• Walang Nahanap Na Mga Resulta

TUNGO SA DALUMAT NG BAYAN - Ateneo Journals Online

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Share "TUNGO SA DALUMAT NG BAYAN - Ateneo Journals Online"

Copied!
23
0
0

Buong text

(1)

Abstract

In the attempt toward a preliminary dalumat (deconstruction) of bayan, critical is the bordering of bayan and its associated words. Adapting from its metonymic topography as an archipelago, the particular time of the Philippine bayan is essayed through simultaneous bordering of Filipino as a language and as a name assembling various languages. Metonymic association becomes significant through this in order for an event of a semblance of a semblance of a whole:

a dalumat of bayan.

Keywords

archipelago studies, bayan, dalumat, metonymy About the Author

Christian Benitez is a faculty member of the Kagawaran ng Filipino, Ateneo de Manila University, where he graduated with an AB-MA in Filipino Literature. The locus of his research is time, as ecological and mythological assemblage, tropically articulated through history as metaphor.

TUNGO SA DALUMAT NG BAYAN

Isang Metonimiya

Christian Jil R. Benitez Ateneo de Manila University christian.benitez@obf.ateneo.edu

(2)

I.

Ang pagsisimula ng pambansang awit ay ang pagbigkas ng isang pantig: ba, tungo sa salitang bubuuin matapos ang isang bilang: bayan. Mula sa pantig na ito at kinalaunang pagdating ng kabuuan ng salita, inilalahad ang kilos ng pag-usal: ang pag-awit para sa lupang hinihirang, bilang alinsabay na paglalaan dito at paglikha nito:

Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.

Alab ng puso

Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig

Di ka pasisiil.

Sa pag-awit, tinatangkang maapuhap ang hinihirang: ang tinig ay bilang tungo sa pagkakakilanlan ng pinaglalaanan at nililikha. At sa pagkakakilanlang ito, alinsabay na naaapuhap ang kapwa nasasalat at hindi:

Sa dagat at bundok,

Sa simoy at sa langit mong bughaw.

May dilag ang tula

At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y Tagumpay na nagniningning;

Ang bituin at araw niya, Kailan pa ma’y di magdidilim.

Ang wangis ng wangis na ito ng hinihirang ay sumasapat upang tumungo sa rurok ng paglalahad ng paghirang:

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo;

Aming ligaya, na pag may mang-aapi, Ang mamatay nang dahil sa iyo.

Sa pagwawakas, ang panunumpa ng mamamayan sa nilalaanan at nililikha: “Aming

ligaya, na pag may mang-aapi, ang mamatay nang dahil sa iyo.” Isang pagpapabayâ,

(3)

pagpapaubaya, ng sarili ang awit, alang-alang sa hinihirang. Gayunpaman, hindi pawang pagsuko ang pagpapaubaya: ito ang kilos sa harap ng “mang-aapi,” isang paggigiit nang may “ligaya.”

Ang lahat ng paglalahad na ito mula sa panimulang pantig na ba, na kakatwang maihahambing kung paanong ito rin ang panimulang katinig ng titikang Filipino.

Sa salitang bayan, kritikal ang diin sa unang pantig: ito ang nagsisilbing tulak sa kabuuan ng paglalahad na awit. At sapagkat nasa unahan, hindi na nangangailangan pa ng buwelo bago ang tulak nito; naididiin samakatuwid ang panimulang pantig bilang lakas na tumutulak upang makapangyari ang pag-awit—ang paglalaan at paglikha.

Ang pag-usal nitong pantig ay hindi nagmula sa kawalan. Salin mula sa Kastilang panulat ni Jose Palma, ang bayan ay nakaugat sa tierra: ang panimulang “bayang magiliw” ay “tierra adorada” ni Palma.

1

At sa pagbasa sa kabuuan ng tula ni Palma, ilang ulit ang pagbanggit sa tierra:

Tierra adorada,

hija del sol de Oriente, su fuego ardiente en ti latiendo está.

Tierra de amores, del heroísmo cuna, los invasores

no te hollarán jamás.

En tu azul cielo, en tus auras en tus montes y en tu mar

esplende y late el poema de tu amanda libertad.

Tu pabellón que en las lides la victoria iluminó,

no verá nunca apagados sus estrellas ni su sol.

Tierra de dichas, de sol y de amores en tu regazo dulce es vivir;

es una gloria para tus hijos,

cuando te ofended, por ti morir. (58)

(4)

Sa pag-aalinsabay sa dalawang teksto, napagtutuunan ang pagbabanyuhay ng awit.

2

Ang tierra ay pinapahalagahan sa dalawang pamamaraan: ang lupa at ang

bayan. At sa pagitan ng mga ito, nasasaklaw ng pag-apuhap ng awit ang kapwa

nasasaling (cielo/langit, aura/simoy, monte/bundok, mar/dagat) at hindi (poema/

tula, libertad/paglaya).

Ang dualidad ng tierra ay hindi pagsasadikotomiya kundi pagiging mapagpanabay:

ito ang parehong lupa at bayan. Sa ganitong pagpapahalaga, bagaman may pagkilala sa pagkakaiba, hindi tuluyang pinaghihiwalay ang mga ito kundi ipinapaapuhap ang kanilang tuluyang pagkakaugnay. Sa parehong paraan, ang bayan, bilang banyuhay ng tierra sa bungad ng awit, ay mapagpanabay, parehong tumutukoy sa nasasaling at sa hindi: ang parehong bansa, bilang isang abstraksiyon, at ang mga bahagi nito, bilang mga pook.

II

.

Sa tangkang pagsisimulang pagdalumat sa bayan, kritikal ang pagbaybay sa bayan at mga kakawing nitong salita. Hango sa metonimikong topograpiya nito bilang isang kapuluan, maisasalalay ang partikular na kontekstong bayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng alinsabay na pagbaybay sa Filipino bilang isang wika at bilang pangalang panaklaw sa iba’t ibang wika. Nagiging mahalaga sa ganitong paraan ang metonimikong pagkawing-kawing upang makapangyari ang isang wangis ng wangis ng kabuuan: ang dalumat ng bayan.

Kritikal ang tropo ng metonimiya bilang batayan ng pagdalumat: sapagkat dalumat nga ang inaapuhap, “ang bunga ng gayong paglilirip [nang malalim sa anuman]” at kung gayon isang “pagdurusa” (“dalúmat,”

UP Diksiyonaryong Filipino),

nagsisilbing pamamaraan ang metonimiya upang makapangyari ang pangungusap ng kalaliman sa antas na saklaw ng pag-unawa.

3

Tinatawag ang topograpiya ng Pilipinas sa ganitong paraan bilang hanguan ng dulog ng pagdalumat: nalilirip ang pagiging bayan nito mula sa, sa kabila ng, alinsabay sa topograpiya nito bilang isang kapuluan, na nauunawaan lamang alinsunod sa pulu-pulong kabahagian nito.

Ang metonimiya rin ang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpili sa salita

bilang lunsaran ng pagdalumat: ang salita ang metonimiya ng dalumat, ang pag-

aantas sa saklaw ng pag-unawa ng kalalimang nililirip. Sa pagsasalalay sa salita,

hinahango ang pagdalumat sa imahen ng pulo, kung paanong bahagi lang nito ang

makikita sa ibabaw ng tubig mula sa partikular na pananaw: bilang isang paunang

pag-aaral, nakaangkla ang pagdalumat sa iilang diksyunaryo. Sa kasalukuyang

anyo nito, bagaman tangka ang pagsaklaw sa iba’t ibang wika, hindi rin ganap ang

(5)

pagkakawing sa bayan, pagdating sa dami ng mga salita at sa kasaysayan ng mga paggamit sa mga ito. Bagkus, sa mga nililikhang pagkawing, inaangkla ang pasya sa antas ng ugnayang pantunog at pangkahulugan na sasapat upang makalikha ng palaugnayang kakintalan.

4

Naiiba samakatuwid sa isang ganap na pilolohikong pagbagtas sa buhay ng mga salita, ang layunin ay ang makaapuhap ng isang panimulang dalumat. Ngunit sa kabilang banda, ang mga diskyunaryong hanguan ay mula rin sa iba’t ibang panahon:

hindi rin kung gayon maaaring mapangalanan bilang singkroniko ang dulog. Sa kawalan ng partikular na rubrikang pampanahon, nagiging kritikal ang pagdidiin sa suhetibidad ng pagdalumat bilang batayang nagtataon ng lahat: ang dalumat na ito bilang nakalunan sa partikular na konteksto ng ngayon ng dumadalumat.

Kakawing ng rubrikang pampanahon ang pagiging suheto rin ng mga diksyunaryong sanggunian sa panahon: karamihan sa mga ito ay binuo ng mga dayuhang iskolar. Isang hangganan ito sa paraang nakasulat ang karamihan sa Ingles; gayunpaman, nagsisilbi rin itong pagkakataon para sa pagbabanyuhay:

sa pagsasalin sa mga pakahulugan (at ang pagsasalin na ito ay alinsunod muli sa panahon ng dumadalumat), nagiging pagkakataon ito ng paglikha ng kahulugan.

Kakatwang salik kung gayon ito ng pagdalumat: inaalingawngaw ng pagsangguni sa mga nasabing diksyunaryo kung paanong sa kapuluan ng Pilipinas, nakamuhon ang dalumat ng bayan sa pag-uusap, pangungusap, ng loob at labas.

Pangungusap na pinamamagitnaan, muli, higit sa anupaman, ng suhetibidad ng dumadalumat; kongkretong halimbawa nito ang pasya sa pagpili ng mga sanggunian, pagsasaayos ng mga kahulugan, at pagsasalin sa mga ito. Mula sa kasangkutan ng suhetibidad, ang ako, ng dumadalumat, nararapat maidiin kung gayon ang pagdalumat na ito bilang isa sa di-mabibilang na maaaring pangyayari nito. Na higit sa anupaman, ang pagdalumat na ito ay isa sa lahat ng maaaring pangyayari ng pagsasanay ng pagdalumat ng bayan. Na bagaman maaaring mangyaring baybayin ang mga parehong salita sa mga ibang pagkakataon, hindi ito nangangahulugan ng kaganapan sa pagkakapareho ng mga pagdalumat na ito sa pagdalumat na ito.

Tulad ng pangyayari ng pag-awit, samakatuwid: sa kabila ng pagiging pawang iisang

pangyayari nito sa lahat ng maaaring pangyayari nito, kritikal ang pag-awit na ito

bilang partikularisasyon ng kilos sa salukoy nito.

5

(6)

III

.

bá·yan png 1: Pol bansâ 2: Pol mamamayan 3: pook na sinilangan at tinatahanan; lupang tinubuan: báley, bánwa, bolóloy, puweblo, town 4: Pol yunit ng pangangasiwa sa gawaing pampolitika ng pamahalaan na binubulo ng mga baranggay 5: Bot palumpong (Memecyclon ovatum) na habilog ang dahon, matingkad na asul ang bulaklak, at kulay lila ang bunga 6: [Iba] lantad na pook 7: [Mrw] pahayag 8: [ST] espasyo mula rito hanggang sa langit 9: [ST] panahon, gaya sa “masamâng bayan” masamâng panahon. (UP Diksyunaryong Filipino (UPDF))

Sa mapaglagom na pakahulugan, kritikal ang paghahalinhinan sa mga nosyon ng kabuuan at ng kabahagian: bansa at mamamayan, tinubuang lupa at halamang tumutubo, espasyo at partikular na pook. Ang bayan samakatuwid ay ang sityo ng pagsasalikop ng mga nosyong ito. Sa ganitong paraan, nagiging malabo ang hangganan ng bayan bilang tagapagtakda ng hangganang pampamahalaan

6

:

bayan n. town, municipality. Syn. munisipyo – Bk. banwaan; Kpm. balén; Hlg. banwa (cf.

Kpm. banwa: sky, year); Ilk. ili; Ind. kota (cf. Tg. kutà); Mal. Ar. buldan; Mar. bangonan (cf. Tg. bangunan: to rise up from a place); Png. baley; Sb. lungsod (cf. Pil. lungsód); SL. bungto (cf. Tg. buntó).

bayan n. country, nation. Syn. bansâ, Lupang Tinubuan. (Diksiyunaryo-Tesauro Pilipino- Ingles (DTPI))

Sa pag-aalinsabay ng mga kahulugan, nagiging mahalaga kung gayon ang pagsasakonteksto ng gamit sa bayan.

7

Nagiging mahalagang rubrika ng salita ang panahon bilang pagpapartikularisa sa maaaring kahulugan nito.

Sa pagsasa-isip sa kontekstuwalisasyon, nagiging kakatwa ang sirkularidad na maapuhap: samantalang kritikal ang konteksto sa paggamit sa bayan, ang kontekstong ito rin ang kahulugan ng mismong salita. Mula sa Vocabulario de la

lengua tagala (VLT

) kung saan hango ang huling dalawang pakahulugan ng

UPDF

:

BAYAN. pp. Pueblo, espacio que hay de aqui al cielo. Mag, hacerlo. In, la tierra de que.

Pag-an, lugar donde se funda. Mag, pc. buscar lugar donde se pueda hacer. Tambien Mag, repartir segun los pueblos y no la gente. Maquibag, ayudar á fundarlo. Maqui, vivir en el pueblo fundado.

BAYAN. Tiempo. Masamang Bayan, mal tiempo.

Báyan. pp. Báyan, espasyo mula rito hanggang sa langit. Mag, gumawa nito. In, ang lupa na ginawang ganito. Pag—an, kung saan itatatag. Mag, pc. Maghanap ng pook na

(7)

maaaring gawin. Ganoon din ang Mag, ipamahagi ayon sa mga bayan at hindi ayon sa mga tao. Makipag, tumulong sa pagtatag nito. Maki, tumira sa bayang itinatag.

Báyan. pp. Panahon. Masamang Bayan, masamâng panahon.

Sa pagtatagpo ng panahon sa espasyo, naaapuhap ang pagturol ng bayan sa partikularidad: sa lawig ng kasaanang tinutukoy nito, ang bayan bilang panahon ang tumutukoy sa kakailanang magluluklok sa isang sandali sa kalagitnaan ng

“mula rito hanggang sa langit.”

8

Tulad ng pag-aalinsabay ng bayan sa kabuuan at kabahagian, pinag-aalinsabay rin nito ang espasyo at panahon.

Sa pagsasalikop ng espasyo at panahon, alinsunod kay Bakhtin, lumilikha ito ng paglikha (84). Matuturol sa sandaling ito kung gayon ang isang potensiya—puwersa, tulak:

BAYAN

. Dia. Malalim ang Bayan, dia grande, ó media dia.

Báyan. pp. Araw. Malalim ang Bayan, mahalagang araw, o tanghaling tapat. (VLT) ...

BAYANG. (pp.) Root m. Cabayangnan, time of robustness, peak of youthfulness.

(Vocabulario de pampango en romance y diccionario de romance in pampango)

Tulad ng unang pantig ng awit, ang puwersang ito ang bunsod ng paglalahad: ang pagkilos sa espasyo at panahon:

BAYAN-1. pp. El pueblo. Nagbabayán, pc.: tantear y conocer la tierra ó mar, como los que buscan buenos puertos. Lo mismo es: Naglulupà, pc. (Vocabulario tagalo (VT))

Bayan-1. pp. Bayan. Nagbabayán, pc.: pagtantiya at pagkilala ng lupa o dagat, tulad ng paghahanap ng mabuting daungan. Ito rin ang: Naglulupà, pc. (sariling salin)

Ang pagbabayan ay ang pag-apuhap sa bayan, pagtantiya at pagkilala nito. Ngunit sa sarili nito, ang pagbabayan ay tumutungong muli sa isa pang kilos:

BAYAN. pp. Vivir en el pueblo, B. In M. Pamaan, el pueblo en que vive. Pinapamamayan, dejarle vivir en el pueblo. Hindi ca papamamayanin dito, no te dejarán vivir aqui.

Namamayan, pc. Estrañar la vivienda.

BAYAN. pp. Peregrinar, ó desterrado. Nangg̃ing̃ibang Ba yan, el que anda asi. Pag-an, donde. Sangbayanan, pc. todo el pueblo.

(8)

Báyan. pp. Tumira sa bayan, B, na nagiging M. Pama—an, ang bayan na tinitirhan.

Pinapamamayan, hayaan siyang tumira sa bayan. Hindi ka papamamayanin dito, hindi ka nila hahayaang tumira dito. Namamayán, pc. Manibago sa tirahan.

Báyan. pp. Maglakbay, o ipinatapon sa ibang bayan. Nangingibang Bayan, ang táong ganito. Pag—an, kung saan. Sambayanan, pc. Ang buong bayan. (VLT)

Matapos ng pag-apuhap, kung gayon, ang paglalakbay at ang pagtira. At sa mga kilos na ito, isa muling pagtungo: ang panunumpa, bilang ang aktuwalisasyon ng potensiya, ang pagiging, sa pagsasakatawan ng mismong gumagawa ng kilos.

BAYAN. Morar en pueblo, ser vecino, Maqui. Ser de un pueblo, Cababayan.

Báyan. pp. Manirahan sa bayan, maging mamamayan, Maki. Magmula sa isang bayan, Kababayan. (VLT)

...

bayan n. public, people, citizens. Syn. públikó, madlâ, tanán. (DTPI)

...

báyan KA-: kababáyan townsman, countryman, compatriot (Tag- báyan: town) (Bikol- English Dictionary (BED))

Umuuwi ang mga pakahulugan sa pagsasalikop ng kabuuan at kabahagian: ang

bayan na espasyo at panahon ay ang bayan ding nananahan dito, ang pagkilos at ang

lunsaran nito. Sa ganitong pagsasalikop, nagagawa ang pagpapalabo ng hangganan ng mga pakahulugan; naaapuhap dito kung gayon ang kakayahan ng bayan upang magpapalit-palit ng saklaw sa mga pakahulugan. Samakatuwid, isang metonimiya.

9

IV

.

Ang kabuuan ay ang kabahagian at ang kabahagian ay kabuuan: sa artikulasyong

ito bilang saysay ng bayan, bagaman animo nagiging hindi na mahalaga ang

paghihiwalay sa dalawa sapagkat metonimiko naman din ang kanilang ugnayan,

kritikal ang pagdidiin ng pagpapalit-saklaw ng salita hindi sa pagbubura sa

alinmang pangalan ng buo at bahagi, kundi sa pag-aalinsabay ng dalawa. Tulad

ng naipakita, ang ganitong pag-aalinsabay ang tumuturol sa pagsasalikop, na

(9)

naglalahad ng paglikha. Sa dulas ng bayan, alinsunod sa antas ng ponema ng salita, hindi malayong maapuhap din ito bilang ang paglikha ng tao:

BÁYANG. Formation of a human body; hence, sexual intercourse, i.e., the act of reproducing ahuman body, a man. Mamáyang, “god of reproduction,” “supernatural foetus-maker.”

The Mamáyang is more often called, the Maknóngan (except in the Mayawyaw area); the exact meaning of maknóngan is given under the word-based konóng [q.v.] Nabayabáyang hi Angíwan hi mahdóm “(literally translated) Angiwan is made foetus-maker during the night [cf. mahdóm under hodóm],” i.e., Angiwan dreamed that he had sexual intercourse with a woman not his wife. (Ifugaw-English Dictionary (IED))

Ang pagtatalik ay walang iba kundi isang kumpigurasyon ng pag-aalinsabay, kung saan nagmumula ang paglikha:

baya vi. Mag- To coincide; occur at the same time. Ni bistahan ku pag pole’ nu man Bukidnon, magbaya na silay ka katakka si Nne’ man K.K.. I think when you come home from Bukidnon, it will occur at the same time as Mother’s arrival from Kota Kinabalu.

Syn. sabtan.

vt. act. N—redup, magsi- ran. -an imp. -redup-an, pagsi—un To cause events to coincide with each other. Bong ko mole’ man Bukidnon, baya-bayahan nuni katakka si Nne’ man K.K. When you come home from Bukidnon, have it coincide with Mother’s arrival from K.K. (Mapun-English Dictionary (MED))

Sa pag-alinsunod ng baya/n sa pagkakataon, hindi lang nito tinutukoy ang panahon bilang tiyempo, kundi maging ang espasyo bilang kalagayang tinataunan. At pag- aalinsabay ng pagsasalalay sa mga ito, tulad ng pagsasalikop ng espasyo at panahon sa bayan, hindi na rin ihinihiwalay ang dalawa bilang rubrika ng pagkakataon.

Sapagkat nakasalalay sa pagkakataon, hindi kung gayon matutulos ang baya/n bilang pawang mabuti. Sa naunang pagpapakahulugan sa bayan bilang panahon, ito ay maaaring mabuti o masama. Mula rito, ang pagtukoy rin ng salita sa hindi mabuting pagkakataon.

baya-baya n. An event that interferes with one’s plans to do s.t. else (because it occurs at the same time). Bong ya’ luu baya-baya, mura katabi takka pa Mapun lisag pitu’

sumawung. If nothing happens to interfere perhaps we will arrive in Mapun at 7:00 o’clock tomorrow. (MED)

...

baya-baya n. A bad happening (like an accident); mishap; damage. (It is always used with the negative and often with the wish that nothing may happen.) Bang kew hap

(10)

luma’ sumu karayaw ga’ niya’ baya-bayanu. When you go home tomorrow may there be no mishap. Pa’in a’a mata’u magpayamin, pī ne kew lumengngan, ga’ du niya’ baya- bayanu. The person who knows how to tell the future says, go ahead, there will be no bad happening. cf. antag, tumpalak (Yakan-English Dictionary (YED))

At mula sa

VT:

BAYAN-2. pp. Tratando de tiempo bueno ó malo, dicen: “Masamâ, l. Magalíng ang bayan”: Hacer buen tiempo ó malo. Ang sanglibotang bayan: todos los pueblos. Ang sangtinacpán lañgit: todo lo que cubre el cielo de animales ó hombres, árboles, pueblos, etc.

Bayan-2. pp. Sa pagturing sa panahong mabuti o masama, sinasabing: “Masamâ, l.

Magalíng ang bayan”: Maging mabuti ang panahon o masama. Ang sanglibotang bayan:

lahat ng bayan. Ang sangtinacpán lañgit: lahat ng sumasaklaw sa langit ng mga hayop o tao, puno, bayan, atbp. (sariling salin)

Sa pag-usal upang maging mabuti ang panahon, iginigiit ang kabahagian sa kabuuan: ang mamamayan sa buong bayan. Sa pamamagitan ng paggigiit na ito, pinatutungo muli ang salita sa panibagong pakahulugan:

baya’ 1 n. Desire, wish. Ga’ niya’ baya’ku si badju’ iyan. I have no desire for that blouse.

cf. kina’agen, kahandak (Tuhan)

2 v. S ma- O ka- -an To want or desire it s.t., want or desire to do s.t. Baya’ ku nuhut.

I want to come along. Mabaya’ ku mangan bang-bāng. I want eat cookies. Mabaya’ ku si badju’ miya’an. I want that blouse. Baya’ ku si dende iyan. I want that girl. Kabaya’anku melli bulaknen. I desire to buy his land. Kabaya’anne dende miya’an. He desires that girl.

cf. batang, angut, gustu, dandam, karangat, ibeg, lindu, siddik

3 v. magkabaya’ To like each other (of opposite sex); to be in love (reciprocal).

Magkabaya’ salikun duk sakanun. My sister and your brother are in love. (YED)

...

baya’1. n. Desire, wish, will. Way na baya’ ku mabuhi’. I don’t have the will to live.

v. aux ma-, To desire, wish, will, like or want (something or someone). Mabaya’

siya magkarayahan. He wishesto become rich. (Tausug-English Dictionary: Kabtangan Iban Maana (TED))

...

(11)

baya’ n. desire Di’ ko den paengantoken i baya’ iyan. I cannot figure out her desire.

Miyakowa niyan so baya’ iyan. He got what he wanted. v. m-, -an, i- like; want Da’ a baya’

aken ko masosowa’. I do not like the situation.

pangabaya’ (derv.) v. falling in love kabaya’ (derv.) v. desire

bayabaya’ (derv.) v. desire

babaya’ (derv.) n. liking; joy; enjoyment (A Maranao Dictionary (MD))

Bilang pagnanasa at pag-ibig, ang baya/n ay ang sanhi ng pag-aalinsabay at ang pag-aalinsabay na ito. At mula sa mga ito, ang paglikhang muli mula sa nasabing pag-aalinsabay: isang kapasyahan:

baya’ 3 v. ag mag-. [Often rdp.] To court, desire a mater, be or fall in love. Malugay na sila nagbabaya’. They have been in love for a long time now. Asal sila nagbabaya’ ha iskul. They were already sweethearts in school. Cf. ngāsngās (kās 2)

4 v. magbaya’ To be desired (in the sense of a completed transaction), be purchased, be sold. Di’ san magbaya’ in dagangan mu yan bang di’ hipangā’-kā’. Your wares won’t be purchased if you don’t sell them at the lowest price.

baya’-baya’ n. Decision. Baya’-baya’ mu. It’s your decision.

v. ag mag-. To decide (for oneself). Mag-baya’-baya’ kaw bang unu in hinangun mu. You decide what you will do. (TED)

...

baya’-baya’ n. Decision. (Often not a very polite way of speaking). Baya’-baya’ nu. It’s your decision. (MED)

“Ito ay iyong kapasyahan”: sa pagiging metonimiko ng bayan, ang pagmamay- ari kung gayon ng kapasyahan ay hindi lang sa mamamayan, kundi sa buong sambayanan—ang kabuuan ng bayan, sa pagsasakatawan ng kabahagian nito.

Samakatuwid, ang pagpapasyang ito ay alinsabay na pagpapasya ng lahat.

V.

Ang sa kabahagian ay ang sa kabuuan, at ang sa kabuuan ay ang sa kabahagian:

ito ang implikasyong pagpapahalaga sa anumang kilos sa bayan. Kaugnay nito,

nagiging makahulugan kung gayon ang pagtakda ng mga alituntunin bilang rubrika

ng kilos na saklaw ng kakayanan isang bayan. Samakatuwid, tulad ng partikular

na pakahulugan sa bayan alinsunod sa paggamit nito, nabibigyang-saysay ang

(12)

ugnayang konteksto at tekstong “batas”: nakalunan ang anumang “alituntuning itinakda... o kaugaliang sinusunod” sa pagkakasundo ng kabuuan at kabahagian (

UPDF

, “batás”).

10

Alinsabay, ang batas na rubrika ng kilos ay ang maaari at hindi: habang tinuturol nito ang lawig, ang sakop.

baya’ 2 v. ag mag-, makapag-; ran kapag--an. To have freedom (to do what one wants), to have control or authority (over something). Magbaya’ aku hinangun ku ha bāy namu’.

I have the freedom to do what I want in our house. Nakura’ in makapagbaya’ ha manga tindug. The leader exercises control over his followers. Mayul in makapagbaya’ ha parakala’ yan. The Mayor has the right of decision over that matter. Aku in makapagbaya’

ha baran ku. I’m free to do anything and decide for myself. (TED)

...

baya’ v. S mag- O pag- -an To have control over; to rule. Aku ne magbaya’ si laging papu’kun. I am having control over the coconuts of my grandfather. Pagbaya’anne anaknen. He has control over his children. Si Ramos magbaya’ tu’u si Pilipinas. Ramos rules here in the Philippines. cf. mete, manda

pagbaya’an (derv.) n. The sphere or area of rule. Pagbaya’an Sultanin Basilanin.

Basilan is the sphere of rule of the Sultan. or: The Sultan is ruling over Basilan. Pilipinasin pagbaya’an si Ramos. The Philippines is the area of rule of Ramos. cf. antan(an)

magbaya’in (derv.) n. A ruler; the one in control (over things, people, even nations).

Samanen magbaya’in si luma’ miya’an. The father is ruler in that house. Presidentehin magbaya’in si lahat inin. The president is the ruler in this country. (YED)

...

baya’ v. act. mag- imp. pag—an To be sovereign over; to rule over. Daa ku pagbayaan nu. Don’t rule over me.

Magbaya’ n. A term used sometimes in referring to God because he is sovereign.

Kinatoonan me’ Magbaya’ bong oy njawom atay tabi. God knows what is in our heart.

v. act. mag—redup To try to rule over s.o. when you don’t have any authority to do so. Daa ko magbaya’-baya’ ni luma’ kami sabap sa’ kau mma’ kami. Don’t be ruling over our house because you aren’t our father.

baya’ na naa expr. “No way!” or “I don’t want anything to do with it.” Kau malān motol ku hā? Baya’ na nnaa! You drive my motorcycle, okay? No way! (MED)

(13)

Bilang rubriko ng kilos samakatuwid, pinadudulas ang dalumat sa usapin ng kapangyarihan. Ngunit bilang mga pakahulugan, alinsabay sa bigat ng nosyon ng pagpapataw ng batas ay ang pagbalikwas mula rito: “bayâ na naa,” isang pagtanggi.

Dito, nabubuksan ang isang buong pagpapahalaga sa salita na sumasalungat sa kapangyarihang mapaalinsunod: baya bilang paghahaya.

bá·ya pnr 1: [Waray ST] iniwan; pinabayaan 2: [War] lábis 3: maluwang, mahinahon hal mabáyang loob.

ba·yà png 1: [Bik Tag] pag-iwan o hindi pagpuna; hindi pakikialam Cf ubaya 2: [Bik Tag]

kawalan ng ingat 3: [Tau] íbig.

bá·ya pnr 1: [ST Waray] iniwan; pinabayaan 2: [War] lábis 3: [Kap] bága. (UPDF)

Mga kasingkahulugan:

bay-á

bay-án, baybay-án. To allow, to permit; to let go; to desist from, to discontinue, to cease, to leave off; to let something stay as it is; to forget; to give up (something).

managbaybay-á. Carelessness; negligent, inefficient; lazy; unloving.

agbaybay-á. To neglect.

kinamanagbaybay-á. Carelessness; neglectfulness.

nabaybay-á. Neglected, abandoned, deserted, forsaken.

panangbaybay-á. Negligence, abandonment; the act of giving up (a job, etc.).

bay-ám lattá. Leave him; never mind, let it go; take it easy (when having problems).

rt: 1. anámong (to allow, to permit, to consent, to agree) 2. líway (negligent, careless)

3. lípat (to forget)

4. sardé (Ilokano-English Dictionary)

...

baya v. –an(bay-an), to leave something alone, not disturb it, not cause it trouble. Eg to pinishat nem binaybay-an to’d inon-anan (oney to so. “He did not touch it, but rather he left it just as it was where he had seen it.” (Moss) or: Sajay-baybayan sha ingKato’d medopok. “This (bangkilay platform), they leave it in place until it rots.” also, to leave something over (as food) Binay-an tayo et sid-an ngo ni a-aKi’m, nanag jo. “We had this (meat) left over, and your brothers and sisters and mother will eat it.” also, to leave, spare something, i.e., not devour it all kinan ni biis’sa emin, enshi’y to binaybay-an.

“The cutworms ate all (the plants)’ they didn’t leave a one.” or (as people say who have little hope): Olayto’s Apo Shiyos no bay-an to kito. “It’s up to God whether he will spare us.” (Ibaloy Dictionary (ID))

(14)

Nagiging madulas gayunpaman ang baya mula sa aktibong kilos ng paghahaya tungo sa pawang nosyon ng pang-iiwan.

báya’ MAG-,AN to stop doing s/t; to abandon, disregard, dispense with, forego, leave off, relinquish, renounce; to concede (as defeat); MAGPA-, PAAN to desert, forsake, neglect; to defer; MAKAPA-, MAPAAN to be neglected, abandoned; ANMAPAAN derelect, neglected; PA- neglectful, irresponsible; PAGPAAN renunciation (BED) ...

bayà v. To ignore; to leave alone, let go of, allow. g-. Ke olo gbayà béléu yó ngà matù tuha ngem lembel me sifit. If only that child who challenges the old (people) was left to me, behold he’d have a strong switching. h-. Balù sekteb ke malà tódô hbayà sensudél le. She didn’t say a word, she just ignored them scolding her. –m-, m-. Moem mayà du mung elem él vem ngà déke konul. Why did you allow that child to go along to the river, he might have drowned. –n-. Là kô bnayà le do dou mon le hanae ngà. They didn’t allow me (to have it), because they said I was still a child. s-, sen-, sem-, seg-. Deng na le e segbayà honon lu kem ngà deng na le e glumfak éfél. It was when the children were left alone by themselves that the calamity with the bees occurred. cf. lus 2, tagak, tebel 1. syn.

hlus, lugun. (T’boli-English Dictionary)

...

bāya’ (var pabāya’) v Someone abandons, leaves, neglects someone else, something;

leaves someone else, something alone or behind; stops an activity.

nagbāya’ Nang naga’iskuyla na ‘aku, hay mahuga’ gida kay syumpri duha ka tū’ig

‘aku nga nagbāya’ bāgu gāling nagdiritsu. When I was studying in high school, it was really difficult because I stopped for two years before [I] continued.

magbāya’, magpabāya’ Gāni’ ‘ini kunta’ kita, hay kung hū’u; kag ‘indi’ kīta’

magpabāya’ sa trabāhu. As for us, if we say yes it is yes; we will not neglect our work.

magbāya’, magpabāya’ inf to abandon, leave, neglect someone else, something;

to leave someone else, something alone or behind; to stop an activity Na’una pa gāni’

sinda magbāya’ kay ‘indi’ ninda kāya ‘ang liksyun, kay kahuga’ ‘ang pradyik. They were the first to leave because they could not do the lesson because the project was difficult.

Bukun pa tāma’ sa ‘ūras nga sinda hay magbāya’ sa pagsūsu. It is not yet the right time for them to stop breastfeeding.

v Someone or something is abandoned, left, neglected, left alone or behind by someone’ an activity is stopped by someone.

bināya’an, pinbayā’an, pinabay’an Nang purt yir na bināya’an ku na ‘inang manga

‘alit’atlit kay ‘indi’ ku na kursunāda ‘ina’ nga bāgay. When I was in fourth year, those athletics were left by me because I did not like those things any more. ‘Ang ‘ākun gid

(15)

ginasūngun, pinbayā’an gid ‘aku nang ‘ākun manga ‘unga’. What really offends me is that I was neglected by my children.

ginapabay’an Si Nanay, ginapabay’an na ‘aku; pirmi na lang siya sa ‘atubāngan nang ‘ākun manghud. As for Mother, I am already neglected [by her]; she is always in front of my younger sibling [playing attention to him].

bayā’an, pabay’an Bāsi bayā’an ‘aku niya? Hay mahal na mahal ‘aku niya. Why would I be left behind by her? I am loved very much by her. ‘Ang Ginū’u nga sa langit, hay ‘indi’ kita pabay’an. As for God in heaven, we will not be left alone [by him].

babayā’an Naka’īsip ‘aku nga magbāhuy lang gid ‘aku hay babayā’an ku gid kamu diri sa bayay. I thought that when I became grown up, you would surely be left behind by me here at the house.

pabay’i imper v Someone or something must or should be abandoned, left, neglected or behind by someone! An activity must or should be stopped by someone!

‘Ay! Pabay’i lang, kay nataranta na gid ‘aku ‘ini! Oh! [It] should just be left alone, because I happened to be greatly rattled by this! cf bīlin, buyag, lāyas (Romblomanon Dictionary)

Dito nagiging mahalaga ang pagpapakahulugang mapag-alinsabay ng parehong salita sa dalawang pakahulugan muli:

bayâ [ba·ya?] vt. to abandon; neglect; leave alone See bayaˆan; ginapabayaˆan;

pabayaˆan. cf. biyâ; biyâbiyâ

bayâ [ba·ya?] expr. “you know”; “truly” Barato bayâ to ang hampanganan. (You know, out there toys are cheap.) (Diksyonaryo Hiligaynon-English (DHE))

Samakatuwid, alinsabay sa paghaya ay ang pagpapaalala: “alam mo,” “siyang tunay.”

Na sa kabila ng pagiging mapag-isa, pagpapasa-isa, hindi ito nangyayari nang may ganap na pagkakawalay ng inihiwalay mula sa hiniwalayan: ang kabahagian at ang kabuuan. Ang pang-abay ay panandang pang-espasyo at pampanahon, bilang tagapagdiin na ang sinabi ay minsan nang nabanggit.

ba•yá pnb [Bik]: talagá (UPDF)

...

bayá’ — /ij/: “oh! really!”

/part/: “indicating assurance”

ex: gitabángan ku bayá’ siyá was helped by me surely he

“I certainly helped him” (Cebuano-English Dictionary)

...

(16)

bay [BAY] adv. naturally, of course, as I said earlier Nammita kay ana. Nammita kay ana bay. We already went. We already went as I just said. cf. baman, bann (Ayta Mag-antsi- English Dictionary (AMED))

Ang pagdidiin ng baya sa pagtitiyak hinggil sa minsan nang nabanggit na espasyo at panahon ay isang kumpigurasyon ng pagdidiin sa ugnayang metonimiko ng bayan: ito ay ang pagsasabing ang nabanggit ay nabanggit na sapagkat alinsunod sa ugnayan ng kabuuan at kabahagian, ang mga sinabi ay ibinigay na—mayroon na sa simula’t sapul.

11

Gayunpaman, sa pagpapartikularisa ng konteksto ng pagbanggit, nagiging madulas ang panahon at espasyo: ang ibinigay, sa pamamagitan ng kabahagiang pagbanggit, ay muling tinatawag ang kabuuan sa ngayon—ibinibigay.

12

Binibigyan ang baya ng mga banyuhay bilang mga pantukoy sa pamamaraan ng pangungusap:

bayamban v. brandish

bayamban n. example v. to present; to exhibit

bayambayanan (from bayambayan) n. parable

bayan v. present; express Inibayan iyan so witwit iyan rekaniyan. He presented her gift to her. (MD)

Ang bayan ay ang pagbibigay, paghahayag, at samakatuwid, tulad kung paanong ang kilos ng pag-iisa ay pangungusap ng kakayanang makapag-isa. Gayupaman, muli, isa itong pangungusap: bagaman makapag-iisa, nakakawing pa rin sa isang kinakausap; kung gayon, bagaman makapag-iisa, ito rin ay hindi: nananatili itong bahagi sa isang buo.

VI

.

Ang pagka-ibinibigay ng baya/n ay isang potensiyal:

baya’an n. Seeds (of fruit). Da’a ka’am luwal magayad baya’an nangka’ si bihing luma’.

Don’t always throw the seeds of the jackfruit next to the house. cf. bigi, basul (YED)

Bilang binhi, isinasalikop sa kilos ng paghaya ang mismong nosyon ng kilos: ang

ibinibigay, samakatuwid, bilang lunsaran ng mga pangyayari.

13

Sa ganitong paraan,

ang binhi rin ay bingit:

(17)

baya-baya adv. Well-nigh, almost, nearly. Baya-baya kūp in karatung nila. It was almost dusk when they arrived. Cf. sung, apit, ambaya’ (TED)

Sa sarili nito, walang pagkiling ang baya-baya sa mabuti at masama—tulad ng pagsibol ng baya’an, hindi nalubos na natitiyak ang pangyayari ng masaganang pagtubo. Kung gayon, muli, ang pagdidiin sa baya’ bilang nais at hiling para sa pagkiling ng pagtubong ito sa ikabubuti.

way da baya-baya (idiom) Free from danger, trouble or any unfavorable happening.

Bang way da baya-baya magradwit na hi Utu’ tahun ini. Sonny will graduate this year if nothing unfavorable happens. ov syn bali-bali. (TED)

Sa iba pang artikulasyon:

BAYÀ. pp. Sosiego y reposo en todos sus actos, sin dejar de decir como conviene. Y de aquí: Magpábayà ca na: dejarse la voluntad de otro, que haga de él, lo que quisiere.

(Vide: Bini) (VT)

Bayà. pp. Manahimik at magpahinga sa lahat ng kanyang mga kilos, sa halip na sabihin kung ano ang naaangkop. At dito: Magpábayà ca na: hayaan ang kalooban ng isa, na hayaan ito, kung ano ang nais. (Tingnan: Bini) (sariling salin)

Ito ang parehong bayan:

BAYA. pp. Espacio, sosiego, mabayang loob. Espacioso, manso, mabayang gomaua. Mag, hacer con sosiego. Lo que, Y. Lo hecho despacio, In.

Báya. pp. Espasyo, katahimikan, mabayang loob. Maluwáng, mahinahon, mabayang gomaua.

Mag, gawín nang mahinahon. Kung ano, I. Ang bagay na ginawa nang dahan-dahan, In. (VLT)

Ang hinahong ito ang haraya ng bayan bilang magiliw at hinirang, adorada at

amores:

Sa dagat at bundok,

Sa simoy at sa langit mong bughaw.

May dilag ang tula

At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y Tagumpay na nagniningning;

Ang bituin at araw niya,

Kailan pa ma’y di magdidilim.

(18)

At muli, tulad ng nabanggit na, baya, inuuwi ang paghirang na ito sa panunumpa:

“ang mamatay nang dahil sa iyo.” Mahalagang rubrika ng panunumpang ito ang dalumat ng bayan bilang “kailan pa ma’y di magdidilim”; binibigyang-saysay ang katiyakang ito ng mga sumusunod na pakahulugan:

báya [BA.ya] n. glowing ember Siguradon maiyaw ya bitsih lan ampammita ha mal-at ya báya. For sure the feet of those walking on many embers will be burned.

mabáya glowing embers Mabáya ya apoy, kabay maiiyaw minay asan. The fire has glowing embers, so you can barbecue the meat now.

imbáya v. heat gfood near embers Êt-êtên minay imbáyay maih. Chew on the corn which was heated near the embers. cf. alimohêg, dahang (AMED)

...

BAYANG. pp. El acto de conservar el fuego, echando afrechos para que no se mate.

Bayañgan ang calán. También es: ahumar los cántaros ó jarros con afrechos. Ibinabayang.

Bayang. pp. Ang kilos ng pagpapanatili ng apoy, paggatong ng mga butil upang hindi ito mamatay. Bayañgan ang calán. Ito rin: pausukan ang sisidlan o banga ng mga butil.

Ibinabayang. (sariling salin) (VT)

Upang mapanatili samakatuwid ang bayan mula sa pagdidilim, ang kamatayan nang dahil dito nang may ligaya: ang pagsilab sa sarili upang mapanatili ang ningning.

14

Mula sa talinghaga ng apoy, idinidiin muli, baya: ang bayan ay ang kabuuang kabahagian, ang kabahagiang kabuuan. At upang maipagpatuloy ang pagningas nito, lubos na mahalaga rin ang pagpapatuloy na pagpapaubaya sa kaganapan ng bayan.

Sa pagwawakas ng awit, mahalagang tingnan muli ito sa kabuuan, upang maapuhap ang pagbalik din nito sa simula; sa una at huling taludtod ng salin:

Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.

Alab ng puso

Sa dibdib mo’y buhay.

...

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo;

Aming ligaya, na pag may mang-aapi,

Ang mamatay nang dahil sa iyo.

(19)

Ang mga ito ay baya—pagtitiyak, bilang pag-uulit na ng nabanggit na: ang isa’t isa. Sa nasabing pag-uulit, ang pagbabaliktad: ang buhay, sa huli, ay kamatayan din. Gayunpaman, tulad ng nabanggit na, ang kamatayang ito ay tungo muli sa buhay, ang bayan mula sa pagdidilim. Samakatuwid, sa panunumpa hinggil sa pagpapaubaya sa kamatayan, ang muling pagbalik sa simula; sa bawat panunumpa nagiging maaari ang muling pagsisimula ng pag-awit, at samakatuwid, ang paglalaan at paglikha sa bayan.

Kasinghalaga kung gayon ng unang pantig na ba na naglalahad ng kabuuan ng

awit, ang pagtatapos sa iyo: ang diin ng salita sa huling pantig na yo bilang kilos

ng pagbibigay, pagpapaubaya, para sa bayan.

15

Ang magtapos sa pag-awit nito ay

alinsabay na pagbalik muli sa, sa isang banda, simula.

(20)

Mga Tala

1. Alinsabay sa pagsasalin, binago rin ang ilang salik pangmusika upang mabuo ang awit. Tingnan ang maikling tala ni Ambeth Ocampo, “Singing a different anthem,”

Mabini’s Ghost, Anvil Publishing, 1995, pp. 157-9.

2. Ginagamit ang banyuhay mula sa Nachleben (lit. “bagong buhay”) ni Walter Benjamin. Tingnan sa “The Task of Translator: An Introduction to the Translation of Baudelaire’s Tableaux Parisiens,” Illuminations, salin ni Harry Zohn, pinatnugutan at may pagpapakilala ni Hannah Arendt, at paunang salita ni Leon Wieseltier, Shocken Books, 2007, pp. 69-82.

3. Ayon kay Kenneth Burke: “Ang payak na ‘pamamaraan’ sa metonimiya ay ito: ang paghatid ang isang kalagayang walang laman o hindi masasalat sa pamamagitan ng may laman o nasasalat” (sariling salin). Tingnan sa “Four Master Tropes,” The Kenyon Review, vol. 3, no. 4, 1941, pp. 421-38.

4. Nagmumula ang pagdidiin sa kahalagahan ng tunog sa pagpapahalaga ni Lope K.

Santos sa wikang Tagalog bilang onomotapoeiko; gayunpaman, pinapalawig ito sa pagdalumat sa kabuuan ng wikang Filipino. Tingnan sa “Pecularidades de la poesia tagala,” Poetikang Tagalog: Mga Unang Pagsusuri sa Sining ng Pagtulang Tagalog, pat. Virgilio S. Almario, Sentro ng Wikang Filipino, 1996, pp. 89. Sa kabilang banda, ang pagdidiin naman sa kaantasan ng kaugnayang pangkahulugan ay hango sa pagpapahalaga ni Hayden White sa tropo sa konteksto ng diskurso.

Tingnan sa introduksiyon ng Discourse of Tropics: Essays in Cultural Criticism, The John Hopkings University Press, 1978, pp. 2ff.

5. Hango ang itinutulad sa pagpapaliwanag ni Jacques Derrida sa pag-aalinsabay ng “pangyayari” at “makina.” Tingnan sa “Typewriter Ribbon: Limited Ink (2),”

Without Alibi, pat., salin, at introduksiyon ni Peggy Kamuf, Stanford University Press, 2002.

6. Ayon kay Jacques Derrida, ito ang batas ng batas ng hangganang pang-uri. Tingnan sa “Law of Genre,” Acts of Literature, pat. Derek Attridge, Routledge, 1992, pp.

221-52.

7. Tulad kung paano nagiging partikular ang uri ng panitikan na maaapuhap sa pamamagitan ng konteksto ng gamit nito, kay Barbara Herrnstein Smith, “On the Margins of Discourse,” sa On the Margins of Discourse: The Relation of Literature to Language, The University of Chicago Press, 1978, pp. 41-75.

8. Bagaman hindi na ganap na madadalumat sa kasalukuyan, mahalagang maitalang pinapahalagahan ang panahon sa kontekstong ito bilang alinsabay na panandalian (i.e., bilang kalagayan ng atmospera), pangmatagalan (i.e., bilang epoka), at ang mismong dalumat na ito (i.e., bilang abstraktong pantukoy). Sa pag-aalinsabay sa mga pakahulugang ito, sinisikap ang paglirip sa dalumat ng panahon sa lalim nito.

Samakatuwid, ang hindi binabanggit sa pag-aalinsabay na pagpapahalaga ay ang metonimikong istratehiya ng pag-unawa—ang pagsasabaha-bahagi ng dalumat na ito.

(21)

9. Bagaman ang pagpapalit-saklaw ay ang salin ng tayutay na synecdoche, ginagamit ito bilang salin ng metonymy alinsunod sa pagpapahalaga ni Kenneth Burke sa una bilang partikular na uri ng huli. Tingnan sa kanyang “Four Master Tropes.”

10. Tingnan din kay Derrida, “Before the Law,” Acts of Literature, pp. 181-220.

11. Para kay Martin Heidegger, ang es gibt, sa “Time and Being,” On Time and Being, salin ni Joan Stambaugh, Harper and Row, 1972; para naman kay Roque Ferriols, ang meron, sa Pambungad sa Metapisika, Bluebooks, 2014.

12. Isang recit, para kay Derrida, sa “Law of Genre,” pp. 228ff.

13. Ayon kay Derrida, ang anumang handog ay handog hanggang ito ay naglalaan ng panahon—ang pagkakataon. Tingnan sa Given Time: I. Counterfeit Money, salin ni Peggy Kamuf, University of Chicago Press, 1992, pp. 41.

14. Tingnan ang pagdalumat ni Reynaldo C. Ileto sa kaibahan ng ningning mula sa liwanag, sa Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840- 1910, Ateneo de Manila University Press, 1979, pp. 75ff. Nagiging kakatwang kaisipan at mahalagang katanungan ngayon ang ukol sa paggamit ng ningning sa pambansang awit sa halip na liwanag alinsunod sa tradisyong pangretorika ng mga kilusang pambayan.

15. Ito, para kay Patrick Flores, ang kilos na/ng palabas. Tingnan sa “Palabas,” Ctrl+P Journal of Contemporary Art, no. 11, 2008, pp. 8-9.

(22)

Talasanggunian

Bakhtin, Mikhail. The Dialogic Imagination: Four Essays, pat. Michael Holquist, salin nina Michael Holquist at Caryl Emerson, U of Texas P, 1981.

“Batás,” “Báya,” “Bayà,” “Bayá,” at “Báyan.” Unibersidad ng Pilipinas Diksyunaryong Filipino.

Ika-2 ed., 2010.

“Bay,” at “Báya.” Ayta Mag-antsi-English Dictionary. 2005.

“Báya’,” at “Bayan.” Bikol-English Dictionary. 1985.

“Bayá’.” Cebuano-English Dictionary. 1990.

“Bayâ.” Diksyonaryo Hiligaynon-English. 2006

“Baya.” Ibaloy Dictionary. 2011.

“Bay-á.” Ilokano-English Dictionary. 1993.

“Baya,” “Baya’,” at “Baya-Baya.” Mapun-English Dictionary. 2001.

“Baya’,” “Bayamban,” “Bayambayanan,” at “Bayan.” A Maranao Dictionary. 1996.

“Bāya’.” Romblomanon Dictionary. 2006.

“Baya,” “Baya’,” at “Baya’-Baya’.” Tausug-English Dictionary, 1994.

“Bayà.” T’boli-English Dictionary. 2004.

“Bayà,” “Bayan,” at “Bayang.” Vocabulario tagalo. 2000.

“Baya’,” “Baya’an,” at “Baya-baya.” Yakan-English Dictionary. 2002.

“Bayan.” Vocabulario tagalo. 2000.

“Bayan.” Diksiyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles. 1972.

“Báya,” at “Bayan.” Vocabulario de la lengua tagala. 2013.

“Báyang.” Ifugaw-English Dictionary. 1978.

“Bayang.” Vocabulario de pampango en romance y diccionario de romance in pampango.

2007.

Benjamin, Walter. Illuminations, salin ni Harry Zohn, pat. at pagpapakilala ni Hannah Arendt, at paunang salita ni Leon Wieseltier, Shocken Books, 2007.

Burke, Kenneth. “Four Master Tropes.” The Kenyon Review, vol. 3, no. 4, 1941, pp. 421-38.

Derrida, Jacques. Acts of Literature, pat. Derek Attridge, Routledge, 1992.

---. Given Time: I. Counterfeit Money, salin ni Peggy Kamuf, U of Chicago P, 1992.

---. Without Alibi, pat., salin, at introduksiyon ni Peggy Kamuf, Stanford UP, 2002.

Ferriols, Roque. Pambungad sa Metapisika, Bluebooks, 2014.

Flores, Patrick. “Palabas.” Ctrl+P Journal of Contemporary Art, no. 11, 2008, pp. 8-9, https://barnard.edu/sites/default/files/inline/ctrlp_issue11.pdf. Binisita 18 Disyembre 2016.

Heidegger, Martin. On Time and Being, salin ni Joan Stambaugh, Harper and Row, 1972.

Ileto, Reynaldo C. Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910, Ateneo de Manila UP, 1979.

Ocampo, Ambeth. Mabini’s Ghost, Anvil, 1995.

(23)

Palma, Jose. Melancólicas: Collecciôn de poesías, may pambungad ni C.A., Librería Manila Filatélica, 1912.

Santos, Lope K. “Pecularidades de la poesia tagala.” Poetikang Tagalog: Mga Unang Pagsusuri sa Sining ng Pagtulang Tagalog, pat. Virgilio S. Almario, Sentro ng Wikang Filipino, 1996, pp. 59-159.

Smith, Barbara Herrnstein. On the Margins of Discourse: The Relation of Literature to Language, The U of Chicago P, 1978.

White, Hayden. Discourse of Tropics: Essays in Cultural Criticism, John Hopkins UP, 1978.

Mga Sanggunian

NAUUGNAY NA DOKUMENTO

Verbally, ICU nurse said:” Smiled Dito ma’am, depende po sa case, pag halimbawa ang mga VIP palit agad, walang problema sa kanila basta kumbaga ayaw nilang masira yung aseptic