapaan bilang paraan (means) ay nagsasabing kailangang matigil muna ang karahasan para magkaroon ng kapayapaan. Ikalawa, ang kapayapaan bilang katapusan (end) ay isang kapayapaang bunga ng katarungang panlipunan (NCCP-RDO 31–166).

Sa kabuoan, kaunti lamang ang nakakaalam ng panlipunang panan- aw ng Simbahan kaya kaunti din ang nangangahas na makisangkot, ayon kay Basilio P. Balajadia, sa kanyang Mga Elemento ng Panlipunang Pananaw ng Simbahan. Ang isang dahilan nito ay ang kakulangan sa pagsasakonteksto at paggamit ng sariling wika sa pagtuturo at pagpapahayag ng mga panin- indigang panlipunang nabanggit. Kaya naman ibinukas ni Balajadia ang pinto upang ang iba ay makapasok sa kanyang landas na tinahak tungkol sa pag-unawa sa panlipunang pananaw ng Simbahan. Mapapansin din na kakaunti lamang ang mga pag-aaral sa mga mayamang lokal na katuru- ang pastoral ng mga Simbahan sa Pilipinas. Ang ating pag-aaral ay isang ambag upang hawiin ang landas sa mga pananaliksik tungkol dito.

ANG PAMAMArAAN NG PAG-AArAL

Ginamit natin sa pananaliksik na ito ang historiko-teolohikal na pagsusuri sa mga katuruang pastoral ng Diyosesis ng Imus tungkol sa mga usaping panlipunan mula 1993–2010. Ayon kay Aoanan, may da- lawang layunin ang pamamaraan na ito: “1) upang lalong maunawaan ang nilalaman ng opisyal na pahayag, mga refleksyong teolohikal at mga proseso’t takbo ng kaisipan ng mga panguluhan at mga kasapi ng Simbahan; 2) upang maipaliwanag ang kahulugan ng mga pahayag at mabigyan ng ebalwasyon ang kanilang pagkakatugma at kaugnayan sa biblikal na patotoo ng pananampalataya at ng sosyo-pulitikal at kulturang konteksto” (Pagkakaisa at Pagbabago8). Layunin natin na habiin ang mga hibla ng mga maka-Kristiyanong pagpapahalaga at prinsipyo na nahi- may mula sa mga nasabing dokumento. Ang pangunahing batis ng mga datos ay ang mga opisyal na Pahayag, Sirkular, Liham, Homilya, Sulat Pastoral, at iba pang mga dokumento ng Diyosesis ng Imus tungkol sa mga usaping panlipunan mula 1993 hanggang sa 2010. Sa kabuuan, may

(6)

nakalap tayong labindalawang (12) Pastoral na Pahayag, labindalawang (12) Sulat Pastoral, tatlumpu’t tatlong (33) Sulat Sirkular, dalampu’t isang (21) Liham, tatlong (3) Homilya, at dalawang (2) Sulat Protesta. Ginamit natin ang mga Yugto at Dekreto ng Ikalawang Konsehong Plenaryo ng Pilipinas at ang Compendium of the Social Doctrine of the Church para pagsaligan ng ginawang pagsusuri. Kumonsulta rin tayo sa ilang mga aklat, lathalain, artikulo, larawan at iba pang mga sekondaryang batis na may kinalaman sa katuruan at sa pakikisangkot ng Simbahan sa panlipunang usapin.

Nakatulong din ang pagtatanong-tanong na ating ginawa sa ilang taong simbahan upang lalo nating maunawaan ang kasaysayan sa likod ng mga dokumentong natuklasan.

PAGLALAHAD

Isinaayos natin ang paglalahad ng mga katuruang pastoral ng Di- yosesis ng Imus tungkol sa mga pagsubok at pagtugon sa mga usaping panlipunan ayon sa apat na pagpapahalaga na dapat taglayin ng isang sambayanang maka-Diyos—ang pagiging makatao, makabuhay, makaka- likasan, at makabayan.

Tungo sa pagiging Makatao

May dalawang tukso at kasalanan ang hinaharap ng sambayanan na nagnanais magsabuhay ng pagiging makatao: ang tukso at kasalanan ng pagsamba sa sarili at ang tukso at kasalanan ng paggamit sa kapwa (Tagle, “Sambayanang Nagmamalasakit”). Ang mga tuksong nabanggit ay nagdudulot ng walang humpay na pagyurak sa dangal ng tao. Kaya naman ito ay nagdudulot ng mga “kadiliman” sa lipunan tulad ng dayaan sa lahat ng dako (Tagle, “Lumapit”), pag-aabuso sa mga mahihina, at mga bisyong nakakapinsala (Tagle, “Sambayanang Nagmamalasakit”) sa mga kabataan, mga babae, at mga pamilya (Tagle, “Panawagan sa Pag- papanibago”). Bagama’t masalimuot at lubhang marami ang mga sanhi ng mga nasabing “kadiliman” sa lipunan, ang isa sa pinakamatinding sanhi nito ay ang kawalan ng malasakit sa kapwa (Tagle, “Sambayanang Nagmamalasakit”).

Ano ang maaari nating gawin para tumugon sa mga pagsubok na nabanggit? Ang unang prinsipyo na kailangang maikintal sa kalooban ng sambayanan ay ang katotohanan na tayo ay pinagbuklod ng Diyos Ama sa kanyang Pag-ibig. Ito mismo ang ipinangaral ni Hesus sa talinhaga ng mabuting pastol. Ani Tagle, “si Hesus, ang Mabuting Pastol ay isang taong

(7)

nagbubuklod” (“Communion”). Sa pagsasabuhay ng pagkakabuklod na ito, tayo ay matututong makipag-ugnayan nang may malasakit sa ating kapwa-tao. Matututo tayong makibahagi at magbahagi sa ating kapwa.

Lalalim ang ating pagmamalasakit sa kanila. Magiging bukas ang loob natin na tumanggap sa kapwa-tao kung sino at ano siya. Kinakailangang igalang natin ang pagkatao ng ating kapwa. Ito ang ating tawag bilang mga Kristiyano, “maging isang bukluran ng mga alagad ni Kristo at mag- ing Simbahan ng mga dukha na naglilingkod” (Tagle, “Letter to Priests,”

17 Mayo 2008).

Ang dapat manguna sa pagsasabuhay ng pagkakabuklod ay ang mga tinaguriang pastol ng sambayanan, ang ating mga pari. Ito ay kailangang maipakita sa lahat ng aspekto ng pag-iral ng sambayanan. Halimbawa na ang sa pagpapagawa ng gusaling sambahan (Tagle, “Provision on Church”) at sa usapin ng pananalapi (Tagle, “New Monthly”). Kaya naman nakaatang sa buong kaparian ang matinding pagsaksi ng pangangasiwa at pagbabahagi (Tagle, “Computerization of Accounts”). Kaya kinakailangan na “pagsumikapan nating magkaroon ng personal at institusyonal na marangal” (Tagle, “Towards Stewardship”).

Ang pagtataguyod ng kabutihang panlahat na bunga ng bukas-loob na pagmamalasakit sa kapwa ay hindi lamang gampanin ng mga pari, narara- pat ding isabuhay ng mga layko ang ganitong diwa ng pagbubuklod upang ang pagmamalasakit ay mamayani sa sambayanan. Hindi nagkukulang ang Diyosesis sa pagbibigay-halaga sa gampanin ng mga layko sa buhay pananampalataya ng Simbahan. Halimbawa, ipinagdiwang ang biyayang ito na taglay ng mga layko sa pamamagitan ng isang pista na may temang

Magdiwang! A Diocesan Celebration of the Gifts of the Laity” upang maipahayag sa kanila na “sila ay mananatili at isasaayos bilang mga pamayanan ng misyon at ministry na nagliligkod sa higit na malawak na mga pamayanan ng parokya at diyosesis” (Tagle, “Magdiwang!”).

Bukod sa pangkalahatang pagdiriwang na ito, nagkaroon din ng mga pagdiriwang para sa ilang tukoy na sektor ng Simbahan tulad ng mga bilanggo (Diyosesis ng Imus, Liturgical Guide). Para sa mga kabataan, ipinaala naman ang ibig sabihin ng tunay na karunungan ayon kay Hesus (Diyosesis ng Imus, Misa para sa Kabataan). Nakiisa rin ang Diyosesis sa pagdiriwang ng dangal ng kababaihan kung saan ipinahayag ang ilang mahahalagang katuruan tungkol sa dangal ng kababaihan: Una, ang babae ay nilalang na larawan ng Diyos (Gen. 1.27); ikalawa, ang babae ay kapwa-tao ng lalaki, ng kapwa nila babae at ng lahat ng tao; ikatlo, ang babae ay kasama ng lalaki na ginagawang katiwala sa sangnilikha (Gen.

1.28–31) (Tagle, “Dangal ng Kababaihan”). Samakatwid, kung patuloy na

(8)

mamamayani sa sambayanan ang diwa ng bukas-loob na pagmamalasakit sa kapwa, kapayapaan ang isa sa mga ibubunga nito hindi lang sa ating sambayanan kundi sa buong sanlibutan (Tagle, “Paanyaya sa Pagsusuri ng Ugat ng Poot”). Ang prinsipyong ito ng pagkakabuklod ang unang mahalagang saligan ng bukas-loob na pagmamalasakit sa kapwa tao na nagdudulot ng kapayapaan sa sanlibutan.

Ang ikalawang mahalagang saligan ng bukas-loob na pagmamala- sakit sa kapwa ay ang diwa ng paglilingkod tulad ng ginawa ni Hesus (Tagle, Letter 17 May 2008). Sa isa pang analohiya ng pagsusugo, “Ibig ni Hesus na tayo ay mamalakaya ng tao, ng mga mamamayang maka-Diyos, maka-buhay, maka-tao, maka-kalikasan, at maka-bayan” (Tagle, “Hing- gil sa Pahayag Pastoral ng CBCP”). Ngayon ay isinusugo tayong lahat upang magmalasakit sa kapwa-tao. Isinusugo tayo tulad ng pagsusugo ni Yahweh sa mga propeta sa Lumang Tipan. Isinusugo tayo tulad ng pagsusugo ni Hesus sa kanyang mga alagad sa Bagong Tipan (Tagle, “We Will Pray”). Mahalaga, kung gayon, ang patu-patuloy na paghuhubog ng sambayanan lalung-lalo na sa hanay ng kaparian (Tagle, Circular Letter 03/04). Inaasam na sa mga paghuhubog na isasagawa, ang buong kapar- ian ay lalalim sa kanilang buhay paglilingkod nang sa gayon ay maialay nila ang kanilang buhay para sa pagmamasakit sa kanilang mga paglil- ingkurang sambayanan.

Sa hanay naman ng mga layko, ang bukas-loob na pagmamalasakit ay maraming ekspresyon base sa kanilang angking kakayahan o karisma.

Subalit may dalawang programa ang simbahan na pinangungunahan ng mga layko na kongkretong nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa- tao. Ang una dito ay ang “Alay-Kapwa” na isang programa na nagbibigay ng mga serbisyo sa mga taong nangangailangan at mga komunidad sa loob ng bansa na nabiktima ng kalamidad. May programa din para sa pagmumulat at pag-aaral tungkol sa diwa ng alay-kapwa sa liwanag ng turo ni Hesus. Ang pag-aalay sa kapwa ay gawaing banal na sinimulan ni Hesus; ang bawat Kristiyano, kung gayon, ay kailangang mag-alay para sa kabutihan at kaganapan ng buhay ng bawat isa (Sobreviñas, “Linggo ng Alay-Kapwa”). Ang isa pang programa na aktibong kinalalahukan ng mga layko ay ang “Pondo ng Pinoy,” na “isang kilusang sinimulan ng Simbahan upang tayong mga Pilipino ay matutong muli na isipin ang kapwa, hindi lamang ang sarili. Kumilos para sa kabutihan ng kapwa, hindi lamang ng sarili … at makalikha muli ng kulturang Pilipino na nagmamalalasakit at hindi nananakit” (Tagle, “Sambayanang Nagmamalasakit”).

Sa kabuoan, ang tugon sa kadilimang dulot ng kawalan ng pagma- malasakit sa kapwa-tao ay ang liwanag na dala ng pagsunod kay Hesus.

(9)

“Sa isang salita,” ayon kay Tagle, “darating ang liwanag kung tayo ay magmamalasakit muli tulad ng pagmamalasakit ni Hesus. Ang liwanag ng paghahari ng Diyos ay nasa pagmamalasakit” (“Sambayanang Nag- mamalasakit”).

Tungo sa pagiging Makabuhay

Ang ikalawang pagpapahalagang hinuhubog sa kalooban ng sam- bayanan ay ang pagiging makabuhay. Maraming pagsubok ang hinaharap natin sa landas na maging makabuhay. Isa na rito ang walang tigil na dig- maan sa iba’t ibang dako ng daigdig. Umabot rin sa Kabite ang ganitong realidad. Sa katunayan, tumataas ang mga insidente ng karahasan at pa- tayan sa lalawigang ito (Tagle, “Watch and Pray”; Sobreviñas, “Panawagan para sa Biktima”). Subalit hindi lamang digmaan ang kumikitil ng buhay;

marami ring buhay ang nasisira dahil sa ilegal na gamot, sugal, bisyo, kawalan ng edukasyon, at sa di-makataong pagtrato sa mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, kababaihan, kabataan at maralita (Tagle,

“Pagninilay”). Bukod pa dito, hanggang ngayon ay patuloy na isinusulong ang mga panukalang batas na tahasang nagpapawalang-bahala sa kahala- gahan ng buhay. Sa isang sulat protesta na ipinahayag ng mga kaparian ng Kabite, buong tapang nilang sinabi na:

Ang mga panukalang batas (tungkol sa diborsyo, aborsyon, artipisyal na pagpigil sa panganganak, “kasal” ng mga bakla/tomboy) na ating tinu- tutulan ay, unang una, hindi makatao dahil ang mga iyon ay pagyurak sa dangal ng tao at pag-aabuso sa makataong awtonomiya, kalayaan at pagiging katiwala … ang mga iyon ay imoral dahil sila ay lumalabag sa batas ng Diyos, sa natural na batas at sa katuturan at layunin ng kasal at pagtatalik. (Diyosesis ng Imus, “Protest Letter”).

Ano pa nga ba ang pangunahing sanhi ng mga pagsubok na ito kundi ang kawalan ng malasakit sa [buhay ng] kapwa? (Tagle, “Sambayanang Nagmamalasakit”)

Ano ang tugon natin? Ang unang mahalagang prinsipyo na kailangang patu-patuloy na ikintal sa kalooban ng sambayanan upang makatugon ay

“ang una at pundamental na prinsipyo at karapatan ng tao na mabuhay.

Ang tao ay hindi ang may-ari ng buhay, siya ay katiwala lamang nito kaya, wala siyang karapatang abusuhin ito” (Diyosesis ng Imus, “Protest Let- ter”). Subalit hindi lamang basta buhay ang ipinagkatiwala sa atin ng Ama:

ang makatao at ganap na buhay ang hangad ng Diyos para sa atin (Tagle,

(10)

“Hinggil sa Pakikilahok”). Samakatwid, nararapat lamang na ating buong tapang na ipahayag na ang buhay ay banal (Tagle, “Watch and Pray”).

Ang ikalawang mahalagang tugon para sa taos-pusong paggalang at pag- tatanggol sa buhay ay ang sama-sama nating pagsusumikap na maging daan ng kapayapaan. Napakaganda, halimbawa na, ng tagubilin ni Tagle noong pumutok ang digmaan sa Iraq, ukol sa pagpili ng kapayapaan. Aniya:

Una, iwasan po natin ang pumili ng isang kampo…. Sa panahong ito, ang piliin natin ay ang daan ni Jesus!

Ikalawa, ang karahasang nag-uugat sa pagmamagaling ay maaring maki- ta rin sa ating sarili…. Tayo ay magpakumbaba, humingi ng tawad at magsimula ng pagbabago.

Ikatlo, ang pagpili sa kapayapaan ay hindi lamang pagtutol sa digmaan.

Ang pagpili sa kapayapaan ay ang paninindigan para sa katarungan, katotohanan, paggalang, pagkakapantay-pantay, pagkakasundo at pag- mamahal. Kung wala ang mga ito, walang kapayapaan. (Tagle, “Paanyaya sa Pagsusuri”)

Sa isa pang pagninilay para sa ikapagtatamo ng kapayapaan, mapang- hamon ang kanyang mga pakiusap:

1) Huwag makiisa sa pang-aapi, at pagsira sa dignidad ng kahit sinong tao, kapwa man natin o ating sarili. 2) Huwag tayong magpaalipin sa konsumerismo dahil higit na mahalaga ang tao kaysa sa pera. 3) Maging mahabagin, sa halip na mapagtikis. 4) Makinig sa kapwa, sa halip na magdikta. 5) Itaguyod ang partisipasyon at pagtutulungan, sa halip na un- ahan at manipulasyon. 6) Makisangkot sa ikabubuti ng lipunan, sa halip na sarili lamang ang iniisip. 7) Magpatawad sa nakasakit sa atin, sa halip na maghiganti. 8) Magpasalamat sa biyaya ng Diyos at kabutihan ng kapwa, sa halip na magmalaki sa sariling tagumpay. 9) Alagaan ang kalikasan, sa halip na sumira at magdumi. 10) “Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama” (Roma 12.20). (Tagle, ‟Pagninilay”) Kung maisasabuhay lamang natin ang mga tagubilin na nabanggit sa itaas, tiyak na matatamo natin ang kapayapaang dulot ng isang makatao at ganap na buhay—ang pangarap ng Ama para sa ating lahat.

Tungo sa Pagiging Makakalikasan

Ang sambayanang maka-Diyos ay hindi lamang nagmamalasakit sa kapwa-tao at nagpapahalaga sa buhay, bagkus ay bukas-palad na nag-

(11)

aaruga sa kalikasan. Subalit dapat nating harapin at pagsisihan ang tukso at kasalanan ng pag-aabuso sa kalikasan (Tagle, “Will We Let God”).

Ngayon, bunsod ng walang habas na industriyalisasyon sa lalawigan ng Kabite, nararanasan

ang paghihikahos sa tubig ng mga magsasaka sa kanilang patubig kaug- nay ng pagtatayo ng mga golf courses na nangangailangan ng napakara- ming tubig. Ang pagdating ng mga tao sa mga “Subdivisions” ay lalong nagpapalala sa suliranin sa tubig. Ang kawalan ng sistematikong pag- aalaga ng ating mga gubat na pinagmumulan ng tubig ay nagbabanta ng di-matinkalang kahirapan sa maraming mamamayan. Ang pagtaas ng presyo ng mga batayang pagkain dahil sa kakulangan ng mga produk- tong agrikultura ay bunga ng “land conversions.” (Sobreviñas, “Pag-Alaga ng Kalikasan”)

Kaya nakalulungkot na ipahayag na ang kalikasan ay walang kalaban- laban sa pang-aabuso sa kanyang gubat, bundok, ilog, dagat at himpa- pawid. Ang ating mga camachile, duhat, sineguelas, at barakong kape ay natalo na ng mansanas, ubas, ponkan. Ipinangako ng globalization ang magandang mundo, subalit marahas ang paninira nito, lalo na sa mga mahihina, maliliit at mahihirap (Tagle, “Pagninilay”). Alam natin na masalimuot ang sanhi ng “kadilimang” ating nabanggit. Muli ani Tagle, ang isa rito ay ang kawalan ng malasakit sa kalikasan (“Sambayanang Nagmamalasakit”).

Paano natin haharapin ang “kadilimang” dulot ng kawalan ng ma- lasakit sa kalikasan? Ayon kay Tagle sa kanyang Pahayag Pastoral na

“Panahon ng Paglikha,” may tatlong hakbang na pwede tayong gawin:

una, ipahayag at ipalaganap lalo na sa mga kabataan ang magandang turo ng ating Simbahan tungkol sa kalikasan: na dahil sa Kanyang pagma- mahal, nilikha ng Diyos ang lahat. Samakatwid ang kalikasan ay banal (Tagle, “Watch and Pray”). Ang ikalawang hakbang ay panibaguhin ang ating misyon bilang katiwala ng Maykapal. Ang ikatlong hakbang ay ang paggawa ng mga tama at akmang pagkilos tungo sa pangangalaga ng kalikasan, na dapat ay nakaugat sa mga sumusunod na paninindigan:

una, ang pananampalataya ay nagbubunga ng mga gawa ng katarungan, katotohanan at kapayapaan (Tagle, “Panahon ng Paglikha”); ikalawa, iniaatas ng ating pananampalatayang isinasagawa (Sant. 2.17) na mag- malasakit tayo sa kalikasan na nilikha ng Diyos at ipinagkatiwala Niya sa ating pamamahala (Gen. 1 at 2) at hindi upang sirain (Sobreviñas,

‟Makataong Karapatan”).

(12)

Subalit, ayon kay Sobreviñas, hindi lamang iyan dahil “pananagutan natin bilang mga mamamayan ng Kabite na tutulan ang mga proyekto na naglalagay sa panganib ng pagkasira at kamatayan sa mga biyaya ng kalikasan katulad ng tubig, lupa at hangin. Ang hindi natin pagkibo at pagkilos ay isang uri ng kasalanan (sin of omission)” (“Makataong Kara- patan”). Ngunit hindi sapat ang ating pagtutol lamang. Tayo ay dapat sama-samang kumilos para isabuhay ang mga kongkretong hakbang para sa pangangalaga sa kalikasan tulad ng pag-aaral sa mga batas na nangangalaga sa ating kalikasan, paglikha ng mga programang nag-uuri ng mga basura, pagtatanod sa ating mga sapa, ilog at dagat, pagtatanim ng mga halaman at puno sa mga bakanteng lupa at gubat at pagbabantay sa ating mga bundok at gubat laban sa mga illegal loggers, at iba pa (Sobre- viñas, “Pag-Alaga ng Kalikasan”).

At upang maikintal sa kalooban ng sambayanan ang kahalagahan ng pag-aaruga sa kalikasan, ipinagdiriwang ng Diyosesis ang Panahong Liturhikal para sa Kalikasan simula noong 2009. Ito ay isang malakihang pagkilala ng Simbahan sa kabanalan ng Sanilikha. Dahil ang sentro at ru- rok ng liturhiya ay ang Banal na Eukaristiya, “ang pag-aalaga sa kalikasan ay isang kongkretong pagsasabuhay ng diwa ng Eukaristiya, ng tunay na pagpapasalamat sa Diyos na lumikha ng kalikasan na siyang pinagmulan ng ikinabubuhay ng tao: ang hangin, lupa, tubig, halaman, puno, hayop at iba pang bagay” (Sobreviñas, “Pag-Alaga ng Kalikasan”).

Tungo sa Pagiging Makabayan

Ang ika-apat na katangian ng isang sambayanang maka-Diyos ay ang pa- giging makabayan. Dahil sa kawalan ng malasakit sa bayan, matindi ang mga pagsubok na hinaharap natin bilang mga Pilipino na sadyang nagpapabigat sa buhay natin bilang isang bayan. Ilan lamang ang mga sumusunod:

Pagbabalewala sa … kabutihang pangkalahatan, dahil pansariling ka- butihan ang inuuna. Kawalan ng integridad, dahil sa nakasanayang doble- o triple-karang ugali. Pagtapak sa katotohanan, dahil tanggap ang kalokohan. Pagbasura sa katarungan, dahil sa kinamihasnang dayaan.

Mahinang malasakit sa bayan, dahil tanggap naman ang pagsasaman- tala. (Tagle, “Lumapit kay Hesus”)

Marami ring mag-anak, kapitbahayan, barangay at pati parokya na nab- ubuhay sa hidwaan at pagkakahati-hating mapait…. Ang politika, lokal man o internasyonal ay walang tigil na bakbakan, siraan, gamitan. Pati

(13)

ang ilang nagmamalasakit daw ay nakikipag-agawan lang pala. Ang bayan ay pinaglalaruan sa halip na paglingkuran. (Tagle, “Pagninilay”) Ang pagkawala ng trabaho. Ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang pagnana- kaw ng pera ng bayan (Tagle, “Sambayanang Nagmamalasakit”)

Kung ganito ang ating kalagayan, si Hesus ang dapat nating maging hu- waran bilang isang sambayanan ng Diyos na nagmamahal sa bayan:

Napakatinding ipinaunawa ni Hesus na huwag nating tutularan ang wa- lang pakialam na pari at lebita sa … talinghaga [ng Mabuting Samaritano].

Sa halip, ang sabi Niya’y tularan natin ang pakialamerong Mabuting Samaritano. Makialam! Iyan ang iniutos ni Hesus noon, at iyan pa rin ang matinding isinisigaw niya sa mga Pilipino…. Makialam! Humayo ka at ganoon din ang gawin mo! Tularan ang pakialamerong Samaritano.

Pakialaman ninyo, tulungang maibangon, magamot … bansang nakalug- mok sa napakatinding krisis. (Sobreviñas, “Anong Karapatan”)

Samakatwid ang paglilingkod sa bayan ay banal (Tagle, “Watch and Pray”). Subali’t ano ang mga katangian na dapat nating taglayin sa tuwing tayo ay makikisangkot o maglilingkod sa bayan? Una, pakatandaan na tayo ay pinagkatiwalaan ng Diyos (entrusted). Ikalawa, kung tayo ay pinag- katiwalaan ng Diyos, tayong lahat ay katuwang Niya sa pangangasiwa sa daidig at lipunang ito: tayo, kung gayon, ay katiwala ng Diyos (trustees/

stewards). Ikatlo, tayo ay pinagkatiwalaan ng Diyos (trusted) (Sobreviñas,

“Para sa Halalan sa ika-14 ng Mayo”).

Saan pa nga ba matingkad na nakikita ang pakikisangkot na ito ng sambayanang Kristiyano sa mga usaping panlipunan kundi sa pagdaraos ng halalan sa ating bansa kada makatlong taon. Bagama’t ipinahayag ang mga tagubilin sa ibaba noong mga nagdaan nang halalan, maaari pa ring maging gabay natin ang mga ito sa ating pagpapasya sa mga susunod na halalan. Halimbawa, noong 1998, sinabi ni Sobreviñas sa “Isang Tagubil- ing Pastoral tungkol sa Eleksyon” na:

Lumahok sa kampanya at halalan nang buong kata- 1.

patan at walang halong pag-iimbot. Napakahalaga ng karapatang bumoto kaya’t huwag ipagbili o ipagpalit sa anumang pabor na inaasam.

Piliin ang mga kandidatong may mga mabuting panu- 2.

kala o nakagawa na ng mga kabutihang pambayan

(14)

lalo na sa kagalingan ng mga kapus-palad at mar- alita.

Suriin ang pamumuhay ng mga kandidato at iboto 3.

yaong mga kandidatong tunay na maka-Diyos, maka- pamilya, makabayan at maka-kalikasan…. Kailangan ang mga taong matuwid sa isip at asal upang umugit sa ating pamahalaan.

Bantayan ang boto hanggang sa pagbilang at tumulong 4.

upang maiwasan ang pandaraya’t panlilinlang sa paraan ng pagsanib o pag-agapay sa NAMFREL o PPCRV.

Dumalangin nang taimtim na may kakambal na pag- 5.

papakasakit o sakripisyo, upang maging malinis ang halalan at mailuklok sa kapangyarihan ang tunay na karapat-dapat sa pag-ugit ng pamahalaan.

Nagpahayag din ng gabay si Tagle ilang araw bago maghalalan noong 2004 upang payapain at himukin ang sambayanan na aktibong makila- hok sa nasabing halalan:

Una, Makilahok tayo, lalo na sa binubuo ng ating parokya at diyosesis na mga volunteers upang mapangalagaan ang malinis, maayos at ma- payapang halalan. Huwag tumakas!

Ikalawa, ang halalan ay pagkakataon para manindigan tayo laban sa korupsyon na sumisira sa ating bansa. Parang nagiging kultura na ang korupsyon. Tayong mga Kristiyano ang dapat manguna sa paglaban.

Huwag tayong makilahok sa bilihan ng boto.

Ikatlo, sa insipirasyong dala ng Mabuting Pastol, suriin natin ang pagpili ng kandidato. Ano ang hinahanap ko sa kandidato? Ano ang ayaw ko sa kandidato? Bakit ito ang hanap ko at ayaw ko? Ang halalan ay panahon para hubugin ng mga Pilipino ang kamalayang tuwid at makabayan.

Panghuli, matapos ang halalan, ipagpatuloy natin ang pagtataguyod sa bansa. Hindi natatapos ang tungkuling makabayan sa pagboto lamang.

Bantayan natin ang mga hinalal na kandidato. Gamitin natin ang ating karapatan bilang mga mamamayan upang hingin sa kanila ang matapat, maayos at malinis na pagtupad ng kanilang tungkulin. Makilahok tayo

(15)

sa ikauunlad ng ating bayan at hindi lamang ipasa ito sa mga pinuno.

(“Hinggil sa Pahayag ng CBCP”)

Mahalaga para sa mamamayan na kilalanin ang mga kandidato upang makapagpasya sila kung sino ang karapat-dapat batay sa isang malinaw na programa o plataporma. Ayon kay Tagle, kailangang suriin at tanungin kung sila ay person of conscience, competence, commitment (“Hinggil sa Pa- hayag”). Samakatwid kung ganito ang manunungkulan sa pamahalaan, hindi na sana nangyari ang naganap noong 2001 kung saan pinatalsik ng sambayanang Pilipino si Pangulong Estrada sa pamamagitan ng tinagu- riang EDSA II. Isa sa mga nananawagan para isiwalat ang katotohanan noong panahon na iyon ay ang buong Kaparian ng Diyosesis ng Imus.

Nagpalabas sila ng isang opisyal na pahayag kung saan tinuligsa nila ang Senado at nanawagan sila na magbitiw na ang pangulo. Anila:

Hindi kagitingan at hindi makabayan ang pagkukubli sa katotohanan sa ngalan ng sinasabing mga batas panuntunan na likha ng tao lamang.

Higit pa sa hangganan ng batas, lalong higit pa sa sa makasariling adhikain ng mga partido ang halaga ng pagsisiwalat sa katotohanan-na magpapalaya sa ating sa mga agam-agam at pangamba, at magpapanum- balik ng pag-asa at pagtitiwala sa isa’t isa. (Kaparian ng Diyosesis ng Imus, “Nasa Katotohanan”)

Sa kabuoan, itinuturo ng Diyosesis ng Imus sa pamumuno nina Sobrevi- ñas at Tagle na ang buong sambayanan ng Diyos—ang simbahan ng mga dukha—ay dapat kumilos at makisangkot sa pagpapabanal ng pagliling- kod sa bayan. Walang inaasahan ang simbahan ng mga dukha kundi ang pagmamahal ng Ama na nagkaloob ng buhay sa lahat, na lumikha sa buong sanlibutan, tao o kalikasan man. Ayon nga sa CBCP:

sa isang Simbahan ng mga Dukha, ang mga dukha ay siyang kailangang manguna sa pagbabago ng ating lipunan. Lahat tayo, lalo na ang mga mahihirap, ay dapat manindigan na ang kailangan ng pinagbagong lipunan ay mga pinuno na tunay na lingkod ng mamamayan at hindi tagabigay ng pabor. (“Pastoral na Pahayag”)

PAGSUSUrI

Sa bahaging ito, ilalarawan natin ang pangunahing maka-Kristiyanong pagpapahalaga at prinsipyo na tila dugong nananalaytay sa katawan ng mga katuruang pastoral na ating inilarawan. Sa ibaba ay ating hihimayin

(16)

para ipaliwanag ang ilang biblikal at teolohikal na saligan ng mga pag- papahalagang natuklasan mula sa mga katuruan.

Pagpapanibago

Ang pagpapanibago ay ang pangunahing pagpapahalaga na malimit mabanggit sa mga katuruan. Sa katunayan ito ang tinutungo ng DPPE, i.e., sa pamamagitan ng limang apostolado at dalampu’t dalawang ministri ay sama-samang isusulong ang pagpapanibago ng pananampalataya at bu- hay ng sambayanang Kabitenyo. Ang pagpapanibago ng pananampalataya at buhay ay gampanin ng lahat ng bumubuo ng Simbahan anuman ang antas o estado ng buhay. Ayon nga kay Tagle, “Ang lahat ay tinatawagang makilahok sa pagpapanibago dahil tayong lahat ay kailangang magbago!

Hindi lamang sila, kundi pati ako, ikaw, tayong lahat” (Tagle, “Panawa- gan sa Pagpapanibago”). Ito ay panawagan sa lahat, hindi ng ating mga Obispo o pari, kundi ni Hesus mismo dahil nais niya na mapabilang tayo sa pagtitipon at pagbubuklod sa kanyang kaharian (Heb. 12.5–7, 11–13).

Kaya nararapat lamang na piliin natin ang daan ni Hesus, ang daan ng kapayapaan (Luk. 2.78–79). Matuto tayong magpakumbaba, magbalik- loob at magsimulang magbago (2 Kron. 7.14). Ayon naman sa Ikalawang Konsehong Plenaryo ng Pilipinas (KPP II):

Upang makapanibago bilang isang Iglesia, dapat nating talikdan ang maraming paraan ng pag-iisip, pagsasalita at pagkilos na di mabisang nagsisilbi at marahil nakahahadlang pa sa misyon ng ebanghelisasyon.

Mangangahulugan ito ng isang mahapding pagkabalisa, isang pagkalas sa anumang itinatangi subali’t ngayo’y lipas na o nakahahadlang, isang pagkamatay sa anumang makasalanan, upang marating natin ang pagig- ing bago ng buhay. (# 143)

Ito rin ang malimit paanyaya ni Tagle sa kanyang mga tagubilin. Maging si Sobreviñas ay ganito rin ang laging paalala. Sa katunayan, may isang pagkakataon na isinulat pa niya ang kanyang paghingi ng pag-unawa sa lahat ng pari para sa isang desisyon na kanyang ginawa (Sobreviñas, Sulat sa mga Pari, Hunyo 30, 1997). Ang ginawang ito ng ating mga pastol ay pagsasabuhay lamang ng turo ng Simbahan na nagsasaad na:

The inner transformation of the human person, in his being progressively conformed to Christ, is the necessary prerequisite for a real transformation of his relationships with others. It is necessary, then, to appeal to the spiritual and moral capacities of the human person and to the permanent need for his inner conversion, so as to

(17)

obtain social changes that will really serve him. (Pontifical Council for Justice and Peace # 42)

Samakatuwid, ang tunay na pagpapanibago ng sambayanan ay laging nagsisimula sa pagbabagong-anyo ng kalooban ng bawat isa, dahil “it is not possible to love one’s neighbour as oneself and persevere in this conduct without the firm and constant determination to work for the good of all people and of each person, because we are all really responsible for everyone.” (Pontifical Council for Justice and Peace # 43). Ang panindigan ang pananagutang ito sa kapwa-tao ang diwa ng pagkakabuklod, ang ikalawang pagpapahalaga na nasumpungan natin sa mga katuruan.

Pagkakabuklod

Ang pagkakabuklod ng sambayanan ang nasa gitna ng tawag natin bilang mga Kristiyano, tulad ng mga unang Kristiyanong pamayanan na nagpakita ng tunay na pagkakabuklod sa iisang pananampataya kay Hesus na muling nabuhay, kung saan “nanatili sila sa aral ng mga apos- tol, sa pagkakaisa, sa paghahati ng tinapay at sa mga panalangin” (Gawa 2.44–45). Ito ang katuturan ng Simbahan na nakaugat sa kaisahan ng Banal na Santatlo na siyang huwaran ng pagkakabuklod ng simbahan.

Ayon nga sa Compendium of the Social Doctrine of the Church:

In the communion of love that is God, and in which the person is called to discover the origin and goal of his existence and of history … every person is created by God, loved and saved in Jesus Christ, and fulfils himself by creating a network of multiple relationships of love, justice and solidarity with other persons. (# 42)

Ang pakikipagbuklod na ito na nakaugat sa pag-ibig ng Ama sa atin ay ipinakita ni Hesus sa kanyang buhay bilang mabuting pastol (Juan 10.11–18). Kaya naman tayo ay pinaalalahan na maging pastol sa isa’t isa at sama-samang panagutan ang pangangailangan ng sanlibutan. Ani Tagle, “Ang sama-samang pananagutan ay nangangailangan ng sama- samang pagpapastol” (“Hinggil sa Pakikilahok”). Sa ganitong paraan, maitataguyod natin ang kabutihang panlahat o common good (tingnan ang 1 Cor. 12.7).

Kaya nga mahalaga na makipag-ugnayan tayo hindi lamang sa kapwa Katoliko natin kundi sa kapwa-tao natin na kabilang sa ibang pananam- palataya sapagkat tayo ay iisang katawan, iisang bayan, iisang nilikha kung kaya may pananagutan sa bawat isa, na maging “pastol kahit sa hindi kabilang sa kawan” (Juan 10.16). Ito ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagsusumikap ng Simbahan na panibaguhin ang diwa

(18)

ng pagkakabuklod sa lahat ng aspekto ng pag-iral ng sambayanan tulad ng pagtatayo ng mga gusaling pansambahan, pananalapi, paghuhubog, pakikilahok sa halalan at mga usaping panlipunan at lalong higit sa buhay panalangin. Ito ay naaayon sa tinuran ng KPP II:

sumusulong sa pananampalataya ang isang Kristiyano sa loob ng isang pamayanan. Isa-isa tayong tinatawag, at dapat magbigay ang bawat isa ng personal na tugon. Datapwat tinatawag tayo ni Kristo upang bumuo ng isang pamayanang Kristiyano. Nais Niyang maging “isang pakikipag- kaisa ng buhay, pag-ibig, at katotohanan” ang Iglesia, “isang pamayanan ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.” (#89)

Samakatuwid may kalakip na misyon ang pakikipagbuklod sa kapwa-tao, ang maging isang pamayanan ayon sa mga pagpapahalaga ni Kristo.

Paglilingkod

Ang dahilan at patunguhan ng pagkakabuklod ay ang paglilingkod, ang ikatlong pagpapahalaga na ating nasumpungan sa mga katuruan. Ang sambayanang ibinuklod ng Espiritu Santo sa pag-ibig ay isinusugo para maging lingkod sa isa’t isa at sa buong sanlibutan (Mat. 28.18–20). Ang pagiging alagad ni Hesus sa sanlibutan sa kasalukuyan ang kakambal na misyon ng ating pagkakabuklod bilang isang sambayanan. Ayon sa KPP II, “Tinatawag ang lahat sa misyon. Sa madaling sabi, tinatawag ang lahat—nang walang itinatangi—na maging daan ng Ebanghelyo sa iba”

(#402). Tayo ay tinatawagang maging saksi sa katotohanan, katarungan, pag-ibig at kapayapaan para sa ikabubuti ng lahat, at lalo na ng mga dukha at napapabayaan ng lipunan. Tayo ang mga makabagong propeta na hindi dapat matakot magpahayag ng Mabuting Balita ng katotohanan sa kabila ng mga kadiliman at kasinungalingang dulot ng mga tukso at kasalanan ng kawalan ng pagmamalasakit sa kapwa, sa buhay, sa kalikasan at sa bayan. Ayon pa rin sa KPP II:

Umiiral ang pamayanan ng mga alagad hindi lamang para sa kanyang sarili o sa mga kasapi nito. Umiiral ito alang-alang sa daigdig. Isinugo ito sa misyon ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita ni Kristo at ng pagi- ging instrumento ng Kanyang biyaya. Umiiral ito upang magpahayag ng ebanghelyo—upang ipamansag ang Mabuting Balita, upang buuin ang Ig- lesia, at paglingkuran ang Kaharian sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga halaga ng Ebanghelyo sa daigdig, nang sa katapusa’y maaaring magkaisa ang lahat ng sanilikha kay Kristo bilang pangulo. (#104)

(19)

Kaya mahalaga ang mga paghuhubog na ipinapatupad ng Diyosesis sa buong sambayanan lalo na sa hanay ng mga layko dahil “sa ganitong mga karanasan, ang mga mananampalataya ay inaasahang lalago sa buhay-Kristiyano; at higit nilang makilatis at madalisay ang kani-kanilang karisma para sa mga apostolado at ministri” (DPPE 24). Tayo ay isang sam- bayanang iba’t iba ang kaloob na pinagbuklod ng iisang misyon tungo sa paglilingkod. Ang pagsusugo sa atin ay hindi hiwa-hiwalay, hindi isa-isa, kundi sama-sama, magkakabuklod. May kani-kanya tayong karisma na maiaambag para sa ikabubuti ng lahat. Itinuturo ng KPP II:

Sa katawan ni Kristo, may kaloob ang Espiritu sa bawat isa upang ipama- hagi, at kailangan ng bawat isa ang mga kaloob ng iba para sa ikatatag ng katawan at para sa pagsasakatuparan ng misyon nito. Sa Iglesia, walang taong gayon na lamang karalita ang di makapagbibigay, at walang gayon na lamang kayaman upang walang tanggapin. (#98)

Ito ang tunay na diwa ng pagmamalasakit, ang ikaapat na pagpapahalaga mula sa mga katuruan.

Pagmamalasakit

Natunghayan natin sa itaas na ang pagmamalasakit sa buhay, sa kap- wa-tao, sa kalikasan at sa bayan ang magdadala ng liwanag sa mundong puno ng iba’t ibang anyo ng kadiliman. Ang mapagmalasakit na pag-ibig na ito ang magpapatatag ng pagbubuklod natin bilang isang sambayanan batay sa turo ni Hesus (tingnan ang Luk. 10.35–47) na isinabuhay ng mga unang pamayanang Kristiyano (tingnan ang Gawa 2.44–45). Kung magkagayon, lagi nating pipiliin ang daan ng kapayapaan, katarungan at katotohanan, mga daan na tinahak ni Hesus, ang ating huwaran ng tunay na pagmamalasakit (Juan 10.11). Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church:

Meditating on the gratuitousness and superabundance of the Father’s divine gift of the Son, which Jesus taught and bore witness to by giving his life for us, the Apostle John grasps its profound meaning and its most logical consequence. “Beloved, if God so loves us, we also ought to love one another. No man has ever seen God; if we love one another, God abides in us and his love is perfected in us” (1 Jn 4:11–12). The reciprocity of love is required by the commandment that Jesus describes as “new”

and “his”: “that you love one another; even as I have loved you, that you also love one another” ( Jn 13:34). The commandment of mutual love shows how to live in Christ the Trinitarian life within the Church, the Body of Christ, and how to trans- form history until it reaches its fulfilment in the heavenly Jerusalem. (# 32)

(20)

Dahil dito, hindi natin maiiwasan na bigyang pagpapahalaga ang mga sektor ng lipunan na tila napapabayaan na tulad ng mga bilanggo, migrante, kabataang nasa panganib, kababaihang inaabuso, at maging ang mga matatanda. Ito rin ang susi upang hindi tayo maging manhid sa panawagan na makilahok sa pagtataguyod ng katarungan sa mga usaping pambayan tulad ng halalan, Charter Change (Cha-Cha), katiwalian at koru- psyon, at iba pang nagpapahirap sa sambayanan. Dagdag pa ng KPP II:

Datapwat sa ikaaayos ng ating mga pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa at sa ating mga istrukturang panlipunan, hindi sapat ang katarungan. Kai- langan ang pag-ibig. Bagamat ipinahiwatig ng pag-ibig ang hinihiling ng katarungan, “sa pag-ibig lamang nito naaabot ang kanyang kaganapan.”

Sapagkat sa katarungan, maaaring manatiling “iba” ang kapwa-tao, isang dayuhan. Sa pag-ibig, nagiging isang kaibigan ang kapwa, kahit na isang kapatid na lalaki o kapatid na babae kay Kristo. Pagkakapatiran ang pag- iibigan. Nasa pinakabuod ng pagkakaisa ang pag-iibigan. (# 305)

Naipakita din sa mga ipinahayag sa itaas na ang pagmamalasakit sa ka- likasan ay isa sa mga pinagtuunan ng pansin ng Diyosesis sa nakaraang dalawang dekada. Nangangahulugan lamang na ito ay mahalagang bahagi ng buhay paglilingkod ng simbahan. Alam natin na ito ay nakaugat sa ating pananampalataya na lahat ng bagay ay nilikha ng Maykapal (Gen.

1–2). Naglaan ng isang buong kabanata ang Compendium of the Social Doc- trine of the Church (kabanata 10: # 451–487) tungkol dito upang ipakita ang pagpapahalaga ng Simbahan sa dangal ng sanilikha. Sa huling bahagi ay sinabi na “the attitude that must characterize the way man acts in relation to creation is essentially one of gratitude and appreciation; the world, in fact, reveals the mystery of God who created and sustains it.”(# 487).

Hindi lamang sanilikha ang nilalang ng Maykapal. Ang buhay ay galing din sa Kanya sapagkat Siya ang Bukal ng Buhay (Ps. 36.10). Sa- makatuwid nararapat din nating pagmalasakitan ang buhay. Ito ang nagbubunsod sa ating sambayanan na ipagtanggol ang karapatan nating mabuhay lalo na laban sa mga pagpupunyagi na balewalain ang dangal at halaga ng buhay, tulad ng digmaan, aborsyon, kontrasepyon, at iba pang kumikitil sa buhay. Maganda ang sinabi ng Simbahan tungkol dito:

Man and woman are in a relationship with others above all as those to whom the lives of others have been entrusted … in this perspective, the relationship with God requires that the life of man be considered sacred and inviolable. The fifth com- mandment, “Thou shalt not kill” … has validity because God alone is Lord of life and death. The respect owed to the inviolability and integrity of physical life finds

(21)

its climax in the positive commandment: “You shall love your neighbour as your- self” … by which Jesus enjoins the obligation to tend to the needs of one’s neighbor.

(Pontifical Council for Justice and Peace # 112)

Kung tayong lahat ay mga katiwala ng buhay ng bawat isa, nangangahu- lugan lamang na pananagutan natin ito bilang pagsunod sa kautusan ng Maylikha.

Pagiging Katiwala

Subalit tayo ay hindi lamang katiwala ng kapwa, katiwala din tayo ng sanilikha, ng buhay, at maging ng lipunan o bayan, ayon sa mga pahayag ng Diyosesis. Ang pagiging katiwala natin, ang ikalimang pagpapahalaga mula sa mga katuruan, ay nakaugat sa ating pagiging nilikha ng Ama (Gen. 1.28–30). Ito ang ating katuturan bilang tagapangasiwa ng Kanyang nilikha. Hindi tayo ang may-ari ng sanilikha. Sa lahat ng aspekto ng pag- iral ng sambayanan, hinahamon tayo na maging mabuting katiwala sa lahat ng ipinagkatiwala sa atin ng Dakilang Manlilikha. Pagpapaliwanag ng KPP II:

Ang dakilang kapangyarihang ipinagkaloob sa atin ng Manlilikha ay hindi isang lisensya upang abusuhin natin ang sanilika ng Diyos. Mga katiwala lamang tayo ng sanilikha, hindi tayo ang pinaka-panginoon ng sangkinapal. At ang katiwala ay mananagot sa Manlilikha na siyang bukal ng lahat ng mabubuting bagay. (# 324)

Maging sa pakikisangkot sa mga usaping panlipunan, dapat tayong mag- ing mga mabuting katiwala, hindi tiwaling tagapangasiwa ng pamahalaan o bayan. Pananagutan natin sa nagtiwala sa atin ang baluktot na paggamit ng tiwalang ito kaya naman ang dulot ng ating pagganap dito ay kalig- tasang nagmula sa Panginoon at sa ating pakikiisa sa Kanya. Kaya nga ayon sa Compendium of the Social Teaching of the Church:

the relationship of man with the world is a constitutive part of his human identity.

This relationship is in turn the result of another still deeper relationship between man and God. The Lord has made the human person to be partner with him in dialogue. Only in dialogue with God does a human being find his truth, from which he draws inspiration and norms to make plans for the future of the world, which is the garden that God has given him to keep and till. (# 452)

Ang kailangan sa ugnayang ito ng Diyos at tao ay isang buhay na panana- mpalataya na, paliwanag nga ng KPP II, ay:

(22)

dapat isagawa sa pamamagitan ng paglilingkod, sa pagkalinga sa mga nangangailangan at sa pangangalaga sa ating daigdig. Sa kapwa, nakikita ng pananampalataya hindi lamang ang isang taong nilikhang kawangis at kalarawan ng Diyos, bagkus ang isang tagapagdala ni Kristo mismo, kaya nga anumang gawin sa pinakamaliit Niyang mga kapatid ay tunay ngang ginagawa sa Kanya. At kinikilala rin ng pananampalataya na dapat pagyamanin at alagaan ang kapaligiran ng daigdig. Ang pagkawasak nito di lamang nangangahulugan ng katapusan ng kaayusang nagtataguyod sa buhay, kundi pagpapatalsik din sa ating pagiging tagapangasiwa ng sanilikha ng Diyos. (# 79)

Sa ganitong uri ng pananampalataya lamang natin mauunawaan ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay panlipunan sa kasalukuyan. Ganitong pananampalataya ang magbubukas sa ating kalooban upang makilala ang Diyos sa ating karanasan.

Imahen ng Diyos

Sa pag-iral ng sambayanang Kabitenyo, maraming larawan ng Diyos ang binanggit mula sa mga katuruan na sinuri. Siya ang Pag-ibig (Juan 15.1–17), ang Dakilang Guro, ang Manlilikha (Gen. 1–2), ang Buhay (Juan 10.10), ang Tapat na Diyos (tingnan ang Gen. 9.16): ilan lamang ang mga ito sa mga nabanggit na imahen. Subalit ang namumukod-tanging ima- hen ng Diyos na malimit gamiting huwaran ng sambayanang Kabitenyo ay ang Mabuting Pastol (Juan 10.1–18). Ginamit ito sa pagpapaliwanag sa pakikilahok sa halalan, sa pakikisangkot sa mga usaping panlipunan, sa pagdiriwang ng panalanging pandaigdigan para sa mga bokasyon, at maging sa maayos na paglilipatan ng pangangalaga ng mga parokya. Pi- nangalanan pa nga ang seminaryo ng Diyosesis na “Tahanan ng Mabuting Pastol” na isang pagpapahiwatig na ang lahat nang huhubuging pari ng sambayanan ay dapat sumunod sa yapak ni Hesus na Mabuting Pastol, ang ating huwaran ng pagkakabuklod at paglilingkod.

Bilang paglagom, masasalamin sa mga katuruang pastoral ng Di- yosesis ng Imus na ating sinuri ang pangarap ng Diyosesis tungo sa pagiging isang sambayanang maka-Diyos—na ibig sabihi’y makatao, ma- kabuhay, makakalikasan at makabayan. Ito ang daang tinatahak ngayon ng sambayanang Kabitenyo, isang landas ng pagpapanibago ng buhay pananampalataya tungo sa pagkakabuklod at paglilingkod bilang mga katiwala ng Dakilang Manlilikha nang may pagmamalasakit sa kapwa- tao, sa buhay, sa kalikasan at sa bayan, na ginagabayan ni Hesus, ang Mabuting Pastol.

(23)

PANGwAKAS

Sa kabuoan, ang pinagpapanibagong sambayanan ng Diyos sa Kabite ay patuloy na huhubugin upang maging bukas-loob sa pagmamalasakit sa kapwa-tao, maging taos-puso sa paggalang at pagtatanggol sa buhay, maging marubdob sa pag-aaruga ng kalikasan, at maging bukas-palad sa paglilingkod sa bayan. Makatutulong sa patuloy na paghuhubog ng buong sambayanan ang mga tagubilin, pangaral, at mga tukoy na hakbang na inilarawan sa itaas mula sa mga pagninilay ng Simbahan ng Diyosesis ng Imus sa pangunguna nina Arsobispo Luis Antonio Tagle at Obispo Manuel Sobreviñas. Sa mga mananaliksik, naghihintay ng malalimang pagsusuri ang mayamang teolohiya at eklesiolohiya ni Tagle—na naging kasapi ng Pontifical Theological Commission sa Vatican. Malaking hamon din ang pagsusuri sa lalim at lawak ng pagpapanibago sa buhay-pananampalataya ng sambayanang Kristiyano sa Diyosesis ng Imus ayon sa mga nabanggit na pagpapahalaga ng isang sambayanang maka-Diyos—makatao, maka- buhay, makakalikasan, makabayan. Maganda ring saliksikin ang maya- mang mga inculturated na liturhiya na ipinagdiriwang sa Diyosesis. Nawa’y mapag-aralan din ang iba pang mga lokal na katuruang pastoral ng iba pang Diyosesis dito sa Pilipinas. Panghuli, nararapat ding magkaroon ng malawakang pagtatasa sa pagpapatupad ng mga planong pastoral na nakalatag sa DPPE upang makita kung saan pa lalago ang sambayanan sa pagsunod sa tawag ni Hesus na ipalaganap ang Mabuting Balita sa kasalukuyang panahon.

SANGGUNIAN

Aoanan, Melanio L. Pagkakaisa at Pagbabago: Ang Patotoo ng United Church of Christ in the Philippines. Quezon City: New Day, 1996. Print.

———. “Teolohiya ng Bituka at Pagkain: Tungo sa Teolohiyang Pumipiglas.” Tugon 12.1, 70–88. Print.

Balajadia, Basilio P. Mga Elemento ng Panlipunang Pananaw ng Simbahan. Manila: De La Salle U. 2001. Print.

Catholic Bishops Conference of the Philippines. “Pastoral na Pahayag ukol sa Darating na Halalan ng 2004.” 26 Enero 2004. Print.

Diyosesis ng Imus. Diocesan Pastoral Priorities for Evangelization. n.p., 2004. Print.

———. Liturgical Guide para sa Prison Awareness Sunday. n.p., n.d. Print.

———. Misa para sa Kabataan. n.p., n.d. Print.

———. Pahayag Taon II: Radikal na Pagsunod kay Hesus. n.p., 2010. Print.

———. “Protest Letter Against the Three Proposed Bills: Divorce, Abortion, Artificial Birth Control and Gay/Lesbian ‘Marriage’.” 5 Nob. 1999. Print.

(24)

Fabros, Wilfredo. The Church and Its Social Involvement in the Philippines, 1930–1972.

Quezon City: Ateneo de Manila U, 1988. Print.

Gochuico, Jonathan V. “The Economic Power of Clerical Language: The Ethics of Economics through the Catholic Bishop Conference of the Philippines’ Pastoral Letters from 1945–2007.” 2008. Unpublished research.

Kaparian ng Diyosesis ng Imus. “Nasa Katotohanan ang Ating Kalayaan.” Pahayag.

18 Enero 2001. Print.

Kapulungan ng mga Obispong Katoliko sa Pilipinas. Ikalawang Konsehong Plenaryo ng Pilipinas: Mga Yugto at Dekreto. Sal. Roberto Racca Titco. Makati: Salesiana, 1992.

Print.

Mabunga, Renato. “Church Witnessing: Values Reflected in and the Laity’s Response to the Pastoral Letters of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.”

Patn. Maria Serena Diokno. Democracy and Citizenship in Filipino Political Culture.

Diliman, Quezon City: Third World Studies Center, 1997. 175–89. Print.

NCCP-RDO. “Philippine Churches in the Search for Peace.” Tugon 13.1: 31–166.

Print.

Pontifical Council for Justice and Peace. Compendium of the Social Doctrine of the Church.

Makati: Word and Life, 2004. Print.

Quito, Emerita S. Critique of Historical Theory. Manila: De La Salle U, 2002. Print.

Sepeda, Bernardo N. “Ang Panlipunang Pagpapakatao ni Obispo Felix Perez.” Boletín Eclesiastico de Filipinas 86.878: 295–324. Print.

———. “Ang Panlipunang Praxis ng Diyosesis ng Imus (1962–2010).” 2010. Unpublished research.

Sobreviñas, Manuel C. “Anong Karapatan ni Cardinal Sin at ng Simbahan na Makialam sa mga Isyu sa Gobyierno?” Sulat Pastoral. 28 Okt. 2000. Print.

———. “Isang Tagubiling Pastoral tungkol sa Eleksyon.” 1 Mayo 1998. Print.

———. “Itaguyod ang Kaharian ni Kristo sa Sangkatauhan: Kalayaan, Kapayapaan at Katarungan ang Wastong Daan.” Sulat Pastoral. 15 Set. 1999. Print.

———. “Linggo ng Alay-Kapwa.” Sulat Pastoral. 10 Abr. 2000. Print.

———. “Makataong Karapatan na Pangalagaan ang Kalikasan.” Sulat Pastoral. 3 Dis.

1999. Print.

———. “Pag-Alaga ng Kalikasan.” Sulat Pastoral. 10 Nob. 1997. Print.

———. “Panawagan para sa Biktima at Nasalanta ng Digmaan sa Mindanao.” Sulat Pastoral. 23 Hun. 2000. Print.

———. “Para Sa Halalan sa Ika-14 ng Mayo, 2001.” Sulat Pastoral. 4 Mayo 2001. Print.

———. Sulat sa mga Pari. Hunyo 30, 1997. Print.

Suarez, Oscar S. Protestantism and Authoritarian Politics: The Politics of Repression and the Future of Ecumenical Witness in the Philippines. Quezon City: New Day, 1999. Print.

Tagle, Luis Antonio G. “About the Good Shepherd Sunday and World Day of Prayer for Vocations.” Letter to Priests. 11 Mayo 2003. Print.

———. “Come To Me.” Homily For The 14th Sunday In Orinary Time. 3 Hul. 2005.

Print.

(25)

———. “Communion in the Sharing of Resources.” Circular Letter 2/10. 11 Nob. 2002.

Print.

———. “Computerization of Accounts of Parish Funds and Remittances.” Circular Letter 04/09. 11 Dis. 2009. Print.

———. “Dangal ng Kababaihan.” Pahayag. n.d. Print.

———. “Diocesan Program for Clergy Renewal.” Circular Letter 10/06. 25 Enero 2006.

Print.

———. “General Executory Decree And Rules On Instructions, Series 1: Structuring Towards A Renewed Church In Cavite.” Circular Letter 1/02. 20 Enero 2002.

Print.

———. “Hinggil sa Halalan, Ika-4 na Linggo ng Muling Pagkabuhay (Linggo ng Mabuting Pastol at Panalanging Pandaigdigan para sa mga Bokasyon).” Pahayag na Pastoral. 2 Mayo 2004. Print.

———. “Hinggil sa Pahayag Pastoral ng CBCP Ukol Sa Darating Na Halalan Ng 2004.”

Pahayag na Pastoral. 7 Peb. 2004. Print.

———. “Hinggil sa Pakikilahok ng Mananampalataya sa Halalan 2007, Ika-4 ng Linggo sa Panahon ng Muling Pagkabuhay, Linggo ng Mabuting Pastol.” Pahayag Pastoral. 29 Abr. 2007. Print.

———. Letter to Priests. 1 Nob. 2004. Print.

———. Letter to Priests. 4 Hul. 2005. Print.

———. Letter to Priests. 25 Hul. 2005. Print.

———. Letter to Priests. 17 Mayo 2008. Print.

———. Letter to Priests. 12 Hun. 2008. Print.

———. Letter to Priests, Religious Women and Men and Lay Faithful. 12 Hul. 2005.

Print.

———. Letter to Religious Communities and Lay Societies. 20 Mar. 2003. Print.

———. “Lumapit kay Hesus.” Pahayag na Pastoral. 3 Hul. 2005. Print.

———. “Magdiwang! A Diocesan Celebration of the Gifts of the Laity.” Circular Letter 05/04. 14 Agos. 2004. Print.

———. “Mag-Ibigan Kayo Gaya ng Pag-ibig Ko sa Inyo.” Pagninilay sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay at sa Nalalapit na Pagpapalitan ng mga Paring Nanunungkulan. 25 Mayo 2003. Print.

———. “New Monthly Parish Quotas.” Circular Letter 04/06. 17 Okt. 2006. Print.

———. “On the Participation of the Faithful in the 2007 Elections, 4th Sunday of Easter, Good Shepherd Sunday.” Pastoral Statement. 29 Abr. 2007. Print.

———. “Paanyaya sa Pagsusuri ng Ugat ng Poot at Karahasan tungo sa Pagpili sa Kapayapaan.” Sulat Pastoral. 30 Mar. 2003. Print.

———. “Pagninilay tungkol sa Ipagtatamo ng Kapayapaan.” Sulat Pastoral. 21 Set.

2003. Print.

———. “Pagtibayin ang mga Apostolado at Ministri ng DPPE.” Pahayag. 15 Okt. 2002.

Print.

———. “Panahon ng Paglikha 2010.” Pahayag Pastoral. 25 Agos. 2010. Print.

(26)

———. “Panawagan sa Pagpapanibago, Unang Linggo ng Adbiyento.” Sulat Pastoral.

30 Nob. 2003. Print.

———. “Papayagan ba Nating Maghari ang Diyos?” Pahayag Pastoral sa Unang Linggo ng Kuwaresma. 5 Mar. 2006. Print.

———. “Proper and Smooth Turn-over of Parish Adminsitration.” Circular Letter 3/03.

11 Mayo 2003. Print.

———. “Provision on Church Construction.” Circular Letter 03/09. 11 Dis. 2009.

Print.

———. “Sambayanang Nagmamalasakit—DPPE at Pondo ng Pinoy.” Liham-Pahayag.

23 Enero 2005. Print.

———. “Season of Creation.” Circular Letter 01/09. 28 Agos. 2009. Print.

———. St. Mary Vianney Sunday Collection. Circular Letter 03/04. 30 Hulyo 2004.

———. Sulat sa mga Kaparian. 5 Dis. 2003. Print.

———. “Taon ni Maria at Pagkalinga sa Dukha.” Pahayag-Pastoral. 22 Agos. 2004.

Print.

———. “Towards Sterwardship of the Temporal Goods of the Church.” Circular Letter 07/04. 28 Okt. 2004. Print.

———. “Watch and Pray.” Pastoral Statement. 16 Dis. 2006. Print.

———. “We Will Pray for You, Pope Benedict XVI”: Homily Delivered at the Pope’s Day Celebration of the Inauguration of Pope Benedict XVI at the Manila Cathedral.

26 Abr. 2005. Print.

———. “Will We Let God Rule.” Pastoral Statement on the First Sunday of Lent. 5 Mar.

2006. Print.

(27)

Bernardo Noceda Sepeda is a Full Professor of Religious Studies in De La Salle University-Dasmariñas (DLSU-D; 1991–present). He obtained his AB in Philosophy from the University of Sto. Tomas (UST) in 1991, his MA in Education, Major in Religious Education in 1994, and his Doctorate in Education, Major in Values Education and Religious Education in 2004, from De La Salle University-Manila. He was the Director of the Campus Ministry Office (AY 2005–2010) and Holder of the Geronimo Berenguer de los Reyes Distinguished Professioral Chair in Cavite and Philippine History in DLSU-D (AY 2008–2009). He is currently the Coordinator for Instructional Materials Development for the University Research Office, DLSU-D. His publications include Jose “Ka Pepe” W. Diokno: Makatao, Makabayan; Our Christian Home; and Authentic Christian Morality. He has been published in the journals Boletin Eclesiastico de Filipinas of UST, Malay of DLSU, and Sinag of DLSU-D.

Mga Sanggunian

NAUUGNAY NA DOKUMENTO

Mula sa pagpapahalaga sa “Filipino time” bilang isang maaaring paraan ng paggigiit sa kapangyarihan, bumabaling ang pag-aaral sa mga tula na tuwirang ibinibigkis ang Pangulong Rodrigo